You are on page 1of 1

Mensahe

Isang mainit na pagbati ang aking ipinaaabot sa mga mag-aaral na magsisipagtapos sa taon na
ito, gayundin ang aking hatid sa pamunuan ng paaralan, mga guro, tagapag-alaga at mahal na magulang
na gumabay upang marating ng mga mag-aaral ang isa sa pinaka makabuluhang okasyon ng kanilang
buhay estudyante.

Ang pagtatapos ay sumisimbulo ng ilang taon ninyong pagsusumikap at tagumpay sa mga


hamon bilang estudyante na binubuo ng mga takdang aralin, proyekto at eksaminasyon na kailangan
malampasan upang makamit ang magandang marka at makatuntong sa mas mataas na baitang.

Sa inyo na papasok bilang Junior High, napakapalad ninyo na mabigyan ng oportunidad na


maipagpatuloy ang inyong nasimulan, kunin ninyo ang pagkakataon ng inyong kabataan at sigla upang
palawigin ang kaalaman di lamang sa bawat paksa ng asignatura kundi pati na din sa aral ng buhay.

Pasalamatan ninyo ang mga taong umagapay na hubugin kayo di lamang bilang masisipag na
mag-aaral kundi bilang isang mabuting mamamayang Pilipino.

Muli ang aking pagbati sa inyong tagumpay at ipagdiwang natin ang bunga ng inyong pagsisikap!

Mabuhay ang mga batang mag-aaral ng Valenzuela!

Republic of the Philippines


HOUSE OF REPRESENTATIVES
South Wing 209
Batasan Hills, Quezon City

You might also like