You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Rehiyon XI
Inawayan National High School
Inawayan, Sta. Cruz, Davao del Sur

Pagpapanumbalik at Pagpapahalaga sa
Baro't Saya Bilang Simbolo ng Pagkababae
at Pagka-Pilipino

Ang baro't saya ay isang nawawalang kayamanan ng kulturang Pilipino na

dapat nating panumbalikin at pagyamanin. Ito ay naglalarawan ng ating

mga ninuno, kasaysayan, at sining. Ang baro at saya ay hindi lamang isang

kasuotan, kundi isang simbolo ng ating pagkakakilanlan bilang mga

Pilipino.

Bawat Pilipino ay may kanya-kanyang kultura na pinapamana sa mga

ninuno. Hindi lingid sa ating kaalaman sa ating panahon ngayon, bunga ng

pagbabago ng teknolohiya sumabay na rin ang pagbabago ng kaayusan maging

sa ating mga kasuotan. Kung maihahalintulad natin ang mga kasuotan noon at

ngayon ay masasabi natin na isang matinding pagbabago ang naging

nakasanayan ng mga Pilipino noon at ngayon.

Tuklasin muna natin ang mga mensahe na isinasaad sa artikulo patungkol

sa kasuotan na baro't saya. Ayon kay Pat V. Villafuerte, ang Baro't Saya ay

pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng manipis at


binurdahang pang itaas, at palda o saya na makulay at kadalasang guhitan.

Gamit ang bakya bilang sapin sa paa, ang kababaihang nagsusuot nito ay may

hawak ding abaniko upang gawing pangtakip sa kanilang mukha o kaya'y sa

kanilang dibdib. Ang pagsuot nito ay alinsunod sa utos ng mga Espanyol na

takpan at damitan ang hubad na katawan ng mga katutubo, lalo na ang mga

kababaihan, sa kanilang pagdaong sa bansa. Ang Barong Tagalog naman ay

isang binurdahang pantaas na baro at kinikilalang pambansang kasuotang pang

lalaki sa Pilipinas. Unang tinawag na baro ng Tagalog, ang kasuotang ito ay may

may apat na siglo na ring ginagamit sa bansa at patuloy na pinapaganda upang

masabayan ang lipunan. Kabilang ito sa mga popular na kasuotan para sa

mahalagang pagdiriwang at kasiyahan sa Pilipinas, gaya ng kasal, mga sagala,

at maging sa burol at paglilibing. Sadyang tanyag ang kasuotang ito kaya naman

inaangkat ito sa iba't ibang bansa upang suotin ng mga dayuhan na naaakit sa

angking ganda ng Barong Tagalog. Dagdag pa ni Pat V Villafuerte "Ang pamana

ng nakaraan, ay regalo ng kasalukuyan, at buhay ng kinabukasan". Ito ay isa sa

mga dapat panumbalikin ang pagsuot ng baro at saya upang mapanatili ang

pagkakakilalan at simbolo ng isang Pilipino na may paggalang sa kapwa tao.

Naglalarawan din ito ng may malawak na pag unawa at nagdudulot ng

magandang ehemplo hindi lamang sa ating sarili maging sa lahat na indibidwal.


Ang baro't saya ay isang simbolo ng pagkababae at pagka-Pilipino na

dapat nating ipagmalaki at isabuhay. Ito ay nagpapakita ng ating

pagkamalinis, pagkamahinhin, at pagkamalikhain bilang mga Pilipina. Ang

baro't saya ay hindi lamang isang pang-itaas na kasuotan, kundi isang

pang-ibabang kasuotan na nagbibigay ng dangal at respeto sa ating sarili

at sa iba.

Ngunit sa ating panahon ngayon, labis ang naging pagpapabago at

patuloy pa bunga ng makabagong teknolohiya. Maraming imbento ang

nagaganap dahil sa makapangyarihan na kaalaman ng tao. Makabagong

sasakyan, kagamitan sa pang edukasyon na pamamaraan sa pagtuturo, sa

trabaho at marami pang iba. Naging mabilis ang komunikasyon dahil sa

cellphones, internet connections, tablets, computers at laptops. Dulot nito ay ang

pagkakaroon ng impluwensya sa social media. Madalas ang mga kabataan sa

ngayon ay gumagamit ng iba't ibang uri ng gadgets at ito ang dahilan kung bakit

ang mga kabataan ay nawawalan na ng paggalang sa magulang at sa lahat ng

taong nakapaligid.

Nagkaroon na rin ng pagbabago sa kaayusang pangdamit pang- itaas at

pang-ibaba. Sumasabay na rin ang mga kabataan sa sinasabing "trending o

uso". Ito ay nagdudulot ng isang malaking hamon sa bawat indibidwal lalo na ang

walang kakayahan sa buhay. Pinipilit ng karamihan na makisabay sa mga

napapanahon mula sa mga damit at marami pang iba. Marami rin ang
napapahamak dahil sa tingin nila sa kanilang sarili ito ay isang fashion lamang.

Naging seductive na kung tawagin kaya hindi bagong bagay ang mga naririnig

natin sa mga balita na binabastos ng dahil sa hindi ka aya-ayang tingnan. Ayon

sa kasabihan "kung ayaw mong mabastos magsuot ng damit na maayos".

Ito rin ang dahilan kung bakit tumataas ang krimen maging ang bilang ng

kaso sa mga rapist. Kaya kinakailangan nating maging presentable ang panamit

ng hindi nakukunan ng pansin ng karamihan. Upang magkaroon ng paggalang

sa sarili at maiwasan ang masidhing krimen o hindi inaasahang pangyayari.

Nagsisimula ito sa ating sarili at nagdudulot ito ng impluwensya sa kapwa tao.

Ugaliin na maging role model sa lahat upang mgkaroon ng magandang relasyon

sa pamayanan at magkaroon ng matiwasay na pamumuhay na may paggalang

sa isa't isa.

Ang baro't saya ay isang hamon ng pag-iingat at pagbabago ng isang

tradisyong Pilipino sa makabagong panahon. Ito ay nangangailangan ng

ating pagiging bukas at mapagbigay sa mga pagbabago at impluwensya ng

ibang kultura, ngunit hindi natin dapat kalimutan ang ating pinagmulan at

pinanghahawakan.

Sa pag-usad ng panahon, napagtanto ko ang diwa ng baro't saya bilang

bahagi ng ating kultura. Ito ay hindi lamang isang pangkaraniwang kasuotan

kundi isang simbolo ng pagbabago at adaptasyon sa makabagong panahon. Sa

bawat paglipas ng araw, ito'y nagsisilbing paalala sa atin na mahalaga ang

pagiging bukas sa mga bagong ideya at pananaw. Subalit sa kabila ng


pagtanggap sa mga bagong impluwensya, mahalaga pa ring ingatan ang ating

mga pinagmulan. Ang baro't saya ay nagiging daan upang ipakita ang ating

sariling identidad at pagiging proud sa ating kultura. Sa pamamagitan ng

pagsanib ng makabagong pananaw at pagpapahalaga sa ating tradisyon,

nagiging mas makulay at makabuluhan ang pag-usbong ng bagong anyo ng

pananamit.

Sa huli, sa pagkakaroon ng malasakit sa ating kultura at pagiging handa

sa mga pagbabago, nabubuo ang isang masiglang paglago. Hindi ito simpleng

pag-aayos ng damit, kundi isang paraan ng pakikipag- ugnayan sa kasalukuyan

habang iniingatan ang mga aral ng nakaraan. Ang baro at saya ay nagiging tulay

sa pagitan ng lumang tradisyon at bagong kaganapan, nagpapakita ng

kakayahan natin na magsanib-puwersa sa pag-unlad at pagpapayaman ng ating

kultura.

Inihanda ni:

CHRISTIAN O. LIPANOG
Mag-aaral

Isinumite kay:

_____JEREMY BARNS_______
National Museum Director

You might also like