You are on page 1of 1

Arlene Calata

10-Br. Flavius

REPKELSYON #2
“Suporta”

Sa talumpatian na naganap noong nakaraan linggo, binahagi namin ang nais


naming sabihin sa pagtatapos ng taon naming bilang mag aaral sa sekondarya.
Pinasamatan namin ang aming pamilya, na naging dahilan kung bakit kami naririto at
patuloy na natututo. Pinasalamatan rin namin ang aming mga guro na mahaba ang
pasensya saamin dahil gusto nila kaming matuto nang maabot ang aming mga
pangarap. Pinasalamatan rin namin ang aming mga kaklase at mga kaibigan na silang
dahilan kung bakit nagiging masaya ang araw araw namin sa eskwelahan, pamilya na
kung mag turingan. Binanggit din ng ibang kaklase ang mga alaala naming noong
nakaraan siyam na buwan na hinding hindi namin malilimutan dahil ito ang nagdulot
saamin ng matibay na samahan.

Noong umiyak ang pinuno ng klase namin, makikita mo talagang napamahal na


siya sa mga rito. Para saakin, ang pinakamagandang bagay na nangyari sa pag pasok
ko sa paaralang ito ay ang makilala ko ang mga taong tapat at mabuti saakin. Mahalaga
na magpasalamat tayo sa mga taong naging parte ng buhay natin, dahil sila ang isa sa
mga dahilan kung bakit natin nakaya ang pagsubok at mas naging matatag pa tayo.
Napagtanto ko na dito na nahubog ang karakter ko dahil nandito na ako kula noong
walong taon pa lamang ako hanggang ngayon na labing anim na taong gulang na ako.
Naniniwala ako na walang taong kaya mamuhay mag isa, kakailanganin parin ng bawat
isa sa ating ng mga taong mag gagabay satin at susuporta sa kahit anong laban na ating
tatahakin.

You might also like