You are on page 1of 2

53rd Foundation Day, muling idinaos

Isa sa pinakainaabangan ng mga mag-aaral ng PSETP ang pagdiriwang ng Foundation Day ng


paaralan. Mistula bang kulang ang pagiging Enricans ng isang estudyante ng nasabing paaralan kung hindi
nila maranasan ang makilahok sa pagdiriwang ng paaralan.

Ipinagdiwang ang 53rd Foundation Day noong ika- 8 hanggang ika 9 ng Marso taong kasalukuyan
na may temang 53rd Years and Counting , Shaping Minds… Touching Souls…Building Future. Sinimulan ito
sa isang parada na linahukan ng buong pamilya ng ENTPHS na pinangunahan ng butihing punong-guro ng
paaralan na si Dr. Freya R. Tamondong, Ed.D,kaagapay ang mga magagaling na Ulong-guro ng iba’t ibang
departamento , buong pwersa ng guro at mga talentado at bibong bibong estudyante ng iba’t ibang
baitang. Sa parada pa lamang ay bakas na ang mga ngiti at pagkasabik ng mga mag-aaral sa mga
nakatakdang gawain sa nasabing pagdiriwang.. Ngunit bago pa man umpisahan ang pagdiriwang ay
nagsagawa muna ng isang misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Mc Andro Recto F. Landingin, pagkatapos ay
pormal ng binuksan ang programa ng maginoong Ulong-guro ng Departamento ng Araling Panlipunan at
MAPEH na si G. Ruben R. Mandapat. Ang ikalawang parte ng programa ay ang isa sa pinakamadamdaming
yugto sapagkat ditto binalikan ng ETPNHS ang naging pakikipagsapalaran nito sa loob ng 53 taon, mula sa
mga estudyanteng hinubog na ng panahon na karamiha’y propesyunal na at naging aktibong miyembro
na ng komunidad hanggang sa mga gurong walang sawang nag-aalay ng dedikasyon sa kanilang propesyon
na siyang naging pundasyon ng kung ano ang tagumpay na nakamtan ng ETPNHS ngayon, kasama na rin
ang mga pagbabagong nangyari sa eskwelahan, mga tagumpay at kabiguan. Hindi rin nakaligtaang
pasalamatan ng buong paaralan ang mga taong nagbigay oportunidad upang magkaroon ng ETPNHS
ngayon at iyon ay ang pamilya ng Prado na inirepresenta ng Administrative Assistant V ng PNP Logistics
Support Servise na si Gng. Merly P. Asistores.

Sa kabila ng kasiyahang ginanap sa paaralan ay hindi rin lubusang makangiti o makatawa ang mga
estudyante, mga guro, mga magulang at higit pa ang mga miyembro ng PTA sapagkat nalagasan ang
ETPNHS ng isang miyembro ng pamilyang tunay na nag-alay ng sarili sa ikabubuti ng buong paaralan at
iyon ay ang presidente ng PTA na si Engr. Mario P. Sison. Pinangunahan ng mabining ulong-guro ng
Departamento ng Science at TLE na si Bb. Priscila F. Doria ang pag-alala at pagpapasalamat sa namayapang
presidente na ipinahayag rin sa pamamagitan ng isang sertipiko ng pagpapasalamat at pagkilala sa naging
kontibusyon ni Engr. Sison na tinanggap naman ng kanyang may bahay na si Gng. Rebecca V. Sison , ulong
guro ng Departamento ng Mathematics at kanilang mga anak.

Napuno naman ng kagandahan at kamaginoohan ang ETPNHS ng parangalan ang hinirang na Mr


& Ms. Foundation 2019 na sina Marvin Rey L. Belasario at Elaiza Gabrielle V. Garcia.
Namayagpag naman ang talent ng mga Enricans ng ginanap na ang paligsahan sa Mass Dance,
Song Solo at Duet. Sumayaw ang mga kalahok sa saliw ng musika ng 80’s at 90’s na tunay naming nagbigay
indak at aliw sa mga manonood na mas namangha pa sa kanilang malikhaing kasuotan at naglalakihang
props.Naging mainit ang tunggalian ng bawat baitang na sadya pang nagpainit ng tanghali ngunit ang
tunay na nag-uwi ng ngiting tagumpay ay ang Grade 10. Nadala naman ng mga malalamyos na tinig ng
mga mang-aawit ng iba’t ibang baitang ang buong Enrico T. Prado nang awitin nila ang kani-kanilang
pyesa. Pawang lahat sila’y magagaling ngunit isa ang nangibabaw at siya ang representatib ng Grade 10
na si _______________________________________. Kilig naman ang hatid ng mga mang-aawit ng Duet
nang haranahin nila ang mga manonood sa kanilang awiting tunay nga namang kaibig-ibig na animo’y
araw pa rin ng mga puso. Inuwi ng pangkat ng Grade 10 ang pagkapanalo maging sa Duet sa katauhan ni
_______________________________________.

You might also like