You are on page 1of 11

Vicente Malapitan Senior High School i

Camarin, Lungsod ng Caloocan

KASIKATAN AT PAG-UNLAD:
ANG EPEKTO NG KOREAN WAVE SA KULTURANG PILIPINO

Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap kay Ginoong Jherick Garcia Bilang


Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa Iba`t-
ibang Uri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik

HUMSS-A

Pangkat Tatlo
Kevin Gardose

Dan Leo Ugdiman

Analyn Drio

Rachelle Tabbay

Margarette Toribio

Jhay Lord Topinio


Vicente Malapitan Senior High School ii
Camarin, Lungsod ng Caloocan

DAHON NG PASASALAMAT

Una sa lahat, nais naming pasalamatan si Ginoong Jherick Garcia para sa

pagbibigay ng suporta at tulong sa aming ginagawang pananaliksik, sa loob man o

labas ng silid-aralan. Taos puso din naming pinasasalamatan ang tagapamahala o OIC

ng aming paaralan na si Gng. Archadia G. Pedregosa. Kung hindi sa kaniyang

pamamahala at gabay ay hindi magiging maayos ang aming ginagawang pag-aaral.

Pinasasalamatan rin naming ang mga guro na tumulong sa amin upang maging

matagumpay ang aming ginagawang pag-aaral. Hindi namin ito maisasakatuparan kung

wala ang kanilang mga payo at gabay. Nais rin naming pasalamatan ang mga nakilahok

sa aming mga panayam, mga kamag-aral na naki-bahagi, at sa mga tao na hindi man

namin kilala at nakilala, ngunit malaki ang naitulong sa aming pananaliksik. Kung wala

ang mga datos na kanilang naibigay ay walang magiging pundasiyon ang aming

ginagawang pag-aaral. Pinasasalamatan din namin ang mga magulang, kapatid,

kaibigan, at mga nakilahok sa aming panayam na nagbigay sa amin ng motibasyon,

tulong, at suporta sa aspetong emosyonal, pisikal, pinansiyal, at impormasyonal.

At ang pinaka-mahalaga sa lahat, nais naming pasalamatan ang Diyos

Lumikha. Kung hindi sa kaniyang kagustuhan ay hindi magiging matagumpay ang

aming pananaliksik. Sa kaniya ang papuri at pasasalamat para sa tagumpay ng aming

pag-aaral.
Vicente Malapitan Senior High School iii
Camarin, Lungsod ng Caloocan

DEDIKASYON
Sa Diyos Lumikha, sa iyo ang papuri at pasasalamat.

Sa aming mga pamilya,

Sa aming mga kamag-aral at kakilala,

Sa mga taga-hanga ng kulturang Koreano,

Taos puso namin itong ini-aalay sa inyo.


Vicente Malapitan Senior High School iv
Camarin, Lungsod ng Caloocan

TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat.................................................................................................................................................. i

Dahon ng Pasasalamat...................................................................................................................... ii

Dedikasyon........................................................................................................................................... iii

Talaan ng Nilalaman.......................................................................................................................... iv

Abstrak.................................................................................................................................................... v

Kabanata I............................................................................................................................................. 1

Panimula.................................................................................................................1

Paglalahad ng Suliranin..........................................................................................2

Layunin ng Pananaliksik.........................................................................................3

Kahalagahan ng Pag-aaral.....................................................................................4

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral........................................................................5

Mga Depinisyon ng Terminolohiya.........................................................................5


Vicente Malapitan Senior High School v
Camarin, Lungsod ng Caloocan
Vicente Malapitan Senior High School 1
Camarin, Lungsod ng Caloocan

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

INTRODUKSYON
Magmula sa pananamit, mga babasahin, telebisyon, at maging sa internet,

ang Korean Wave o Hallyu ay talaga namang damang-dama sa ating bansa.Sa mga

palabas kapag umaga o hapon, mga awitin ng mga boy band at girl groups, Hindi

maitatanggi na humalo na ang Korean Wave sa ating kultura. Ang globalisasyon ang

isa sa mga pangunahing dahilan nito sa pagiging bukas ng iba`t-ibang bansa na ipakita

sa mundo ang kaniang natatanging kultura, hindi lamang upang ipakilala ito, kundi

upang umunlad din ang kanilang ekonomiya at mapagtibay ang ugnayan sa ibang

bansa (Lynn, 2005).

Ang ethnic identity ng mga fan ay naki-bagay na rin sa ating kultura at

masasabi na ang kanilang cultural adaptation ay naging mabilis dahil sa positibong

persepsiyon na natanggap. Ang kasikatang ito ng South Korean culture sa Asya ay

nangangailangan ng masusi pang pag-aaral at pag-analisa kung paanong ang

globalisasyon sa kultura ay naging malawak (Ryoo, 2009). Ang Korean wave o “hallyu”

ay tumutukoy sa pagbulusok ng pandaigdigang kasikatan ng kulturang Koreano na

nagsimula sa Silangang Asya noong dekada `90 at mas lumalaganap pa sa Amerika,

Latin Amerika, Gitnang Silangan, at mga bahagi ng Europa (Ravina, 2008, p.1).
Vicente Malapitan Senior High School 2
Camarin, Lungsod ng Caloocan

A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Mabilis na lumaganap ang kulturang Koreano sa ating bansa na siya

namang mabilis na tinanggap ng mga Pilipino. Karamihan sa mga tumatangkilik ng

“Kpop” o Korean Pop ay mga kababaihang nasa 15-19 taong gulang (Alanzalon, 2011),

na karamihan ay mga mag-aaral. Maging ang mga telebisiyon sa atin ay nagpapalabas

na din ng Korean Dramas ngunit ano nga ba ang dulot nito sa lokal na kultura ng ating

bansa, partikular na ang industriya ng libangan o entertainment? Iyan ang naing sentro

ng aming pag-aaral.

Ang ating mundo ay naging mas malapit na sa isa`t-isa, at ang mga aktbidad

ng media at mga tagahanga ay dalawa lamang sa mga aspeto ng globalisasyon na

nagdala ng pagiging bukas ng mundo (Straubhaar, Larose & Davenport, 2008). Dahilan

dito, hindi na mapigilan ang bugso ng kasikatan ng Kpop sa ating bansa. Nakatutulong

nga ba ang paglaganap ng Korean Wave sa ating bansa? Makatutulong kaya ito sa

ating ekonomiya at mga mamamayan? O isa lamang itong negatibong bagay na sisira

sa ating lokal na industriya, ngunit nakakubli lamang bilang isang “malayang paghanga

sa kultura ng ibang bansa”?


Vicente Malapitan Senior High School 3
Camarin, Lungsod ng Caloocan

B. LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ngayong makabago at modernong panahon, kung saan ang mga kabataan

at tagahanga ay malaya nang makakakuha at maikita ang kanilang idolo sa isang

pindot na lamang, tila ang ating mga sariling banda, musika, at mga palabas ay

nauugusan na ng kpop. Paano ba nagbibigay-reaksiyon ang mga lokal na kapilas ng

Korean Wave at nasasabayan ba nila ito? Upang maging mas spesipiko sa mga

planong alamin at siyasatin ng aming pag-aaral, narito ang mga Layunin ng

Pananaliksik na aming inihanda upang makatulong alamin ang epekto ng Korean Wave

sa ating sariling kultura:

A. Ano ang Korean Wave?

B. Bakit laganap ang mga Korean Wave product sa ating bansa?

C. Kailan nagsimula ang Korean Wave sa Pilipinas?

D. Paano sumikat ang Korean Wave sa ating bansa?

E. Paano nakakaapekto ang Korean Wave sa ating kultura?

Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga Tanong Pampananaliksik sa itaas

ay maaari nating malaman ang epekto nito sa kultura natin mismo.


Vicente Malapitan Senior High School 4
Camarin, Lungsod ng Caloocan

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang importansiya ng pag-aaral na ito ay upag alamin ang kasalukuyang lagay ng ating

kultura at industriya sa gitna ng tila panggi-gitgit ng Korean Wave sa kanila.

Mahalagang malaman ito upang magising tayo sa katotohanan na hindi natin maaaring

basta na lamang hayaan na kumupas ang kultura at tradisyon natin na sumasabay

ngunit nauungusan ng Korean Wave. Nais rin naming mas palawakin pa ang kaalaman

ng karamihan ukol sa isyung ito dahil madalang ang mga pag-aaral ukol sa epekto ng

Korean Wave sa kultura natin, liban sa mga pag-aaral ukol sa epekto nito sa mga

marka o grado ng mga tagahanga.

Layunin din ng pag-aaral na ito ang imulat ang mga kabataan sa posibleng

paglaho ng nakasanayan nating kultura dahil lamang sa kanilang pagka-humaling sa

Korean Wave. Partikular na ang mga apeto sa pagkain, pananamit, pananalita,

paglalakbay, at libangan. Makatutulong ito sa paglutas ng mga tanong na may

kaugnayan sa mga kultural na bagay.


Vicente Malapitan Senior High School 5
Camarin, Lungsod ng Caloocan

D. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga aspeto na may kinalaman sa pagkain,

pananamit, pananalita, paglalakbay, at libangan. Pag-aaralan nito ang mga bagay na

nabanggit dahil may koneksiyon ito sa mga naging epekto ng Korean Wave sa kultura

natin.

E. MGA DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Boy band o boyband - ay isang grupong vocal na binubuo ng mga kabataang lalaki na

mang-aawit, na kadalasan ay na sa edad dalawampu sa panahon ng

pagkakabuo, na umaawit ng kanta ukol sa pag-ibig na sumesentro sa mga

kabataang babae

Cultural adaptation - ang proseso at oras na kinakailangan ng isang tao upang

maisama sa isang bagong kultura at komportable sa loob nito.

Ethic identity - ang pakiramdam ng isang indibidwal na kabilang sa isang partikular na

pangkat etniko.

Girl groups - tumutukoy sa Koreanang grupo na binubuo ng purong kabataang

kababaihan na siyang malaking bahagi ng industriya ng libangan sa Korea.

Nakatulong ang mga grupong ito sa pagpapakalat at pagpapakilala ng

kulturang Koreano sa pamamagitan ng kanilang kasikatan


Vicente Malapitan Senior High School 6
Camarin, Lungsod ng Caloocan

Hallyu - tumutukoy sa pandaigdigang kultura ng Timog Korea na nag-eexport ng pop

culture, libangan, musika, mga drama sa TV at pelikula

Kabataan - sa pag-aaral na ito, mga babaeng edad 15-19

Korean popular culture - isang genre ng pop music na nagmula sa Korea na

itinatanghal ng mga Koreanong mangaawit at grupo

You might also like