You are on page 1of 6

Sa atin pong butihing punung

guro, G. Robert Salazar, sa mga


kinatawan ng edukasyon ng barangay
Sucol, G. Dionicio Vivas, ng barangay
Masili G. Solidario Apacionado, ng
barangay Bagong Kalsada, G. John Joel
Vivas, sa ating PTA Officers sa
pamumuno ng ating pangulo, Gng.
Maribeth Zamudio, sa mga masisipag
na guro, at sa ating mga magulang,
magandang hapon po.
Isa po itong magandang
pagkakataon upang lubos na
pasalamatan ang lahat ng mga taong
naging bahagi ng makabukuhang pag
– aaral ng ating mga mag – aaral
ngayong taong aralan. Bagaman,
napakalaking pagsubok ang hinarap
ng bawat isa sa atin dahil sa
pandemyang ating nararanasan
hanggang ngayon, hindi ito naging
hadlang upang tumigil ang mundo ng
isang mag – aaral. Sa pinagsamang
kolaborasyon at pagtutulungan ng
bawat isa sa atin, matagumpay nating
nalampasan ang pagsubok na ito,
patunay dito ang pagsasama sama
nating muli upang mapag – usapan
ang estado ng pag – aaral ng mga mag
– aaral ngayong ikatlong markahan.
Dahil dito, nais ko pong
pasalamatan ang lahat ng naging
bahagi ng tagumpay ng pagpupulong
na ito, sa atin pong punung guro, G.
Robert Salazar, sa mga guro ng Tiyani
ES, sa mga katuwang natin sa
pamunuan ng 3 barangay, sa mga
magulang at mag – aaral, maraming
salamat po. Lubos din po ang ating
pasasalamat sa technical working
group na nanguna at nagsumikap sa
pagsasaayos ng pagpupulong na ito,
ang grade 3 teachers at higit sa lahat
ang ating Poong Maykapal, sa
pagbibigay sa ating lahat ng kalakasan
at kaisipan upang matagumpay nating
maisakatuparan ang ating mga
tungkulin.

Marami pong Salamat sa lahat.


Muli, magandang hapon at ingat po
ang lahat.

You might also like