You are on page 1of 1

Foundation Day ng QCSHS S.Y.

2017-2018
Ang QCSHS ay isa sa mga tanyag na paaralan sa Quezon City. Dito ginanap
ang "Golden Jubilee" at ang ikalimampung anibersarsyo ng paaralang ito. Noong
Setyembre 16, nagkaroon ng "motorcade" na umikot sa halos kabuuan ng Quezon
City. Higit pa rito, may mga "booths" din kung saan mabibili ang iba't-ibang uri ng
mga pagkain at siyempre mga bagay na makikita sa karaniwang tindahan ngunit
nakabatay sa "trend". Ang pagdating ng mga Batch '71 o mas kilala sa
"Homecoming of Batch '71" ay isa sa mga pinakahihintay na parte ng araw na
iyon. Sila ay ang binigyan ng pagkakataong makapagsalita sa harap ng nakararami
upang maipahayag ang kanilang pagmamahal sa paaralan. Sila rin ay namahagi ng
kanilang mga "funds" upang maging tulong sa eskwelahan lalo na sa larangan ng
"Robotics". Ang araw na iyon ay isa sa mga mahahalagang araw ng mga Scientians
sapagkat ito ay ang araw kung saan binigyan ng pagkakataon ang mga
estudyanteng makipaghalubilo sa kanilang mga kaibigan. Ang mga guro at "staff"
ay nakaramdam din ng kasiyahan dahil nakita nila ang potensiyal ng
ikalimampung anibersaryo at ang kagandahan nito. Hindi ito mangyayari kung
wala ang mga estudyante at gurong nagtutulungan upang maging masaya at
masigla ang araw na iyon para sa kanila.
Isa sa mga nagbigay ng sigla sa Foundation day ay ang BIC na isa sa mga
nagsponsor nito. Mahalaga ang ginampanan nito sapagkat ito ay gumawa ng mga
palaro na may kasamang premyo (mga ballpen). Ang iba mga booths tulad ng
siomai and gulaman booth at shawarma booth ay nagpawala ng gutom at uhaw
ng mga estudyante. Ang marriage booth, jail booth, at horror booth naman ay ang
mga nagbigay aliw sa mga Scientians.
Isa sa mga katangian at ugaling hindi mawawala sa mga Scientians ang pag-
abang sa mga pangyayaring magdudulot ng kasiyahan sa kanila (tulad ng
Foundation Day). Isang beses man nagaganap ang Foundation day sa bawat taon,
hindi ito mawawala sa mga isipan ng mga estudyante sapagkat ito ay isang araw
ng pagkakaibigan at pagkakaisa.

You might also like