You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII- CARAGA
Schools Division of Butuan City
_____________________________________________________________________________
WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS
EsP -7 QUARTER 2 – Week 2

Isip at Kilos-Loob: Ang Nagpapabukod-Tangi sa Tao

PANGALAN : ____________________________________________BAITANG:_____________

Kasanayang Pampagkatuto at koda :


Sa aralin na ito ay inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

a. Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya


ang kanyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan.
(EsP7PS-IIb-5.3)
b. Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasiya tungo sa katotohanan at
kabutihan gamit ang isip at kilos-loob. (EsP7PS-IIb-5.4)

Time Allotment - Day 1-2 ( 2 oras bawat linggo)

Susing Konsepto
• Ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino, ang tao ay tinaguriang hari ng
kanyang mga kilos sa pamamagitan ng kanyang isip at kalooban. Kapag ang
kilos niya ay nag-uugat sa kanyang isip at kalooban, tinatawag itong malayang
kilos at natatangi sa kanya bilang tao. Kung kaya ang tao ay inaasahang
makaiintindi sa mga pagbabagong nagaganap sa mundo. Kaya ng tao na mag-

Prepared: NANCY F. SALINAS Reviewers:


School: PIGDAULAN NATIONAL HIGH SCHOOL Leirha Ruth S. Tabelon - PDDNHS
Division: BUTUAN CITY Ramonito Obiedo - BCSAT
e-mail add: nancy.salinas@deped.gov.ph Lilibeth Y. Bunghanoy- ANHS
Hazel T. Badayos – ANHS
Quality Assured: November 26, 2020
imbento, gumawa ng gamot, o lumutas ng mga problema, na hindi kayang gawin
ng hayop at halaman. Kaya ang tao ang nakahihigit sa tatlong nilikhang may
buhay.
• Ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto(rational appetency) sapagkat
ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Ang tunguhin ng kilos-loob ay
kabutihan at hindi ito kailanman magugustuhan ang mismong masama.
Nagaganap lamang ang pagpili ng masama kung ito ay nababalot ng kabutihan
at nagmumukhang mabuti at kaakit-akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinigay
na impormasyon ng isip. Naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi
nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan.
• Ang bawat tao rin ay may kanya-kanyang pag- iintindi sa mga bagay- bagay.
Kung kaya’t tayo ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang
isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang
tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Inaasahang
magkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at kilos-loob. Habang
marami siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng
pag-aaral o pagsasaliksik, inaasahan ding naipamamalas sa kanyang
pagkatao ang mapanagutang paggamit ng mga ito. Sa gayon, higit siyang
magiging mabuting nilalang na may mabuting kilos-loob. Ang katalinuhan ay
hindi nasusukat sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan, kundi kung
paano ginagamit ang kaalaman upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng
kanyang pagkatao, paglingkod sa kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa
pamayanan.

• Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon sa


kanyang kalikasan - ang magpakatao. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap
ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng
kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao. Subalit hindi ibig sabihin na
hindi na bukod-tangi ang tao kung meron siyang pagkakamali. Bagama’t may
pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang tama kahit pa alam niya ito, may
kakayahan pa rin siyang mag-isip ng paraan upang baguhin at paunlarin ito.

Pagsasanay/Pagtataya:

Gawain 1. Katangi-tangi Ka!

Panuto: Piliin kung anong sangkap ng tao (isip, puso, katawan) ang
ipinahihiwatig ng bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

Prepared: NANCY F. SALINAS Reviewers:


School: PIGDAULAN NATIONAL HIGH SCHOOL Leirha Ruth S. Tabelon - PDDNHS
Division: BUTUAN CITY Ramonito Obiedo - BCSAT
e-mail add: nancy.salinas@deped.gov.ph Lilibeth Y. Bunghanoy- ANHS
Hazel T. Badayos – ANHS
Quality Assured: November 26, 2020
_________ 1. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.
_________ 2. Dito nagtatagpo ang lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao.
_________ 3. Ito ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang
bagay.
_________ 4. Sa pamamagitan nito, naipapakita ng tao ang nagaganap sa kanyang
kalooban.
_________ 5. Ito ay bahagi ng ating katawan na bumabalot sa damdamin ng isang tao.

Gawain 2. A. Isip-isip!

Panuto: Isulat ang tsek (/) kung ang pahayag ay tama, at (x) kung ito ay mali. Isulat
ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

______1. Kaya ng halaman ang kumuha ng sapat na sustansiya upang makaya


niyang suportahan ang sarili.
______2. Tayo ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos, ibig sabihin tayo ay perpekto
katulad niya.
______ 3. Ang tunay na sukatan ng talino ay ang dami ng nalalaman at antas ng
pinag-aralan.
______ 4. Nahahanap ng tao ang katotohanan sa pamamagitan ng kilos-loob.
______ 5. Nagkamali ng desisyon si Claire, kaya siya ay hindi na maituturing na
bukod- tangi sa iba pang nilikha.

Gawain 2. B. Pagsanayin, Desisyon mo!

Panuto: Basahin at unawain ang bawat seleksiyon. Titik lamang ng tamang sagot ang
isulat sa iyong sagutang papel.

6. Pinapayagan ka ng iyong ina na dalawin ang iyong kaibigan na si Paulo sa


kanilang bahay. Ngunit pagdating mo doon, niyaya ka niyang pumunta sa
bahay nila Michael . Ano ang iyong magiging desisyon?
A. Tatawagan mo ang iyong ina at magpaalam na pupunta kayo sa bahay nila
Michael.
B. Sasama ka ngunit hindi mo na sasabihin sa iyong ina.
C. Mananatili sa bahay nila Paulo kahit wala kang kasama.
D. Aawayin si Michael para hindi na magyaya.

Prepared: NANCY F. SALINAS Reviewers:


School: PIGDAULAN NATIONAL HIGH SCHOOL Leirha Ruth S. Tabelon - PDDNHS
Division: BUTUAN CITY Ramonito Obiedo - BCSAT
e-mail add: nancy.salinas@deped.gov.ph Lilibeth Y. Bunghanoy- ANHS
Hazel T. Badayos – ANHS
Quality Assured: November 26, 2020
7. Mahaba ang pila sa kantina at nakita ka ni Joseph na malapit na sa unahan.
Tinanong ka niya kung pwede ba siyang pumuwesto sa iyong likuran kahit may iba
pang nakapila upang mapadali ang pagkuha niya ng pagkain. Ano ang iyong
sasabihin?
A. “Naku Joseph, nakapila din kasi sila, hindi naman patas kung pa sisingitin kita”
B. “Ako nalang ang bibili ng pagkain natin, may utang na loob kana sa akin ha!”
C. “Sige, pero ilibre mo ako ha?”
D. Balewalain nalang si Joseph.

8. May kinakain kang biskwit, nang maubos ito, wala kang makitang basurahan
kaya’t sabi ng kaibigan mo itapon nalang ito sa iyong dinadaanan. Ano ang iyong
gagawin?
A. Magkunwaring hindi mo namalayan na nalaglag mo ang basura sa daan.
B. Sundin ang sinasabi ng iyong kaibigan.
C. Itago mo sa bag at itapon kapag makakita na ng basurahan.
D. Punitin sa maliit na bahagi at dahan-dahang ilaglag sa daan.

9. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang tao ay tinaguriang hari ng kanyang mga
kilos sa pamamagitan ng:
A. gabay ng Diyos.
B. paglutas ng mga problema.
C. kanyang isip at kilos-loob.
D. pagamit ng kanyang isip upang intindihin ang nagbabagong mundo.

10. Nagiging malaya ang isang kilos kapag ito ay nag-uugat sa:
A. kanyang isip at kaluluwa
B. kanyang isip at kalooban
C. kanyang isip lamang ngunit hindi sa kalooban
D. kanyang kalooban lamang ngunit hindi sa isip

Gawain 3. Isip at Kilos-loob, sanayin at linangin!

Panuto: Basahin at unawain ang bawat seleksiyon. Sagutin at piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Dahil sa pag-uwi mo ng gabi at hindi pagpapaalam sa iyong mga magulang, sinita


ka nila at hiningan ng paliwanag. Takot kang sabihin ang totoo dahil baka lalo
kang pagalitan. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Magkunwari kang masakit ang iyong ulo at gusto mo ng matulog.

Prepared: NANCY F. SALINAS Reviewers:


School: PIGDAULAN NATIONAL HIGH SCHOOL Leirha Ruth S. Tabelon - PDDNHS
Division: BUTUAN CITY Ramonito Obiedo - BCSAT
e-mail add: nancy.salinas@deped.gov.ph Lilibeth Y. Bunghanoy- ANHS
Hazel T. Badayos – ANHS
Quality Assured: November 26, 2020
B. Huwag nalang pansinin ang magulang, mawawala rin ang galit nila.
C. Sabihin ang totoo sa magulang at humingi ng paumanhin.
D. Umiyak sa harap ng magulang at magpaawa upang hindi mapagalitan.

2. Kung nagkamali ang tao sa paggamit ng kanyang isip, natatangi pa rin ba siya?
A. Hindi, dahil ginawa siyang “kawangis ng Diyos” at inaasahan na hindi siya
magkakamali.
B. Oo, sapagkat may kakayahan pa rin siyang mag-isip ng paraan upang baguhin
at paunlarin ang kanyang isip.
C. Oo, sapagkat gusto mo lang makaranas ng pagkakamali.
D. Hindi, dahil ang tao ay inaasahang mas matalino pa sa hayop.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi sukatan sa tunay na talino?


A. Paggamit ng tao sa kanyang talino upang mapaunlad ang kanyang pagkatao.
B. Pakikipagkumpetensiya sa dami ng nalalaman at taas ng pinag-aralan.
C. Paglingkod sa kapwa.
D. Pakikibahagi o paglilingkod sa pamayanan.

4. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:


A. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga
magulang.
B. Tama, dahil katulad ng tao ay nangangailangan din silang alagaan upang
lumaki, kumilos, at dumami.
C. Mali, dahil may mga bagay na taglay ng tao na wala sa mga hayop at halaman.
D. Depende sa sitwasyon.

5. Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang:


A. kabutihan C. katotohanan
B. kaalaman D. karunugan

6. May iniinom kang juice, nang maubos ito, wala kang makitang basurahan kaya’t
sabi ng kaibigan mo itapon nalang ang lalagyan sa iyong dinadaanan. Ano gagawin
mo?
A. Sundin ang sinabi ng iyong kaibigan.
B. Itago muna sa bag at itapon kapag makakita na ng basurahan.
C. Punitin at dahan-dahang ihulog sa daan.
D. Magkunwaring hindi mo namalayang naihulog ang basura sa daan.

7. Bagama’t ang tao ang nakahihigit sa lahat ng nilikha, alin sa mga sumusunod ang
kakayahan ng tao?

Prepared: NANCY F. SALINAS Reviewers:


School: PIGDAULAN NATIONAL HIGH SCHOOL Leirha Ruth S. Tabelon - PDDNHS
Division: BUTUAN CITY Ramonito Obiedo - BCSAT
e-mail add: nancy.salinas@deped.gov.ph Lilibeth Y. Bunghanoy- ANHS
Hazel T. Badayos – ANHS
Quality Assured: November 26, 2020
A. Mag imbento at gumawa ng gamot .
B. Lumutas ng mga sariling problema.
C. Kakayahang masaktan at mapagod.
D. Lahat ng nabanggit.

8. Nagmamadali kayong magkaibigan at malayo pa ang pedestrian lane kaya kahit


may nakasulat na “Bawal Tumawid” hinikayat ka ng iyong kaibigang tumawid pa
rin sa daan. Ano ang iyong gagawin?
A. Lumingon-lingon sa paligid at tumawid kung wala namang nagbabantay na
pulis.
B. Samahan ang iyong kaibigan dahil naniniwala ka na ang tunay na magkaibigan
ay hindi nag-iiwanan.
C. Puntahan ang pedestrian lane kahit malayo, at doon na tumawid.
D. Manghikayat ng iba pang estudyante na tumawid kasama ninyo para marami
kayo.

9. Ang tao ay di-ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:


A. Mali, dahil ang tao ay perpektong nilikha ng Maykapal.
B. Tama, dahil nagkakamali ang tao at pwede niya itong baguhin ang mga gawain
na nakapagdudulot sa kanya ng kasamaan.
C. Mali, dahil ang tao ay inaasahan gumawa ng naaayon sa kanyang kagustuhan.
D. Tama, dahil binigyan ang tao ng pagkakataon na ulitin ang kanyang
pagkakamali na walang panghuhusga.

10. Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos ayon sa
kanyang kalikasan. Ang pahayag ay:
A. Ang tao ay kumikilos sa kanyang kalikasan na magpakatao.
B. Ang tao ay kumikilos ayon sa kanyang kagustuhan.
C. Kumikilos ang tao para makakuha ng papuri sa kanyang kapwa.
D. Natatangi ang tao sa kagustuhang niyang umangat ang kanyang sarili at
maging bantog sa kanyang larangan.

Prepared: NANCY F. SALINAS Reviewers:


School: PIGDAULAN NATIONAL HIGH SCHOOL Leirha Ruth S. Tabelon - PDDNHS
Division: BUTUAN CITY Ramonito Obiedo - BCSAT
e-mail add: nancy.salinas@deped.gov.ph Lilibeth Y. Bunghanoy- ANHS
Hazel T. Badayos – ANHS
Quality Assured: November 26, 2020
Repleksiyon:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, paano mo magagamit ang iyong isip at


kilos-loob sa sitwasyong dinaranas ng bansang Pilipnas ngayon, ang Covid-19
pandemya ?
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________
__________________________________________________________
Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Gabay ng Mag-aaral , Modyul 5- Isip at Kilos-


Loob: Ang Nagpapabukod-Tangi sa Tao, Unang Edisyon 2013, pahina 117-136

Susi ng Pagwawasto

10.B
10. A 9. C
9. B 8. C
8. C 7. A
7. D 6. A
6. B Gawain 2.B
5. A 5. x 5. puso
4. B 4. / 4. puso
3. B 3. x 3. isip
2. B 2. x 2. isip
1. C 1. / 1. katawan
Gawain 3 GAWAIN 2.A GAWAIN 1.

Prepared: NANCY F. SALINAS Reviewers:


School: PIGDAULAN NATIONAL HIGH SCHOOL Leirha Ruth S. Tabelon - PDDNHS
Division: BUTUAN CITY Ramonito Obiedo - BCSAT
e-mail add: nancy.salinas@deped.gov.ph Lilibeth Y. Bunghanoy- ANHS
Hazel T. Badayos – ANHS
Quality Assured: November 26, 2020

You might also like