You are on page 1of 46

KASAYSAYAN NG BARANGAY SAN ROQUE AT PAMILACAN: ISANG

PAGSUSURI

JELYN JOY A. JUMANGIT


LALLESCA ASHLEY C. INSILADA
ANNABEL P. DELMONTE
CRISELLE A. ALO
AIZA H. AGUIPO
JOHNLYN MAE H. ISRAEL
ROSE MARIE P. OQUE
J. ANNTONETE B. MAGDUGO

BACLAYON NATIONAL HIGH SCHOOL


LANDICAN, BACLAYON, BOHOL

MAYO 2023
KASAYSAYAN NG BARANGAY SAN ROQUE AT PAMILACAN: ISANG

PAGSUSURI

Isang Pananliksik na Iniharap sa Dalubhasaang Lupon sa Departamento

ng Senior High School ng Baclayon National High School

Bilang Bahagi sa mga Kailangan Para sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-

ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

MGA MANANALIKSIK

MAYO 2023
PAGPAPAKILALA

Taos puso ang aming pasasalamat sa mga nagbigay ng tulong, kontribusyon

at suporta tungo sa matagumpay na katuparan ng pag-aaral na ito.

Kay Sir Jorge Cuajao PhD, aming guro sa taos pusong pagtulong at

paggabay sa amin sa tamang hakbang sa pagsasagawa sa pag-aaral na ito.

Kay Brgy. Captain Lea M. Locot, sa pagbibigay ng impormasyon at historya

ng kanilang barangay, ang Barangay San Roque.

Kay Brgy. Captain Crispo Valeroso, sa pagbibigay ng impormasyon at

historya ng kanilang barangay, ang Barangay Pamilacan.

Kay Ginang Martina Pingkian, sa pagbibigay ng kaunting detalye patungkol

sa mga sinaunang pangayayari sa Barangay Pamilacan.

Sa mga magulang ng mga mananaliksik at tagapag-alaga,Gilda Estano, Janet

Magdugo, Jecelyn Delmonte, Aurelia Jumang-it, Elena Israel, Mary Ann

Oque, Elisa Alo, Edna Aguipo. Sa kanilang walang humpay na suportang

ibinibigay. Sa inpirasyong ibinibigay nila. Lalo na sa pagtugon nila sa mga

pangangailangang pinansiyal sa pag–aaral na ito.


PAGHAHANDOG

Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mga mananaliksik ang

pag-aaral na ito, sa mga taong gumagabay at tumulong at naging bahagi ng

pag-aaral na ito.

Sa poong Maykapal na siyang nagbibigay ng katatagan, lakas, at

patnubay na walang hanggang biyaya upang maayos na maisangkatuparan

ang pag-aaral na ito.

Sa mga magulang ng bawat miyembro na kabilang sa pangkat na ito na

walang sawang nagbibigay suporta.

At sa lahat ng kabilang sa pangkat na ito na nagbuhos at namuhunan ng

oras at pagod upang ang pananliksik na ito ay maisaganap ng matagumpay.

At sa aming mga kamag-anak na nasa kalinga na ng Panginoon, at lahat

na ito ay taos pusong iaalay sa inyo.


KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang lalawigan ng Bohol ay isang pulong lalawigan sa Pilipinas na

binubuo ng apat-napu’t pito (47) na lungsod. Ang Bohol ay nagmula sa

salitang Bo-ho or Bo-ol na ang ibig sabihin ay yaman sa pagpupuri, ang islang

ito ay naging upuan ng kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga

katutubong Hari, Datu Sikatuna at Espanyol conquistador na si Miguel Lopez

de Legazpi sa 16 Marso 1565 sa pamamagitan ng “dugo o blood compact”

alyansa na kilala ngayon sa pamamagitan ng maraming mga Pilipino bilang

ang “Sandugo”.

Bukod sa yamang tanging Historya naging kilala din ang Bohol sa

pagiging popular na destinasyon ng mga turista sa mga beaches at resorts.

Isa na rito ang Chocolate hills. Hindi mo maikakaila na napakaganda ito dahil

marami itong napakagandang tanawin dahil sa mga maliliit nitong bundok na

kulay tsokolate. Naging hango ang pangalang Chocolate hills dahil sa tuwing

tag-init ay makikita mong magkukulay tsokolate ang bundok at sa tuwing tag-

ulan naman ay nagiging kulay berde ito.

Isa sa mga napabilang sa unang distrito ng Lungsod ng Bohol ang

“Baclayon”. Ang baclayon ay isa sa 5th class na lalawigan ng Bohol,Pilipinas.


Ang Baclayon ay kilala sa tawag na “Baclay” ayon sa mga kastila noong

1563. Nakuha ang pangalang Baclayon mula sa salitang “Baclay” o mga

taong naglalakad upang makaabot sa kanilang destinasyon.

Ang Baclayon ay naging sikat dahil sa Simbahang Katolika Romana,

na naitatag nina Jesuit Priest Juan De Torres at ni Gabriel Sanchez noong

1596, at naging sikat dahil ito’y itinuring na pinakamatandang simbahan sa

Bohol, ito’y ginawa mula sa “koral na bato”. Ang lungsod ng Baclayon ay

nahahati sa labing pito (17) na mga barangay. Kabilang na rito ang Barangay

San Roque at Pamilacan.


Batayang Teoritikal

Ang pagsusuring ito ay nakabatay sa impormasyong aming nakalap mula sa

Historikal na Metod ng Pananaliksik, sa pamamagitan ng pagkuha ng mga

dokumento mula sa mga napiling Barangay.

Ang Historikal na Pananaliksik ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng

pangangalap ng datos upang maka buong mga kongklusyon hinggil sa

nakaraan.Batay sa mga datos at ebidensya,pinalalalim ang pag-unawa sa

nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay.

Batayang Legal

Ang mga impormasyon na aming nakalap ay totoo at walang halong opinyon,


Kaligiran ng Pananaliksik

Sa kasulukuyang panahon ngayon, sa ating mundo ginagalawan

ay hindi imposible ang pagtuloy na pagusbong natin sa larangan ng

teknolohiya. Halos lahat ng tao ay gumagamit nito at isa na doon ay ang

paggamit ng kompyuter, smartphone at mga tablet o ipad. Sa isang

pindot lang ay mapapabilis na ang komunikasyon sa ibang tao,

mapalapit o mapalayo man ay maaari nang makipagkomunikasyon dahil

sa social media sites. Nagiging parte ng isang tao ang paggamit ng

social networking sites dahil maidudulot itong maganda para sa atin lalo

na sa mga kabataan, Dahil sa malakas nitong impluwensiya, marami sa

mga kabataan ngayon lalo na ang mga sekondarya at kolehiyo ang

lubos na nahuhumaling ditto. Wala na yatang kabataan ngayon ang

walang account sa mga nabangit na social media sites, o di kaya ay

pamilyar dito. Isa sa mabuting epekto niyo ay ang easy access o

madaling paraan upang makapaglaganap o mapag bahagi ng

impormasyon, mga balitab na interesado ang lahat na malaman, kagaya

ng suspensyon ng klase, mga balita tungkol sa gobyerno o mga artikulo

o babasahin na marami tayong matutunan.


Kaugnay na Literatura

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga

babasahan na may kinalaman sa ginagawang pag aaral. Nagbibigay rin ng

higit na malinaw na kaalaman ang mga literature at pag-aaral na inilakip sa

pannaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga

mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagan ng Pag-aaral.

Mayroon ding mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa napapanahong mga

isyu particular na sa larang ng Edukasyon.

Ang edukasyon ay ang paghubog ng mga espesyal at pangunahing abilidad

ng ating isipan na nagsisilbi ring proseso ng nagbibigay o pagkukuha ng

pangkalahatang kaisipan, paghuhubog ng kakayahan sa pagrarason at

paghahanda ng sarili sa intelektwal na aspeto para sa pagtahak sa buhay. Ito

rin ay ang siyensiya o sining ng pagtuturo ayon sa disyunaryo ng Random

House.

Nakatala rin sa Collier’s Encyclopedia na ang edukasyon ay nananatili bilang

isang prosesyong pangkalahatan na nagiging instrument upang ang isang

komunidad, lipunan o bansa ay makaagpang sa mga pagbabagong

nagaganap. Ito ay sa pamamagitan ng paglalahad at pagapapalaganap ng

mga kaalaman na tumutulong sa tao upang lagpasan ang ano mang banta
laban sa pansariling kaayusan. Ang edukasyon ay maituturing na

pangkalahatang proseso kaya’t nararapat lamang na ito ay hindi makapag-

iisa, sapagkat nandito ang pag-aambag ng iba’t ibang saloobin, persepsiyon,

ideolohiya at mga pagnanais mula sa iba’t ibang uri ng indibidwal sa loob ng

isang grupo.
Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay may mga salik sa pananaliksik na ginawa at

sinunod upang matagumpay na maisangkatuparan ang bawat pag aaral na

ginawa, ng walang kamalian. Naging alinsunod sa bawat mananaliksik na

dapat ay maging katunay-tunay ang kanilang impormasyon.

Para sa higit na pagkaunawa ng pananaliksik na may paksang Kahalagahan

sa Pag-aaral ng Kultura sa Luzon ay minarapat ng mananaliksik na mangalap

ng mga kaugnay na pag-aaral at mga kaugnay na literature. Kinapapalooban

ang kabanatang ito ng mga kaugnay na literature at pag-aaral na nagbibigay

ng makabuluhang konsepto at gabay para mabuo ang kasalukuyang pag-

aaral, mga pamaraan, impormasyon at mg datos. Maraming pagkahulugan

ang maaring kaakibat ng salitang Edukasyon lalo pa at kinikilala ito bilang

isang larang na may malawak na sakop. Bahagi rin nito ang proseso ng

pagkikilala sa sarili at pakikipagkapwa na nauugat sa pagtuturo ng isang guro

sa kanyang mag-aaral o grupo ng mga mag-aaral.

Sa anumang antas ng pag-aaral, higi sa bahagi ng pagtuturo hindi

maitatanggi ang katotohanang ang isang guro ay isa sa pinakamahalagang

sangkap sa isang pag-aaral.


METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Pangkasaysayan (Historical)

Ito ay isang sistematikong disenyo ng pangangalap at pagtataya ng

datos na may layuning ilarawan, ipaliwanag, at unawain ang mga aksiyon at

pangyayari sa makalipas sa pinakatugmaang interpretasyon

Layunin ng disenyong ito na pag-aralan ang isang penomenon sa

konteksto ng kulturang nananahan sa nasabing layunin. Mahalaga ito

sapagkat nagbibigay ito ng malalim na kaalaman ukol sa sistemang politikal,

ekonomiko, at kultura ng isang lipunan. Pinag- aaralan din sa ganitong uri ng

disenyo ang interaksiyon, ugali, kilos at paniniwala ng mga ito sa nasabing

lipunan.

KWALITATIBONG PANANALIKSIK

Ito ay anyo ng pag-aaral na itinuturing na ‘nonnumerical’ o ‘hindi

nabibilang’. Ang mga datos ay itinatala at binibigyang-interpretasyon gamit

ang ‘nonnumerical’ na pamamaraan gaya ng open-ended surveys, panayam

at mga detalyadong deskripsiyon na kalimitang ginagawa sa iba’t ibang


disiplinang nabibilang sa Agham Panlipunan ( Trochim Donnelly, at Arora

(2014)

TERMINOLOHIYA NG MGA SALITANG GINAGAMIT SA PANANALIKSIK

Ang mga sumusunod na terminong ginagamit sa pananaliksik ay

binigyang kahulugan upang ito’y mabigyan ng kalinawan para sa ganap na

pang-unawan.

Kasaysayan. Ang pag- aaral ng nakaraan, partikular kung paano ito

nakaaapekto sa mga tao sa kasulukuyang.

Barangay. Ang pinakamliit na pamahalaang lokal na yunit sa pilipinas

Historikal na Metod.

Historical methodology is the process by which


historians gather evidence and formulate ideas
about the past. It is the framework through which
an account of the past is constructed.

Tema. Dito umiikot ang kabuuang


pangyayari ng kwento. Kung wala ito, walang patutunguhan ang pagkukwento

Tono. Tumutukoy sa saloobin ng may-akda hingil sa akdang isinulat.


Paraan ng Pagsasagawa ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng kwalitatibong pamamaraan gamit ang

pamamaraang documentary analysis na kung saan ay ginalugad at sinuri ang

kasaysayan ng barangay San Roque at Pamilacan gamit ang tekstong

naratibo.
Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng talatanungan o survey

questionnaire bilang pangunahing instrument sa pagkalap ng mga datos na

magagamit sap ag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang

pangkat: Ang profile at survey ukol sa paksang tinatalakay at pinag-aaralan.

Ginamit ang kasaysayan ng Barangay San Roque at Pamilacan at ang

pamantayang tekstong naratibo.

Ang Survey ay nagbibigay ng iba’t ibang persepsyon sa mga tao kung sa

papaanong paraan makakatulong ang aming pananaliksik tungo sa mga

sumusunod na henerasyon.

Kabuuang bilang ng Kasarian ng mga Satispaksyon

mga Taong Ininterbyu Tagasagot

10 Babae Lalaki

4 6
Ang mga Mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga

mag-aaral upang masiguro na nauunawa ng mga sasagot sa mga

talatanungan ang bawat bagay maging ang pagiging kompidensyal ng bawat

datos upang maipahayagang kanilang nararapat at kailang impormasyon.

Paraan ng Paglilikom ng Datos

Mga hakbang na ginawa ng mga mananaliksik ay naglikom ng impormasyon

mula sa opisyal ng napiling Barangay. Masinsinang sinuri ang kasaysayan ng

mga napiling Barangay at kumuha ng basehan upang mapatunayan ang

aming pananaliksik ng walang kamalian. Ang nakalap na datos ay susuriin

upang mas mapadali ang pagtataya nito. Gagamit rin ng Descriptive

Statistical Analysis ang mga mananaliksik upang ipresentar ang mga datos

kung saan gagamit ng mga talaan upang suriin ang mga datos. Ito ang napili

ng mga mananaliksik dahil sa mas madaling maintindihan ang mga datos

sapagkat nakabuod ang mga datos gamit ang iba’t ibang uri ng talayaan gaya

ng talahayanan gayon din ay may pagtatalakay sa mga resulta ng datos.

Sa pagbuo ng interpretasyon at resulta, pinakamaigi at mabilis na

maiintindihan para sa mga mananaliksik ay ang paggamit ng talahayanan at

graphs ay magiging epektibo sa Descriptive Statistical Analysis.


Saklaw ng Pag aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa Kasaysayan ng mga napiling

Barangay. Naging bunga ng pananaliksik, ang pagkakaroon ng interes ng

mga mananaliksik na suriin ang mga katangian at historya upang mabigyan

ng kabubuluhang anking kayamanang panitikan ng Barangay San Roque at

Pamilacan nang ito’y mapanatiling buhay at maikintal sa kaisipan sa mga

susunod na henerasyon. Mapalawak ang kamalayan at maipamulat sa bawat

indibidwal na ito’y ipagmalaki at tangkilikin. Inaasahan ng mga mananaliksik

ang kooperasyon ng bawat isa upang ating maisangkatapuran ang

pananaliksik na ito.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakapukos sa kasaysayan at mga kuwentong

kababalaghan ng barangay San Roque at Pamilacan

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay inaasahang makapagbigay ng kahalagahan sa

mga sumusunod:

Mag-aaral. Malaking ambag ito sa mga mag-aaral sa pagbasa ng

kanilang mapa nuri at kritikal napag-iisip. Mapalalim nito ang kanilang pag-

unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Barangay San Roque at

Pamilacan.

Guro. Magsisilbingpatnubay sa kanila sa paghahanda ng mga

kagamitang pampagtuturo para sa mabisang pagtuturo ng kasaysayan ng

Barangay San Roque at Pamilacan.


Mamamayan. Nagbibigay tulay sa nakaraan na maaring isalamin sa

kasulukuyang panahon, at mas maintindihan at mabigayang halaga ang

kultura at tradisyon

Sa mga susunod na mananaliksik. Magsisilbing gabay sa

pagpapalawak at pagpapaunlad sa anumang pagkukulang sa pananaliksik na

ito.

Konsiderasyong Pang-etika

Malaki ang responsibilidad ng bawat mananaliksik. Dapat siyang

maging maingat sa bawat hakbang ng pananaliksik, sapagkat mayroon itong

etika na dapat niyang isaalang-alang.Ang etika ng pananaliksik ay gabay sa

tamang pagsasagawa ng pag-aaral.Ayon kina Constantino at Zafra, ang mga

panununtunan sa pananaliksik ay ang sumusunod:

Kilalanin ang ginamit na mga ideya

Huwag kumuha ng datos kung hindi pinayagan o walang permiso.

Iwasang gumawa ng mga personal na obserbasyon.

Huwag mag short-cut.

Huwag mandaya.
APENDEKS
ANG KASAYSAYAN AT ORIHINAL NA PINAGMULAN NG BARANGAY

SAN ROQUE

Ang Barangay San Roque ay hindi gaanong kalaki noon gaya ngayon.

Ang ibabang bahagi nito ay kabilang sa Barangay Poblacion habang ang

itaas na bahagi ay kabilang sa Barangay Landican. Ang pinagmulan ng

pangalan nito ay nagmula sa debosyon ng mga tao kay Saint San Roque, ang

Patron ng mga Nakakahawang Sakit o Epidemya.

Sa mga huling taon ng Rehimeng Espanyol, isang epidemya ng

Cholera ang sumiklab sa Baclayon. Kumakalat ito na parang apoy, na ang tao

ay natatakot sa kanilang buhay. Wala silang umaagos na tubig mula sa mga

gripo noon. Kinukuha nila ang kanilang inuming tubig mula sa hinukay na mga

pader. Ignorante pa sa mga tuntunin sa kalusugan at pasilidad ng kalusugan.

Wala silang sanitary toilet noong taon hindi katulad natin ngayon. Natural na

kumakalat ang epidemya lalo na sa mga lupain ng kasaysayan.


Kaya, ang ginawa ng mga tao ay nagdarasal. Nagkataon na ang

pamilya ni Ginoo Anecito Ramo, ay nagmamay-ari ng imahe ni Saint Roque.

Ang pamilya ni Ginoo Anecito Ramo ay isang debotong Katoliko, nagdasal

sila ng nobena ni Saint Roque, humihingi ng tulong sa kanyang pamilya at

mga kapitbahay na hindi maapektuhan ng epidemya, nakiisa sila sa

pagdadasal na ginaganap gabi-gabi sa bahay ni Ginoo Anecito Ramo. Nang

maglaon sa panahon ng novena, mas maraming tao ang sumali at sa

pagtatapos ng siyam na araw na pagdarasal, isang prusisyon ang idinaos sa

paligid.

Tatlong beses silang nagdasal ng novena, ibig sabihin ay dalawapu’t

pitong araw,na marami ang sumali.Pagkatapos, napagpasyahan nilang

magtayo ng maliit na chapel stand na may reserbasyon sa pagkukumpuni

bawat taon pagkatapos ng fiesta na tuwing ika-16 ng Agosto.


ANG KASAYSAYAN AT ORIHINAL NA PINAGMULAN NG PAMILACAN

Ang Pamilacan ay isang islang barangay sa Pilipinas, na matatagpuan

12.5 kilometro (7.8 mi) sa timog ng isla ng Bohol at napapaligiran ng Dagat

Bohol (tinatawag ding Dagat Mindanao). Isa ito sa 17 barangay na bumubuo

sa munisipalidad ng Baclayon. Ayon sa census noong 2015, mayroon itong

populasyon na 1,418,[1] na binubuo ng humigit-kumulang 240 pamilya na ang

pangunahing kabuhayan ay nakatuon na ngayon sa mga dolphin- at whale-

watching tour at subsistence fishing, ngunit sa nakaraan ay kasama rin ang

whale, dolphin at manta ray hunting .

Kaya tinawag itong Pamilcan marahil ay nangangahulugang "pahingahan

ng mga mantas", ngunit maaari rin itong ituring na nagmula sa salitang

pamilac, o salapang, isang kagamitan na ginamit sa kasaysayan upang

hulihin ang mga mantas, dolphin at mga balyena.


Bukod sa pagiging sikat sa whaleshark at dolphin-watching activities,

kilala rin ang isla sa mga white sand beach nito at kilala sa mga snorkeling at

dive site nito, tulad ng Dakit- Dakit. Ang Snake Island o Cervera Shoal ay

isang lumubog na talampas na humigit-kumulang 18 metro (59 piye) ang

lalim, sa kanluran ng Pamilacan. Ito ay natatakpan ng coral ngunit nasa gitna

ng karagatan, kaya naman kadalasan ay may napakalakas na agos. Dito

makikita ang black-white banded sea snakes, sea turtles, moray eels,

nudibranchs at bucket sponge.

Sa hilagang-silangan na bahagi ng isla ay isang 200-taong-gulang na

kuta ng Espanya, na noong nakaraan ay nagsilbing bantayan ng mga Kastila

upang bantayan ang mga nanghihimasok, tulad ng mga pirata at iba pang

mga kaaway, partikular na yaong nagmumula sa timog. Kasama ng iba pang

mga bantayan sa Dauis, Panglao, Maribojoc, Loay at Balilihan, ang bantayan

ng isla ay idineklara ng Pambansang Museo ng Pilipinas bilang Pambansang

Kayamanan sa Kultura sa ilalim ng kolektibong grupo ng Bohol Watchtowers

noong Agosto 29, 2011.


Pangalan: Annabel P. Delmonte

Kasarian: Babae

Kapanganakan: Agosto 19 2005

Edad: 17

Tirahan: Barangay San Roque, Baclayon, Bohol

Magulang: Jocelyn Delmonte


Alvin Delmonte

Edukasyon

Elementarya: Baclayon, Central Elementary School

Junior High School: Baclayon, National High School

Senior High School: Baclayon, National High School

Strand: HUMSS
Pangalan: Jelyn Joy “Jel” Jumangit

Kasarian: Babae

Kapanganakan: Nobyembre 8 2005

Edad: 17

Tirahan: Barangay San Roque, Baclayon, Bohol

Magulang: Aurelia Jumang-it

Benjamin Jumang-it

Edukasyon
Elementarya: Baclayon, Central Elementary School

Junior High School: Baclayon, National High School

Senior High School: Baclayon, National High School

Strand: HUMSS
Pangalan: Aiza “Ai” Aguipo

Kasarian: Babae

Kapanganakan: Nobyembre 22, 2005

Edad: 17

Tirahan: Barangay San Roque, Baclayon, Bohol

Mga Magulang Edna Aguipo

Saturnino Aguipo

Edukasyon:
Elementarya: Baclayon, Central Elementary School

Junior High School: Baclayon National High School

Senior High School: Baclayon National High School

Strand: HUMSS
Pangalan: Rose Marie “RM” Oque

Kasarian: Babae

Kapanganakan: Disyembre 23, 2003

Edad: 19

Tirahan: Barangay San Isidro, Baclayon, Bohol

Mga Magulang: Mary Ann Oque

Edukasyon:
Elementarya: Zamora Elementary School

Junior High School: Bilar National High School

Senior High School: Baclayon National High School

Strand: HUMSS
Pangalan Criselle “elle” Alo

Kasarian: Babae

Kapanganakan: Pebrero 06, 2006

Edad: 16

Tirahan: Barangay Guiwanon, Baclayon, Bohol

Mga Magulang: Elissa Alo

Cresente Alo

Edukasyon:

Elementarya: Guiwanon Elementary School


Junior High School: Baclayon National High School

Senior High School: Baclayon National High School

Strand: HUMSS
Pangalan Lallesca Ashley “Lablab” Insilada

Kasarian: Babae

Kapanganakan: Disyembre 12, 2005

Edad: 17

Tirahan: Barangay Santa Cruz, Baclayon, Bohol

Mga Magulang: Gilda Estanio

Jose Rodel Insilada

Edukasyon:

Elementarya: MOMES

Junior High School: Baclayon National High School


Senior High School: Baclayon National High School

Strand: HUMSS
Pangalan: Johnlyn Mae “Lyn“Israel

Kasarian: Babae

Kapanganakan: January 31, 2005

Edad: 18

Tirahan: Barangay San Roque, Baclayon, Bohol

Mga Magulang: Elena Israel

Teofilo Israel

Edukasyon

Elementarya: Montana Elementary School

Junior High School: Baclayon National High School


Senior High School: Baclayon National High School

Strand: HUMSS
Pangalan: J. Anntonete “Onnie” Magdugo

Kasarian: Babae

Kapanganakan: Hunyo 13, 2006

Edad: 16

Tirahan: Barangay Landican, Baclayon, Bohol

Mga Magulang: Janet Magdugo

Roel Magdugo

Edukasyon:

Elementarya: Miguel Oppus Memorial Elementary School

Junior High School: Bagong Silang National High School- ILIGAN

Senior High School: Baclayon National High School


Strand: HUMSS

You might also like