You are on page 1of 5

Sa Ngalan ng Undas

Ano nga ba ang undas? At bakit kailangan natin ito ipagdiwang tuwing pagsapit ng Nobyembre
ikaisa?,Ang undas kasi ay pyestang patay na kung saan ipinagtitirik ng kandila o naglalagay ng mga
bulaklak sa sementeryo,kailangan naman ipagdiwang ang undas dahil ayon sa paniniwala ng iba na
kapag hindi daw ipinagtirik ng kandila ay magtatampo sayo yung patay kasi ang mga patay parang buhay
na nangangailangan din ng pagpapaalala natin sa kanila sa pamamagitan ng pag tirik ng kandila o
pagbibigay/paglalagay ng bulaklak sa puntod nito.

Ano nga ba ang ginagawa tuwing undas? Sa kasalukuyan ang mga tao ngayon ay nasa
malalayong lugar kaya hindi madalaw sa sementeryo ang mga mahal nilang yumao na, dahil sa panahon
ngayon mas lamang ang mahihirap kaya walang pamasahe papunta sa sementeryo kaya,ang ginagawa
nila nagtitirik nalang ng kandila at nag- aalay ng pagkain sa kani-kanilang mga tahanan. Tulad ko dito
lang din sa bahay nag piyestang patay inalayan namin ng pagkain at kandila si lolo't Lola , Tiyo't tiya na
nagsisilbing pag-alala namin sa kanila na kahit Wala na sila, magsisilbi parin silang buhaysa aming isipan.

Patuloy natin silang aalayan ng kandila at pagkain kahit kahit sa iba’y kinakatakutan Ito ,
kahit akoy takot, tinatatak ko na lang sa aking isipan na " Matakot ka na sa buhay, Wag Lang sa patay" .

Iba- iba man ang ating paniniwala , takot ka man o hindi , lagi nating Isaisip ang mga mahal natin
sa buhay na namayapa na. Isipin natin ang mga oras na ginugol nila sa atin noong nabubuhay pa sila.
Bigyan natin sila ng pag pagmamahal sa halip na ating katakutan. Dahil alam ko na magiging masaya sila
sa kung saan man sila naroroon.

Wikang Katutubo ; Tungo sa bansang Filipino

Wikang kinalakihan, Wika na kailangan pang pagyamanin, wika na kahit saang sulok o dako man ng
bansa ka magpunta ay ginagamit, magkaiba man ang Pilipino sa anyo at kulay iisang wika pa rin ang
kinalakihan at kinagisnan. Wika na pinag tibay pa ng mga katutubong Pilipino. Hindi man natin nakilala
ang karamihan sa kanila hindi parin maikakaila ang ambag nila sa wikang Pilipino at ang mga obra -
maestra nilang nilikha ay hindi mo ikakaila

Wika na ipinamana at minana ay dapat ipagmalaki upang hindi magwakas para sa mga
katutubong ninuno na inaalay ang buhay para sa bansang Pilipinas. Wika na nagbigay ng pakahulugan sa
mga salitang hindi maintindihan, mahirap man ang pamumuhay, mayaman naman sa mga sining,
kultura, tradisyon at lalong -lalo na sa wika.

Wikang kinalakihan nais ko pang hubugin ngunit mga trabahong gusto kong pasukan ayaw
akkng tanggapin , dahil hindi English ang wika kong ginagamit, dahil sa wika nagkaroon ng
diskriminasyon , mga mamamayang Pilipino na dapat pagyamanin ang wikang Filipino ay nawalan na ng
pag asa at halos itakwil na ang sariling wika para lang sa hinahangad na trabaho upang maiahon ang
pamilya sa putik na kinasakdalan
Iilan na nga lang bang mga mamamayang Pilipino ang tumatangkilik sa sariling wika Pilipino? Ni
hindi ko nga nanaisin malaman dahil sa napakaraming Pilipino o sa mga napakaraming tao na may
dugong Pilipino ay hindi marunong magsalita ng wikang Filipino, Paano lalaganap ang wika kung ang
kabataan ay isinasaisip na mas maganda ang wikang Ingles kaysa sa sariling wika, Paano mapapatunayan
ang sinabi ng isang tanyag na bayani na ang kabataan ang pag asa ng bayan. Bilang mag aaral mas
pipiliin kong tangkilikin at pagyamanin ang sariling atin.

8:30 AM na pasok, HINDI NA!

Ilang buwan na nga ang nakakaraan noong isulong ni Bacolod Rep. Greg Gasataya na ipagbawal
ang sobrang agang pasok sa eskwelahan ng mga estudyante.

Sa ilalim ng House Bill No.569, sinabi ni Gasataya na hindi dapat mas maaga sa 8:30 ng umaga ang
klase sa paaralang nasa ilalim ng Department of Education ( DepEd) at Commission on Higher Education
( CHED) dahil sa estado ng transportasyon, dami ng workload sa ilalim ng K-12 Curriculum, at pahirapang
pagpasok sa mga liblib na lugar na hindi anya makakabuti sa kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante.
Paliwanag pa ni Gasataya na ang sistema sa ibang bansa kung saan mas late umanong nag sisimula ang
klase habang lumalabas din sa ilang pag -aaral nagpapaganda sa performance ng estudyante ang hindi
masyadong maagang klase.

Kung magiging ganap na batas, makakatulong din umano ito sa mga magulang dahil hindi nila
kailangang gumising na sobrang aga para asikasuhin ang mga anak. Ayon pa din kay Gasataya,naging
inspirasyon nya ang paghahain ng naturang batas matapos ang serye ng dayalogo sa mga studyante at
mga magulang sa kanyang distrito kaya naniniwala siya na panahon na para ikonsindera ang pag adjust
sa oras ng pasok ng mga estudyante . Naniniwala ang Kongresista na mas dapat bigyang prayoridad ng
estado ang health Development sa mga paaralan

Ngunit sa kabilang banda, ayon sa Department of Education (DepEd) mahirap ipatupad ang
nasabing panukala sa lahat ng eskwelahan sa bansa, mayroon kasing mga double shift na classroom. Ang
layunin ng bagong panukala ay hindi maipagkakaila na maganda nga at magiging produktibo dahil ayon
nga sa pag susuri naging maganda ang batas na ito sa ibang bansa para sa mag aaral. Subalit ang bansa
nila ay hindi natin bansa at nasa realidad tayo na pinagkakasya lamang ang oras ng bawat klase sa isang
paaralan dahil sa kulang na silid na maaaring gamitin ng mga estudyante. Kung para sa ibang bansa ay
naangkop ang oras ng pasok sa eskwela ay 8:30 ng umga, pero sa'ting bansang Pilipinas ay mukhang
malabo pa. Kung pilit na ia-adjust ang pasok lahat ng asignatura nila mula umpisa ng klase hanggang
matapos ay maa - adjust din

Mas delikado iyo kung iuuwi ng gabi ang mga Bata at maari pang maging dahilan ng
matinding trapiko dahil sa gabi ay uwian din nag tratrabaho at tiyak na pahirapan Kung makasakay ,
alanganin kaya't hindi masisiguro kung makakauwi sa tamang oras ang mga bata lalo na iyong malalayo
ang inuuwiang bahay . Kaya naman hindi malabo na mapuyat at magkulang pa din ang tulog ng mga
bata lalo na sa kanilang uwi ay may takdang - aralin o gawain pang ibang nag hihintay.

Ganun din sa umaga , Kung 8:30 ng umaga ang umpisa ng klase paniguradong bago mag alas-
otso ay aalis na Ang mga estudyante sa kani - kanilang bahay. Pahirapan din Ang pagsakay dahil mas
maraming mang gagawa ang bumabyahe kung kaya't malaki pa din ang posibilidad na mas tumindi pa
ang trapiko kung magsasabay- sabay sa dami ang mga Ito sa pagpasok .

Kung ang tanging iniisip lang naman pala ay ang maiwasan ang stress , pagod at puyat ng
mga estudyante ay sana mas pagtuunan ng pansin ang nagbibigay ng mga sobra - sobrang proyekto para
sa mga mag aaral na nagiging sanhi para kulangin din ng tulog ang mga Ito. Kung kalusugan ng mga mag
-aaral ang isasaalang - alang mas mainam siguro kung gagawa o mag - iisip na lang ng ibang proyekto na
mas madaling maipapatupad para sa lahat Ng paaralan sa Pilipinas , pampubliko o pribado mang
eskwelahan Lalo na yaong nga karatig probinsya ng ating bansa na mahirap ang sistema pag dating sa
edukasyon .

Bagamat nanatiling hati Ang opinyon ng mga mamamayan , mayroong mga sang-ayon at
hindi ngunit dapat ang bawat Isa ay mas maging responsable sa paggamit ng oras . Gamitin Ito sa mas
makabuluhang bagay . Tulad nga lang ng turan ng nakararami sa bill na inihain ni Gasataya sa kamara ay
mas dapat pagtuunan ang dalawa at mas maigi kung ito ang didinggin ng pamahalaan . Ito ay ang House
Bill no. 568 na nag lalayong makapagbigay ng scholarship sa mga Persons with Disabilities (PWD) maging
sa kanilang mga anak . At Bill no .573 na nag lalayong magdagdag ng Mental Health Personnel sa mga
state universities at kolehiyo . Mas magiging kapaki pakinabang ang mga ito at mas madaling
maisasabatas para sa bansa.

Grade 9 Erudite;Ang bagong kampeon


Ni: Rochelle Lim

Ang pagbubukas ng OCABIS SPORTFEST 2019 ay sinimulan sa tagisan ng galing ng mga


cheerdancers.Ito ay isa sa mga pinaka inaabangan ng lahat.Kita sa mata ng nakararami ang pananabik na
mapanood ang bawat performance na inihanda ng apat na team. Pinangunahan ng Grade 7
cheerdancer,ang pinakabata at baguhan sa lahat.Hindi mapagkakaila na kahit mga baguhan ay talagang
mahuhusay at determinadong manalo.Handang makipagsabayan sa mga mas nakatatanda at may mga
kumpyansa sa sarili.Hindi magiging matagumpay ang kanilang pagtatanghal kung wala ang tulong at
gabay ng kanilang coach na si Maam Robie Mostoles.

Sinundan naman ng Grade 8, pinainit ng Dauntless Cheerdancers ang buong entablado dahil
sila'y talagang ganado kasama ang kanilang Coach na si Maam Anabel Palmarin.Pulang pula ang kanilang
pananamit maging ang mga props na talagang nakakaagaw pansin sa mga manonood.

Matapos ang nagbabagang pagtatanghal ay sinundan ito ng Grade 9 cheerdancers,ang kanilang


asul na tema ay talagang nagbigay buhay at akit sa mga mata ng manonood at hurado.Pulido at malinis
ang bawat galaw na binibitawan at makikitang sila'y determinado at palaban.Maging ang mga Guro ay
meron rin pasabog na ikinagulat ng lahat.Sila'y sumayaw sa pangunguna nila Sir Ramil Garido at Sir
Jomel Lim na ika nga ay nag 'Duo' sa pagpapakita ng talento sa pagsasayaw.Ito ay nagdulot ng
matatamis na ngiti at halakhakan sa lahat ng manonood.Hindi rin nagpahuli sa paghataw ang kanilang
Coach na si Maam Euzabelle Chavenia.

Ang Pagtatanghal na iyon ng Grade 9 cheerdancers ay naging isang malaking tinik para sa dating
kampeon na syang susunod na magtatanghal.May kaba man sa dibdib ay hindi pa rin nagpadaig ang
Grade 10 cheerdancers,ang mala ginto nilang kasuotan at props maging ang mga maangas na galaw ay
nagbigay kaba rin sa mga kalaban.Tunay na magagaling ang pang huling grupo.Pulido at talagang
determinado ding depensahan ang kanilang trono.Kasabay ng pagsayaw ng mga cheerdancers ay ang
biglang pasok ng mga Grade 10 teachers .Pinangunahan ng kanilang coach na si Maam Jennifer Alcasid
at sinundan naman ng paghataw ni Maam Roan Mostoles-Cruz.Maraming natuwa ng mapanood ito ng
mga estudyante.Ayon sa kanila ay talagang nagulat sila na mahuhusay pala sa pagsayaw ang kanilang
Guro.

Ang lahat ay tila nabitin sa pagtatanghal ng apat na grupo.Talagang mahuhusay at masasabing


pinaghandaan nila ang mga ito.Ang apat na grupo ay nararapat bigyang karangalan dahil sa kani kanilang
galing at talentong pinakita.Ngunit sa huli ay isa lamang ang dapat na manalo.Sa lahat ng laban ay
nararapat na magtalaga ng isang kampeonato.Habang inaanusyo na kung sino ang magwawagi sa taong
ito.Bakas ang kaba sa mata ng bawat kalahok,samut saring sigawan at ingay ang ginawa ng bawat teams
tanda ng kanilang suporta.At sa huli,sinungkit ng Grade 9 Erudite ang kampeonato sa larangan ng
"Cheerdance".Sinundan naman ng dating kampeon na Grade 10 Amity at pangatlo ang Grade 8
Dauntless.Gayunpaman walang alitang naganap,rinerespeto at tinanggap ng lahat ang resulta.
OCABIS: Wagi sa Festival of Talents and Virtues

Ulat ni: Diane Bianca Malinab

Nanaig ang pagkamalikhain ng mga mag aaral ng OCABIS matapos nitong mapagwagian ang
katatapos na Division Collage Making Contest sa serye ng Festival of Talents na ginanap sa Olongapo City
National High School noong Nobyembre 15, 2019.

Kabilang sa Team OCABIS na kumopo sa nasabing patimpalak sina Arjay Sabanal, Imiejean Althea
Pineda at Jovelyn Ramos Sanchez na pinatnubayan ng kanilang gurong-tagapagsanay na si Gng. Ronely
Vergara kasama si Gng. Victoria Barrera, kapwa mga guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao.

Ang naturang patimpalak na may temang “Talento at Pagpapakatao, Susi sa Paghubog sa


Responsableng Pilipino” ay inorganisa ng Departamento ng Edukasyon sa Pagpapakatao sa
pamamatnubay ni Bb. Feligina Bugay.

Matatandaang dumaan sa masusing proseso ng pagpili ang grupo sa nakaraang patimpalak


pampaaralan bago naging kwalipikado sa patimpalak pandibisyon.

Sasabak ang Team Ocabis sa Regional Collage making Contest na gaganapin sa Maimpis,
Pampanga ngayong Disyembre 6, 2019.

You might also like