You are on page 1of 2

Mga minamahal na magulang, mga kagalang-galang na panauhin, mga guro at

mga kapwa ko mag-aaral, magandang araw po sa ating lahat. Dumating na ang araw na

ito ay sa wakas tapos na tayo sa ating paglalakbay bilang isang mag-aaral sa

paaralang ito. Alam nating lahat na hindi madali ang mga nakaraang dalawang taon ng

ating pag-aaral, dahil sa pandemyang kinakaharap ng ating mundo sa ngayon. Ang ilan

sa atin ay piniling sumuko, huminto at ang ilan nama’y pinili na ipagpatuloy ang

paglalakbay na ito at ako mismo ay binabati ang bawat isa na piniling huwag sumuko,

magpatuloy, at magsumikap pa ng husto. Ito ay mahirap at nakakapagod. Oo, ngunit

ang mga pagsusumikap na iyon ay nagsisimulang makamit. Malapit na nating maabot

ang ating mga layunin, pangarap, na noon pa man ay atin nang pinagsusumikapan.

Marami na tayong nakilalang mga estranghero na naging kaibigan at naging pamilya,

ang iba pa nga’y naging kaaway na ating ginawang sabdigan sa pagpapatuloy natin sa

ating paglalakbay. Tayo ma’y nadadapa kung minsan, tayo rin ay bumabangon paglaon,

hindi ito naging hadlang sa atin sapagkat isa itong pagsubok na binigay para subukin

tayo sa malalim na dahilan. Ngunit dahil doon ay nakatayo pa rin tayo ng tuwid,

naglalakad patungo sa ating mga layunin. Mga kapwa mag-aaral hayaan nating bigyan

ang ating sarili ng tapik, palakpak, sigaw at sabihing "Mahusay ka. Nakarating ka sa

puntong ito!"
Sa aming pinakamamahal na mga guro, salamat. Hindi sasapat ang salitang

salamat para ibalik ang mga binigay ninyo sa amin noong tayo ay nasa pinakamahirap

na panahon. Itinuro ninyo sa amin kung paano maging mahusay, kung paano lampasan

ang mga hamon at itinuro kung paano maging matiyaga lalo na sa aming mga gawain sa

paaralan. Kayo ang naging pangalawang magulang namin habang kami ay nasa hamak

na paaralang ito. Naging inspirasyon kayo sa amin, pinasaya, pinagpasensyahan,

tinulungan at inintindi ninyo kami. Naaaliw ka at lalong nagbibigay ng mga ngiti kahit

na pagod ka na. Muli po, sa aming mga guro Salamat po.

At panghuli para sa aming mga magulang, salamat! Salamat sa pagsuporta, isa

kayo sa mga dahilan kung bakit kami nagumpisa, nagpatuloy at pinipilit na tapusin ito.

Kayo ang aming lakas, at aming sandalan sa mga panahong hindi ko na kaya nandyan

kayo nakaalalay. Salamat po, dahil hindi ninyo ako pinabayaan, masasabi kong

mapalad ako sapagkat hindi ako nakaranas ng tulad ng dinaranas ng mga

estudyanteng kinakailangan pang magtrabaho, hatiin ang oras para lang makapag-

aral. Sa mga kapwa ko mag-aaral muli binabati ko ang bawat isa sapagkat ito na ang

pagtatapos at simula ng ating magandang kinabukasan. Sa lahat ng tumulong,

umunawa, sumuporta, at nangaral tatanawin ko kayo sa aking paglipad, papatungo sa

aking pangarap. Salamat po, muli mapagpalang araw po sa ating lahat.

You might also like