Mula kay: G.Ivan Eldon L. Montilla Paksa: Pagpupulong Tungkol sa Patakaran sa New Normal ng COVID-19 Petsa: Oktubre 9,2023
Magandang hapon,
Ito ay upang ipabatid na magkakaroon tayo ng isang mahalagang pagpupulong
tungkol sa mga patakaran patungkol sa New Normal sa gitna ng patuloy na banta ng COVID- 19. Ang pulong na ito ay nakatakda sa Oktubre 10, 2023 sa ganap na ika-1:00 hanggang ika- 2:00 ng hapon sa silid aralan ng 12-Aguinaldo.
Ang mga pag-uusap ay magbibigay-daan sa atin na mas mapagtibay ang mga
hakbang na kinakailangan upang mapanatili ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at kawani sa eskwelahan. Inaasahan namin ang inyong aktibong pakikilahok sa pagpupulong na ito.
Mangyaring maghanda ng mga ideya at rekomendasyon. Salamat sa inyong
kooperasyon.
Lubos na gumagalang,
G.Ivan Eldon L. Montilla
Pangulo ng 12-Aguinaldo Alangalang National High School