You are on page 1of 4

Jesus Is Lord Colleges Foundation, Inc.

101 Bunlo, Bocaue, Bulacan


Departamento ng Senior High School

TRADISYONG PILIPINO: UNTI-UNTING NAWAWALA DAHIL SA


MODERNISASYON

Miyembro:

De Guzman, Jalemn Lois Beyonce

Della, Yuri S.

Medida, Gabrielle Faith V.

Quetua, Kier Deniel P.

11-STEM A

1
Jesus Is Lord Colleges Foundation, Inc.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan
Departamento ng Senior High School

“Modernisasyon: Biyaya o Sumpa sa Tradisyon ng Bansa”

PILIPINAS, bansang pinagpala sa mayaman at makulay na kultura at tradisyon.


Maraming nakabibighaning gawi ang mga Pilipino noon, ngunit makalipas ang maraming
panahon, tila isang hangin na lamang kung ituring ang Tradisyong Pilipino. Hindi ba’t
nakababahala na kasabay nang paglipas ng panahon ang pagkupas ng Kultura at Tradisyong
Pilipino? Sa makabagong panahon, unti-unti nang nagbabago ang tradisyon ng bansang
Pilipinas. At sa patuloy na modernisasyon , nagiging dahilan ito upang manganib ang ating
mga Tradisyon na may ilan pang kaakibat na dahilan: Impluwensyang Dayuhan, Pagbabago
ng asal at moralidad, at pagtaas ng antas ng kaisipan ng tao.

Noong panahon ng pananakop, malaki ang naging ambag ng dayuhan upang unti-
unting mabago ang Tradisyong Pilipino. Nawawala ang kadalisayan ng kulturang Pilipino
sapagkat nababahiran ng kulturang banyaga. Sa kadahilanang mas napapanahon at makabago
na ang pamumuhay sa ibang bansa, mas ginagaya at pinipili nang mga Pilipino ang istilo nila
tulad na lamang sa pananamit. Maaaring tayo ay mga naka-baro’t saya sa kasalukuyang
panahon kung hindi tayo patuloy na naiimpluwensiyahan ng mga dayuhan. Pagdating naman
sa kalidad ng mga produkto, mas tinatangkilik na rin ang produkto mula sa ibang bansa, kung
kaya’t naaapektuhan na rin ang pag-unlad ng mga lokal na produkto. Kilala rin ang Carinosa
bilang sayaw ng isang babae at lalaki na nagliligawan. Sa kasalukuyang panahon, mayroon pa
ba tayong nakikita na sumasayaw nito sa pangkaraniwang araw? Wala na, dahil hindi na ito
ang uso sa panahon ngayon. Ang kadalasan na sinasayaw ngayon ay halos mula na rin sa
musika ng ibang bansa. Mababanaag sa mga halimbawa na nasambit kung gaano kalaki ang
impluwensiya ng mga dayuhan sa mga Pilipino dahil sa kalamangan at pagiging moderno ng
ibang bansa sa iba’t ibang aspeto, na siyang nagiging dahilan kung bakit unti-unting nawawala
ang tradisyong Pilipino. Maaaring ang mga Pilipino ngayon ay napalaki na sa modernisadong
paraan, at maaaring iba na ang kinagisnang kultura at tradisyon. Ngunit hindi pa ito ang huli
upang ang mga tradisyong Pilipino ay tuluyang maglaho. Huwag nating hayaan na tuluyan na

2
Jesus Is Lord Colleges Foundation, Inc.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan
Departamento ng Senior High School
lamang tayo magpapa-impluwensiya sa mga dayuhan at sa modernong mundo na ating
ginagalawan.

Ang pagunlad ng isang bansa o lugar ay isang positibong indikasyon ng ekonomiya


nito. Mataas na antas ng pamumuhay, at magandang pinansyal na kalagayan ng industria.
Tunay nga na ito ay kanais-nais na makamtang kalagayan, subalit kagaya ng sinasabi nila, na
ang bawat positibong bagay ay may kaakibat na negatibong epekto. Ano kaya ang
pagbabagong moral at asal ang kapalit ng modernisasyon? Kasama sa modernisasyon ay ang
pagbabago ng gawi ng tao upang makasabay sa agos nito. Isa sa mga negatibong pagbabago
na naganap ay ang unti-unting pagkawala ng paggalang sa nakakatanda o ibang tao, hindi
kagaya noong mga unang panahon na pinapahalagahan talaga ang paggalang sa bawat isa. Isa
pa rito ay ang konsepto ng bayanihan, na madalas napapairal noong unang panahon na unti-
unti na ring natatabunan ng ibang kaisipan at mga asal ng tao na dulot din ng modernisasyon.
Ilan lamang ito sa mga kaugalian na maaring maisantabi dahil hindi ito akma sa buhay na
kailangan nating yakapin sa isang modernong mundo. Maaaring ang mga kulturang
pinahahalagahan at mga asal na ito ay makalimutan upang hindi masabi na ikaw at tayo ay
nahuhuli at napagiiwanan dito sa modernong mundong ating ginagalawan.

Sa panahon ngayon, ang lahat ng bagay ay masyado nang adbans o malikhain pati na
rin ang kaisipan ng tao sa paglikha ng mga bagong kagamitan. Ang kaisipan ng tao ay unti-
unting lumalago sa paglipas ng panahon. Sa patuloy na pag-unlad nito maging ang antas ng
kaisipan ng tao, nagkaroon ng teknolohiya, social media, at gadgets na naging sanhi upang
mawala o mahaluan ang ating sariling wika, pananamit, tradisyon, laro at kultura. Unti-unti
itong naglalaho at lahat ay napapalitan nang makabagong teknolohiya. Sa pag gamit ng
teknolohiya, tayo ay naiimpluwensyahan ng iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang panig ng
mundo. Tayo ay nahahawa sa kung anong mayroon sila, halimbawa nalang ay ang pagiidolo
sa k-pop. Sa sobrang pagkahilig sa kanila, hindi napapansin na unti-unti nang ginagaya at
niyayakap ang kanilang pananamit, pananalita o maging kultura. Sa panahon natin ngayon ay
napakalaki ng impluwensya ng teknolohiya sa atin. Dahil sa pag-taas ng kaisipan ng tao,
madaming naiimbento, nagagawa, at naiisip na pwedeng maging sanhi ng paunti- unting
pagkawala ng ating tradisyon o pagka-Pilipino.

3
Jesus Is Lord Colleges Foundation, Inc.
101 Bunlo, Bocaue, Bulacan
Departamento ng Senior High School

Marahil ang modernisasyon ay isang bagay na hindi natin kayang pigilan, lalu’t lalong
na sa makabagong mundo. Masyado nang maraming nangyari sa paglipas ng panahon, ngunit
hindi pa ito ang huli. Sumpa man kung ituring ang Modernisasyon sa ating bansa dahil sa
naging epekto nito sa ating mga tradisyon, gawin natin itong inspirasyon para makagawa ng
hakbangin upang ito’y maituring na Biyaya. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, tayo ay
makapagtutulungan upang muling buhayin at bigyang kulay ang tradisyong Pilipino na unti-
unting nililisan ang mundong ito. Tayo naman ang gumamit ng Modernisasyon bilang biyaya,
pagyamanin natin ito sa paraan na mamahalin rin ito ng mga dayuhan. Mayaman na ang
bansang Pilipinas sa aspeto ng tanawin na siyang dahilan kung bakit tayo dinadayo ng iba’t
ibang mga lahi, paano na lamang kung maging ang tradisyon, pananamit at kultura ay mas
mapagyaman? Biyaya man o sumpa, hindi mangyayaring ang modernisasyon ang makapipigil
sa atin sa patuloy na pagpapayaman ng Tradisyon at Kulturang Pilipino bagkus gagamitin
natin ang Modernisasyon upang mas buhayin at pagyamanin pa ang ating bansa. Hindi
magiging hadlang ang modernisasyon, dahil sa tulong ng mga tradisyon, magkakaiba man ang
wika at kulturang kinagisnan ng mga Pilipino, tayo ay pinagkakaisa nito. Kung napagyaman
na ng mga katutubo noon ang tradisyong Pilipino, bakit hindi kakayanin ng henerasyon na
marunong makisabay sa agos ng makabagong mundo?

You might also like