You are on page 1of 6

Liham para sa Patnugot

Sa aking Alma Mater, VNHSW,

Wala sa aking hinagap na ang buhay pala ng estudyante sa hayskul ay hindi madali,hindi
puwedeng ipagsawalang-bahala, ika nga.. Aaminin ko na noong una ay parang nawindang ako, mistulang
ako’y walang kamuwang-muwang. At para maka-agapay ako sa estadong ito ng aking buhay, dapat ay
maroon akong sandatang magagamit-EDUKASYON. At iyan ang isa a mga reyalisasyon ko ngayon na nasa
huling baiting na ako ng hayskul.

Marami akong pinagpilian noong bago ako pumasok sa Senior High School pero sa bandang, huli
napagdesisyonan ko na lamang kasamaang aking mga magulang na ipagpatuloy ko na lamang ang aking
pag-aaral dito sa VNHSW. Kaya ngayon ay isa ako sa 19 mag-aaral na magtatapos sa unang batch ng K
to12 Curriculum.

Masasabi ko na ibang iba ang buhay sa Senior High School sa Junior High School. Patotoo ditto
ang napakaraming gabing halos walang tulog dahil sa napakaraming requirements sa iba’t ibang
asignatura. Idagdag pa riyan ang napakarami ring patimpalak at pagdiriwang na dapat salihan Pagod ng
katawan at isipan ang puhunan upang mapagtagumpayan ang anumang marka na nanaisin mo.

Hindi naging madali ang pagharap sa sa pakikibakang aking naranasan pero masaya ako kahit
papaano dahil masasabi ko na unti-unti ko nang nakakamit ang bawat isa, pero hindi ko masasabing ako
lang, na sarili ko lang dahil alam ko na bawat laban na hinaharap ko ay kasama ko ang buong pamilya ng
aking paaralan. Mula sa napakamaunawaing punongguro-Gng. Grace F. Castañeda, sa kaniyang di-
matatawarang sakripisyo at husay upang magabayan ang bawat mag-aaral. Talaga naming ibinubuhos
niya ang lahat ng kaniyang makakaya para lang mapabuti kaming mag-aaral.

Hindi rin maipagkakaila ang kagalingan at dedikasyon ng mga guro para sa ikauunlad ng bawat
isa sa amin, dahil patuloy ang ginagawa nilang pagsasanay para lamang maibigay ang edukasyon na
nararapat upang makaagapay sa glbal nap ag-unalad. Ang nakikita naming dedikasyon nila sa pagtuturo
ang nagbibigay sa amin ng inspirasyon upang kami’y magpursige sap ag-aaral,nang sa gayon ay
maipagmalaki rin nila kami balang araw. Sa araw-araw na nakikita ko kung gaano sila nagpupursige ay
mas lalong tumitiim sa utak ko na napakaswerte kong mag-aaral.

Pagkatapos ng aking paglalakbay dito, buong pagmamalaki kong masasabim isa ako sa
mahuhusay na estudyante at nagsilbi akong modelopara sa lahat.

Sa ngayon,wala akong pinagsisisihansa nagging desiyon ko na ipagpatuloy ang aking pag-aaral


dito. Masaya at kuntento ako sa anumang narrating ko. Mahal ko ang paaralang ito kasama ng mga guro
at punongguro, pati na ang mahigit 200 na estudyante na halos lahat ay kakiklala at kaibigan ko.
Saanman ako dadalhin ng aking mga paa, gaanoman kataas ang aking malipad sa hinaharap, ang
puso ko ay mannatilisa VIGAN NATIONAL HIGH SCHOOL WEST,… Magpakailanman.
BAKUNA IDINAOS SA VIGAN NATIONAL HIGH SCHOOL WEST
Idinaos noong August 17, ang pagbabakuna ng mga estudyante na mula sa grade 7.

Ang DOH ay maagang pumunta sa nasabing paaralan upang ang bakuna ay masimulan.
Si Gng. Grace F. Castaneda ang nanguna sa aktibidad na ito bilang punong guro ng paaralan
kasama ang ilang taga-City Health Office ng Vigan sa pamumuno ni Dr. Loida Ranches, M.D.

Habang ginaganap ang pagbabakuna sa loobng silid-aklatan ay nakapila ang iba pa sa


halos 65 na estudyante na kabilang sa antas 7. Pagkatapos ng bakuna ay tuwa ang makikita sa
kanilang mga labi dahil sila’y kampante na magiging ligtas na sa ilang sakit tulad ng tigdas at
tetanu.

Nabigyan lahat ng pampublikong paaralan sa buong siyudad ng Vigan ng anti-tetanus


(rubella diphtheria) at anti-measles upang makaiwas sa sakit ang mga batang Bigueño.
VNHSW, tumanggap ng mga school supplies
Bilang isa sa mga programa ng LGU Vigan, Nakatanggap ng iba’t ibang school supplies
ang mga estudyante katulad ng mga kwaderno,lapis,papel at mga pangkulay ang mga mag-aaral
ng VNHSW.

Ang nasabing ay pamumudmod ay ginanap ika sa VNHSW Quadrangle.

Ang programang ito ay may adhikain na tulungan ang mga magulang na makatipid sa
mga gastusin para sa mga pag-aaral ng mga anak.

Masaya naming tinanggap ng mga estudyante ang mga bagong gamit pang-eskwela at
ipinangako nila na mas lalo pa nilang pagbubutihin ang pag – aaral at pagpasok sa paaralan araw
araw.

Ang mga kagamitang pang-ekuwelang natanggapng mga mag-aaral ay ang mga


sumusunod: notebook, ballpen, papel, lapis at formal theme. Ang lahat ng mga ito ay nakasilid sa
isang plastic envelop.

Laking tuwa ng mga estudyante habang iniaabot ng LGU-Vigan kasama ng kanilang mga
tagapayo.

Ipinaabot ng mga magulang at eskwelahan ang kanilang taos – pusong pasasalamat kay
Mayor Juan Carlo Medina sa walang humpay na suporta at tulong,
Raniag, “Twilight Festival”, patok
Naging matagumpay muli ang taonang paddiriwang ng Twilight Festival ng Lungsod ng
Vigan. Isa ang street dancing at showdown competition ang pinaka-aabangang kompetisyon sa
larangan ng musika at sayaw. Labing-isang grupo ang nagbakbakan sa pook-dausan sa Plaza
Burgos, na nagsimula sa oras na 7:30 ng gabi.

Unang ipinamalas ng bawat grupo ang showdown sumunod ang street dancing na kung
saan sumayaw sila mula harap ng bulwagan ng lungsod papuntang Quezon Avenue hanggang sa
may Calle Crisologo.

Isa ang VNHSW na sumali sa kompetisyonna binubuo ng 20 mananayaw na mayedad 14


pataas. Si G. Gaylord Brent Rabang ang nagging tagasanay ng mga mananayaw.

Iniuwi ng DanceProject ang kampeonato, nasundan naman ng University of Northern


Philippines, samantalang taga-Sarrat,Ilocos Norte ang pangalawang pwesto.
Mayor Juan Carlo S. Medina, sinorpresa ang mga taga-VNHSW

Sa kauna-unahang pagkakataon, sa loob ng halos 20 taon, sinorpresa ng butihing ama ng


lungsod na si Mayor Juan Carlo S. Medina ang mga mag-aaral at guro ng VNHSW sa mismong
kaarawan nito noong ika-25 ng Setyembre nangbisitahin niya ang paaralan.

Naging makabuluhan at produktibo ang nasabing pagbisita niya sa eskuwelahan dahl


nakita niya mismo ang pinaayos niyang covered gym para mas maging komportable ang mga
aktibidad na gaganapin sa paaralan.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga opisyal ng Supreme Student Government, mga
kinatawan ng bawat antas at mga guro na kapanayamin ang butihing mayor.

Sa naturang “round-table” na pakikipag-usap na ginanap sa mismong opisina ng Punong


guro ay tinalakay ang tungkol sa gagawing Y-Peer Training ng sampung estudyante at pinag-
usapan rinse naturang pagtitipon ang ilang problema ng paaralan at mga estudyante.

Nagbitiw rin ng salita ang butihing mayor na pagsisikapan niyang maipaayos ang
nasirang entablado ng paaralan matapos itong masira dahil sa pagpapatayo ng covered court.

You might also like