You are on page 1of 17

November 18, 2019

Ang ballpen

Si Ballpen siya pala ang panulat mo...


Panulat mo sa kung ano ang totoong nararamdaman mo.
Siya ang panulat na lumuluha ng tinta para sa tadhana mo.
Pero alam mo...Si ballpen lagi lang yan sa iyong tabi para damayan ka.
Damayan ka sa araw man o gabi....Siya parin naman kasi ang panulat
mo sa kinabukasan.
Pero alam mo...Sana ako nalang si ballpen.
Palagi mong kasama sa buong oras ng klase.
Palagi mong iniingatan para di mawala sayo.
Na palagi mong hinahanap pag nahulog ito sa desk mo...
Gusto kong maging si ballpen mo...
Kasi gusto kong tulungan ka sa pag-abot ng pangarap mo.
Kasi ayokong mahirapan ka sa mga takdang-aralin mo.
Kasi hindi ka man manghingi ng tulong,nandito para sayo.
Kasi nais kong isulat sa puso mo na hindi lang si ballpen ang tutulong
sayo...Heto ako araw-araw umaasang maging ballpen mo.
Bawat araw iniisip ko,paano na kaya kung mawala ang ballpen mo.
Nanjan parin kaya ang kaibigan mo...Kaibigan mo na ipapahiram ang
ballpen niya kapag nawala ang sayo?
Oh sadyang gagawa ka ng paraan para mahanap ito ...
Kahit buong oras pa ng klase mo'y maubos.
Dahil alam mo sa sarili mo...Walang araw na hindi ka niya
dinamayan,hindi ka niya inisip,at hindi ka niya minahal...
Pero alam mo...Natatakot din akong maging ballpen mo...
Natatakot ako...Natatakot akong baka pag naubos na ang tinta
nito,ipagpalit mo ako...
Pero di bali na,mahalaga nagsilbi ako sayo...kasi Mahal kita.....!
Mahalaga napasaya kita at natulungan sa mga gawain mo.
Kaya sana ako nalang ang iyong ballpen.
November 17, 2019

Isang pirasong papel

Sa isang pirasong papel isinulat ko lahat,


Ngunit hindi iyon sapat.
Sa puso ay may natitira pang sakit,
Isipan ay punong-puno parin ng "bakit?".
Bakit ako ganito?
Bakit ganiyan?
Bakit ako nandito?
Bakit at anong dahilan?
Maging ako’y nalilito na,
Hindi maintindihan ang nadarama,
Sa apat na sulok nagkukulong,
Sa kadiliman, bawat sakit ibinubulong.
Pilit binubura ang pagkakamali sa aking pagkatao,
Ngunit sa bawat bura lalong dumidilim,
Kumakalat ang tintang itim,
Kaya naman napagdesisyunan nang ito’y punitin.
Para akong isang papel na pinagpipira-piraso,
Hindi ko alam kung muli pang mabubuo.
Nakasulat dito’y di mo na mababasa,
Hindi mo naman na kailangang basahin pa.
November 16, 2019

Ang kahalagahan ng oras


Ang oras ay nagbabago,
kung minsan pa nga di natin
namamalayan ito,
dahil sa pagiging abala
sa mga bagay-bagay na akala
natin ay importante.
Ika nga ng mga matatanda,
nasa huli ang pagsisisi,
dahil di natin maibabalik pa
ang mga oras
na nasayang natin,
na sana ay may nagawa pa tayong
mas makapagbigay kaligayan sa atin,
at mas kapakipakinabang pa.
Subalit pwede naman nating
pagsikapan upang maayos ito,
at mas pagtuunan ng pansin
ang mga prayoridad sa buhay,
tandaan na kahit magbago man ang oras,
lilipas man ito,
meron namang pagkakataong
maitama ang mga kamaliang
nagawa mo, kasi nga
sa bawat pagsibol ng bagong umaga
ay mababakas ang bagong pag-asa.
November 15, 2019

Ang pulang rosas

Mga rosas na pula


Nakakabighani ang ganda
Ang tangkay na angkop ang haba
Ngunit may tinik sa isang banda
Bulaklak na may ipinapaliwanag
Ang buhay ay maganda
Na parang rosas na pula
Kung kaya't dapat maging masaya
Ngunit sa kabilang banda
May mga tinik na magbibigay
Ng sakit at pagkalumbay
At magdudulot ng pagdugo
Sa pagkatao nating nanlulumo
Kung kaya't sa buhay ay kailangan maging maingat
Dahil madaming tinik na nakakalat
Maging matapang ang loob
Upang tayo'y di tumaob.
Ang aking aso
Isang magandang tuta
Ang bigla kong nakita
Noong ako ay dumayo
Sa bahay ng aking tito sa Baguio
Hindi ako mahilig sa Aso
Ngunit ng binigay ito sa kapatid ko
Natutuhan ko siyang magustuhan
At alagaan
Para sa inyong kaalaman
Ang kapatid niya ay anim
Kaya silang lahat ay pito
At siya ang pangatlo
Siya ay may mapungay na mga mata
Magaganda ang mga kamay at paa
Sexy ang kanyang pangangatawan
At medyo maharot minsan
Mahilig siya sa isda
At ayaw na ayaw niya ang taba
Matakaw siya sobra
Kaya minsan bigla nalang sumusuka
Nagkasakit na siya minsan
Ngunit hindi namin siya pinabayaan
Dahil tungkulin namin siyang pangalagaan
At siguraduhin ang kanyang kaligtasan.
Sa ngayon ay wala pa siyang anak at asawa
Kasi nga 11 months palang,bata pa
Ok na muna siguro na alagaan muna siya bago ang iba
Ang nag-iisang ikaw na mahal ko, Chewbacca.
The end
Sana po magustuhan ninyo.
November 12, 2019

Ang aking Ama

Ang aking amang haligi ng tahanan


Nagtatrabahot nagkakayod ng lubosan
Ngunit ang pag-aaruga samin ay hindi kinalimutan

Kaya kaniyang pagmamahal nais naming suklian


Ang aming amang sa amin ay bumubuhay
Laging nandiyan kaniyang mga gabay

Ikaw ang unang lalaking aking nasilayan


At unang lalaking naging kaibigan
Unang lalaking minahal akong tunay
Pinapahalagahan at inaalagaan ng higit pa sa iyong
buhay
Salamat sa regalong bigay ng Dios Ama.
November 13, 2019

Pangarap

Nahihirapan ako, oo
Nasasaktan ako, oo
Pero iniisip ko nalang na ang lahat ng ito ay pagsubok,
pagsubok kung saan kailangan nating lumaban, lumaban
para sa ating kinabukasan, kinabukasang inaasam ng
karamihan.

Handa akong mahirapan, handa akong masaktan.


Handa akong lumuha,
Handa akong madapa.

Pero pinangako ko, lahat ng Ito ay malagpasan ko, lahat ng


ito ay tatawirin ko.
Walang bituin ang hindi mapapasaakin, pati ang buwan ay
aking sasakupin.
Lahat ng pagsisikap ko,
Lahat ng pangarap ko.

Sigurado ako na balang araw ay makukuha ko ang pwestong


inaasam ko sa oras na ninanais ko.
Ayan ang pangarap ko,
Magpursigi kayo at sabay-sabay MANGARAP TAYO.
November 14, 2019

Salamat Panginoon

Panginoon ko, maraming salamat po sa lahat ng mga


biyayang walang sawang ibinibigay ninyo sa akin. Pipilitin ko
pong gamitin ang mga biyayang natatanggap ko upang
makatulong din po sa ibang kapwa ko nilalang na
nangangailangan.
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbibigay ng
pagkakataon upang malaman ko ang dahilan ng aking pag-
iral. Ibinabalik ko po ang karangalan sa inyo sa aking
pagkakalikha.
Maraming salamat po sa pagkakaroon ng masayang pamilya,
mga mapagkakatiwalaang kaibigan at mga kakilala. Sila po
ang dahilan ng aking kasiyahan. Sila po ang nagbibigay sa akin
ng inspirasyon upang mabuhay at maging masaya sa araw-
araw.
Maraming salamat po sa patnubay na inyong ibinibigay sa
aming lahat upang magampanan namin ang mga
responsibilidad at tungkuling nakaatang sa aming balikat.
Maraming salamat din pos a kalakasan, katalinuhan at
kapasyahan. Ito po ang ginagamit namin sa pagsugba sa mga
alon at pagsubok ng buhay.
Maraming salamat din po sa inyong bugtong na anak na
siyang tumubos ng aming kasalanan.
November 9, 2019

Crush

Si crush ay crush lang,


Pero di ko alam kung bakit iba
na aking nararamdaman,
Tila kinakabahan pag ikay nandiyan,
At tila di makatingin sayo ng diritsuhan.

Palihim kung akoy makatingin,


At akoy umiiwas pag nadapo sa akin
ang iyong mga tingin,
Nahihiya kasi ako at nag-aalala,
Na baka makita mo ang mukha kong namumula.
November 10, 2019

Ang aking Guro

Masdan mo ang guro, ang taong dakila,


Mapagtiis siyat laging matiyaga;
Sa tungkulin niya'y lagi siyang handa,
walang tigil siya sa maghapong gawa.
Guro ko ang siyang nagturo sa akin,
Na ang ating Lupa ay aking mahalin,
Ako naway gumagawa at aking sikaping
mapaunlad itong mutyang bayan natin.
Siya ang nagturo ng kabayanihan
Ng ating Mabini, Burgos at del Pilar;
Siya ang nagturong akoy maging tapat
Sa mga tungkuling aking ginaganap
Nagtatagumpay raw yaong masisipag.
November 11, 2019

Tula para sa aking kaibigan

Sa bawat sandali ng ating buhay,


May mga tao tayong nakilala.
Ibat-ibang ugali, ibat ibang katangian
May mga nakakasundo, mayroon ding Hindi

Pero noong una tayong nagkakilala


Sa apat na sulok ng ating silid aralan,
Di sinasadyang nagkatabi sa upoan,
At nagkakwentuhan na matagal
at magpahanggang nganyon palagi tayong nag
update sa social media.
November 6, 2019

Para sa aking pinakamamahal na magulang


Nang dahil sa inyo, akoy ipinanganak,
Inakay at binigyan ng mga patnubay.
Pag-aaruga ninyo ay walang katulad at kapantay.
Kaya noong ako ay umalis at lumisan diyan sa Agusan,
Upang mag-aral sa malayong dapit o lugar.
Ako ay nangulila sa inyong pag-aaruga,
Ma, Pa, alam kung hindi lang ako ang nahihirapan sa "long distance
relationship" natin.
Tandaan ninyo kahit malayo ako, nandito parin ako laging makikinig sa
inyo,
Salamat sa inyo at akoy pinag-aral ninyo ng kolehiyo.

Minsan naiinggit ako sa aking pinsan sa kanilang pamilya dahil buo,


At sila ay masayang-masaya at kumpleto.
Samantalang tayo ay magkalayo,
Gawa ng pag-aaral ko dito.
Naiintindihan ko ang sitwasyon at kayo rin naiintindihan ko,
Dahil sa kahirapan ng buhay Kaya napunta ako rito.
Ma, Pa, hindi ko ito sasayangin ang panahon,
Kahit mahirap ang malayo sa inyo kakayanin ko ito basta para sa inyo.
Ang mga sakripisyo ninyo upang may maipadala sa akin,
Susuklian ko ito ng pag-aaral ng mabuti.
Tandaan ninyo palagi mahal na Mahal ko kayo,
At mabubuo rin tayo pagkatapos ko mag aral dito.
November 7, 2019

Maskara

Ano nga ba ang maskara?


Ito ang palagi kung ginagamit araw-araw upang matakpan ang
tunay kung naramdaman. Hindi masama minsan na magtago ka
sa likod ng maskara para maging okay ang lahat. Ito ang tangi
kung sandalan sa tuwing akoy nalulungkot. Seguro ang nakita
lang ng ibang tao sa akin ay puro ngiti at saya na kung maka
tawa parang Wala na ng bukas. Ganyan ako sa ibang tao kay
dali ng buhay kung parating ganito. Kahit ang puso koy durog
na talaga pero pinipilit ko parin ngumita sa harap ng iba ayaw
kung magmukhang mahina sa kanila lalong-lalo na sa aking
pamilya alam kung ang nais lang nila ay mapabuti ako. Ako
yung taong medyo misteryoso hindi mahuhulaan kung ano ang
nasa isip. Talent ko ang magtago ng feeling kasi kaya kung
sarilihin nalang ang probema. Gusto ko na ako mismo ang
magresolba sa mga problema ko. Kahit ganoon ang paningin ko
sa buhay, madapa man ako pipiliin ko paring tumayo at
sabihing KAYA KO To para sa kinabukasan at sa pamilya.
November 8, 2019

Ina
Tatlong letra na may napaka halaga na ginampanan sa
ating buhay. Siya ang nasilang sa atin at nagbigay buhay.
Nag aruga at umintindi sa bawat oras. Kahit pagod na
siya pero patuloy parin siya dahil ang trabaho ng isang ay
walang kapantay sa ibang trabaho hindi mababayaran ng
malaking halaga. Kakainin na sana niya ibibigay pa sa
kaniyang mga anak upang hindi magutom ang mga anak
niya. Isang napakahalaga ang papel ng isang ina sa
lipunan dahil siya ang unang guro ng mga kabataan. Siya
ang kumpleto sa isang Bata upang maging mabuti na tao
sa lipunan at higit sa lahat may takot sa Dios.
Walang kapantay ang Ina ko Kung papiliin ako na maging
nanay ko ikaw parin ang pipiliin ko. Nagpapasalamat ako
dahil napalaki ninyu kaming tatlong magkapatid. For me
You are The Best mother. Pag may sakit ako palagi ninyu
ako dinadamayan at inaalagaan kahit alam kung
napapagod na kayu sa akin dahil sa ugali kong minsan
hindi maintindihan pag may naramdaman ako na sakit.
November 1, 2019

"Ang pag-uwi ko sa aking tinubuang Lupa"

Masaya ako sa araw na ito dahil sa wakas naka uwi narin ako sa amin,
halos limang buwan din akong Hindi ako naka uwi sa Agusan del Sur.
Masaya kaming magkapamilya na ipinagdiwang ang Halloween. Sabay
kaming nag dasal para sa mga namayapa naming mga Mahal sa buhay.
Ginawa ko rin itong paraan upang magkakasama kami buong
magkapamilya sobra talagang namiss ko sila. Kahit tatlong araw lang
ako sa amin sulit lahat bawat segundo dahil nakapag bonding kami
magkapamilya. At halos oras pinaparamdam ko sa kanila kung gaano
ko sila ka Mahal. Kaming tatlong magkapatid ay nag uusap tungkol sa
mga buhay buhay at kung ano na ang update sa kanila. Naghahalong
emosyon ang aking naramdaman nong sinabi ng aking mga kapatid na
ginagawa nila ang lahat upang matustusaan nila ang aking
pangangailangan sa pag aaral sa kolehiyo. Kaya mas lalo akong nag
pursegi na mag aral ng mabuti para masuklian ko ang aking pamilya sa
lahat ng mga sakripisyo nila sa akin. Sabi ng aking mga magulang na
kung ano man ang maging desisyon ko nandoon lang sila sa likod ko
nakasuporta. Ang hindi ko talaga malimutan sa tuwing uuwi ako sa
amin ay yung paghahandaan ako ng aking una ng paborito kung ulam
na adobong manok masarap na masarap talaga. Ang papa ko naman ay
palaging pinaalahanan niya ako na gawin ang mabuti at kung saan ako
maging masaya. Ang pamilya ko talaga ang rason kung bakit ako
gumising ng maaga at pumonta sa paaralan pangako sa inyo kahit
marami akong mga problema ngayon na pinagdadaanan pangako ma,
pa, hindi ako susuko dahil alam ko na mas kayo ang nahihirapan sa
paghahanap ng pera para may maipadala sa akin. Mahal na Mahal ko
kayo.
November 3, 2019

"Ang mahirap na araw sa akin"

Sa likod talaga ng saya ay mayroong lungkot na madarama.


Ito ang araw ng aking pagbalik dito sa Banaybanay, umaga na noon at
sinabihan na ako ni mama na naghanda na dahil babyahi pa ako ng
malayo pero parang hindi ako masaya na babalik. Kasi ang pinaka ayaw
ko talaga ay yung nagpapaalam mahirap talaga para sa akin. Mas lalo
pang naging mahirap sa akin nong hinatid ako ng mama ko sa terminal
sa amin yung pakiramdam ko ayaw kung sumakay sa bus na hindi
kasama siya. At nong ngang may bus na paparating tumulo bigla ang
aking luha pero hindi ako nag pahalata sa kaniya at mas lalo akong
umiyak nong umakyat din siya sa bus akala ko sasama yun pala iniabot
lang pala niya ang bag ko. Ayaw kung tumingan sa kaniya Kasi mas lalo
akong nahihirapan sa pag alis ko pero hindi ko napigilan ang sarili ko na
lumingon sa kaniya so ayun wala na akong nagawa tumolo na ang luha
ko kasi nag babay siya sa akin. Pinatatag ko lang sarili ko sinabi ko sa
sarili ko magsasama rin kami hindi prero sa susunod na mga araw at
linagay ko talaga sa alimpatakan ko na na ginagawa ko ito para rin sa
kanila. At walang oras na hindi ko sila sinabihan kung nasaan na ako
lagi ko silang ena update sa mga nagaganap sa aking buhay. Malapit na
ang December ma malapit na tayong magkakasama tiis.tiis lang tayo sa
Long Distance Relationship.
November 4, 2019

"Ang pagbabalik sa klase"

Magkahalong emosyon ang nadarama. May saya at


lungkot, masaya kasi makikita ko na naman ang
aking mga kaklat at mga guro, malungkot dahil may
mga bago nanaman na haharapin bilang isang mag
aaral ang mid term examination. Segurado ako
puyat na naman ang lahat para mag aral ng mabuti.
Para mapasa ang lahat ng subject para maka
proced sa susunod na taon. Kaya gagawin ang lahat
para sa pangarap at sa pamilya. Ibat iba ang storya
naming mga estudyante pero kami ay nagkakaisa sa
isang mithiin na Sana kaming lahat ay makapasa
upang pamilya ay maging masaya. Laban lang tayo
mga kamag aral Alam kung may kapalit itong
kaginhawaan sa atin at sa pamilya natin.

You might also like