You are on page 1of 17

Don Gregorio O.

Balatan Institute
Siramag Balatan Camarines sur
S/Y 2019-2020

Portfolio
Sa
Pagbasa at
Pagsulat
sa
Piling Larang
Submitted by; Mr. Jeremy Bongalon

Submitted to; Ms. MC Anacin


,
BOUD

Ang Kwentas

Si mathilde ay isang babaeng may angking ganda ngunit siya ay sinilang na


mahirap siya ay nagasawa ng tulad na na kapis din sa buhay. Hindi niya lubos na
akalaing ganito ang kahihinatnan niya ngunit paniniwala niya kahit ganto ang
ganda niya ay mananatili. Isang araw sabay ng pagdating ng kanyang asawa na si
G. Loisel na si mathilde ay inanyayaan sa isang salo-salo, magarbong salo-salo.
Hindi ito agad ikinatuwa ni mathilde sa kadahilanang walang masusuot sa Salo-
Salo.dahil sa kagustohan ni G. Loisel na si mathilde ay dumalo ay binigyan niya ito
ng pera para sa bistida.
Si mathilde ay malungkot parin dahil wala man lang kahit anong palamuti siya.
Binigyan sya ng pera ulit ni loisel para sa bulaklak ngunit naisipan nitong pumunta
sa kaibigan niyang si madame forestier para humiran ng kwentas at agad naman
nitong pinahiram.
Dumalo na nga si mathilde sa salo-salo siya ay agaw pansin duon sa salosalo
dahil sa aking ganda nya nang gabing iyon, tapos ma ang okasyon agad namang
umuyi si mathilde at biglang napansin ng asawa nito ang kanyang leeg na walang
kwentas dalidaling sinamahan sa nito si mathide sa lugar ng salo salo para
hanapin ang nawawalang kwentas kina umagahan sila ay naghanap ng katulad
noong kuwentas at sila nga ay nakahanap na katulad na katulad na kwentas
tinanong nila kung magkano ang kwentas na iyon nabigla sila sa presyo ng
kwentas, kukulangin ang sampong taon na sweldo ko diyan sa kwentas nayan
kaya sila ay sabay na nagtratrabaho sa loob ng sampong taon para sa kwentas na
iyon. Matapos ang sampong taon ay nagkita si mathilde at si madame forestier at
nakita nito na ang ganda ni mathilde ang naglahong bigla siya ay nagtaka at bigla
itong lumuhod sa harap niya at humungi ng tawad para sa kasalanang nagawa
(ang kwentas na mamahalin ay nawala nya) at biglang may binunyag si forestier
na lihim na ang kwentas ay isa lamang imetasyon o peke lamang ito agad
nanlumo si mathilde sa narinig at humagolgol ng humagolgol. Wakas
Moral lesson: hindi lahat ng maganda ay tunay
Puso at katutuhanan ang magpapatawad sa kasalanan.
Akrostik

PAGSULAT
P-angarap ko'y aabutin, para sa pamilya
G-agampanan lahat ng atas
S-usubukin lahat ng pagsubok
U-galiin ang mabuting asal
L-ilinangin ang isipan
A-ko at ang pangarap ko sa,
T-akdang panahon ay makakamtan.

PAGBASA
P-ag-asa ibigay
A-king ttitibayin
G-abay ng magulang
B-uong buo sa aking puso
A-ko ang yaman
S-a pamilya ay mahalaga
A-alalay di sa kanila.
Ang Aking Bakasyon

Pagising ko ng umaga galing sa higaang na niluklukan ay


agad kong nabatid na ang pagaaral ko sa ikalabing isang baitang
ay tapos na, tinawag ko itong simula ng aking bakasyon.
Salamat sa panginoon at aking na nalagpasan ang isa pang
baitang sa aking pagaaral, sinimulan ko ang aking bakasyon sa
pagawa ko ng aking libangan tulad ng pagtatanim ko at dalig ko
sa aming harden, pagluluto ng matamis na almusal tulad ng
puto at tsukolate ito ay para sa aktibong kong aray , ito nga
panimulang bungad ko sa aking bakasyon ang gawin ang mga
bagay na may kabuluhan sa akin ito ang paggawa ng libangan
ang aray na iyon ang nagsilbing basihan ko sa mga aking
gagawin sa bakasyon ang buwan naito ko din ang bawan ng
aking kaarawan kaya tinapos ko ang aking bakasyon ng
makabuluhan kahit akoy sa bahay lamangang. Ang bakasyon ni
Jeremy Bongalon
Don Gregori O Balatan Institute
Siramag Balatan Cam. Sur
S/Y 2019-2020

Panukalang Plano sa Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng DGOBI


______________________________________________________________________

I. PROPONENT NG PROYEKTO: Silid-Aklatan ng DGOBI

II. PAMAGAT NG PROYEKTO: Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng Don Gregori O


Balatan Institute

III. PONDONG KAILANGAN: Php. 5000, 000

IV. RASYONAL

Pagbibigay ng kapaki-pakinabang at organisadong silid-aklatan sa Aurora National


Science High School.

V. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO

· Deskripsiyon

Pagsasaayos at a-apdeyt ng silid aklatan ng DGOBI.

· Layunin ng Proyekto

Mabigyan ng kalidad na sanggunian at reperensiya ang mga mag-aaral ng DGOBI.

VI. KASANGKOT SA PROYEKTO

Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:

· Balatan Construction & Renovation Co.

· DGOBI School Library

· DGOBI SSG Officers

VII. KAPAKINABANGANG DULOT

Ang mga mag-aaral ng DGOBI ay sinasanay na sa mga kakayahang kailangan


sa pananaliksik mula pa sa ika-pitong baitang hanggang sa huling taon ng Senior High.
Kasama pa dito ang mga karagdagang kompetensiyang pinapantayan sa isang science
high school. Kaugnay nito, mahalagang magkaroon ang mga estudyante ng mga
sangguniang may mataas na kredibilidad, tulad na lamang ng mga aklat. Bukot sa
mataas na kalidad ng sanggunian, ang pagkakaroon ng mas maayos na silid-aklatan ay
makapagbibigay din ng tahimik na espasyo sa mga mag-aaral lalo na sa mga
nangangailangan ng karagdagang panahon para matuto.
VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA

Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itnatakda ang mga sumusunod na mga
gawain o hakbangin:

Petsa Mga Gawain Mga Tao Lugar


/Lokasyon
Oktubre 27, Pag-aproba ng punong Punong guro ng DGOBI
2019 guro at paglabas ng DGOBI
badyet
Oktubre 28, Pangongontrata sa SSG Officers DGOBI
2019 magsasa-ayus ng silid-
aklatan
Oktubre 29, Ang pag lilipat ng mga Mga Studyate DGOBI
2019 aklat bago isaayus ang
silid aklatan
Oktobre 30, Ang paghahanda ng silid Balatan DGOBI
2019 aklatan sa pag renubita Construction &
Renovation Co.

XI. GASTUSIN NG PROYEKTO

Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang paaralan ng kabuuang halagang Php. 100
000 na inlalaan sa sumusunod na pagkakagastusan.

Bilang ng Aytem Presyo ng Bawat Presyong


Aytem Pangkalahatan php
Pintura 500,00 php 500,00 php
Mga kahoy 3000,00 php 3000,00 php
Lawanit 1500,00 php 1500,00 php
Kabuuang gastos 5000,00 php

Inihanda ni:

Francia Adiova
SSG President

Iminungkahing Pagtibayin ni:

Bb. Judy Mae Bose


Gurong Tagapayo

Pinagtibay ni:

GNG. Africa T. Coralde


Punong Guro- DGOBI
Bionote
Ang talam buhay ni Gina La 'O Lopez
Si Gina La 'O Lopez ay matapang na tagapagsulong Ng pag aalaga
sa kalikasan at mga kabataan.ay anak Ng ABS-CBN chairman emeritus na
si Eugenio M. Lopez Jr. At si Conchita La 'O Lopez lll na ngayon Ang
kasalukuyang chairman ng ABS CBN siya ay nag aral Ng kolehiyo sa
Newton Collage of the sacred Heart sa Boston.May Degree sa
Development Management mula sa Asia Institute of Management,naging
Yoga Missionary sa loob ng dalawampung taon,Siya ay tumira sa bansa
Ng Africa,Portugal at India.May dalawang anak sa asawang nakilala sa
Africa,siya ay nagpatakbo ng pre-primary school at children homes fare sa
mahihirap.
Si Gina, Sinimulan ang programang pangtelevision sa tsanel ng ABS-
CBN na nagsusulong nang pag alaga sa kalikasan na may pamagat na
GDiary siya rin ang tagapagsulong Ng bantay Bata ang kaunaunahang
programang pang kabataan na naglalayong ipagtangol Ang mga na api at
may mga karamdamang kabataan ang bantay Bata 163,siya ay
pinagkaluoban ng UNESCO kalinga Awarde para sa kanyang
dimatawarang galing at tapang sa pagsusulong ng programang patungkol
sa Edukasyon tulad ng sineskwela na isang programang pangtelevision na
naglalayong magturo say mga estudyante siya ay parte ng Rehavelitasyon
ng pasig river sa kaunaunahang Filipino na pinarangalan ng prestisyosong
seacology prize noong Oktubre 5,2017 Berkiley California.
Si Gina Lopez ang matapang na babaeng tagapagsulong ng pag
aalaga sa kalikasan at mga kabataan.
Abstrak

Pangalan ng Institusyon: Don Gregorio O. Balatan Institute


Address/-Kinatatayuan: Siramag, Balatan, Camarines Sur
Pamagat: Ang Pagiging huli ng mga Estudyante sa Paaralan ng Don
Gregorio O. Balatan Institute
May-akda: Jeremy Bongalon
Kurso/Strand: GAS 11
Pondo: Personal
Petsang Nagsimula: June 20, 2018
Petsang Natapos: March 2, 2019

I. Panimula
Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa pagkakahuli ng mga estudyante ng
Don Gregorio O. Balatan Institute sa pagpasok sa paaralan. Ang layunin
nito ay magsiwalat ng mga rason at dahilan kung bakit madalas mahuli ang
mga mag-aaral.
II. Katawanin
Ang mga mag-aaral ay may mga rason kung bakit sila ay huli isa na rito
ang mga aktibidadis bago matuloy ang transpotasyon at iba pang dahilan
ng mga mag-aaral sa paaralan, layunin nito ang maglahad ng mga
sulosyon para sa problemang ito.

III. Rekomendasyon
Ang paaralan ay magsasagawa ng isang pagkilos para sa problemang ito
tulad ng pagtuturo sa kung paano maiwasan ang mga rason nila.
Posisyong Papel
Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa
Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad PANATILIHIN
ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG
PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG
FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO
Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series
of 2013
Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga
Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan
ng Talino at Kagalingan Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa
Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang
Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang
hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na
maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga asignaturang binalangakas
nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na nakapaloob sa
nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan
pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at
unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at
ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng mga Departamento ng
Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata
namang nakakiling ang Purposive Communication sa Ingles. Sa hakbang
na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na
Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa
Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP
ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag
ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na
ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas.
Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa
hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng
asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum
ang ganito: "General education enables the Filipino to find and locate
her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully
assert her/his identity and sense of community and nationhood amid the
forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of
appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the
general education program increasingly become more pressing."Hindi ba't
ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at
kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay
nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang
Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng
mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa
na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa
pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng
kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang
ng mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na
pilit binibigyan ng malaking puwang na kung tutuusi'y hindi naman
makatuwiran.
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university in
the country" na binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na
nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga
organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang
asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.
Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang
disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga
asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito. hindi ba't paurong na
hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical
panel ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang
mga tao na at walang malinaw na konsultasyong isinagawa. Samantalang
sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay pinatatatag ang
disiplinang Filipino gaya sa
University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A, Osaka University
at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University at University of
Moscow sa Russia.
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng
kalinangang pangwika, pangliteratura, pangkultura at pansining sa
pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdarao ng mga kumperensiya at
talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang larangan. Taong 2013 nang
hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang Sentro ng
Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito mula
sa
Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the
Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at
kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang programang AB
Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng
Wikang Filipino. Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat sa Filipino at
dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa Kagawaran ng
Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga
Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng
kabuluhan kung sa bagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa
kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at malinaw na puwang ang
disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung
hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong
punto, muli't muli naming igigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang
Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas. Pangunahing
gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at
pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang
Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang
Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika,
Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may temang "Mga
Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa
Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng
Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon
para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga guro,
mga mag-aaral, at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino. Kikilos at
kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito ng
mga mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba't
ibang mga unibersidad at kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na
asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Kung hindi pa magbabago ang ihip ng
hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw na puwang ng
asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak
na gagawa ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong
unibersidad sa bansa sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito
para manatili ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.
Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.
Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng
mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang
pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng
lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya
kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na
pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang
Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad mo! Pinagtibay
ngayong Hunyo 19, 2014. Sanggunian:
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-
kagawaran-ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-
ng/727134210658842/
Repliktibong Sanaysay
Ang Ibang Katauhan ng Binatang Aking Sinisinta
Mula pa sa aking kamusmusan, sa mabilog at inosenteng pares ng
mga mata ko’y masasalamin na ang kuryosidad ko sa mga letra, ang
pagkamangha ko sa kung paanong kapag pinagsama-sama mo ang
tamang mga patinig at katinig ay tila ba tumatalon ang mga salita mula sa
pahina patungo sa realidad. Masasabing nauna kong minahal ang
pagbabasa bago ang pagsusulat. Gayunpaman, ang pagkahulog ko sa
pagsusulat ay higit na malakas kaya naman nang lumagapak ako sa lupa
ay higit na masakit din. Ang pagsusulat ay isang supladong binatang kahit
gaano pa man ako magpapansin ay hindi ako pinaglalaanan ni isa mang
tingin. Iniibig ko ito nang buong puso ngunit kahit kalian ay hindi niya ako
tinangi. Kaya naman nang malaman kong ang mailap na lalaking ito ang
magiging pangunahing paksa ng isa sa mga asignatura ko sa ikalabing-
isang baitang ang Filipino sa Piling Larang (Akademik)ay dalawang
emosyon ang nagpaligsahan sa aking dibdib takot at pagkasabik. Takot na
hindi na naman masuklian ang aking pag-ibig, na baka kahit gaano pa
man kalaki ang pagmamahal ko sa pagsusulat at kahit gaano ko pa man
ibuhos ang lahat ng aking makakaya sa larangang ito ay hindi pa rin ako
magiging mahusay dito.
Sa kabila nito, nanalo pa rin sa paligsahan ang pagkasabik.
Pagkasabik dahil nandito na namang muli ang aking sinta, muling
nagbibigay pag-asa sa hangal kong puso na baka, malay natin ‘diba, sa
pagkakataong ito ay masuklian na ang aking pagtingin, na baka sa
pagkakataong ito, kapag mas nagsumikap pa ako ay magiging mahusay na
rin ako sa pagsusulat. Sa ngayon, masasabi kong nahasa na ang aking
kakayahan sa pagsulat, ang asignaturang FilAkad ang naturo sa akin na
marahil kaya hindi nalilinang ang kakayahan ko sa pagsususlat ay dahil
hindi ko ito lubusang kinikilala. Ang asignaturang ito ang nagpakita sa akin
sa iba pang katauhan ng binatang aking iniibig, natutunan ko na maliban sa
makulay at matalinhagang pagkatao kung saan ko siya unang nakilala ay
maaari din pala itong maging intelektwal, yung tipo na nakatutulong sa
pagpapataas ng kaalaman ng ibang indibidwal, na mayroon pala itong isa
pang katauhan na tinatawag na akademikong pagsulat. Kung ang
pagsusulat ay isang supladong binata, ang akademikong pagsusulat ay
isang obhetibo, organisado, may paninindigan at may pananagutan na
guro ngunit ito rin ay isang tsismosang tagapagsanay na nagpakilala sa
akin sa iba’t ibang uri ng tao.
Ang unang uri ng taong ipinakilala sa akin ng Akademikong Pagsulat
ay yung tinatawag na " Man of a few words” yung tipo na sa sobrang tipid
magsalita ay aakalin mong nagbabayad siya ng piso sa kada-letrang
kanyang sinasambit ngunit bawat salita namang namumutawi sa kanyang
bibig ay makabuluhan kung kaya naman sa mga bihirang pagkakataong
nagsasalita ang ganitong uri ng tao, ang lahat ay masinsinang nakikinig.
Tatlong magkakapatid ang silent type na ito, si Abstrak na matalik na
kaibigan ni Pananaliksik, si Sinopsis na mahilig magbasa ng mga nobela at
manuod ng mga pelikula at si Bionote na tahimik pero tsismosa kaya hindi
man halata sa kanya, marami pala siyang alam tungkol sa lahat ng tao.
Ngunit ‘wag mag-alala, mabait naman si Bionote, hindi niya ilalabas
ang baho mo, puros mga tagumpay mo lamang ang kanyang ipagkakalat.
Sa magkakapatid na ito ay natutunan ko na ang kabuluhan ng iyong mga
salita ay higit na mas mahalaga kaysa sa dami ng iyong sinasabi o
sinusulat. Workaholicnaman ang susunod na taong ipinakilala sa akin ng
guro kong si Akademikong Pagsulat, kung kakausapin mo siya“exclusive
for business” only lang dapat ang paksa, parang siya yung boss mong
gwapo nga, para namang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sobrang
seryoso, yung tipo na kapag sinulatan mo ata nglove letter ay tutugunan ka
lamang ng isang Memorandum o Adyenda o ‘di kaya naman ay aatasan ka
lamang gumawa ng Katitikan ng Pulong sa susunod niyong pagpupulong.
Ngunit dahil din sa striktong boss kong ito ay natutunan ko ang
kahalagahan ng komunikasyon dahil sa mga ipinapadala niyang
Memorandum at Adyenda ay nabibigyan ako ng kabatiran ukol sa
gagawing pulong, kung ano ang mga paksang tatalakayin at mga paalala
tungkol sa isang mahalagang impormasyon o utos. Natutunan ko rin ang
kahalagahan ng pagtatala ng mga pangyayari sa tulong ng Katitikan ng
Pulong. Kung gagamitin ko ang mga aral na ito sa tunay na buhay,
napagbulay-bulayan ko na dapat na pahalagahan ang mga pangyayari
habang nagaganap pa sila sapagkat sa hinaharap, ang mga alaalang ito
ang magsisilbi mong kalasag kapag humagupit na ang ulan. Isa pa sa mga
taong ipinakilala sa akin ni Akademikong Pagsulat ay mahilig mag- plano,
pero hindi tulad ng mga plano niyo ng barkada niyo, hindi nauuwi sa mga
drawing lang ang mga plano ni Panukalang Proyekto.
Sa Panukalang Proyekto ay ideyalistiko, masasabing may pagka-
OCD kaya naman sa tuwing may nakikita siyang problema sa kanyang
paligid ay umiisip agad siya ng plano upang maagapan ito. Dahil sa
Panukalang Proyekto, napagnilay-nilayan ko ang kahalagahan ng
pagpaplano, na hindi dapat magpadalos-dalos sa pagkilos bagkus ay
kailangan munang maghanda nang maigi bago gumawa ng aksiyon.
Natutunan ko rin na hindi sapat na may mapuna ka lamang na problema sa
lipunan, ang kailangan ay aksiyon upang maresolba ang suliraning ito. Ang
susunod na taong ipinakilala sa akin ay tila baga isang abogado kung
manindigan at mangatwiran, siya yung tipo ng taong handang ipaglalaban
ang sa tingin niyang tama ano man ang maging kapalit. Mayroon siyang
karisma na kinahuhumalingan ng mga kababaehan sapagkat kung ang
mga prinsipyo nga niya ay kaya niyang ipaglaban, ikaw pa kaya? Kung
kaya niyang manindigan ang isang posisyon lamang, sa iyo pa kaya?
Ang Posisyong Papel na marahil ang uri ng akademikong pagsulat na
pinaka nag-iwan ng ng marka sa aking puso at kumintal sa aking isipan. Sa
aking pananaw, ma-prinsipyo akong tao at mapanindigan sa aking mga
pinaniniwalaan kaya naman hindi na nakapagtataka na malapit ang
paksang ito sa aking puso. Gayunpaman, sa pagsulat ng Posisyong Papel
ay mayroon pa rin akong mga napagtanto. Natutunan ko na hindi sapat na
magkaroon lamang ng paninindigan ukol sa isang bagay, dapat ay
makapagbigay ka rin ng sapat na ebidensiya upang patunayan ang iyong
posisyon. Bagamat inihahayag mo ang iyong pananaw tungkol sa iang
paksa, hindi pa rin dapat magpadala sa emosyon, kailangang pairalin ang
pagiging obhetibo sa lahat ng oras. Parating tulala at wala sa sarili ang
susunod na taong ipinakilala sa akin ng Akademikong Pagsulat. Madalas
kasi ay nagmumuni-muni si Replektibong Sanaysay ukol
sa iba’t ibang mga bagay, siya yung tipo ng taong “padeep,”pahiya
ang Marianas Trench sa sobrang pagiging malalim at matalinhaga niya. Sa
mabilis na pag-ikot ng mundo ay kadalasang nakalilimutan na nating
tumigil upang pagnilayan ang buhay at ito ang mapakahalagang aral na
iniwan sa akin ng Replektibong Sanaysay na gaano man kabilis ang pag-
ikot ng mundo at gaano man karami ang deadlines na kailangang tapusin,
napakahalaga pa ring maglaan ng oras upang pagbulay-bulayan ang mga
nagaganap sa iyong buhay sapagkat bago magkaroon ng pagkatuto mula
sa isang karanasan, kailangan munang pagnilayan ito. Napagtanto kong
ang pagdaranas sa isang bagay ay hindi sapat upang matuto, ang
kailangan ay himayin muna ang mga karanasang ito upang mayroong
mapulot na aral. Samantala, sapagkat ang binatang iniibig ko at ang
matalino kong guro ay kapwa mga Pilipino, nararapat lamang na
ipagdiwang ang taunang selebrasyon ng Buwan ng
Wika. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa aming klasrum ay
napagtanto ko kung gaano kahalaga ang kooperasyon, pagkakaisa at hindi
pagiging makwenta sa Gawain upang matagumpay na maisakatuparan
ang isang pagdiriwang. Inaamin kong nagkaroon ng mga suliranin habang
kami ay naghahanda para sa selebrasyon ng Buwan ng Wika. Pinagnilay-
nilayan ko ang mga pangyayaring ito at napagtanto kong komunikasyon
lamang ang susi upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Dahil sa
bagong kaalamang ito, simula ngayon ay pagsusumikapan ko nang pairalin
ang bukas na komunikasyon at sisikapin ko ring unawain ang ibang tao
bago magpadala sa aking emosyon
Talumpati
Edukasyon
Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging mangmang. Ang
pagkakaroon natin ng sapat na edukasyon ay gabay ng sinuman sa
pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Sa uri ng lipunan na ating
ginagalawan ngayon, talo at dehado ang mga taong walang pinag-aralan.

Hindi sapat ang makatungtong lamang sa paaralan at matuto ng


simpleng pagbasa at pagsulat. Ang uri ng edukasyon sa bagong milenya
ay ang pagkakaroon ng natapos na kurso para tayo ay makasabay sa
progresibong teknolohiya na ginagamit sa ating mga modernong
pangkabuhayan.

Edukasyon ang natatanging gamot sa kamangmangan. Ang


pagkakaroon ng salat at kulang na kaalaman sa maraming bagay ang
siyang nagiging balakid upang hindi natin makamtan ang ating mga
gustong makamit at marating sa buhay.

Sa pakikipagsapalaran sa paghahanap ng trabaho, ang unang


tinatanong ay ang antas ng ating pinag-aralan. Mahirap ang walang
natapos na kurso dahil palagi tayong napag-iiwanan sa anumang larangan.
Dahil dito mga mababang uri at pasahod na trabaho ang karaniwang
ibinibigay sa atin.

Dito na tayo nasasadlak at mahirap na ang pag-angat sa mas mataas


pa na posisyon. Wala tayong magagawa dahil ito ang reyalidad at tunay na
kalakaran sa mga taong kulang ang pinag-aralan.

Ang kawalan ng edukasyon ng isang indibidwal ay mistulang isang


kapansanan ng kaniyang pagkatao. Mayroon tayong mga naririnig pero
hindi natin lubos na naiintindihan, mayroon tayong nakikita ngunit hindi
natin sadyang maintindihan.

Ganito ang ating kahihinatnan, animo’y mga bulag at bingi sa may


malinaw na mata at taynga. Ito po ay patunay lamang na talagang
napakahirap ng maging isang mangmang sa lipunan. Ikaw nanaisin mo
bang mapabilang sa mga ganitong uri ng mamamayan ng ating lipunan?
Sana ang inyong kasagutan ay hindi.

Katulad ng isang buto ng anumang uri ng halaman, ang taong may


pinag-aralan saan man itapon ay kusang mabubuhay. Maging sa mga
banyagang lupain man, kaya nating tumayo at makipagsabayan sa
anumang uri ng buhay.

Malayo sa takot at pang-aapi. Kapag ikaw ay may pinag-aralan kaya


mong lumaban ng patas at malayo sa panlalamang ng kapwa mo.

Ang edukasyon ay para sa lahat, ito ang programa ng ating


pamahalaan ngayon. Ang natatangi na lang nating obligasyon ay ang
tulungan ang ating mga sarili. Maging mapursigi sana tayo para lubusan
nating mawakasan ang hirap ng kamangmangan, hindi lamang para sa
ating kinabukasan bagkus ay para sa ating inang bayan.

Walang pinipiling edad ang edukasyon. Hanggang mayroon tayong


pagkakataon at oras para makapag-aral ay samantalahin natin ito. Huwag
natin itong ipagwalang-bahala. Masarap ang tumunganga at tumambay sa
buhay pero wala ng sasaklap at hihirap pa sa kalagayan ng taong walang
natapos sa buhay.

Tanggalin po natin sa ating mga kaisipan na ang edukasyon ay para


sa mga mayayaman lamang. Sa ating mga ordinaryo at mahihirap na tao
mas higit nating kailangan ang edukasyon sa ating buhay. Hindi lamang ito
mag-aahon sa atin sa kahirapan, bagkus ay ito rin ang natatanging
pamana sa atin ng ating mga magulang na kailanman ay hindi mananakaw
ninuman.
Maikling talumpati tungkol sa edukasyon. Sa pagkakaroon ng sapat
na edukasyon sana ay gamitin natin ito sa tamang pamamaraan. Maging
responsable sana tayong mamamayan at huwag lamang ipagyabang ang
natutunang aral.
Maging mabuti tayong ehemplo lalo na sa mga kabataan. Ibahagi
ang inyong mga dunong at huwag itong ipagkait lalo na sa mga
nangangailangan.

Sana ay nabigyan ko kayo ng mga butil ng kaalaman na magsisilbing


gabay at inspirasyon niyo sa buhay. Sana sa pag-uwi ninyo sa inyong mga
tahanan ay baunin ninyo ang mga aral ng buhay na magbibigay sa inyo ng
pagkakataon upang higit pang pag-isipan ang kahalagahan ng aral at
edukasyon sa buhay ng isang tao.

You might also like