You are on page 1of 9

Inspirasyon

Ni Paula Marie Caborubias

Pamilya ang aking inspirasyon


Sa aking mga ginagawa at tugon
Sila ang dahilan kung bakit ako
Nagsisikap ng husto

Pamilya, ang saki’y gumagabay


Sa kung saan ako lalakbay
Itinuturo ang tama at mali
Sa mga istoryang sinanabi

Ang ilaw ng aming tahanan,


Maria Teresa ang ngalan,
Isang inang uliran
At mabuting halimbawa sa kabataan

Siya’y namumulat ng maaga


Sa pait ng mundo
Ngunit di siya sumusuko
At siya’y nag-aaral ng husto
Upang makapagtapos sa nais niyang kurso

Anjo, ang haligi ng tahanan


Na laging nandyan upang kami’y gabayan
Ang dayuhan sa ating bayan
Dahil siya ay nagmula sa pulo ng Visayas

Istrikto man sa aking paningin


Isang mabuting ama at dapat tingalain
Kahit ano, kanyang gagawin
Para sa kapakanan namin

Ang aking kapatid na si Joana


Siya ay walong taong gulang na
Pitong taon ang aming agwat
Na marahil ay dahilan ng aming relasyong maalat

Ngunit kahit na ganoon


Siya ay mahal na mahal ko
Isang tawag niya lang ako ay darating
upang siya’y tulungan sa kanyang gawain

Pamilyang maasahan
Pamilyang laging nandiyan
Ako’y sinusuportahan
Sa aking tinatahak na daan.
Ang Aking Ama
Ni Paula Marie Caborubias

Siya ang haligi ng tahanan


Nagbibigay ligaya sa aming tanan
Laging nandiyan na nakaantabay
Upang tulungan ako sa aking lakbay

Istrikto man sa aking paningin


Isang mabuting ama at dapat tingalain
Kahit ano, kanyang gagawin
Para sa kapakanan namin

Sa kahit ano mang lumbay


Siya ay laging nakabantay
Upang laging gumabay at umaalay
Sa panahon na ako’y nalulumbay

Salamat aking ama


Dahil laging nandiyan ka
Patawad sa aking mga nagawa
Sa iyo at sa ating pamilya

Isang dakilang ama


Sa mga kilos at gawa
Handang mapatawad ka
Kahit ano man ang iyong sala

Siya ang aking ama


Mabait at may itsura
San ba naman ako magmamana
Kung hindi sa kanya.
Guro, Dakila Kayo
Ni Paula Marie B. Caborubias

Sa umaga’y darating na dala-dala


Mga kagamitang gamit sa eskwela
May aklat, tsart at learning log pa
Na sa kanila’y di pwedeng mawala

Kung titignan, sila’y simpleng tao lamang


Minsan pa nga’y sinasabing rwalang kayamanan
Ngunit ang kanilang isipa’y puno ng kaalaman
At ang puso’y sinlaki ng walang hanggan.

Sa paaralan, kayo ang aming pangalawang magulang


Umiintindi sa lahat ng aming kakulangan,
Nagpadarama ng pagmamahal at kami’y pinagmamalasakitan
Mga bagay na hatid nyo at ng aming mga magulang.

Sa aking mga mata’y nasisilayan ko


Ang mga sakripisyo at pagpupunyagi nyo
Upang kami’y matuto at makilala sa mundo
Maging isang taong marangal at edukado.

Mahal kong mga guro


Nais kong isigaw sa buong mundo
Walang sinumang makapapantay sa inyo
At sa gawain niyong pagtuturo.

Bayani kayo,
aking mga guro,
Dakila, ang lahat ng gurong
Nakilala ko dito sa mundo.
Bae
Ni Paula Marie Caborubias

Kayo ay aking nakilala


Sa iba’t ibang pagkakataon
Ang iba ay nakilala ko sa elementarya
At ang iba naman ay sa sekondarya

Marami akong pagkukulang


At ito ay ‘di mabilang
‘pagkat aking inuuna ang aking pag-aaral
Kahit na kayo ay umiiyak na’t luhaan

Ngunit kahit na ganoon


Nais kong malaman niyo
Nasa lahat ng pagkakataon
Ay mahal na mahal ko kayo

Minsan naiisip ko
“Karapat-dapat ba akong
Maging kaibigan ng mga taong ito?
Nagagampanan ko ba ang mga responsibilidad ko?”

Sa aking pagnilaynilay
Iniisip ko ang kahalagahan ko sa kanilang buhay
Dahil sila, kailangan ko sila sa aking buhay
‘pagkat sila ay isa sa dahilan kung bakit ako ay nabubuhay

Nais ko iparating sa aking mga kaibigan


Na hindi karaniwan ag aking pamamaraan
Kung paano ko ipakita ang aking pagmamahal
At pagmamalasakit sa mga taong aking pinahahalagahan

Aking mga kaibigan


Ako ay laging nariyan
Kung ako ay inyong kailangan
Dahil kayo ay aking minamahal, magpakailan pa man

Sa ating paghihiwalay sa susunod na pasukan


May makikilala akong mga bagong kaibigan
Ngunit huwag kayong mag-aalala
Dahil mananatili kayo sa akin puso’t mga ala-ala
Inang Kalikasan
Ni Paula Caborubias

Ang kalikasang kayganda


Unti-unting nasisira
Mga sakuna ay dumaragsa
Global warning at iba pa

Ang simpleng kabutihan para sa kapaligiran


Nakabubuti para sa tao at bayan
Pagtutulungan at disiplina ang susi
Upang kalikasang nasira’y bumangon muli

Kalikasan ay ating protektahan


‘pagkat ito’y mahalagang kayamanan
Ipinahiram ng Poong Maykapal
Upang tayo’y mamuhay ng marangal

Tayo’y magtanim ng puno


Tayo ay maging responsableng tao
Pangalagaan ang ating mundo
Na unti-unti nang naglalaho

Kapag nagtapon ng basura


Tiyaking ito ay nasa tamang basurahan
Upang hindi maransan
Ang nangyayari sa Maynila

Kung nais ang masaganang kinsbukasan


Bawat aksiyon pag-isipan
Kumilos sa tamang paraan
Upang hindi sukuan ni Inang Kalikasan

Ating protektahan at pangalagaan ang kalikasang


Tumutugon sa pangangailangan
Para sa ating kapakanan
At sa susunod na kabataan
Pangalawang Tahanan
Ni Paula Marie Caborubias

Ito ang aking pangalawang tahanan


Kung saan ko natutunan
Ang mga bagay bagay na nasa aking isipan
Na aking ginagamit bilang isang puhunan

Ito ang aking pangalawang tahanan


Kung saan ko natagpuan
ang aking pangalawang magulang
Na silang humuhubog sa aking katauhan

Ito ang aking pangalawang tahanan


Kung saan nakilala ko ang aking mga kaibigan
Hindi ko inakala nasa tahanan ito
Makakakilala ako ng mga makakasangga ko

Ito ang aking pangalawang tahanan


Kung saan hindi maiiwasan
ang tampuhan at awayan
Lalong lalo na sa aking mga kapwa kamag-aral

Ito ang aking pangalawang tahanan


Kung saan ko nasubukan
Makipag-kaibigan sa mga tao
Ngunit ako’y tinalikuran rin lan ng mga ito

Ito ang aking pangalawang tahanan


Kung saan ko natututunan
Ang iba’t ibang mga bagay
Na kinakailangan sa pamumuhay

Ito ang aking paaralan


Kung saan ko natutunan
Hindi lang ang bumasa at makipagtalastasan
Kundi pati ang makipag-kaibigan
Salamin
Paula Marie Caborubias

Ako ngayon ay nakaharap sa salamin


Kung saan matatanaw ang mga hangarin
Ngunit hindi tiyak ang nasasalamin
Sapagkat dalawang panig ang nakatingin

Sa buhay may pagpipiliang dalawa


Ang mabuti at masama
At dtto masusubok ang iyong paniniwala
Sa Diyos na siyang lumikha

Dalawang panig ang nakaharap sa akin


At matinding pagdedesisyon ang dapat gawin
Dahil dito makikita ang aking hangarin
Sa buhay na ibinigay ng Diyos sa akin

Ano nga ba ang dapat piliin?


Amg mabuti kung saan makadarama ng paninimdim
O sa masama kung saan madali at lahat ay maaangkin
Ngunit hindi matatamo ang pangunahing mithiin

Maramng tao ang pumunta sa mabuti


Ngunit hindi natin maitatangi
Na may Mga taong masama ang pinli
At ngayon ay nakikita nating wala sa sarili

Sa aking pagpili sa mabuting daan


Ako ay nahimasmasan sa pusong param
Higit na mainam ang paggawa ng Kabutihan
Upang makamit ang minimithing pinagimpan

Siguro nga ako’y nakaranas ng pighati


Ngunit sa huli ako rin ay nagwagi
Dahil ako ay naniniwala na
“Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa”

Kaya kayo na pinili ang masama


Payo ko sa inyo, kayo ay magbago na
Habang may oras pa
At hindi pa bumabalik si Hesu Kristong magtatadhana.
Taong Kahangahanga
Ni Paula Marie Caborubias

Ako ngayon ay nagsusulat ng isang tula


Tungkol sa isan taong kahahangahanga
Nasa akin ay napamahal na
At siguro siyang bubuo sa pusong napariwara

Ako ay nakadama ng iba’t ibang damdamin


Kasaya, malungkot, at minsa’y naninimdim
Minsan ang aking isipa’y nangungulimlim
Sapagkat ang mithii’y di maangkin

Ngunit Ito ay naglaho


Dahil narin sa mga pangarap ko
Na dapat siyang inuna at hindi ang puso
Na sa tuwina ay siyang dapat makamit ko

Sa isang hindi inaasahang panahon,


Kung saan hindi ko na iniisip ang naglaon
Siya ay biglang dumating
At ginulo ang mundo kong taimtim

Sa una ay hindi ko siya pinapansin


Sapagkat ako ay naatuon sa aking mga Gawain
Kaya naman ako ay nanalangin
Sa Panginoon na siya’y tumigil

Ngunit siya ay determinado


At pati ang Panginoon ay nasa panig nito
Binigyan ko siya ng pagkaataon
Mapatunayan ang kaniyang imaton

Walang araw na may oras ang lumbay


Sa kanyang piling, ang bawat sandali ay patunay
Na ang agsinta ay nakakahalina
Ng pusong galak sa pagsinta

Ako ay naniwala sa kanyang mga salita


Na animo’y ibibigay ang buwan at mga tala
Ngunit sa isang iglap ang relasyon ay kumawala
Sa tanikala ng pag-ibig at paghanga

Ang taong aking hinangaan


At inasam na siyang bubuo sa aking katauhan
Ay isa palang pilat at gintong huwad
Na siyang nagbigay ng aking kasawiang palad

Akala ko siya na
Ngunit akala ko lang pala
Siya rin ay katulad ng iba
Na ako’y iniwan at ipinagpalit sa iba

You might also like