You are on page 1of 2

“Ang Pagmulat sa Isipan at Mata sa Kasaysayan ng ating Bansa”

Ikaw at ako, oo ikaw na nakakapanood o nakakarinig sa mga


salitang nanggagaling sa aking bibig.
Pakinggang mong mabuti ang aking mga sasambitin na galing
mismo sa aking puso’t isipan.

Wikang katutubo’y magkakaiba, ngunit nagsasama-sama


tungo sa isa pang umagang puno ng pagasa.
Wikang katutubo’y ating mahalin at payamanin, hindi dapat
abandonahin sapagkat ito’y nagbibigay pananaw sa ating
bayang magiliw.
May sari-sarili mang wika, kultura, at pagkakaiba sa ating mga
lahi, pagkakaisa ang laging isaisip, Ito’y galing sa ating mga
kababayan na naging parte ng ating makulay na kasaysayan.

Tayo’y mga Pilipino na dapat suportado sa pamana ng ating


mga ninuno at sa ating mga wikang katutubo.
Agosto ang buwan na gustong-gusto ipagdiriwang ng
mamayang Pilipino, dahil ito ang araw kung saan ang tao ay
sumisigaw na ang ating bansa ay “Malaya na”, malaya na sa
kamay o pagkakahawak ng mga banyagang napadpad sa
ating bansa.
Madaming lengguwaheng binabanggit ngunit isa lamang ang
gustong bigyang pansin o ihatid na ating mahalin, ingatan,
paunlarin, at tangkilikin ang sariling atin.
Laging tandaan ang ating karunungan o nalalaman sa tama ay
gamitin, para sa wika na ating ipinagmamalaki ay muling
makilala at igalang ng iba.

Sa panahon na ito ako’y samahan na patunayan na hindi


lamang ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kundi ang bawat
mamayan na patuloy na pinahahalagahan, ipinaglalaban, at di
pinababayaan ang sariling wika natin.
Tayo’y maraming gustong gawin, hangarin, at layunin sa ating
bayan, ngunit tayo’y patuloy magtutulungan, upang
umarangkada kasabay ng umaalon na karagatan at sabay-
sabay tuklasin at alamin ang landas na dapat ay tatahakin.

Wikang ginagamit sa bawat oras, sa bawat dako ng Pilipinas


na sumisimbolo sa pagiging Pilipino natin.
Kaya halina’t muling buksan at buhayin ang lumiliyab na apoy
sa ating damdamin upang muling masinagan at mailawan ang
ating dumidilim na bayan.
Taas noo nating banggitin “Ako ay Pilipino at isang karangalan,
parangalan ang bansang Pilipinas.”

You might also like