You are on page 1of 2

OPENING SPIEL:

Sa ating mga mina mahal na magulang, mga mag-aaral, mga guro at mga maasahang katuwang ng ating
paaralan, isang maganda at mapagpalang hapon po sa ating lahat. Kayo po ay malugod na inaanyayahan
na makinIg at makibahagi sa ating Birtuwal na Paglulunsad ng Brigada Eskwela 2022 na may Temang
Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral.

I. PRAYER
II. NATIONALISTIC SONG

Para simulan ang ating programa, sama-sama po nating damhin ang presensya ng Maykapal at
pakinggan ang panalangin na susundan ng ng makabayang awitin.

III. MESSAGES (General Intro for ALL the messages)

Para magbigay ng kani-kanilang mga mensahe, narito po ang mga natatanging tao na nagsisilbing
mahalagang katuwang ng ating paaralan sa pagpapatupad ng Brigada Eskwela.

INTRO FOR DR. YLAN MESSAGE (OPTIONAL)

Ang mga programa ng Brigada Eskwela ay hindi magiging matagumpay kung wala ang suporta ng
nagsisilbing haligi ng ating paaralan. Halina at pakinggan natin ang mensahe ng ating punongguro– Dr.
Alejandrea A. Ylan.

IV. BRIGADA ESKWELA 2021 ACCOMPLISHMENT

Sa puntong ito, tayo na at magbalik tanaw sa mga natatanging programa at proyekto na naisagawa at
naisakatuparan sa ginanap na Brigada Eskwela 2021. Narito po, panuorin natin.

V. BRIGADA ESKWELA 2022 STEERING COMMITTEE

Upang makilala ang mga pangunahing tao na magiging ating gabay at tagapanguna sa mga Programa ng
Brigada Eskwela ngayong taon, atin pong panuorin ang bidyong ito.
VI. BRIGADA ESKWELA 2022 GUIDELINES (Ma’am Sibugan & Ma’am Canencia)

Tunay nga na sa Bagbaguin National High School, ang lahat ay nakikiisa at nakikipagbayanihan tungo sa
ikabubuti ng kapakanan ng bawat mag-aaral. Upang bigyang linaw ang mga alituntunin, programa at
Proyeto ng Brigada Eskwela 2022, narito po ang tagapag-ugnay ng ASP Bb. Christine Joy B. Sibugan,
kasama ang kanyang katuwang na guro sa Brigada Eskwela- Bb. Eliza Mae B. Canencia

VII. TARGET VOLUNTEERS & STAKEHOLDERS (Ma’am Mondragon)

Upang tukuyin ang mga pangunahing katuwang na kakailangan ng ating paaralan tungo sa matagumpay
na pagsasagawa ng Brigada Eskwela, narito po ang Head Teacher III ng Departamento ng TLE – Gng.
Myrna E. Mondragon.

VIII. PARENTS ORIENTATION (Ma’am Alcanciado)

Ilang linggo na lamang ay magbabalik-aral na ang ating mga mag-aaral. Upang talakayin ang mga
mahahalagang paalala ukol sa gaganapin na Parent’s Orientation, atin pong pakinggan ang Head Teacher
III ng Departamento ng Matematika – Gng. Chateryn T. Alcanciado.

IX. CLOSING REMARKS (Ma’am Alota)

Tunay ngang isang makabuluhang hapon ang naganap ngaung araw. Tiyak na nasasabik na ang bawat
isa na maging kabahagi ng mga nabanggit na mga programa at proyekto. Sa puntong ito, para magbigay
ng kanyang pangwakas na pananalita, narito po Head Teacher III ng Departamento ng Filipino, Gng.
Zenaida M. Alota.

CLOSING SPIEL:

Maraming salamat po sa paglalaan ng oras at pakikibahagi sa birtuwal na Paglunsad ng ating Brigada


Eskwela 2022. Ako po ang inyong tagapagdaloy ng programa, Bb. Precious Grace B. Li na nag-iiwan ng
mga katagang, anuman ang sitwasyon, tuloy ang edukasyon. Muli, maraming salamat po at mabuhay
tayong lahat!

You might also like