You are on page 1of 1

Colorado, Nicole M.

BEEd G4-1 day



Lumipas man ang Panahon


Dating tamis nitong ating pagsasama
Tinginan at usapan nating dalawa
Hindi ko malimot, hindi maitapon
Sa aking isipan ay di mabubura

Pinagmamasdan kong muli ang paligid
Kung sa'n ang ating mga puso'y umibig
Sa bawat paghakbang ay nananariwa
Ang dating tamis ng ating nakaraan

Kahit lumipas ang mahabang panahon
Nandirito ako at sayoy maghihintay
Pilitin ko mang ikaw ay kalimutan
Sa puso ikay nananatiling buhay

Ang lahat na nga ay tila maligaya
Tanging ako na lamang ang natitira
Puso ko hanggang ngayon ay nagdurusa
Sa paglisan mo mahal, o aking sinta

Hanap ng puso ko ang pag-ibig mo
Giliw na san ka? Puso koy nagdurusa,
Wala na nga bang halaga ang tulad kong
Hanggang ngayo'y nagmamahal sa 'yo sinta?

You might also like