You are on page 1of 2

Aking Kamag-aral

Ilang buwan na lang


Tayo’y magwawalay na,
Ngunit ang samahan bilang kaibigan ay ‘di mawawala
Lalo na kapag ika’w ay may problemang malala
Ikaw ay handang tulungan nila
Kung minsan ay may di pagkakaunawaan
Ngunit agad naman itong nasosolusyunan.

Sa unang araw ng naging pasukan,


Akala ko’y wala akong magiging kaibigan
Ayun naman pala’y madali silang pakisamahan
Lalo na’t ginagabayan ng aming guro ng kabutihan
Kung kaya kami ay nasisiyahan
Sa araw-araw na aming pag-aaral
Ngiti sa labi ang nababakas sa mga mag-aaral

O’ aking giliw na mga kamag-aral,


Tunay na ‘di ko malilimutan
Kasiyahan at mga masayang alaala
Ang aking nararamdaman talaga
Nawa’y sa mga susunod pa
Sana’y tayo ay maging maligaya
Maging mga pangarap natin ay maabot pa…

Ipinasa ni:
Sam Domerick C. Añain

Ipinasa kay:
Gng. Lulu O. De Jose

You might also like