You are on page 1of 17

“I love you, O LORD, my strength.


Psalm 18: 1

Basic Education Department


Junior High School
S.Y. 2020 – 2021

Pangalawang Markahang Modyul ng Pampagkatuto


sa
Edukasyon sa Pagpapakatao
Baitang 7

Minamahal naming mga Magulang / Tagapag-alaga,


Layunin ng King's College of the Philippines - Basic Education Department
na maghatid ng aming Continuity Learning Operation Plan ngayong panuruang
taon ng paaralan 2020-2021 upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon na para
sa lahat ng mga mag-aaral ngayong pandemyang COVID-19 na nararanasan, kaya
kami ay nagagalak na ibahagi sa inyo ang iba't ibang modalidad sa pagkatuto na
ibinigay ng Kagawaran ng Edukasyon.
Upang matiyak ang patuloy na pag-aaral ng inyong mga anak /
pinangangalagaan, nais ng paaralan na maiabot sa inyo sa pamamagitan ng mga
modyul ng pag-aaral na ito. Pinasimple namin ang nilalaman upang matugunan
ang mga kakayahan sa pagkatuto na kinakailangan ng K-12 kurikulum ng
Kagawaran ng Edukasyon. Mangyaring tulungan ang iyong anak /
pinangangalagaan na maabot ang kanyang potensyal sa gitna ng pandemyang ito.
Ang modyul ng pag-aaral na ito ay eksklusibo para sa mga mag-aaral ng
KCP-Basic Education. Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o
maipapadala sa anumang anyo o paraan, electronic o mechanical, kabilang ang
photocopying, pagrekord, mimeographing o ng anumang impormasyon at pagkuha
ng system, nang walang nakasulat na pahintulot.

Manatili sa bahay at Pagpalain kayo ng Poong Maykapal.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 1 ng 17


MODYUL NG PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Mahal Kong Mag-aaral,

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Kung kinakailangan.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

3. Mga maging tapat sa paggawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

4. Tapusin muna ang mga nakatakdang gawain na nauna bago tumuloy sa susunod na gawain

5. Pakibalik ang mga nasagutang gawain

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga
magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!
LINGGO ARALIN PAMAMAHAGI NG ORAS
Linggo 1-2 Aralin 1: Isip at Kilos-Loob 2 Oras
Linggo 3-4 Aralin 2: Kaugnayan ng Konsesiya 2 Oras
sa Likas na Batas Moral
Linggo 5-6 Aralin 3: Kalayaan 2 Oras
Linggo 7-8 Aralin 4: Dignidad 2 Oras
Linggo 9 Pangalawang Markahang
Pagsusulit
Desyembre 16-18, 2020

KUNG SAKALING KAILANGAN NG TULONG: Kung nahihirapan ka sa pagsagot sa iyong modyul, mangyaring
huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa akin mula sa mga sumusunod:
CONTACT NUMBER 09677655541
EMAIL ACCOUNT a. rosario@kcp.edu.ph
MESSENGER Alvin Kimo Rosario

Ang Iyong Guro,


Alvin Kimo P. Rosario

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 2 ng 17


PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag aaral ang pag-unawa sa isip at kilos-loob.
PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Nakagagawa ng angkop na pagpapasiya tungo sa katotohanan at kabutihan
PAGGANAP gamit ang isip at kilos-loob.
a. natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;
b. nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at
PINAKAMAHALAGAN kilos-loob;
G KASANAYANG c. naipaliliwanag na ang isip at kilosloob ang nagpapabukod-tangi sa tao,
PAMPAGTURO kaya ang kanyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at
kabutihan; at

PAMAMAHAGI NG
Linggo 1-2: Oktubre 26-30, 2020 - Nobyembre 2-6, 2020
ORAS

ARALIN 1: Isip at Kilos-Loob

A. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang;


a. natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;
b. nasusuri ang isang pasiyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-
luob.
c. naipaliliwanag na ang isip at kilosloob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang
kanyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan; at

B. MGA SUSING KONSEPTO

Isip at Kilos-loob

Natatangi ang tao sa lahat ng mga nilikha ng Diyos dahil siya ay may taglgay na sariling pag-iisip
at malayang kilos loob (will), Nasa kanya ang pagpapasiya kung paano niya gagamitin ang mga ito
para sa kanyang kabutihan at kapakinabangan. Ngunit kahit na may kalayaan, dapat sanayin ang
katawan at isipian na gawin kung ano ang tama at dapat hindi lamang para sa sarili kundi pati sa
kapwa.

Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha?

Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t-ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya. Ang


mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay lamang ng tao na nagpapabukod-
tangi sa kanya sa iba pang nilikha

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 3 ng 17


Dr. Manuel Dy Jr.
Ayon sa kanya ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap:

Isip - Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at


buod ng isang bagay. Ito ay may kapangyarihang maghusga,
mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga
bagay.

Kaya’t ang isip ay tinatawag na:

 katalinuhan (intellect)
 katwiran (reason)
 intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness)
 konsensya (conscience)
 intelektuwal na memorya ( intellectual memory)

Puso - Ito ay maliit na bahagi? Ng katawan na bumabalot sa


buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na
nangyayari sa ating buhay. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.
Sa puso hinuhubog ang personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at
kabutihan ng tao ay dito natatago.

Kamay - Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa pandama,


panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ito ang
karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa. Hindi sapat na
naiisa-isa ng tao ang iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan, ang mahalaga ay
maunawaan niya kung anu-ano ang gamit ng mga ito. Mahalagang bahagi ng
pagkatao ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan. Sa pamamagitan
ng katawan, naipapakita ng tao rin ang instrumento sa pakikipag-ugnayan sa ating
kapwa.

Sa pamamagitan ng Isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik
upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa katotohanang natuklasan. Ang pandamdam at gumawa
nang naaayon sa katotohanang natuklasan. Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong upang makamit ang
katotohanang ito. Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan. Ang pandamdam bg tao ay nakatutulong
upang makamit ang katotohanang ito. Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan, maaari siyang gumawa
para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Dahil ang isip ng tao ay nay limitasyon at hindi ito kasing perpekto
ng Maylikha, siya ay nakadarama ng kakulangan. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 4 ng 17


nagtatapos; ang paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi nagtatapos, ang katotohanan ang tunguhin
ng isip.

Ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquin, ang kilos loob ay isang


makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay pakultad
(faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Kung kaya’t ang
tunguhin ng kilos loob ay ang kabutihan.

Ang ang kilos-loob ay hindi naaakit sa kasamaan. Hindi nito kailanman


magugustuhan ang mismong masama. Nagaganap lamang ang pagpili sa
masama kung ito ay nababalot ng kabutihan at nagmumukhang mabuti at
kaakit-akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinigay na impormasyon ng isip.
Naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob, dahil hindi nito nanaisin o
gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan. Ito rin ang
nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili, kung kaya’t ang
kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos.

Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti. Nakasalaysay sa tao ang
pagsasaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang piling gawin. Samakatwid
ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang sanayin at linangin upang magampanan ng mga ito
ang kani-kanyang layunin.

Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin, at gawing ganap ang isip at kilos-loob.
Mahalaganag pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob
ang mga ito sa tao. Inaasahang magkasabay na pinaunlad ng tao ang kanyang isip at kilos-loob. Habang
marami siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng pag-aaral o pagsasaliksi,
inaasahan ding naipamamalas sa kanyang pagkatao ang mapanagutang paggamit ng mga ito.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 5 ng 17


Pangalan: _________________________ Petsa: ___________
Baitang/Seksyon: ___________________ Puntos: __________
Markahan: 2 Linggo: 1-2

C. MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

GAWAIN 1
Gumuhit ng mga larawang sumisimbolo sa isip at kilos-loob.
Magbigay ng ilang pangungusap kung bakit ito ang napili mong larawan sa bawat isa.

ISIP

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 6 ng 17
________________________________________________
KILOS-LOOB

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________________________________________________

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 7 ng 17


Naipamamalas ng mag aaralang pag-unawa sa kaugnayan ng konsiyensiya sa
PAMANTAYANG
Likas na
PANGNILALAMAN
Batas Moral.
PAMANTAYAN SA Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng wastong paraan upang itama ang
PAGGANAP mga maling pasiya o kilos bilang kabataan batay sa tamang konsiyensiya.
a. nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo
sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay
likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
b. nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na
PINAKAMAHALAGAN
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral
G KASANAYANG
c. nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa
PAMPAGTURO
kongkretong sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na
Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.
d. nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral
upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw
PAMAMAHAGI NG
Linggo 3-4: Nobyembre 9-13, 2020 - Nobyembre 16-20, 2020
ORAS

ARALIN 2: ANG KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS NA BATAS MORAL

A. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


a. nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa
kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao
na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
b. nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa
unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral
c. nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong
sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas Moral na
itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.
B. MGA SUSING KONSEPTO
d. nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral upang
magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw
ANG KAUGNAYAN NG KONSENSIYA SA LIKAS NA BATAS MORAL

KONSENSIYA (CONSCIENCE)
 Tao, Kakayahang kumilala ng mabuti o masama
 “paglilitis sa sarili”
 pag-aralan, unawain, at hatulan ang sariling kilos.
 nagpapasya at nagsisilbing gabay batay sa prinsipyo ng Likas na Batas
Moral upang matunton ang kabutihan sa sarili bilang tao.

KONSENSIYA
 Latin cum - “with” o mayroon
 Scientia - “Knowledge” o kaalaman
 = “with knowledge o mayroong kaalaman

Ginagamit ito sa paggawa ng wastong desisyon sa buhay. Ipinapahiwatig nito ang kaugnayan ng
kaalaman sa isang bagay; sapagkat naipapakita nito ang paglalapat (aplikasyon) ng kaalaman sa
pamamagitan ng kilos na ginawa.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 8 ng 17


Ang paglalapat ng kaalaman ay maaaring magawa sa
pamamagitan ng mga sumusunod na paraan, ayon kay Santo
Tomas:

1. Sa tulong ng konsensya, nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa.

Halimbawa:

Iniwan sa pangangalaga mo ang iyong nakababatang kapatid dahil umalis ang iyong ina. Ngunit
sinabayan mo ang pag-aalaga ng panonood ng telebisyon. Dahil dito, nahulog ang kapatid mo. Nagkaroon
ito ng gasgas sa braso. Pagdating ng iyong ina, hindi lang pala gasgas ang tinamo ng iyong kapatid, nakita
ng nanay mo may bukol din ito sa noo. Nang taningin ka, sinabi mong napadikit lang sa dingding kaya’t
nagkaroon ng gasgas, subali’t di mo alam bakit may bukol ito.

Hindi mo man aminin ang iyong ginawa at itinaggi ang katotohanan, makumbinsi mo man ang iba at
ika’y paniwalaan, ang iyong konsensya ay nakaaalam ng tunay na nangyari. Ang konsensya ay tumatayong
testigo sa pagkakataong ito sapagkat ngpapatunay ito sa kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao.

2. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana ay isinagawa
subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa.

Halimbawa:

Sa iyong pag-iisa hindi ka mapakali, nararamdaman mong dapat mong sabihin sa iyong ina ang tunay
na nangyari sa iyong kapatid. Ang konsensiya sa sitwasyong ito ay pumupukaw sa tao upang magpaalala
ng dapat at hindi dapat gawin.

3. Gamit ang konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o
nagawa ng hindi maayos o mali.

Halimbawa:

Binalewala mo ang bulong ng konsensiya na sabihin sa iyong ina ang tunay na pangyayari, hindi na
natahimik ang iyong kalooban. Mas tumindi pa ang pagkakabagabag nito lalo na ng nilagnat ang kapatid
mo. Kaya’t sinabi mo ang totoong nangyari sa iyong ina, napagalitan ka man subali’t nawala ang iyong
pag-aalala at nakadama ka ng kapayapaan ng kalooban.

Sa kalagayang ito:

 Ang konsensiya ay mararamdamang nagpapahintulot, nagpaparatang o maaaring nagpapahirap sa tao.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 9 ng 17


 Ang konsensiya ang bumabagabag sa tao kapag gumawa siya ng masama. Ito ang tinutukoy ng
katagang “hindi ako matahimik inuusig ako ng aking konsensiya”.

Ipinakikita dito na ang konsensiya ay:

 Nakakabit sa isip ng tao, kaya’t ito ay kakayahan ng isip na maghusga ng mabuti at masama.
 Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali.
 Ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa obhektibong pamantayan ng Likas na
Batas Moral.
 Itinuturing ang konsensiya bilang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. Dahil dito,
ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad. Sinusuri nito ang aksyon kung tama
o mali. Sa paghuhusga sa moralidad ng kilos. Ginagamit ng konsensiya ang katotohanang nauunawaan
ng tao.

Pangalan: _________________________ Petsa: ___________


Baitang/Seksyon: ___________________ Puntos: __________
Markahan: 2 Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina
Linggo: 3-4 10 ng 17
D. MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

GAWAIN 2
Kailan mo ginagamit ang iyong konsensiya?

AKING KONSENSIYA

GAWAIN 3 (PERFORMANCE TASK)


Gumawa ng isang pagsasaliksik. Tuklasin ang dalawang uri ng konsensiya. Ilarawan o
iguhit ang iyong natuklasan sa 1/8 illustration board. Ipaliwanag ng mahusay ang bawat isa.
Paano ito nakakatulong sa tao upang hindi lumabag sa Likas na Batas Moral?

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag aaral ang pag-unawa sa kalayaan.


PANGNILALAMAN
Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 11 ng 17
PAMANTAYAN SA Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o
PAGGANAP paunlarin ang kaniyang paggamit ng kalayaan.
a. nakikilala ang mga indikasyon / palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng
kalayaan;
PINAKAMAHALAGAN
b. nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan;
G KASANAYANG
c. nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama;
PAMPAGTURO
at ngunit ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa
kabutihan.
PAMAMAHAGI NG
Linggo 5-6: Nobyembre 23-27 - Nobyembre 30 - Desyembre 1-4, 2020
ORAS

ARALIN 3: KALAYAAN

A. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


a. nakikilala ang mga indikasyon / palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng
kalayaan;
b. nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan;
c. nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama; at ngunit
ang kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan.

B. MGA SUSING KONSEPTO

Kalayaan

Mapalad ang tao lalo na ang mga Pilipino dahil mayroon


tayong tinatamasang kalayaan na wala sa ibang
nilalang o wala sa iba pang nakatira sa ibang panig ng
daigdig.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 12 ng 17


Ang mga halaman at puno sa paligid ay hindi malaya dahil
ang mga ito ay nakatanim sa lupa.

Ang mga hayop, pagala-gala man sa


kagubatan at ang iba ay kasama man ng tao
sa paligid, ay hindi masasabing ganap na
malaya.

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 13 ng 17


Ang tao ay binigyan ng kalikasan na karapatan na sila
ay supilin.

Iba ang tao. May kalayaan tayong


magpasya para sa ating sarili. May kalayaan
tayong piliin ang nais nating gawin, sabihin,
sulatin, basahin, at marami pang iba. Ngunit kahit na may kalayaan, hindi nangangahulugang may
karapatan tayong saklawin ang tinatamasang kalayaan at karapatan ng kapwa.

Kung minsan, ang kalayaan ng isa ay hindi kalayaan para sa iba. Ang pag-aabuso sa kalayaan ay
nakakakompromiso sa karapatan ng kapwa.

Halimbawa:

1. Nais ng isa na humiga sa bangko dahil sa katagalan ng pila ay dinalaw na siya ng antok at pagod. Sa
kanyang ginawang paghiga sa bangko ay nawalan ang iba ng kalayaan na umupo dito dahil may
nakahiga na. Kung tutuusin, ang bangko ay inilagay para sa lahat na nais magpahinga o umupo.

2. Ang isang kabataan ay may kalayaang ipahayag ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng social
media tulad ng Facebook, Twitter, o iba. Malaya siyang isulat kung ano ang nasa isip niya upang
maipahayag ang damdamin. Ngunit paano naman ang kalayaan at karapatan ng mga taong
babanggitin niya. Kung mayroon man, sa kanyang pagpapahayag ng kabataan sa kanyang saloobin at
nakapagdulot naman siya ng kahihiyan o kapahamakan sa iba.

Kaakibat ng kalayaan ay ang responsibilidad kung paano gagamitin ito para sa sarili, kapwa, at sa
kapaligiran.

Pangalan: _________________________ Petsa: ___________


Baitang/Seksyon: ___________________ Puntos: __________
Markahan: 2 Linggo: 5-6

C. MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 14 ng 17


GAWAIN 4
Sagutin ang tanong. Bumuo ng tatlo hanggang limang pangungusap.

Kung ang isang bansa ay may kasarinlan, nangangahulugan ba na ang lahat ng


mamamayan nito ay may kalayaan?

_________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag aaral ang pag-unawa sa dignidad ng tao.


PANGNILALAMAN
PAMANTAYAN SA Naisasagawa ng mag-aaral ang mga konkretong paraan upang ipakita ang paggalang at
PAGGANAP pagmamalasakit sa mga taong kapus-palad o higit na nangangailangan.
PINAKAMAHALAGAN a. nakikilala na may dignidad ang bawat tao anoman ang kanyang
G KASANAYANG kalagayang panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa
PAMPAGTURO b. nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na may
pagpapahalaga sa dignidad ng tao
Napatutunayan na ang:
a. paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin ang
kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at;
Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 15 ng 17
b. ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at
magkapareho nilang tao; at
c. naisasagawa ang mga konkretong paraan upang ipakita ang paggalang at
pagmamalasakit sa mga taong kapus-palad o higit na nangangailangan kaysa
sa kanila
PAMAMAHAGI NG
Linggo 7-8: Desyembre 7-11, 2020 - Desyembre 14-18, 2020
ORAS

ARALIN 4: DIGNINAD

B. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


a. nakikilala na may dignidad ang bawat tao anoman ang kanyang kalagayang
panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa
b. nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na may
pagpapahalaga sa dignidad ng tao
c. Natutukoy ang kahulugan

B. MGA SUSING KONSEPTO

Dignidad
Ang hirap bigyan ng kahulugan ang salitang dignidad dahil hindi ito malimit na ginagamit. Napakabasal
nito sa buhay ng isang tao. Maaaring ang isang tao ay may konsepto nito ngunit nasa dulo lang ng
kanyang dila at hindi maipahayag. Alam lang niya ito pero hanggang doon lang. Nakakalungkot dahil sa
kabila mg napakaganda nitong kahulugan at hangarin ay nawawalan lang ito ng saysay.

Ang dignidad ng tao ay isang bagay na nagdudulot ng karapatan sa lahat. Ang sabi nga, ang bawat
karapatan ay may karampatang tungkulin.

Ang pagkakaroon ng dignidad ay hindi suliranin para sa isang nakararanyang tao. Kaya niyang bigyan
ang sarili niya ng dignidad dahil makapangyarihan siya. Hindi rin ito isang problema sa mga nasa gitna
lamang. Pero, nagiging suliranin na ito sa mga taong mahihirap. May dignidad ba silang natatamasa? May
dignidad pa rin ba sila?
Sa kalagayan ng ating lipunan, talamak ang pagnanakaw, usapin para sa pera, at marami pang iba.
Dahil sa kahirapan ay handang isugal ng mga tao ang kanilang dignidad. Kaya nilang lunukin ang lahat
para lamang mabuhay.

Ngunit ang totoo, ang mga taong ganito ang may dignidad:

 ang mga nagpapakadakila para sa bayan

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 16 ng 17


 ang mga taong tuloy sa paggawa ng mabuti at hindi nakakasakit ang mga nagbibigay ng
pagkain kahit na sila mismo ay wala
 ang mga nagbibigay bg serbisyong totoo kahit na walang kapalit
 ang mga taong matapat sa tungkulin

Ang pagpapanatili ng dignidad ng tao ay hindi nakadepende sa pagiging mayaman o mahirap. Ang
dignidad ay hindi ang pagkakaroon ng trabaho sa opisina, ngunit ang pagkakaroon ng maayos na
hanapbuhay ng hindi makakasakit ng iba, na kahit na maliit ay nakapagpapabuhay mula sa mga perang
nakukuha mula sa mabuting paraan. Totoong mahirap magpanatili ng dignidad, lalo na kung hirap sa
pamumuhay at gipit.

Maraming tao ang nag-iisip marahil na wala na silang ibang paraan upang mabuhay kundi ang
magnakaw, kumitil, magbenta ng ipinagbabawal na gamot, at iba pa na makakasakit ng iba. Ngunit
marami pang paraan kung patuloy lamang na imumulat ang mga mata, at huwag susuko.

Sanggunian:

Giselle Mendoza, Paglalakbay ng may Mabuting Asal, Edukasyon sa Pagpapakatao 7


Sakdalan, Vila, Tapia, Armas, Zozobrado; Pagyamanin, Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Basic Education Department – JHS Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina 17 ng 17

You might also like