You are on page 1of 12

Ganito ba?

Araw na naman, panibagong buhay

At heto na naman ako!

Walng saysay ang buhay…

Gurong nagsasabing magaling daw

Ngunit bakit heto at nagmamagaling lang

Ayoko man sabihin ngunit siya talaga`y nakakainip…, ang nais kong sabihin

Pagtuturo`y walang kabuhay-buhay

Isang taong ganito ang aking nararanasan

Sa gurong adi mo lobusna maunawaan

Mga tinuturong ni hindi maintindihan

At lubos pang nakakatamad

Kung di lang kailangan matagal kong pinabayaan

Ganito ba talaga, lagi na lang ganito?

Pagtuituro niya`y di lubos maunawan

Hindi lang ba niya ramdam ang pagtuturong walang saysay

Nahindi maintindihan ngmga mag-aaral…!

O bakit ka ganyan,

Pagtuturong di maintindihan,

Hindi man lang alam kung may natutunan

Baguhin mo naman!

Para sa aming kinabukasan.


Kwaderno

Tampulan ng damdamin at natatanging talento

Kakaibang interpretasyon na may iba`t ibang istilo

Komedya at dramang salamin ng buhay ko

Ay makikita mo sakwaderno kong ito

Lahat ng kalooban ay puwede dito

Pinaghirapan o trip lang,depende sa`yo

Punahin man o kalugdan ng nakakita nito

Basta`t nasisiyahan ka sa ginagawa mo.

Walang naghihintay na malapalasyong papremyo

Hindi naman panglaban ang isinusulat dito

Anumang uri na inaasam na pribilehiyo

Hanapin sa iba pagka`t siguradong wala dito

Ang tanging konswelo, itinatanong mo?

Tingnan ang bawat pahina ng sulatang nakakahilo

Doon matatagpuan ang iyong katauhan

Bawat kaisipan ay may kalalagyan.


Lapastangan

Paano nga ba sabihin ang salitang lapastangan ka?

Ito ba`y kung kelan, nasaktan naang iba?

Kung kelan natapaka`t minsaliit ang pagkatao nila?


Saka molang iisiping nagkamali ka na pala.

Kung sa bawat pagkakamali, sa iyo`y isa lang bahala

Sa iba`y nagdudulot ka ng napakalaking pinsala

Kung sa iyo`y lahat ng bagay, konti lang ang halaga

Sa iba`y laking kamalian ang iyong mga gawa.

Tao kang nilalang na may puso`t matinong isipan

Hindi upang gamitin sa ninanais mong kamalian

Kundi upang tulungan ang nangangailangan mong kaibigan

Hindi upang sila`y putulan ng pag-asa`t kalinangan.

Ang salitang patawad kay daling sabihin, mahirap gawin

Bukal mang lumabassa iyong salitain ngunit di sa damdamin

May mga gawang pakunwariing pag-angkin


Sa kamaliang mismong gawaain, sa kabila ng maitim na balakin.

Sino makakapagsabi ng tunay mong saloobin

Kundi mga taong kauri mo lamang din

Nang minsan kang pagpayuhan ng butihing kaibigan

Iyo pang itinatwa`t masamang tinitigan sa kabila ng kabutihan.


Sa Tula

Sa tula marami ang namamangha

Maraming puso ang tumatalon sa tuwa

Maraming damdamin dito`y nakakatha.

Sa pamamagitan ng tuwa, takot at luha.

Satula marami ang lumabas na bida

Puwedeng ikaw, ako o kaya naman ay siya.

Tulad ng mga taong may lahing kontrabida.

Dito sa tula may kalalagyan sila.

Sa tula maraming lihim ang nabubunyag.

Tuladng lihim na pag-ibig ng isangbulag.

Lihim ng galit ng isang hitad.

Dito sa tula lahat ng lihim ay sigurtadong hubad.

Ngunit teka muna kaibigan,

Di lahat ng tula ay puro kalokohan…

Marami dito ay may nakatagong kabiguan

Lihim napagtangis sa likod ng kababawan

Kaya`t sabawat tula na iyong nababasa

Bigyang pansin at pag-unawa sa tuwina

Tulad ng pagbibigay n`yo ng pansin sa inyong sinisinta

Dahil walang lihim nadinabubunyag sa tula.


Pangako ng Anak sa Ina

Inay, paglaki ko`y ibibli kita,

Ng bagong sapatos at saya

Ang mga luma mo`y itatabi ko na,

Upang ikaw, Inay, ay maging masaya.

Ako ang gagawa ng iyong gawain

Umaga, tanghali`t hapo`y magsasaing

Pagagandahin ko itong bahay natin

Lahat ng bahagi`y aking lilinisin.

Kukuwentuhan kita ng mga katatawanan

Kung makikita kong ikaw ay nalulumbay

Mag-aaral ako`t ang aking tagumpay

Ay ihahandog ko sa iyong paanan.

Kung ako`y tapos na`t meron ng trabaho

Hahandugan kita ng pera`t regalo

Ang tahanan nating ngayo`y bahay kubo

Papalitan natin ng mala-palasyo

Inay pagtanda mo`yako ang papatnubay

Aalagaan ka sa gabi at araw

Ito`y pangako ko at iyong asahan

Mamahalin kita habangbuhay.


Lumpo

Sa buhay ng tao may katanungang mahirap hanapin ng kasagutan kaya di nabibigyan ng


katugunan. Kung minsan, nagiging dahilan ito upang ang tao`y sumuko at ipagwalang bahala
ang buhay nito hanggang mapariwara. Ngunit hindi natin mahahanap ang kasagutan kung tayo
ayuupo lamang sa isang tabi.

Sa isang subdibisyon, nakatira ang isang lumpo na ang pangalan ay Zandro. Siya ay 21
taong gulang at ipinanganak din sa lugar na iyon. Ang mga magulang niya na sina Aling Luisita
at Mang Bernardo ay kapwa nagtratrabaho sa isang kilalang kompanya sa isang bansa. Lumaki si
Zandro na malayo sa kanyang mga magulang. Ngunit kahit isang lumpo, batid niya ang
ginagawang paghihirap ng kanyang mga magulang para lamang maipagamot siya. Ang kasama
niya sabahay ay ang katulong na kinuha ni Aling Luisita na si Aling Nene. Naging kaibigan na
kasi ito ng kanyang inamula pa noong sila`y mga bata pa. Bagaman si Zandro ay nalulungkot,
dinadaan na lamang niya sa pagbibiro at pagtawa. Ang kasama niya sa mga oras na gaya nito su
Aling Nene.

Isang araw, habang si Zandro ay namamasyal sa kanilang lugar sakay ng kanyang wheel
chair nakita niya ang babae na umiiyak sa may ilalaim ng puno. Agad niya itong nilapitan at
tinatong kung ano sng pangalan nito. Tumugon ang babae at nagpakilala. Ang pangalan niya ay
Edna. Siya ay Labing walong taong gulang. Tinanong ng binata kung ano ang problema nito.
Tumugonang naman si Edna at sinabing siya ay namamasukan bilang isang katulong upang
maipagamot ang ina niya na mayroong sakit sa bato. Patay na kasi ang kaniyang ama at nag-
iisang anak lamang siya. Ngunit mas ginusto niyang mamasukan bilang isang katulong dito
upang makahanap ng malaking pera na sadapat upang maipa-opera ang mahal na ina.

Ilang sandali pa ay si Zandro naman ang nagsalita at nakiusap kay Edna na kung maari ay
tulungan siyang makababa sa kanyang wheel chair. Agad namang kumilos ang dalaga. Nang
punto namang iyon ay lumalim ang naramdamang awa ni Zandro sa dalaga. Pinapayuhan niya
ito at nagbakasakaling makapagpagaan ng loob nito. Sinabi niya na pareho lang silang malayo sa
kanilang magulang. Nasabi pa ni Zandro na mas masuwerte pa ang dalaga dahil lumaki siyang
kapiling ang mga magulang hindi tulad niya na lumaki lang sa katulong. Naantig si Edna sa
sinabi ni Zandro. Dinugdutungan pa ni Zandro na dapat hindi siya ang tipong umiiyak tulad ng
nangyari ngayon. Sinabi pa nito kay Edna na ang lungkot na dinaranas nito ay agad din namang
maiibsan kunggagawa ng paraan. Napaluha si Edna sa mga sinabi ng kausap at tila lumakas ang
kanyang loob at nagkaroon ng tapang. Bago sila naghiwalay ay sinabi ni Edna kay Zandro na
sana ay magkita ulit sila at muling magkwentuhan. Nagpaalam na sila sa bawat isa. Si Zandro ay
nakapagpapalakas-loob sa iba ngunit du sa kanyang sarili. Hindi niya kayang palakasin ang sarili
upang hanapin ang katotohanang siya ay isang lumpo. Kung tutuusin ay may pag-asa pa sana
itong makalakad ngunit talagang walang lakas ng loob upang magpagaling. Pinangungunahan
kasi sya ng takot. Takot na baka mabigo lang kung susubukang magpagaling. Mas ninanais po
niya na manatiling ganoon na lang ang kaniyang kalagayan.

Makalipas ang isang buwan, muling nagkita sina Zandro at Edna sa dating lugar na unang
pinagtagpuan nila. Masaya na ang mukha ni Edna. Labis-labis ang [asasalamat nito kay Zandro
na nagpayo sa kanya at nagbigay ng lakas ng loob sakanya upang tumayo sa pagkakadapa at
patunayang matibay at di kayang pabagsakin ng isang luha na nagmula lang sa mata niyang
walangwalang lakas. Sinabi ni Edna kay Zandro na kung hindi dahil sa payo nito hindi lalakas
ang kanyang loob. Si Zandro rin ang nagtulak sa kanya upang mag-aral sa kolehiyo upang mas
lalo pa niyang matulungan ang kanyang magulang. Naisip ni Edna na kung makakapagtapos siya
ng pag-aaral mas matutulungan niya ang kanyang ina. Nag aalala naman si Zandro sa sinabi
nito. Nag-aalala siya dahil baka hindi nito kayanin ang hirap kung mag-aaral habang
nagtatrabaho habang iniisip ang nangyayari sa kanyang ina.

Ngunit napansin ni Zandro na tumutulo na naman ang luha nito bagama`t hindi nya alam
kung ano ang dahilan. Kung kaya tinanong nya kung ano nga ba ang problema nito. Tinanong
nya kung paano magagantihan ang tulong na naibahagi ni Zandro sa kanya. Nang puntong iyon
ipinakita ni Zandro kay Edna na kaya nitong makaganti kung tutulungan siya nitong makatayo sa
kanyang wheel chair. Natatakot si zandro ngunit kung ipapakita niya kay Edna na mahina rin
pala siya ay luluha na naman si Edna. At hindi niya iyon mapapayagan. Nakiusap si Zandro kay
Edna na kung maaari ay tulungan siya nitong makalakad. Bagama`t natatakot din si Edna na
mapahamak lang si Zandro, kungpipilitin lang nitong makalakad,lumapit ito sa kinaroroonan
niZandro. Napansin namanagad ito ni Zandro kung kaya sinabi nito, “Sige kung natatakot ka ay
ako na lang ang gagawa para di` ka na malungkot.”. Sinabi rin nito nakapag nakalakad na
siya ipapaalam niya kaagad kay Edna.

Makalipas ang apat na taon, malapit ng makatapos si Edna sa kursong Nursing. Malapit
na niyang maipagamot ang minamahal niyang ina dahil sa pinapadala niyang pera sa kanilang
probinsya sa bawat buwan. Sa kabilang banda, lagi nitongnaaalala ang kaibigangsi Zandro.Iniisip
kung ito ba ay nakakalakad na o baka nabigo gaya ng kanyang ikinakatakot.

Subalit isang araw,sa isang botika ay nagkabanggaan ang dalawa .Hindi nila nakilala
ang isa t’isa. Nagulat si Edna dahil nakakalakad na ang binatang dating lumpo .Samantala itong
si Zandro ay natuwa ng labis dahil muli silang nagkita .Nagkatotoo ang kanilang pangako sa
bawat isa n asana kapag sila’y muling nagkita ay para silang nagtagumpay.

Sino nga ba ang makapagsasabi na itong si Zandro nadating lumpo ay ang nakapagbigay
ng lakas ng loob sa kanya na noon ay punong punongng lungkot ang puso . Bagamat bakas din
ng kahinaan nakatulong ito sa simpleng mga payo lamang . Napatunayan ni Zandro sa sarili na
kahit lumpo ay nakapagbigay pag-asa rin sa iba.
Ambisyon

Isang mahirap na bata si Nelly na nangangarap na maging abogado balang araw. Pero
sadyang kay lupit ng tadhana dahil pagkatapos niya ng highschool ay wala silang kakayanan na
makapag-aral siya ng kolehiyo. Kahit ganun ang nangyari, hindi pa rin siya nawalan ng pagasa
na makapag-aral ng kolehiyo.

Lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Naghanap siya ng trabaho


para maypangbayad siya sa kolehiyo at matustusan ang kanyang mga pangangailangan.
Nakahanap naman ng trabaho si Nelly. Nagtratrabaho siya sa umaga at paggabi naman ay
pumapasok siya sa pampublikong paaralan sa kursong gustong-gusto niya,ang pag-aabogado.
Kahit nasapampublikong paaralan siya ay may malaking bayarin at hindi na niya kinaya sng mga
gastos, hindi na kasya ang kaniyang pangaraw-araw na pangangailangan sa kanyang sahod. Kaya
huminto muna siya sa pag-aaraal, at nagdesisyong mag-iipon muna siya.

Para kay Nelly, hindi handlang ang kahirapan sa pagabot ng kanyang pangarap. Kaya
naghanap ng ibang trabaho si Nelly namas maganda at malaki ang sahod. Namasukan siyang
katulong sa mag-asawang pilipina at amerikano. Maayos namanang trabaho ni Nelly sa mag-
asawa, mabait ang kanyang amo. Nang napagusapan nila ang buhay ni Nelly, nasabidinniya sa
kanyang amo tungkolsa kanyang pangarap namakapag-kolehiyo at makapagtapos ng abogasya.
Mapalad naman si Nelly dahil naghandog naman ang kanyang ammona pagaralin siya ng
kolehiyo kapalit ng pagsisilbi niya sa kanila. Sobrang saya ni Nelly sa nagyari kaya
nagpapasalamat si Nelly sa kanila dahil matutupad na rin ang kanyang pangarap.

Nagsipag at minabuti ni Nelly ang kanyang pagaaral para makatapos na siya ng kolehiyo
sa pag-aabogasya.Nag-aral siyang mabuti hindi niya sinayang ang oportunidad na binigay ng
tadhana sakanya. May mga pagsubok din siyang dinaanan pero hindi iyon hadlang sa kanyang
pag-aaral.

Nakatapos si Nelly sapag-aaral bilang Cum Laude, dahil sa sipag at tiyaga niya. Laking
pasasalamat niya sakanyang amo dahil pinag-aral siya ngkolehiyo. Ngayon,isa na siyang sikat na
abogado sa kanilang lugar. Sinabi ni Nelly sa sarili na kahit gaano kahirap ang buhay, basta`t
gusto mo ang isang bagay, magagawa at makukuha mo iyon kung pagsisikapan ang mga ito.
Pangarap at Tagumpay

Bata pa lamang si Leah, Erick at Olivia nang maulila sa kanilang mga magulang dahil
sasakit. Wala kasi silaang sapat na perang pangospital noondulot ng kahirapan. Dahil doon
napilitan silang gumawa ng paraan para may mapagkakitaan at maipagpatuloy ang kanilang pag-
aaral para sa kanilang pangarap na maginhawang buhay. Habang nag-aaral, namasukan si Leah
bilang isang byaya ng bata. Dahil malayo ang pinapasukan nitong trabaho sa kanilang tahanan,
nagpapadala lamang siya ng sulat at pera sa kanyang mga kapatid. Si Erick naman ay nagtrabaho
muna bilang karpintero dahil nais nitong makaipon muna saka ito mag-aaral. Si Olivia naman ay
gumagawa ng mga basang mula sa mga retasong tela na nakukuha lamang nito sa kanilang
kapitbahay na may patahian. Inilalako niyaangmgaito sa kalsada kapag wala itong pasok sa
eskwela.

Dahil sa kabaitan, sipag at pagiging tapat nito sa kaniyang mo, napagpasyahan ng amo ni
Leah na pag-aralin siya sa kolehiyo nang makapagtapos ito ng sekondarya. Labis naman ang
tuwa at pagpapasalamat ni Leah dito. Ang perang naiipon niya ay siyanamang ipinangtutustos
niya sa pag-aaral ng kanyang dalawang kapatid. Ngunit mas natuwa pa si Leah nag mabalitaang
binigyan ng scholarship si Erick ng isa sa mga napagtratrabahuhan nito sa pagkakarpintero. Ang
isa kasi sa napagtrabahuhan nito ay tumutulong sa mga taong naismakapag-aral ngunit walang
sapat na pera dahil sa kahirapan. Naikwento kasi ni Erick sa kanyang amo ang kwento ng
kanilang buhay nang minsan silang nagkasabay-sabay sa pagkain ng pananghalian. Si Olivia
naman ay kinuha na ng kanilang kapitbahay upang magtrabaho sa patahian tuwing wala itong
pasok sa eskwela. Dahil dito hindi na niya kailangan pang maglako sa kalsada. Laking tuwa
Olivia sa alok ng kanilang kapitbahay dahil gustong-gusto niya ang manahi ng mga damit.

Nang sila`y makapagtapos ng pag-aaral, agad silang naghanap ng kanilang gustong


maging trabaho ayon sa natapos nilang kurso. Mula sapagiging yaya, si Leah ay nakapagtrabaho
bilang isang guro dahil gusto niyang maibahagi sa iba ang kanyang natutunan at sa pagiging
mahilig nito sa mga bata. Dahil dito muli sila nagkasama-samang magkakapatid sa kanilang
bahay na noo`y inaayos ni Erick kapag may nasisira dahil sa malakas naulan at bagyo. Inhinyero
naman ang naging trabaho Erick nang makatapos ito ng pag-aaral. Balang araw ay nais rinniyang
makatulong sa mga taong gustong makapag-aral upang maibalik niya sa iba yung tulong na
naibigay bsa kaniya noon. Si Olivia ay nagpatuloy pa rin sa pagtratrabaho sa kanilang kapitbahay
matapos nitong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi nagtagal ay nakapagpatayo narin si Olivia ng
sarili nitong patahian satulong ng kanyang ate at kuya. Pangarap kasi nitong makagawa ng
magagandang kasuotan. Nagpapasalamat si Olivia sa kanilang kapitbahay na siyang nagtiwala at
tumulong sa kaniya noong nagtrabaho siya dito.

Makalipas ang ilang taon, nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya ang magkakapatid


subali`t hindi pa rin naaalis sa kanila ang pagtutulungan at pagkalinga sa isa`t isa. Kasabay ng
kanilang pag-asenso sa buhay ay ang pagtulong nila sa mga kawanggawa upang maibahagi nila
sa iba ang tulong na kanilang nakakamtan noong sila ay mga bata pa.

Baliw man

Simpleng Hi… Simpleng Hello.. Dun nagumpisa ang lahat.

Pagsasamang binuo ng mga ngiti at halakhak.Nung araw na yun ay naramdaman kong


hindi ako nag-iisa. Ang simpleng gunggongna dati ay palaging umiiyak, sa wakas ay nakahanap
na ng bubuong na sisilungan sa tuwing papatak ang ulan. Sa piling ng mga taong kung tawagin
ay baliw nguint baliw man ay may laman. Tuwang-tuwa ako habang pinapanood si Dodong na
sumasayaw sa gitna ng entablado… tila bagang walang nakatingin sa kaniya kaya`t hindi
alintana ang mga mataqng nakatitig. Ang ilan ay natatawa rin ngunit ang ilan ay mapapansing
may pagkainins sa mukha. At sa muling pagbaling nang aking mga mata sa kaliwang dako ng
malilong na puno ay nagtaka ako sa ginawa paghahabulan nina Lisa at Peter,dati`y mortal na
mag-kaaway ngayon ay wala nang oras nahindi magkatabi.

Bigla akong yumuko dahil sakunganong putting bagay ang bumulusok sa aking binti. Isa
palang bulaklak na konting oras na lang ay lanta na. Wala nang bango, wala ng sigla, walang-
wala nang ganda ngunit nananatiling bulaklak. Ngunit sa lakas ng tinig na bumalot sa aking
katawan ay hindi ko nagawang itabi ang bulaklak. Sa bulalas na ng sigaw ay naghayonsa
kabilang kalye ang puting bulaklak na kanina lamang ay nasa aking kamay. Tila ganun nga ata
kabilias dumating at maglaho ang mga bagay sa buhay. “ Wala na, Lumipad na.” At muling
pumalahaw ang tinig.. sa aking pagkagulat ay hindi ko napigilang humalakhak ng mapagwari
kung saan naggagaling ang mapangbuyong tunog.

Kay Ana…Anang naniniwala na ang tanging paraan ng paglabas ng sama ng loob ay sa


pamamagitan ng pagkanta. Ang bawat liriko at linya na nagmumula sa kanyang mga bibig ay
may kakaibang bigatna tila asyroong pinanggagalingang sakit. “Naghihinanakit.” At nang
mapawi na ang mga ngiti sa aking mga pisngi ay unti-unti akong inakit ng aking mga paa na
tumayo at magtungo sa labas ng silid… isang bubog na pag tumingin ka ay tanging ang
katotohanan ang iyong matatanaw. Sa salaming nagsasabi ng iyong pagkatao. Kailangan kong
sumilip, baka may kung anong dumi na sa aking mukha na hindi ko namamalayan at makita ng
iba “Nakakahiya,” ganun naman talaga tayo mga tao diba? Mapagkubli.

Ngunit kahit ilang beses ako tumingin sa salamin ay may dungis sa aking pagkatao na
hinding hindi na mawawala saakin. Hindi naging sapat ang pagpahid ko nang aking panyo.
Mabahong pawislang ang natanggal. Dahil inaasahanko na ang ganitong pangyayari ay iniwanko
na ang salamin at muli akong tumungo sa silid, ngunit hindi pa man ako nakakarating ay
naaninag ko si Robert, hawak-hawak ang kanyang telepono. Nakakalito sa aking mata… pauli-
uli at waring may hinihintay. Hindi nagtagal ay alam ko na. Kumukuha pala siya ng “admission
slip” lumiban ng wlaang paalam at dahil ang kaya kailangan ang magulang. Yan ang buhay
sekondarya. Ngunit ng makita niya ako ay agad niyang binawi ang pagkabalisa at ngumiti sa
akin na para bang walang problema.

Iba`t ibang uri ng ngiti at hinsgpis ang aking napagkumpolsa loob nang ilang minuto.
Mga baliw na pinipilit maging matapang mapagtakpan lang ang nararamdaman. Mga baliw na
ginagawang libangan ang pagtawa upang makalimot. Mga baliw na minsan ay naging mga
totoong magkakaibigan na pinagbuklod ng kani-kaniyang kabaliwan. At sa muli kong pagsilip sa
salamin ay nakita ko ang isa pang baliw. Nilapitan ko… Nangahas akong malaman kung sino…
ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay napagtanto ko na – na ako pala ang baliw. Isa rin akong
baliw na nagtatago sa anino ng iba at pilit hinahanapan ng sagot ang katanungan ng mga tao.
Isang baliw na nagpapakabayaning solusyunan ang problema ng iba. Ngunit baliw man ay may
laman.

Napaupo ako sa isang magabok na parte ng upuan sa silid. At unti-unting nabasa ang
tangan kong panyo. Ang buhos ng aking galit ay tuluyang inagos ng aking luha palabas ng aking
mata. Tumutulo sa aking panyo. Panyong nagpapaalala ng masasayang nakaraan nang si Dodong
ay sumasayaw pa, nang si Lisa at Peter ay magkahawak pa ng kamay, nang panahong si Ana ay
may tinig pa at si Robert ay ngumiti pa.

Nang oras. Araw. Na buo pa ang barkada. Sana.

Istorya

Is-tor-ya. Ganito ko inispeling ang buhay. Dito uminog ang mundo ko. Bawat talino at
lakas ay kumatawan sa bida ng aking kwento. Ang mga patak ng tinta at piraso ng papel na
nauubos ko ay di maikukumpara sa mga natutunan ko. Subalit may nakaligtaan akong isang
bagay, na hindi ko naisama sa kwento ko. Ito ang istorya ko at nais kong ibahagi sa iyo.

Manunulat ako, at ang mga istorya ko ang nagpapakain, nagdadamit at bumubuhay sa


akin. Bawat sinulat ko ay pera ang kapalit. Ika nga e sulit sa pagod hirap na gumawa ng isa.
Noong una, ito ang aking pananaw: magsulat upang umani ng pera. Simula ng nagtapos ako sa
kolehiyo ay ito na ang pinagbuhusan ko ng panahon. Mataas ang pagtingin ko sa sarili ko,
walang makababali sa prinsipyo, at para sa akin ay ako lang ang pinakamatalino. Sabi nila
maisusulat mo lang ang isang kwento kapag naranasan mo ito sa totoong buhay. Mali ito para sa
akin. Dahil matalino ako, kaya kong matutunan ang buhay ng bawat tao sa pamamagitan ng mga
librong binabasa ko. Siya nga pala, ang mga librong ito na kung ikukumpara ay mataas pa sa
dalawang tao ang naging kaagapay ko kasama ang papel at iba't - ibang brand ng bolpen at lapis
na panulat ko. Lahat na yata ng klase ng istorya ay naisulat ko na at nakaipon na ako.

Sa loob ng ilang taon simula pa noong nag-aaral pa lang ako sa kolehiyo ay wala akong
naging kasintahan. Maganda ako at maipagmamalaki ko ang aking sarili. Dahil doon, marami
ang nanligaw sa akin ngunit lahat sila ay hindi pumasa. Marami akong istorya tungkol sa pag-
ibig at lahat ng bidang lalaki ang taong pinapangarap kong magmahal sa akin. Siya ang lalaking
makahihigit sa aking kakayahan at titingalain ko. Hindi ko inalintana na lahat ng tao ay may
kapalad at kailangang tanggapin kung sino man ang ipagkaloob sa iyo. Alam ko ito dahil nabasa
ko sa isang libro, ngunit di ako sang-ayon. Sa mga taon na nagdaan ay naniwala ako at nabuhay
na ang istorya sa aking kwento ay magkakatotoo.

Dumating sa buhay ko si Jake. Masugid siyang nanuyo at binigyan ko naman siya ng


pagkakataon. Sa mga panahong iyon, naramdaman kong tapat siya sa pagmamahal na inaalay sa
akin. Isa ito sa mga katangiang hanap ko, subalit di nagtagal at nalaman kong wala siyang interes
sa pag-aaral. Simula pa lamang nung kolehiyo ay puro paglalaro ang inuuna dahil miyembro siya
ng varsity noon. Mas mahal niya ang sports at ito ang buhay niya. Kahit sa negosyo ay wala
siyang alam. Noon din ay binasted ko na siya dahil sa tingin ko ay hindi siya ang tamang lalaki
sa istorya ko. Nasaktan si Jake at nagwika kapag nagbago ang isip ko ay wag akong mag-atubili
na tawagan siya. Alam ko ang numero ng telepono niya. Inisip ko noon, maganda ako at marami
pang iibig sa akin. Tama, marami ngang nanligaw, subalit walang iba pang nakahigit o nakatapat
man sa pagmamahal niya at noon ko napagtanto na kahit hindi siya ang lalaki sa aking kwento,
siya naman ang hinahanap ng puso ko.

Sa paglipas ng mahigit sampung taon ay natupad ko ang aking gusto. Yumaman ako
dahil sa mga istorya ko. Nakasulat ako ng iba't-ibang klase ng libro. Subalit kahit ganoon na ang
narating ko ay hindi ako naging masaya. Hindi ko natagpuan ang lalaki sa aking kwento. Ang
lalaki na nais kong makasama habang buhay. Ngayon ko nalaman na sa imahinasyon ko lang
pala nabubuhay ang lalaking hinahanap ko. Nabulag ako sa sobrang talino at ganda ng istorya
ko. At ang kaisa-isang lalaking nagmahal sa akin ng totoo at minahal ko rin ay nagawa kong
biguin. Hinanap ko siya. Tinawagan ko ang numerong iniwan niya sa pagbabakasakaling
naghihintay pa rin siya sa akin. Ngunit sa tagal na nung huling beses na iyon ay hindi na nagre-
respond ang numerong iyon. Siguro'y napagod na siya paghihintay. Wala na akong balita tungkol
sa kanya. Hindi na kami nagkita pang muli.

Ngayon at matanda na ako, mahirap mang lunukin na wala na ang kagandahan ko,
kulubot na ang balat at may suot na makakapal na salamin at baluktot na ang likod. Walang
nagkatotoo kahit isa sa mga istorya ko. Dahil lahat ng mga iyon ay produkto lamang ng aking
isipan. Dito ko lamang natutunan na dapat isapuso ang bawat kwento dahil kapag puso ang
nangusap lahat ng "story" ay laging happy ending kahit sa totoong buhay. At ngayon nga ay di
ko na pwede pang burahin ang bawat bahagi ng aking istorya. Wala akong magagawa kung hindi
tanggapin na ito talaga ang istorya ng buhay ko.

You might also like