You are on page 1of 22

Unibersidad ng San Agustin

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

ANTAS NG KAMALAYAN NG MGA MAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG SAN AGUSTIN

UKOL SA KULTURA NG BANSA

Isang Mungkahi ng Pananaliksik

Na Iniharap sa mga Guro ng HUMSS

Unibersidad ng San Agustin

Iloilo City, Philippines

Isang Bahagi ng mga Kailangan sa Asignaturang

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Iniharap nina:

Asejo, Tricia Marie M.

Denlos, Angel Grace

Garrido, Christianne Paula S.

Magabilin, Phoebe Mae G.

Mobo, Juliah Natalie A.

Singson, Donna Mae S.

Tacluyan, Hannah F.

SETYEMBRE 2019
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

KABANATA 1

Panimula ng Pag-aaral

Ang Kabanata 1 ay binubuo ng anim na bahagi (1) Kaligiran ng Pag-aaral, (2)

Paglalahad ng Suliranin, (3) Teoryang Batayan ng Pag-aaral, (4) Kahalagahan ng Pag-aaral, (5)

Katuturan ng mga Katawagan, at (6) Saklaw at Limitasyon.

Unang Bahagi, Kaligiran ng Pag-aaral, naglalahad ito ng mga layunin ng pag-aaral.

Ikalawang Bahagi, Paglalahad ng Suliranin, naglalahad ng mga katarungan na

magsisilbing suliranin ng pag-aaral.

Ikatlong Bahagi, Teoryang Batayan ng Pag-aaral, nagpapaunawa ng konsepto ng

pananaliksik.

Ikaapat na Bahagi, Kahalagahan ng Pag-aaral, nagpapaliwanag ng pakinabang at

kahalagahan ng pag-aaral.

Ikalimang Bahagi, Katuturan ng mga Katawagan, ito ay naglalahad ng mga kahulugan

ng mahahalagang katawagan na ginamit sa pag-aaral.

Ikaanim na Bahagi, Saklaw at Limitasyon, naglalahad ng saklaw at lawak ng pag-aaral.

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa kasalukuyan, binubuo ang lipunan ng Henerasyon Z o kung tawagin ay “millenials.”

Nakikita mismo sa ating mga hubad na mata ang pagbibihis ng bago sa ating kultura kasabay
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

nito’y pagsubo sa atin ng mga banyagang tradisyon. Nakatambak ang hamon na kailangang

harapin ng bawat isa upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban para sa kultura na isinubok ng

panahon, ang kulturang dapat panatilihing buhay at nilililok ngayon. Ang bawat pagkasabik sa

kaalamang ito ay katumbas sa pag-aalab ng damdaming makabayan.

Ayon kay Lańa (2018), ang isang indibidwal ay may nakaukit na kultura sa kanyang

pagkatao, isang nagrerepresenta na kaniyang kinagisnan at patuloy na umuunlad at

yumayabong. Gusto nitong ipabatid na kung ano ang isinasabuhay natin ngayon ay siyang

sumisimbolo sa kung sino tayo. Matagal na noong umpisang kilalanin ang ating mga kultura

kaya habang nagbabago ang panahon at henerasyon, naglalaho rin ito ngunit bilang pagkilala

sa mga pinagdaan ng ating mga ninuno sa nakaraan may mga kulturang ipinapanatili at

ipinapalaganap. Ayon din kay Yasserdave (2017), ang ating kultura ay nagpapakita ng talento

at pagkakakilanlan ng bawat pangkat. Ipinapaalam nito ang rason ng ating responsibilidad sa

pagpapalawak at pagpapayaman nito.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang antas ng kamalayan ng mga

mag-aaral sa HUMSS 11 sa University of San Agustin ukol sa kultura ng bansa. Ninanais rin ng

mga mananaliksik na pagtuunan ng kahalagahan ang mga tradisyon na pilit na tinatakpan ng

modernong pamumuhay sa kasalukuyan. Gusto rin na malaman sa pananaliksik ang mga

benepisyong hatid ng pagkakaroon ng ideya sa sariling kultura sa kadahilanang makakaapekto

ito sa lipunan. Ito rin ay naglalayon na magbigay kaalaman sa mga tao kung ano- ano nga ba

ang dapat isabuhay ngayon upang hindi mahayaan na mawala o mapalitan ang kulturang

ipapasa pa sa susunod na henerasyon.


Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maitukoy ang antas ng kamalayan ng mga mag-

aaral sa HUMSS 11 sa Unibersidad ng San Agustin ukol sa kultura ng Pilipinas.

Bilang pagtitiyak, ninanais na maisagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano- ano ang mga alam na kultura ng mga mag-aaral sa HUMSS 11 A sa Unibersidad ng

San Agustin

2. Nasa anong antas ang kamalayan ng mga mag-aaral sa HUMSS 11 A ukol sa kultura ng

Pilipinas?

Teoryang Batayan ng Pag-aaral

Teoryang Kultural

Ang kultura ay salamin ng pang araw-araw na gawain ng isang tao na iniingatan ng

lubos ngunit dahil sa pag sibol ng mga bagong mga karanasan, umuusbong ang mga bagong

uso na nagpapaluma sa sariling tradisyon. Nakasalalay ang pagbabago na ito kung paano

magpapaapekto ang isang tao sa kinalalagyan niya ngayon. Sa pahayag na ito akmang

gagamitin ang teoryang kultural na ang layunin ng ay ipakilala ang kultura ng sa mga hindi

nakakaalam. Ibinabahagi ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyong minana at ipinasa sa

mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi (Kadipan, 2010).
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

Kahalagahan ng pananaliksik

Ang kultura ay mahalaga sapagkat ito ang sumisimbolo sa isang bansa, nagbubuklod ng

ating samahan at gumagabay sa pang araw-araw nating mga gawain. Ang mga pahayag na ito

ay importante dahil ito ang nagpapatunay na kung walang kultura, walang pagkakakilanlan ang

lahi nating Pilipino.

Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral na malaman kung

paano umuunlad ang kultura sa bansa at para mas maintindihan nila ang epektong hatid ng

pagkilala sa sariling kultura. Nagbibigay daan ito upang ikintal sa isipan ang tamang mga

paraan sa pagpapapanatili ng tradisyon upang maging maigi ang paghuhubog ito.

Guro. Ang pag-aaral na ito ay makapaghahatid ng ideya sa mga guro na ituro ang mga

pangunahing kultura upang mas madagdagan ang kamalayan ng mga tinuturuan.

Punong Guro. Ang pag-aaral na ito ay makakapagpaalam sa paaralan ng estado ng

kultura sa makabagong panahon ng kabataan para makagawa ito ng paraan tulad ng pagtatag

ng mga programa o mga aktibidad na magpapakita ng pagtatangap at pagsasabuhay sa ating

mga nakasanayang tradisyon.

Mga Magulang. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga magulang na mahikayat

ang kanilang mga anak sa pagsasagawa ng kultura lalong lalo na sa loob ng bahay kung saan

mas magiging epektibo ang pagtuturo nito.


Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

Lipunan. Ang pag-aaral na ito ay makakapagbigay ng impormasyon sa mga tao sa

lipunan ukol sa kung ano ang mga tradisyong kailangang ipanatilihin at pahalagahan nang sa

ganoon ay patuloy itong isasagawa ng bawat isa.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay maari nilang balikan na

magbibigay sa kanila ng detalye at basehan para sa pagpapalawak ng kanilang mga kaalaman

at para rin maihambing nila kung paano nadagdagan or naglaho ang kultura sa bansa.

Katuturan ng mga Katagang Ginamit

Upang mas mapaigi ang mga kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na

salita ay binigyang kahulugan. Pa-alpabeto ang pagkakasunod-sunod ng mga kataga.

Antas- tumutukoy sa katayuan, bilang o posisyon ng tao o bagay. Ito ay maaaring sumukat at

tumukoy sa ranggo o degri. (Danicaparra, 2016)

Sa pag-aaral na ito ang antas ay gagamitin ng mga mananaliksik bilang basehan ng

resulta. Ito ang tutukoy sa kung gaano ka taas o baba ang kamalayan ng mga mag-aaral.

Kamalayan- Ang malay o kamalayan ay isang katangian ng kaisipan. Nangangahulugan

ito ng pagiging gising, alisto, pagkakaalam, at tumutugon sa kapaligiran. Maaaring magkakaiba

ang kahulugan ng kamalayan sa sikolohiya, neurosiyensiya, pilosopiya at iba pang kaugnay na

mga agham. (Jiniviv Salvan, 2016)


Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

Sa pag-aaral na ito ang kamalayan ay gagamitin ng mga mananaliksik sa pagsasagawa

ng pag-aaral. Ito ay ang magpapatunay ng mabisang kaalaman o impormasyon na nasa isipan

ng mga mag-aaral.

Kultura- Ang kultura ay ang kabuuan ng pinagsama-samang pananaw ng mga tao sa

kanilang lipunan. Nakapaloob sa pananaw na ito ang koleksyon ng mga kaugalian,

nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa. Maari na ang mga pananaw na ito ay pamana pa

ng mga naunang henerasyon na naisalin hanggang sa kasalukuyang panahon. (PinoyNewbie,

2018)

Sa pag-aaral na ito ang kultura ay gagamitin ng mga mananaliksik bilang pangunahing

topiko upang mabigyang pokus ang layunin ng pananaliksik.

Mag-aaral- ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ito ay tinuturuan ng

guro na mag-aral at magdiskubre ng mga bagay. (Merriam Webster, 2019)

Sa pag-aaral na ito ang mag-aaral ay tumutukoy sa mga tutugon sa pananaliksik .

Unibersidad ng San Agustin (USA)- Ang Unibersidad ng San Agustin o mas kilala bilang

SAN AG o USA ay pribado at Katolikong Unibersidad sa lungsod ng Iloilo. Ito ang kauna-

unahang unibersidad sa Kanlurang Visayas at kaisa-isang Agustinong unibersidad sa rehiyon ng

Asia Pacific. (University of San Agustin Historical Milestones,2013)

Sa pag-aaral na ito ang USA ay tumutukoy sa paaralan kung saan gaganapin ang

pananaliksik.
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

Saklaw at Katakdaan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik. Ito ay anyo ng pag-aaral na

itinuturing na "nonnumerical" o "hindi nabibilang". Ang mga datos ay itinatala at binibigyang-

interpretasyon gamit ang "nonnumerical" na pamamaraan gaya ng “open-ended surveys,”

panayam, at mga detalyadong deskripsiyon na kalimitang ginagawa sa iba't ibang disiplinang

nabibilang sa Agham Panlipunan (Trochim, Donnelly at Arora, 2014). Nakapaloob sa

pananaliksik na ito ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa HUMSS 11 ng Unibersidad ng

San Agustin ukol sa kultura. Saklaw din nito ang pagsusuri sa pagkakaalam ng mga kabataan sa

tradisyon na nagmula pa sa mga ninuno noong unang panahon at kung paano ito nakakaapekto

sa kanilang pag-iisip, pagkilos, pag-uugali at iba pang mga aspeto.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matutunan ang lagay ng kultura sa

modernong panahon ngayon. Sa pagtukoy ng antas ng kaalaman, may mga limitasyon na dapat

isaalang-alang. Ginawa ito upang masukat kung gaano kapamilyar ang mga mag-aaral ng

Humanities and Social Sciences sa Baiting 11 ng Unibersidad ng San Agustin, taong panuruan

2019-2020 na magsisilbing tagatugon ng pananaliksik na magiging daan upang maisakatuparan

ang pag-aaral.
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

KABANATA 2

Mga Kaugnay na Babasahin at Pag-aaral

Pagkakaiba - iba ng Kultura

Karamihan sa mga antropologo ang naniniwala na ang kultura ay isang perpektong

kabuuan na siyang nabuo kasama ang sistemang panlipunan at balangkas. Kung kaya’t marami

ang naniniwala na sa bawat lipunan ay mayroong nakatalagang puwang para sa pagkakaiba ng

bawat kultura. Hindi nagtagal ay naintindihan na rin nang marami na ang kultura ay

magkakaiba. (insert author)

Kalaunan ay umusbong ang “popular culture.” Ang terminolohiyang it ay isang

kontrobersiyan na konsepto sa agham panlipunan. Ito ay pinakakahulugan bilang kultura na

pinapaboran at tinatangkilik ng maraming tao. Ito ay lumaganap at pinapahalagahan ng mga

tao sa kabila ng heograpikal na limitasyon. (Storey, 2011) Ang depinisyong ito ang nagbubukod

ng “popular culture” sa “high culture” o ang kultura na ginagamit ng mga piling tao o mga

mayayaman na nasa mataas na lebel ng lipunan. Samakatuwid, ang “popular culture” ay

kadalasang tinitingnan na mas mababa o di kaya ay produkto ng masamang panlasa ng mga

tao. (Storey,2011)
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

Kultura

Isinaad ni Villar (2016) na ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa

isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga

paniniwala, tradisyon, iri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-ugnay sa kanila at

nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang

diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain.

Dagdag pa niya, ang bawat tao tao ay may kinabibilangang kultura na siyang

kinalakihan niya at nagturo sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at

kung paano niya ito maisasagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang

kuturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa kanyang paglalakbay tungo sa makabuluhang

buhay.

Ang kultura ay likas, ito ay maibabatay sa paraan ng pangaraw-araw na gawi at

pamumuhay sa pinaniniwalaan o kinasanayan ng bawat indibidwal sa isang pook o lugar. Ang

Pilipinas noon ay mayroon ng sariling kultura bago pa man dumating ang mga banyagang

mananakop at sa pagdaaan ng panahon lalo itong pinalawak at nilinang ng mga henerasyon.

(Joshua Villar, 2016)

Wika at Kultura

Sa paggamit sa mga salitang hiram sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang

katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay nagkakaroon na

rin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at nagiging kasangkapan


Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. Ingles man ang salita, o Kastila kaya, sa sandaling

gamitin iyon ng isang Pilipino, ang magiging pagpapakahulugan ay atas ng kulturang katutubo

sa kanya. (Bisa,2012)

Hindi namamatay ang wika

Dinamiko ang wika, diin ni De Castro (2019). “Maaaring mawala ang wika pero mas

madalas na nag-e-evolve ito. Kaya meron mang mamatay, may nabubuhay at napapanatili na

buhay ang wika,” dagdag niya.

Sinang-ayunan naman ito ni David (2019), isang kolumnista sa Philippine Daily Inquirer.

Wika niya, may namamatay na wika araw-araw ngunit patuloy na nabubuhay ang ibang wika sa

pamamagitan ng pagsusulat at pag-iisip.

Wikang Filipino, sangkap sa pagpapakilala ng Kultura

Ayon kina Gamoso at Edera (2017) sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga makabagong

uri ng komunikasiyon tulad ng social media, maaaring matagpuan ang mga pagbabago sa

kultura at lingguwistika ng ating lipunan, ayon sa mga dalubhasa.

“Ang social media ay pangunahing ginagamit natin [sa paghahatid] ng mensahe, [isa ito

sa mga pangunahing] proseso ng komunikasyon at hindi ito mahihiwalay sa kultura ng lipunang

ginagalawan natin,” wika ni April Perez (2017). Lumabas sa pananaliksik ni Perez na higit na
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

binibigyang-pansin ng mga mag-aaral ang nilalaman ng mga Facebook status ngunit tinitingnan

pa rin nila ang wikang ginamit sa pagpapahayag nito.

Ayon naman kay Ma. Althea Enriquez (2017), kailangang ituon ang atensiyon ng mga

guro sa anyo ng mga salitang ginagamit kaysa sa tungkulin nito sa pangungusap. Iminungkahi

rin niyang pagtuunan ng pansin ang ugnayan ng mga salita sa isa’t isa.

Nabanggit naman ni Imelda De Castro (2017), propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas,

ang kahalagahan ng tamang estruktura at gramatika sa Filipino upang makamit ang

estandardisasiyon ng wika tungo sa mas progresibo at modernisadong Filipino.“Ang wika ay

kailangang sumulong sa tinatawag na transpormasiyon para maka-adapt ito sa pagbabago

ng]panahon,” ani De Castro.Paliwanag niya, hindi lamang wikang Filipino ang ginagamit upang

mapaigting ang ugnayan sa mga mamamayan kundi lahat ng wika sa Filipinas upang

magkaroon ng koneksiyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Dagdag pa niya, mayroong

tungkulin ang pamahalaan na manguna sa paggamit at pagpapalaganap ng wikang pambansa.

“Dapat gawing competent sa Ingles at Filipino [ang mga opisyal] upang mahikayat ang iba na

sumulat at gumawa ng pananaliksik at sa gayon ay maitanghal ang wikang Filipino

bilang]intelektuwalisado at modernisado”, aniya.

Impluwensiya ng mga Banyaga

(Ethnic Groups Philippines, 2016) Bago pa man marating ni Magellan ang isla ng

Limasawa sa Leyte, Ang mga Pilipino ay nakikipag-ugnayan na sa mga kalapit nitong mga

bansa sa Asya. Ang mga Tsino, Europeo, Malay, at mga Arabo, ang nakikipagkalakalan na sa
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

mga Pilipino bago pa man maitatag ang Galleon Trade. Ang kolonisasyon ng Espanya at

Amerika, isama mo pa ang pakikipaginteraksyon sa pamamagitan ng kalakalan sa kalapit na

mga bansa, ay nagdulot ng pagbabago at malaking impluwensiya sa kultura ng Pilipinas. Ang

natatanging kombinasyon ng impluwensiya ng mga banyaga ay lumikha ng komplikado ngunit

kasiya-siyang lokal na kultura na kalaunan ay nagresulta bilang ganap katangian ng pagka

Pilipino. Ang relihiyon ay ang pinakamahalagang impluwensiya sa atin ng mga Espanyol, sa

kabilang bahagi mas pinainam pa ng mga Amerikano ang sistema ng edukasyon dito sa

Pilipinas at ginawa ang Ingles na pangalawang wika. Ang Pilipinas ay may kakaibang kulturang

nabuo mula sa iba’t – ibang impluwensiya, karamihan ay mula sa Espanya at Estados Unidos.

Ang kultura ng Pilipinas ay maaaring binubuo ng mga katangian mula sa ibang kultura sa

daigdig, pero ang pagiisa ng mga impluwensiyang banyaga at katutubong sibilisasyon ay

nagresulta nang pagkakakilanlan ng bansa sa buong daigdig.

Impluwensiya ng Mga Dayuhan sa Panlasang Pilipino

Ayon sa Philippinesinsider.com(2019) Marami sa mga pagkain sa Pilipinas ang

makadaragdag sa bagong karanasan sa ating paleta. Ang mga dayuhan ay may malaking

kontribusyon o impluwensiya sa mga pagkain ditto sa bansa. Ito ay sa kadahilanang tayo ay

sinakop ng mga banyaga, nakapgdulot ito ng mga pagbabago sa paraan ng pagluluto o

nakaimpluwensiya sa panlasa ng mga Pilipino.

Isinalaysay ng Philippinesinsider.com (2019) na isa sa nakaimpluwensiya sa mga lutuin

ng Pilipinas ay ang mga Tsino. Kabilang sa kanilang impluwensiya ay ang bihon, miki, mami,

lomi, sotanghon, at miswa. Isa din sa kanilang impluwensiya ay ang hopia. Bagamat hindi
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

gaano kalaki ang naiambag ng Amerika sa mga lutuin sa Pilipinas, binago naman nito ang

panginawi ng maraming Pilipino. Sila ang nagpakilala satin nang mga ‘fast food,’ na siyang

tinatangkilik ng marami sa atin ngayon.

Impluwensiya sa Asal ng mga Pilipino

Isinaad ni Serapio (2016) na isa ang kaugaliang “bahala na” sa mga katangian na

patuloy pa rin na isinabubuhay ng mga Pilipino. Ito rin ay ugali ng pinoy na kung saaan

lumalabas ang pagiging tamad. Isa pang bersyon nito ay ang “bahala na ang

diyos”.Nangangahulugang ang mga Pilipino ay naniniwala talaga sa kapangyarihan ng DIyos.

Umaasa ito sa pagpapatnubay ng DIyos ngunit nangangahulugan din itong madaling sumuko

ang mga Pilipino o mas inaasa nila ang kanilang gawain sa himala.

Impluwensiya sa Relihiyon

Ang mga Pilipino ay kilala bilang pagiging relihiyoso. Ayon sa Social Weather

Station(1991), na 8 sa 10 ang nagpapakita na ang mga Pilipino ay may matibay na paniniwala

sa kanilang relihiyon at paniniwala, kompara sa mga urbanisadong mga lugar. Nabanggit din sa

surbey na 86% na mga Pilipino ay walang pag-aalinglangan na mayroong Diyos at 78% naman

ang naniniwala na ang daloy kanilang buhay ay nakapasya sa Diyos. Nakasaad din sa surbey na

ang mas pala-dasal amng mga babe kompara sa lalaki, na ang mga mas nakaktandang

henerasyon ang mapagdasal kompara sa bagong henerasyon. (Arcilla-Serapio,2016)

Impluwensiya sa ating Kaugalian


Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino na nananatili pa rin hanggang ngayon ay ang

respeto sa nakakatanda. Ang pagrespeto sa nakakatanda ay ang pagbibigay awtoridad sa

nakakatandang kapatid na babae o lalaki. Obligasyon ng mga ate o kuya na tumayo bilang

magulang sa mga nakakbata sa kanila. Ang mga salitang po, opo, oho, ay isa sa nagpapakita

ng pag respeto. Ngunit mapapansin na sa probinsya, ang mga nakakatanda ay gusto na sila

lamang ay susundin, tama man o mali. Naniniwala sila na sila ay palaging tama dahil sa

kanilang edad at mga karanasan. Ang mga kasabihang “papunta ka pa lang, pauwi na ako” o

“may gatas ka pa sa labi” ay isa sa mga paalala nila sa mga nakakabata. At dahil sa ugaling ito,

ang mga kabataan ay maaring mawalan ng pagkukusa. (Arcilla-Serapio,2016)

Dagdag pa ni Serapio (2016), ang mga Pilipino ay kilala rin sa kanilang pagiging

matapat at pagtanaw ng utang na loob sa mga kaibigang nagging mabuti sa kanila. Ang

kasabihang “mabuting kaibigan, masamng kaaway” ay isa sa mga tipikal na kasabihan sa

pagpapahayag ng kanilang pagkakaibigan. Kahit na ang mga Sociologist, ay bilib na kahit ilang

taon na ang lumipas, ang mga taga supporta ni Marcos ay nanatiling tapat.

Kultura at Pamantayan sa Pagnenegosyo

Isinaad ni Sillasen (2019) na ang kultura ng Pilipinas at ang pangkalpahatang paraan ng

pamumuhay ng mga Pilipino ay labis na naimpluwensiyahan ng mga Kastila, Amerikano, Hapon,

Tsino, at mga Malay. Ang mga Pilipino ay kaswal, napakamalibangin,, maramdamin, at magiliw

sa mga panauhin.
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

Ang kaligiran ng pagnenegosyo dito sa Pilipinas ay nabuo base sa mga personal na

ugnayan, at ang mga usapin sa negosyo ay kadalasang pinaguusapan ng harapan. Habang ang

mga kanluranin ay karaniwang prangka, ang mga Pilipino naman ay salungat nito. Mas nauuna

pa silang makipagpalitan ng mga kuwento, makipagbiruan, o magkuwentuhan tungkol sa

pamilya, kaysa pag-usapan ang pangunahing paksa sa negosyo. Para sa mga Pilipino, ang

paglinang nang pagkakaibigan, pagtatag nang magandang samahan, at pagsulong ng personal

na ugnayan, ay makakapagunlad ng negosyo. (Sillasen,2019)

Tradisyong Maaaring Maglaho

Isinulat ng FilipiKnow (2019) sa kanilang blog na ang Pilipinas ay isang lupain kilala sa

angkin nitong mayamang kultura at tradisyon, na nagmula sa impluwensiya ng mga bansang

sumakop dito. Isa na din sa humubog sa ating kultura ay an gating interaksyon sa mga karatig

bansa. Ang nakakalungkot lang rito, ang modernong panahon ay nagbabantang lipunin ang

mga bagay na nagsisilbing katangi-tangi sa mga Pilipino. Bagamat ang kaunlaran ay maganda,

hindi dapat ito makahadlang sa pagpapanatili ng mga bagay na siyang parte o bahagi na ng

ating kasaysayan at kultura.

Kultura ng Pilipinas ayon sa mga Sosyolohista at Antropologo

Itinala ng Driftwoodjourneys.com (2019) na ayon sa mga sosyolohista at mga

antropologo, ang kultura ng Pilipinas ay sumasalamin sa pinagsama-samang kasaysayan ng

bansa. Ito ay mas pinatunayan pa nang ang mga mananalaysay ay natukalasang ang kultara ng

Pilipinas ay kalipunan ng mga kultura ng mga malay, Hispanic, at mga Tsino. Ang kahinhinan
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

ng mga Pilipino ay impluwensiya sa atin ng mga Mealanesians. Ang tradisyunal na kulturang ito

ay nagpasalin-salin sa iba’t – ibang henerasyon. Sumunod naman ang mga Malayo-Polynesians

na nag-iwan sa atin ng etnisidad, wika, pagkain, sining, at musika.

Impluwensiya ng Kasaysayan, Espanya, At Amerika sa Kulturang Pilipino

Ayon kay Hays (2015), ang ating pagmamahal sa sosyalan, sayaw, at musika ay

humantong sa ‘province-wide street party’ at ‘town talent show’ – ang pista (festival).

Kadalasan itong ginugunita sa pamamagitan ng sayawan sa tugtog ng mga tambol. O di kaya

ay sa mga nakakamangha at detalyadong mga parada.

Ang mga Pilipino ay natural na masining, makikita ito sa mga handicrafts, disenyo, at

moda. Makikita rin ito sa mga simbahan o di kaya’y sa mga parke. Maaaring ito ay maging

kasingingay ng mga dyip, kasinglinis ng pagbuburda, kasingtingkad ng mga tattoo, o kasingpino

ng paghahabi. (Hays,2015)

Pangkulturang Pilipino

(Hays,2015) Sinasabi na ang kulturang Pilipino ay nagmula sa pinagtagpi-tagping kultura

ng lahat ng mga bansang sumakop ditto. Ang bayanihan at pakikipagkaibigan ay

pinaniniwalaang nagmula sa mga Malay. Ang pagbubuklod-buklod naman ng pamilya ay

namana natin sa nga Tsino. Ang Kulturang Pinoy naman ay inilalarawan bilang "a buoyant

chaos of Asian and Spanish influence." Ang Pilipinas ay nagsilbing pinagsalikupan sa pagitan ng
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

silangan at kanluran. Ang kultura ng bansa at mga Pilipino ay sumasalamin sa pinagsamang

kultura.

KABANATA 3

Disensyo ng Pag-aaral at Pamamaraan

Ang Kabanata III ay binubuo ng dalawang bahagi: (1) Layunin at Disenyo ng Pag-aaral,

at (2) Paraan ng Pangangalap ng Datos.

Unang Bahagi, Disenyo ng Pag-aaral, naglalahad kung ano ang paraang ginamit sap ag-

aaral.

Ikalawang Bahagi, Paraan ng Pangangalap ng datos, naglalahad ng mga hakbang na

ginamit ng mga mananaliksik.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral

sa Unibersidad ng San Agustin ukol sa kultura ng Pilipinas.

Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik na susuri sa antas ng

kamalayan ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng San Agustin ukol sa kultura ng Pilipinas sa

paraang pagbabahagi ng survey form.


Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

Ayon kay Karl Nadunza, (2017) ang kwalitatibong pananaliksik o qualitative research ay

nakabase sa mga opinyon, at iba pang relatibong impormasyon na maaaring mag-iba iba sa

iba’t ibang tao sa isang partikular na panahon. Kalimitang sinasagot nito ang mga katanungang

“bakit” at “paano.”

Ito rin ay paraan ng pangangalap ng datos kung saan ang mga tagatugon ay malayang

magbigay ng kanilang sariling opinion o pananaw batay sa kanilang survey sheets para bigyang

patunay ang pag-aaral.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga sumusunod na hakbang ay isinagawa ng mga mananaliksik sa pagsasakatuparan

ng pag-aaral na ito:

Una, bumuo ang mga mananaliksik ng mga pahayag ukol sa mga kultura sa bansa upang

gawing sarbey ng mga mag-aaral sa paraan na checklist.

Ikalawa, ipinamahagi ng mga mananaliksik ang mga survey sheets sa mga mag-aaral sa

HUMSS 11 ng Unibersidad ng San Agustin upang maisagawa ang pag-aaral.

Ikatlo, tinuruan nila ang mga mag-aaral kung paano sasagutin ang mga survey sheets sa

pamamagitan ng paglahad ng panuto at pagsagot sa mga katanungan ng mga mag-aaral.

Ikaapat, binigyan ang mga mag-aaral ng sapat na oras upang masagutan ang mga

katanungan para sa sarbey.


Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

Ikalima, pagkatapos nilang maikumpleto ay itinipon ng mga mananaliksik ang mga survey

sheets na ipinamahagi nang mas maaga.

Ikaanim, ang mga mananaliksik ay namahala para sa pagsusuri ng datos na kanilang

nakalap mula sa mga tagatugon.

Sanggunian

Danicaparra (2016) Ano ang Kahulugan ng Antas

https://brainly.ph/question/475667

DRIFTWOODJOURNEYS.COM (2019) Philippine Culture: An In-Depth Analysis

http://driftwoodjourneys.com/philippine-culture-an-in-depth-analysis/

Ethnic Groups Philippines (2016) Foreign Influences on Filipino Culture

http://www.ethnicgroupsphilippines.com/2016/05/30/foreign-influences-on-filipino-culture/

FilipiKnow (2019) 9 Philippine Icons and Traditions That May Disappear Soon

https://filipiknow.net/philippine-icons-and-traditions-that-are-disappearing/

Hays, J. (2015) Filipino Character And Personality: Hiya, Amor Propio, Emotions And

The Influences Of Catholicism, Asia And Spain

http://factsanddetails.com/southeast-asia/Philippines/sub5_6c/entry-3867.html
Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

Jiniviv Salvan (2016) Kahulugan ng Kamalayan

https://brainly.ph/question/448237

Kadipan (2010) Mga Teoryang Pampanitikan

http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html

Karlnadunza (2017) Ano ang Kwalitatibong Pananaliksik

https://brainly.ph/question/1128182

Lańa (2018) Kulturang Filipino Dapat Ibangon at Isulong

https://www.pressreader.com/philippines/panay-news/20180223/281539406440239

Philippines Insider (2019) Influence of Other Countries to Philippine Cuisine

https://www.philippinesinsider.com/filipino-cuisine/influence-of-other-countries-to-philippine-

cuisine/

Pinoy Dictionary (2019) Mag-aaral

https://tagalog.pinoydictionary.com/word/mag-aaral/

Pinoy Newbie (2018) Ano ang Kultura? Kahulugan | Elemento | Kahalagahan

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-kahulugan-kultura-elemento-uri/

Sillasen, G. (2019) Business Culture and Etiquette


Unibersidad ng San Agustin
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
General Luna Street, Iloilo City, Philippines, 5000
Tel. No. (+63-33)337-4843 to 44

http://filippinerne.um.dk/en/trade-council/philippines-as-a-promising-market/business-culture-

and-etiquette/

Trochim, Donnelly at Aurora (2014)

https://quizlet.com/250088137/disenyo-metodo-at-uri-ng-pananaliksik-flash-cards/

USA Historial Milestones (2013) University of San Agustin

https://www.usa.edu.ph/?q=node%2F5

Varsitarian.net (2019) The Varsitarian

https://varsitarian.net/filipino/20170831/wikang-filipino-sangkap-sa-pagpapakilala-ng-kultura

Villar, J. (2016) Ang Pagkawala at ang Pagbabago ng mga Piling Kulturang Pilipino

https://www.academia.edu/10780269/Ang_Pagkawala_at_ang_Pagbabago_ng_mga_Piling_Kult

urang_Pilipino

Yasserdave (2017) Ang Kahalagahan ng Kultura

https://brainly.ph/question/653023

You might also like