You are on page 1of 1

“Araw ng Kalayaan”

Ano ang nahihinuha mo kapag naririnig mo ang salitang "kalayaan"? Ano ang
pumapasok sa iyong isip kapag naririnig mo ang salitang ito? Paano
ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan ngayong taon? Ano ang kahalagahan ng
okasyon na ito sa atin? Bilang mag-aaral,ano ang maiaambag mo para
maisakatuparan ang tema ng Araw ng Kalayaan ngayong taon?

Kalayaan,napakaismpleng salita ngunit napakalaki ng importansya sa bawat


isa sa ating lahat. Bawat isa sa atin ay alam ang salitang "Araw ng Kalayaan"
dahil ito'y isang napakaimportanteng araw kung saan iwinawagayway ni Emilio
Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na siyang sumisimbolo na malaya na ang
pambansang Pilipinas. Si Emilio Aguinaldo ang ating ama ng pambansang
watawat at nagpabatid na tayo ay malaya na sa kamay ng mga dayuhan noong
Hunyo 12,1898. Isa siya sa napakahalagang tao sa ating kasaysayan kaya
huwag natin siyang ipagwalang bahala.

Ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan taun-taon sa ating bansa bilang


pagpapakita ng pagpapahalaga sa pangyayaring ito. Iba't ibang aspeto na sa
ngayon ang paraan ng pagdiriwang ng napakahalagang araw na ito katulad na
lamang ng paggamit ng jet para makagawa sa langit ng larawanng watawat at
kung minsa'y nagkakaroon din ng mga programa tungkol sa tema nitona
nangyari ngayong taon.

Napakahalaga ng araw na ito sapagkat dito natin naranasan ang pagiging


makabayan nating mga Pilipino sa kabila ng pinagdaanan natin sa kamay ng
mga dayuhan. Naging maligaya at payapa ang aing bansa noong naging malaya
tayo kaya naman masasabi kong napakaimportante nitong araw na ito.

Bilang isang mag-aaral,ang aking maiaambag para sa Araw ng Kalayaan na


may temang "Ang pagsunod sa yapak ng mga dakilang Pilipino tungo sa
malawak at permanenteng pagbabago" ay ang pag-aaral nang mabuti at
pahalagahan ang ating mga bayani nang sa ganoon ay posible akong sumunod
sa yapak nila sa ibang paraan o aspeto balang araw,hindi man kapareho ng
kanilang ginawa noon.

You might also like