You are on page 1of 2

Ika- 24 ng Setyembre, 2021

Officer – in- Charge


Bureau of Fire Protection Office
Padre Burgos, Quezon

Minamahal na G./Gng. Tagapamahala,

Pagbati ng kapayapaan!

Ang amin pong paaralan, San isidro National High School, ay nagsasagawa ng proyektong
“Brigada Pagbasa” sa buong taong panuruan 2021-2022, na may layuning mamonitor at
matulungan ang mga mag-aaral na mahasa ang kakayahan sa wastong pagbasa, sa kabila
ng kasalukuyang sitwasyon at paraan ng pag-aaral gamit ang modular distance learning.
Ang paaralan ay naniniwala na sa paraang ito, makasisiguro na ang kakayahan ng mga
mag-aaral sa wastong pagbasa ay hindi mahihinto bagkus ay patuloy na mahahasa.

Kaugnay po nito, ang aming paaralan ay nais humingi ng inyong tulong upang ito’y
maisagawa at maisakatuparan. Nais po naming humiling ng apat o limang volunteers mula
sa inyong departamento upang magpabasa sa mga mag-aaral na dito ay naninirahan. Ang
pagpapabasa ay nakatakdang isagawa sa Barangay Learning Hub ng San Vicente na
matatagpuan sa Brgy. San Vicente, Padre Burgos, Quezon. Ito po ay gaganapin sa
ika- 27 ng Setyembre na magsisimula sa ganap na ika-9:00 ng umaga hanggang ika-
11:00 ng umaga. Ang limitadong sitwasyon dulot ng pandemya ay humahadlang upang
kaming mga guro ay makapagsawa nito sa paaralan, kung kaya’t nais po naming hingin ang
inyong napakahalagang suporta at tulong para sa adbokasiyang ito nga aming paaralan.

Inaasahan po naming ang inyong positibong pagtugon at suporta sa gawain naming ito.

Maraming salamat po.

Gumagalang,

Mga gurong nakatalaga sa Brgy. San Vicente:

EMILY P. FRAGO

MA. GLORIA D. FLANCIA

MICHELLE E. CERCADO

Nabatid:

CATALINA P. DE TOBIO
Punungguro II

You might also like