You are on page 1of 2

Cagayan National High School

Tuguegarao City, Cagayan

August 3, 2016

Sa aming Minamahal, Gng. Esmeralda B. Ugaddan,

Sa mahigit kumulang dalawang taon na paninilbihan bilang


itinalagang Punong Guro ng Cagayan National High School, nasaksihan namin
ang walang humpay mong pagbabahagi ng iyong oras, serbisyo, at pagmamahal
bilang Ina ng ating paaralan. Lubos ang aming pasasalamat at pagpupugay
sa walang sawang pag-gabay at pagpatnubay sa amin, upang mapabuti ang
anumang adhikain na isinasagawa ng ating paaralan.

Inihahalintulad ka namin sa isang punong NARRA na sumisimbolo ng


tibay at katatagan. Anumang unos o bagyo na dumating, hindi ka natitinag
laging kalmado at handang harapin ang mga pagsubok. Maraming salamat at
naging kabahagi ka namin, at higit sa lahat naging parte ka na ng buhay ng
bawat isa, lalo na sa aming mga mag-aaral. Mabuhay ka Maam.

Sa aming minamahal na Punong Departamento ng Filipino, Gng. Luzviminda T.


Pasion
Ang halamang ito ay sumisimbolo sa amin ng inyong paghikayat
upang maging malago at masagana sa pagbabahagi ng kaalaman sa aming mga
mag-aaral. Nawa’y magampanan namin ang aming tungkulin sa tulong ng
inyong mapagpalang kamay.

Sa aming mga Guro,


Na nagbibigay lakas at suporta sa mga adhikain alinsunod
sakanilang sinumpaang tungkulin, Sana po patuloy kayong maghawak kamay sa
ikatatagumpay naming mga mag-aaral at ng buong bansa.

Sa kapwa kong mag-aaral,


Na nagsisilbing inspirasyon sa ating mga guro’t magulang,
patuloy nating ipakita na tayo’y nagsusumikap na makapag tapos upang mapawi
ang mga pagod nila para sa atin. Nawa’y ipadama at ipakita natin ang
pagpapahalaga at interes sa pagkatuto, dahil ang lahat ng ito ay para sa iyo, para
sa akin, at para sa buong Pilipino.

Maraming Salamat at Mabuhay tayong lahat!

Lubos na nagmamahal,

Christian Joshua D. Catulin, ang


Banyuhay Club at ang buong mag-
aaral ng Cagayan National High
School.

You might also like