You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

SINESOS
Sinesosyodad/Pelikulang Panlipunan

Kabanata VI:
Pelikula Hinggil sa Isyung Pangkultura
(Lektyur at Sanggunian)

Inihanda ng:

Pangalawang Pangkat

Alliah Joy M. Capila

Claire Macy A. Castañeda

Eulla May Corcega

John Carlo C. Cosio

Pamela H. Dereza

Princess Nicole Q. Floren

Ron Joshua P. Gipan

Inihanda para kay:

G. Ely Rey N. Abad

Kurso SINESOS Sine at Sosyedad o Pelikulang Panlipunan


Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Semestre/Taong
Unang Semestre/2020-2021
Panuruan
Bilang ng Modyul Ikaanim (6)
Pamagat ng Aralin PELIKULA HINNGIL SA ISYUNG PANGKULTURA
Linggong Sakop Ika-anim (6)
Petsa Enero18 – 22
Nakatuon ang araling ito sa pelikula hinggil sa isyung pangkultura na naglalayong
Deskripsyon ng Aralin ipaliwanag kung ano, saan at papaano nagkakaroon ng iba’t ibang kultura ang isang
indibidwal, grupo o pamayanan. May mga halimbawa na ilalahad upang maunawaan
ng husto ang paksa.

LSPU Self-paced Learning Module (SLM)

A. Lektyur
PELIKULA HINGGIL SA ISYUNG PANGKULTURA
Introduksyon
Ano nga ba ang kultura? Paano nga ba nakaaapekto ang mga ito sa ating lipunan?
Bawat lipunan ay may kanya, kanyang paniniwala, batas wika at tradisyong
sinusunod. Ang kultura ay hindi unibersal, ito ay may kanya kanyang katangiang
nakabatay sa lipunan. Ang lipunan ay binubuo ng mga tao at grupong may gantihang
kilos at nakikibahagi sa isang panlahat na kultura.
 Ang salitang kultura ay nagmula sa salitang Latin na cultura na mula naman

Mga Offline na sa pandiwang colo na nangangahulugang to cultivate o dukalin. Ito ay


Aktibidad pamamaraan kung paano mamuhay ang tao sa isang lipunan.

(e-learning/Self-paced  Ayon nga kina Panopio at Santico-Rolda (1998), ang kultura ay


nagpapahiwatig na ang bawat lipunan ay may sariling pamamaraan ng
pamumuhay na pinagsasamahan ng karamihan ng mga miyembro nito.
 Ayon naman kay Sir Edward Taylor, isang antropologong Ingles, ang kultura
ay maituturing na isang masalimuot na kabuuang binubuo ng karunungan,
mga paniniwala, sining, batas, moral at mga kaugalian at iba pang kakayahan
at ugaling nakamit ng tao bilang miyembro ng lipunan.
Ang kultura ay maaaring mahati sa dalawa:
 Materyal na kultura- tumutukoy sa mga bagay na nahahwakan o nakikita ng
tao.
Hal. Gusali, damit, sapatos, aklat at mga gaya nito
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

 Di materyal na kultura- paniniwala, tradisyon at iba pa.


Pagbabagong Cultural
Sa ganitong phenomenon, nagaganap ang pagbabago ng mga kagamitan,
pamantayan, moralidad, etika, kawastuhan, mga bagong anyo ngpamahalaan at mga
relihiyon, mga bagong tuklas at kaalaman sa agham at mga alternasyon sa mga anyo
ng musika, sayaw, tula at iba pang mga sining.

Iba’t ibang prosesong nagaganap sa pagbabagong panlipunan


Ang diffusion ay isang prosesong cultural kung saan ang mga katangiang
cultural ng isang lipunan ay nahihiram ng ibang lipunan bunsod ng
pakikipagkalakalan, digmaan at migrasyon.
Halimbawa, nang ipakilala ng Mcdonalds ang American hamburgers sa mga
bansang Russia at Tsina, nagkaroon ito ng pagtanggap. Sa mga Amerikano , ito ay
ordinaryong pagkain lamnag subalit dahil sa may kamahalan ang presyo nito sa
kulturang pinagdalahan at kaiba sa kanilang kultura, ito ay itinuturing bilang
espesyal (O’Neil, 2006)
Samantala, ang proseso naman ng akulturasyon ay hindi nalalayo sa proseso
ng diffusion. Subalit nilinaw nila Ember at Ember (1981; sa Panopio at Santico-
Rolda,1998) na ang akulturasyon bilang isang proseso ay nagaganap lamang sa
sandaling ang dalawang grupo o lipunang may ugnayang superior at mababang antas
ng kultura ay nagkatagpo. Sa akulturasyon, ang isang katangian ng dating ay maaring
mapalitan ng isang makagaganap ng tungkulin nito, o ang mga lumang katangian ay
humahalo sa mga bagong katangian upang makabuo ng isang bagong sistema. Subalit
ang proseso ng pagbabagong ito ay maaaring magkaroon ng pagdaragdag at
pagtanggi. Halimbawa, nang pasimulan ng mga Espanyol ang Kristiyanismo sa
Pilipinas, hindi iyon tinanggap nang buong-buo. Isinilang ang tinatawag na
katutubong Katolisismo o Folk Catholicism. Ganyan din ang nangyari sa pagtanggap
ng Islam o Folk Islam.
Kasabay ng mga pagbabagong nagaganap sa kultura ay ang paglabas ng iba’t
ibang problema at banta sa kultura gaya ng banta ng pagbabago ng klima o climate
change, globalisasyon, pandarahas sa mga katutubo at pag-alis sa sistema ng
edukasyon ng mga asignaturang nagtataguyod sa kultura, kasaysayan at wika at iba
pang polisiya ng pamahalaan. Halimbawa, sa kaso ng pandarahas sa mga sa mga
katutubo, nanganganib nang tuluyang mabura ang kultura ng mga katutubong Aeta
sa Pilipinas bunga ng pagkakahiwalay-hiwalay ng kanilang grupo dahil na rin sa di
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

makataong trato sa kanila ng pamahalaan.


Bungan g paghiwa-hiwalay na ito ay ang pagkamatay ng kanilang tradisyon at
wika. Paano pa nga ba mapapatatag ang kultura at wika kung dapat nilang unahing
punan, ang sikmura para mabuhay sa lugar na di nila kinasanayan? May mga
nagpaplagay tuloy na ang ganitong sistematikong pagpatay sa kultura ng mga
katutubo ay isang cultural genocide.
Nariyan din ang negatibong karanasan ng mga Lumad sa kamay ng
pamahalaan. Sa katunayan, ang pambubulabog ng pamahalaan sa kanilang
matahimik na pamumuhay sa kanilang lupain at pagpapasara sa kanilang mga
paaralan ay naging banta sa pagpapanatili ng kultura at tradisyon. Gaya ng
nangyayari sa mga Aeta, ang mga Lumad ay nagkakawatak-watak na rin sapagkat
kailangan nilang mabuhay.
Ayon naman kay Dr. Ricardo Nolasco (sa De Guzman, 2018), bumabalik sa
isyu ng lupa ang pagkawala ng lenggwahe. Aniya, marami roon sa mga Aeta
Communities ay tinanggalan ng lupang tinubuan. Wala silang teritoryo. Wala silang
kapangyarihang pang-ekonomiya. Wala silang kapangyarihan pampolitika.
Nilalamon sila ng katabing kultura at katabing wika. Hindi pwedeng mabuhay ang
isang wika kapag walang lupang tinubuan.
Samantala. Ang usapin sa climate change at polisiyang pamahalaan bilang
sanhi ng pagkabura ng kultura at wika ay pinatunayan ni Minnie Degawan, Direktor
ng Indigenous and Traditional Peoples Program at Conservation International na ang
punong opisina ay nakabase sa Estados Unidos. Aniya:
The biggest threat comes from climate change, which is gravely impacting
their subsistence economies. So called developed projects such as dams, plantations,
mines and other extractive activities are also taking their toll, as are government
policies that minimize diversity and encourage sameness. There is an increasing
propensity of states to criminalize any dissent, resulting in more and more rights
violations. We have witnessed an unprecedented rise in the number of indigenous
peoples, harassed, arrested, imprisoned and executed daring to defend their territories.
Kung mananatili ang ganitong banta at problema sa pagpapanatili ng wika
at kultura, tiyak na darating ang panahong magiging kolonisado na ang Pilipinas sa
aspekto ng pagkakakilanlan. Kaya naman mahalagang matugunan ng pamahalaan,
institusyong pang- akademiko at ng mga non-government organization ang ganitong
suliranin. Sapagkat ang pagbibingi-bingihan sa ganitong usapin ay katumbas ng
kamatayan ng wika at kultura n gating lipi.
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Kaugnay nito, tatalakayin sa kabanatang ito ang iba’t ibang isyung


pangkulturang ipinakita sa iba’t ibang pelikulang likha ng mga batikang director,
Pilipino man o dayuhan.
IBA PANG BABASAHIN
Iminumungkahing sipatin ang sumusunod na babasahin:
1. Panata at Sumpa ni S. Abada
2. Thy Womb: Brillane Mendoza’s Finest ni J. Cartalaba
3. A Comparative Analysis of a Japanese Film and It’s American Remake ni S. Miura
4. Film Review: Miracle (HImala) (1982) by Ishmael Bernal ni R. Linnarz
5. Iba pang suring pelikula sa Pinoy Weekly at Plaridel Journal
MGA PELIKULA HINGGIL SA ISYUNG PANGKULTURA
Ilan sa mga pelikula hinggil sa isyung pangkultura ay ang sumusunod:
1. Ang Babae sa Septic Tank (2011)
2. Thy Womb (2016)
3. K’na, The Dreamweaver (2015)
4. Debosyon ( 2013)
5. The Monk (2014)
6. Tambien la LLuvia (2010)
7. Himala (1982)
8. Banaue: Stairway to the Sky (1975)
9. Oro, Plata, Mata ( 1982)
10. Crying Ladies (2003)
Pagsusuri ng Pelikula
KULTURANG PILIPINO SA DALAWANG PELIKULA:
PAGSUSURI NG THY WOMB AT DEBOSYON
Nina
Mark Jimboy B. Daroy
Notre Dame of Greater Manila
at
Aris Merenciano
University of Perpetual Help-Molino

Thy Womb Debosyon


Direktor: Brillante Ma. Mendoza Alvin Yapan
Disenyong Brillante Ma. Mendoza Deniss Coteza, Dennis
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Pamproduksyon: Rey M. Piana


Sinematograpiya: Odyssey Flores Dexter de la Pena
Editing: Kats Serraon Chuck Gutierrez
Tunog at Musika: Teressa Barrozo, Andrew Millalos, Ray
Cecile Bitanga Andrew San Miguel
Teressa Barrozo
Iskrip: Henry Burgos Alvin Yapan
Mga Artista: Nora Aunor (Shaleha), Paulo Avelino (Mando)
Bembol Roco(Bangasan), Mara Lopez(Salome)
Lovi Poe(Mersila),
Mercedes Cabral(Ayesha)

Si Mando (Paulo Avelino) sa pelikulang Debosyon ay naipit sa isang


Dillema sa pagitan ng kanyang pagmamahal sa Inang Birheng Penafrancia at
ang kanyang pagmamahal kay Salome. Kalaunan, pinili niyang sundin ang
tinitibok ng kanyang puso. Samantala, sa pelikulang Thy Womb, naipit si
Shaleha (Nora Aunor) sa pagnanais na magkaroon ng anak at pagbalewala sa
sariling damdamin. Pinili niyang masaktan para sa kagustuhan nilang mag-
asawang magkaanak.
Nuestra Senore de
Penafrancia ang patron ng buong
probinsya ng Bikol. Ginaganap ang
kaniyang kapistahan tuwing
Setyembre na dinadaluhan ng libo-
libong mga deboto na naniniwlaa sa
mga himalang kaniyang nagawa. Isa
sa mga deboto na naniniwala sa kaniya
ay si Mando, isang magsasaka sa
probinsya ng Albay. Taimitim ang
kaniyang pagdarasal nang mga
panahong iyon dahil sa kakulangan ng ani ng palay ng kanilang
ikinabubuhay ng kaniyang ina. Nangunguha rin siya ng mga orkidya sa
kagubatan upang ipagbili sa kabayanan kapag wala silang ani. Doon niya
nakilala ang misteryosang dalaga na mag-isang naninirahan, si Salome (Mara
Lopez) o Saling kung kaniyang tawagin. Mabili siyang napaibig ng babae.
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

Samantala, ang pelikulang Thy Womb ay umiikot sa buhay nina


Shaleha at Bangas-an (Bembal Roco), mag-asawang Badjao sa tawi-tawi.
Maayos ang kanilang pagsasama. Bukod sa pagiging mangingisda, si Shaleha
ay isa ring kumadrona, kung kaya gayon na lang lalo ang kalungkutan nila sa
hindi pagkakaroon ng anak sa tagal ng kanilang pagsasama. Dahil doo’y
nagpasya si Shalela na kunsintihin ang asawa na kagustuhan niyang mag-
asawang muli upang magkaroon ng anak at batang kagigiliwan sa bahay.
Tinulungan ni Shalela si Bangas-an na humanap ng mapapangasawa maging
sa pag-ipon ng dowry sa pamilya ng babaeng pakakasalan ni Bangas-an ayon
sa tradisyong Muslim. (https://cbcpcinema.blogspot.com)
Maituturing na isang hiyas ang
Thy Wom b. Sa gitna ng mga
komedyang walang humpay sa
pagiingay, isa itong pelikulang tahimik
na ipinarating sa manonood ang mga
pasakit ng isang nagdurusang asawa
na handing magpakamartir alang-
alang sa minamahal. Wika nga ni
Brillate sa isang panayam: So we have
Thy Womb, na hindi violent, na there’s
another side of our Muslim brothers
na hindi aggressive, na mas compassionate, mas calm…” Dito natin
ipinapakita na hindi tayo interesado sa mga kontrobersya, na mas
interesado tayo sa totoong kwento (https://www.pep.ph/). Walang
sampahan, walang sigawan, walang mahahabang diyalogo, ngunit ramdam
ng manonood ang nais na iparating na damdamin ng pelikula. Magaganda
ang mga kuha ng kamera, lalo na ang mga tanawin sa Tawi-Tawi at hindi
maitatanggi ang hirap na pinagdadaanan ng buong produksyon sa pagbuo
ng pelikulang ito. Higit sa lahat, ang tunay na hiyas ng pelikula ay si Aunor na
ganap na naisabuhay ang karakter na kangyang ginampanan. Sa kanyang
mga kilos, galaw ng mata at mga labi, maliwanag na naiparating niya ang
emosyon ng pangunahing tauhan.
Sa pelikulang ito, maraming matututunan hinggil sa kultura ng mga
Muslim, particular ng mga Badjao. Mabisa itong naitampok sa pelikula dahil
ang director mismo ng Thy Womb ay namuhay kasama ng mga Badjao at
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

naranasan ang mga natatanging kultura nila.


Ipinakita rin sa pelikula ang iba’t ibang paraan ng pagkakagamit ng
kasiyahan mga tao. Si Bangas-an, sa pagnanasang magkaroon ng anak ay
nakalimot unawain ang damdamin ni Shalela. Nakayanan niyang pabayaan
at saktan ang unang asawa kapalit ng kanyang kaligayahan. Si Shalela naman
ay nagawang magpakasakit para sa kaligayahan ng kanyang asawa. Para sa
kanya, ang kaligayahan ng asawa ay kanya na ring kasiyahan. Si Mersila
(Lovie Poe) ay walang ibang iniisip maliban sa pansariling galak. Makasarili
ang nagging paraan niya ng pagkakamit ng kasiyahan
(https://stvensonsays.wordpress.com).
Kaugnay ng paghahanap ng kasiyahan ni Shaleha (at maging sa mga
lugar ng pinagganapan ng mga eksena sa pelikula), ganito ang sinasabi ng
isang rebyu:
Ipinakita rin sa pelikula ang iba't ibang paraan ng pagkakamit ng kasiyahan
ng mga tao. Si Bangas-an, sa pagnanasang magkaroon ng anak ay nakalimot
unawain ang damdamin ni Shaleha. Nakayanan niyang pabayaan at saktan
ang unang asawa kapalit ng kanyang kaligayahan. Si Shaleha naman ay
nagawang magpakasakit para sa kaligayahan ng kanyang asawa. Para sa
kanya, ang kaligayahan ng asawaay kanya na ring kasiyahan. Si Mersila
(Lovie Poe) ay walang ibang iniisip maliban sa pansariling galak. Makasarili
ang naging paraan niya ng pagkakamit ng kasiyahan
(https://stvensonsays.wordpress.com).
Kaugnay ng paghahanap ng kasiyahan ni Shaleha ( at maging sa mga lugar
na pinaggaganapan ng mga eksena sa pelikula), ganito ang sinasabi ng isang
rebyu:
Shaleha's search comprises the bulk of the slender narrative, taking its cue
from steady rhythms of life on and between the islands, a sedate pace with
several long stretches of waiting. This patience-taxing approach does allow
us to contemplate the district's natural and man made environments via
cinematographer Odyssey Flores' generally pin sharp images. Among wide
range location vusited is an abandoned church, whose dilapidated state
eloquently hints that Christianity, while still the over whelmingly dominant
religion in the country, has receded as a force in this particular area .
Isa pang kahanga hanga sa pelikula ay ang paggamit ng diyalekto ng mga
artista. Patunay itong ang mga artista ay de-kalidad dahil nagawa nilang pag
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

aralan ang diyalekto ng lugar ng pelikula. Kaya nga, From here on out, there
should be no more excuses like ' Tagalog actors are mire talended and
experienced than local onessi we hire them, but there's not enough time to
teach them the local language' (https://threetimezones.wordpress.com).
Sa Debosyon naman, mabisang itinampok ang kultura ng Bikol. Isang
malaking bagay na si Yapan (Direktor) ay mayroong malawak na kaalaman
sa literatura ng Bikol. Isang dahilan nito ay ang kanyang paglaki mismo sa
rehiyong iyon. Kaya nga sinabing Debosyon is Yapan's visually sumptuous
observation on cultural and religious phenomena. In the film, he frames his
explorations within the strangest of romance, one between a young man and
a creature of mythology. Pinatunayan niyang hindi siya isang tipikal na
bagong tubong direktor sa panahong ito. Ang kanyang pagmamahal sa ating
kultura at sining ay kanyang ipinakita sa pelikulang ito.
Sa unang tingin, masasabing ang pelikulang Debosyon ay may trmang
panrelihiyon lamang batay sa poster nitong mayroong ahas na nakapulupot
sa katawan ng lalaki. Mahihinuhang tumutukoy iyon sa mapanlinlang na
reptilya sa kwento sa Bibliya, ngunit sa panonood ng pelikula, maiisip na
tumutukoy iyon sa pagsasalo ng dalawang pangunahing tauhan sa kanilang
mainit na pagmamahalan. Ang kampanaryo ng simbahan naman ay tila
simbolo ng Katolisismo. Gayon din, mapapansin ang mga bulaklak sa paanan
ng lalaking nakatayo na kadaladang iniaalay natin sa isang santo. Ang mga
orkidyas na iyon ang naging dahilan upang ang dalawang tauhan ay
magtagpo sa gitna ng kagubatan. Sa pag-usad ng kwento, makikita rin ang
tunay na mukha ng pananampalataya bilang isang mahalagang aspekto ng
kultura. Wika nga , It mixes elements of religion with indigenous folklore
that has been embedded deeply into our consciousness perhaps even more
than the prayers of the faithful (https://www.spot.ph).
Sa pelikulang ito, mahihinuhang ang debosyong nais na ilarawan ni Yapan ay
hindi lamang ang debosyon ni Mando sa Birhen, kundi maging ang debosyon
niya na rin kay Salome. Ang pag-ibig niya sa dalawang babae ay walang
kapantay at handa niyang hamakin ang lahat upang maibigay ang pag-ibig
na sa dalawa ay nararapat.
Ngunit, hindi lamang pag-ibig sa isang babae ang nais na talakayin ng
pelikulang ito. Ito rin ay tumatakbo sa gitnang hati ng dalawang
importanteng bagay sa relihiyon, ang paniniwala sa mga kakaibang nilalang
Republic of the Philippines
Laguna State Polytechnic University
ISO 9001:2015 Certified
Province of Laguna
Level I Institutionally Accredited

at ang pagiging Katoliko. Wika nga:


Filipinos simply transferred the pagan rituals to our Christian faith but in the
process, we lose the protective and intimate aspects of our native devotion.
Faith is now a public, sometimes a commercial spectacle, and not an intimate
communion with God (https://brunphilippines.blogspot.com).
Ang mga Pilipino ay mqyaman sa kultura. Maraming mga tradisyon at
paniniwalang pinahahalagahan ang mga Pilipino. Walang pag-aalinlangang
masasabing kitang-kita sa dalawang pelikula ang mga kulturang Pilipinong
tampok sa dalawang pangkat at lugar sa Pilipinas.

Sanggunian:
https://brunphilippines.blogspot.com. Nobyembre 27, 2019
https://threetimezoes.wordpress.com/2013/08/03cinemalaya-capsule-
reviews/. Nobyembre 27,2019
https://www.spot.ph/entertainment/54067/love-and-emdebosyonem.com.
Nobyembre 27, 2019.
https://cbcpcinema.blogspot.com/2013/01/thy-womb_08.html.
Nobyembre 27, 2019
https://www.hollywoodreporter.com/review/venice-2012-thy-womb-
review-368361. Nobyembre 27, 2019
https://www.pep.ph/news/local/25542/brillante-mendoza-grateful-for-
chance-to-work-with-acclaimed-actresses-nora-aunor-in-thy-womb-and-is.
Nobyembre 27, 2019
https://stvensonsays.wordpress.com/2013/03/24/a-review-of-thy-womb-
tagalog-got-a-100-grade-here/. Nobyembre 27, 2019

Bernales, R. A., Ravina, E. A., Sicat-De Laza, C., & Zafra, R. B. (2020). Sine at Sosyedad.
In R. A. Bernales, E. A. Ravina, C. Sicat-De Laza, & R. B. Zafra, Sine at Sosyedad (pp. 65-
Sipi at websites 69). Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

Sanggunian

You might also like