You are on page 1of 2

Alon-e

Naalala na naman kita

Naalala ko na naman ang ‘tayong dalawa’

Ang kalimutan ka’y di ko magawa

Ang puso ko’y di maturuang magmahal ng iba

Sabay tayong nangarap noon

at alam kong balang araw matutupad iyon

pero tila labag talaga sa atin ang mundo

mga pangako’y bigla nalang nag laho at napako

Madalas tumatatak sa aking isipan

Ang puno kung saan nakaukit ang ating mga pangalan

Ang simbolo ng ating pagmamahalan

at kung saan mo ko iniwan.

Umasa ako na ako’y iyong babalikan

kahit iba na ang iyong kasintahan

at saki’y wala kang nararamdaman

diba parang ang tanga ko naman.

Naaalala mo pa ba yung panahon,

na tayo’y sumasabay sa alon,

ang alon ng ating kahapon


na sa limot ay itinapon

Isang bangka sa alon gaya ng ating relasyon

puno ng alaala’t masasayang okasyon

ang bangkang matibay: sa paglipas ng panahon

ay unti unting kinain ng alon

Matagal ko nang pinag-iisipan

Kung ano na ang magiging kahihitnatnan,

ang magiging kapalaran

ng puso kong nahihirapan.

Tapos na ang malalamig na gabi ng alinlangan, pagdadamdam galit, pagtitimpi

umaga na kahit ang luma kong kape’t pandesal, nagbago na ang lasa.

You might also like