You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

House of Representatives
Batasan Complex, Quezon City

Atty. MAGTANGGOL “Magi” T. GUNIGUNDO


I Congressman – 2nd District, Valenzuela City
Deputy Majority Leader, 16th Congress

MENSAHE
Maligayang bati sa lahat ng mga magsisipagtapos na mag-aaral ng BITIK
ELEMENTARY SCHOOL Batch 2016!

Pagsisikap, determinasyon at oras ang ginugol ninyo, ng inyong mga magulang


at mga guro para makamit ang edukasyon na nararapat upang makalipat kayo sa
mataas na paaralan.

Sinabi ni Albert Einstein na ang “Education is not the learning of facts, but the
training of the mind to think.” Kapag sinalin sa Filipino, “Ang edukasyon ay hindi
pag-alam at pagsaulo nang mga bagay, ito ay ang kasanayan ng utak na mag-isip.”

Sa anim na taon ninyong inilagi sa mababang paaralan na ito, tinuruan kayo ng


inyong mga guro kung papaano mag-isip. Bagamat kasiya-siya ninyong natapos ang
kurikulum pang-elementarya, kailangan pa ninyo ng dagdag na pagsasanay sa pag-
iisip upang maging handa kayong humarap sa mundo ng paggawa na naghihintay sa
inyo pagkaraan ng pormal na edukasyon.

Kanya nga ang aking bilin ay huwag kalilimutan: Huwag kayong susuko.
Ituloy ninyo ang inyong pag-aaral. At manatiling masunurin sa inyong mga
magulang.

Dalangin ko na ang mga natutuhan ng lahat ng mga nagsipagtapos, kabilang na


ang tamang asal, kahalagahan ng pamilya, matuwid na pakikipag-kapwa tao at
pagkakaroon ng takot at tamang ugnayan sa Panginoong Dios ay manatili at
maisabuhay ninyo sa inyong katauhan at maibahagi niyo sa inyong mga mahal sa
buhay.

Isang Maginhawang Buhay sa ating lahat!

ATTY. MAGTANGGOL T. GUNIGUNDO I

_________________________________________________________________________________________
BATASAN OFFICE: DISTRICT OFFICE:
Room 212 North Wing No. 71-H Keppelson Bldg.
Batasan Complex McArthur Hi-Way, Marulas
Diliman, Quezon City Valenzuela City
Tel. No.: 931-5001 to 09 loc. 7391 Tel.No.:291-5107/2911458
Direct Line: 931-5744 Fax: 292-0126

You might also like