You are on page 1of 1

Kalayaan: Kasaysayan at Pagkakaisa

Ang Araw ng Kalayaan ay isang napaka-importanteng kaganapan para sa ating


mga Pilipino. Ito ay ang araw na kung saan ipinagdiriwang ang kalayaang nakamit natin
mula sa mga kamay ng mga Espanyol. Natatandaan ko na noon ay ipinagdiriwang
namin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bandila ng Pilipinas sa aming mga
sasakyan. Pinapaalala rin ng araw na ito sa akin ang mga ginawa ng ating mga bayani.
Ang kanilang kadakilaan, katapangan, at mga sakripisyo upang tayo ay makalaya.

Ang mga kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas na hanggang ngayon ay


mayroon paring mga epekto, ay pinapaalala nito. Kasama na rito ay ang pagiging isang
kolonya ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila at kung paano nila tayo
naimpluwensyahan sa ating kultura, sa paggawa ng gusali, sa mga pagkain, at pati na
rin sa ating teknolohiya. Ang pagkakaroon ng mga salitang Espanyol at pagkakaroon ng
pagkakatulad dito ay makikita rin. Kaya naman kung ngayon ay makikita natin ang mga
natitirang sinaunang gawi at teknolohiya ng mga Pilipino ay nakakamangha at dapat
natin itong pahalagahan dahil ito ang pinagmulan ng ating pagka-Pilipino.

Ang kalayaan na pinaglaban ng ating mga Bayani ay dapat nating pahalagahan


at gamitin sa mabuti. Gamitin natin ito sa ikauunlad at ikabubuti ng ating bansa at ating
kapwa. Atin itong protektahan upang ang mga sakripisyo at paghihirap ng ating mga
kababayan ay hindi masayang. Sa Araw ng Kalayaan ay dapat ating maramdaman ang
pagkakaisa bilang isang bansa. Ating itaguyod at ipagpatuloy ang mga prinsipyong
binuo ng ating mga ninuno.

Sa Araw ng Kalayaan, hindi lamang dapat nating maramdaman ang pagkakaisa


bilang isang bansa, kundi pati na rin ang pagkakaisa bilang mga Pilipino sa iba't ibang
panig ng mundo. Ang pagdiriwang ng kalayaan ay hindi limitado sa Pilipinas lamang,
kundi ito'y maaaring ipagdiwang ng mga Pilipino sa iba't ibang bansa kung saan sila
naninirahan.

Sa kabuuan, ang Araw ng Kalayaan ay ang araw na kung saan ating mga
Pilipino ay ipinagdiriwang ang mga nagawa ng ating mga bayani. Ito ay ang araw na
dapat tayong magbalik-tanaw sa kaganapan sa kasaysayan ng ating bansang
pinagmulan. Maging isa itong paalala sa ating lahat na dapat nating pahalagahan ang
kalayaang mayroon tayo ngayon. Itaguyod ang pag-unlad ng bansa, panatilihin ang
pagkakaisa bilang mga Pilipino, at patuloy na paunlarin ang Pilipinas.

You might also like