You are on page 1of 2

Sa ating kagalang-galang na Brgy.

Captain Sammy Facun at mga kapwa ko


kagawad, sa minamahal nating guro na si Madam Loreta Labasan, sa lahat ng mga
magulang na dumalo,sa mga cute at bibong bata na naririto, muli, isang
mapagpalang umaga sa inyong lahat!

On behalf of the Brgy. Officials of Nancamarinan, masaya ako at isang


malaking pribilehiyo para sa akin na magbigay ng isang maiksing mensahe at
magpasalamat sa inyong lahat na nag-effort, nag-sponsor, dumalo, at nakisaya sa
ating Nutrition Month ngayong taon. Tunay nga na hindi magiging successful ang
event na ito kung wala ang inyong tulong. As you all can see, lahat ng mga
sakripisyo natin ngayong araw ay hindi naman nasayang.

Gusto ko ring magpasalamat sa ating Panginoon sa pangunguna niya sa ating


lahat dahil kanina pa lamang ay alam kong narito ang kanyang presensiya.

In summary, alam nating lahat na hindi madali ang maging healthy pero kung
kakain tayo ng wastong pagkain at mag-eehersisyo, magiging better at malayo sa
sakit ang ating katawan.Ang simpleng aksyon na ito ay tiyak kong may malaking
maidudulot sa ating lahat. Magkakaroon pa tayo long at satisfied life. Kaya naman,
hinihikayat ko ang lahat lalo na ang mga bata na umpisahan ang ganitong lifestyle
hindi lang sa buwan na ito but the rest of our lives sa loob at labas ng paaralang ito.
Sana ay mainspire kayo sa aking mensahe. Congratulations sa ating lahat.

Muli, isang mapagpala at malusog na umaga!

Nutrition Month 2019


- Ma. Elizabeth Salinas

You might also like