You are on page 1of 12

REPUBLIKA NG PILIPINAS

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION


SAMAR COLLEGES, Inc.
Lungsod ng Catbalogan
KOLEHIYO NG EDUKASYON

MODYUL
ng
PAGTUTURO - PAGKATUTO
sa
Filipino 406
(Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan)

PREFINAL
Inihanda ni:

G. JERICK CAJEFE CUEVAS


Instruktor, CoEd

1 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
REPUBLIKA NG PILIPINAS
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
SAMAR COLLEGES, Inc.
Lungsod ng Catbalogan
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Tagapagsalita : JERICK CAJEFE CUEVAS


Ispesyalisasyon : FILIPINO
Koda ng Kurso : FILIPINO 406
Pamagat ng Kurso : UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

I. Balangkas ng mga Paksa/Aralin


A. Deskripsyon ng Kurso

Ito ay 54-oras, 3-yunit na kursong sumasaklaw sa malalim na kabatiran sa


kahalagahan ng ugnayan ng wika, kultura at lipunan na nagpapalakas at nagpapatibay
ng pagka-Pilipino na makatutulong sa makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.

B. Pangkalahatang Layunin
Sa loob ng isang semestre, inaasahang makakamit at maisasakatuparan
ang mga sumusunod na layunin:
1. Matukoy ang mga pangkalahatang kaalaman at konsepto kaugnay ng
metalinggwistik na pag-aaral ng wikang Filipino;
2. Malinang ang malalim na kabatiran sa kahalagahan ng ugnayan ng
wika, kultura at lipunan;
3. Masuri ang mahalagang ugnayan ng wika, kultura at lipunan sa
larangan ng pagtuturo-pagkatuto; at
4. Mailapat at mapahalagahan ang mga batayang konsepto ng kurso
upang mapalakas at mapatibay ang pagka-Pilipino na makatutulong
sa proseso ng makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.

C. Talaan ng mga Paksa/Aralin

Bilang ng Paksa/Aralin Pamagat ng Paksa/Aralin


Paksa Blg. 1 KULTURANG POPULAR:
Mga Batayang Kaalaman/Konsepto

Paksa Blg. 2 KULTURANG POPULAR:


Mga Anyo ng Kulturang Popular sa Pilipinas

II. Nilalaman

2 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
UNANG BAHAGI
(Prefinal)
PAKSA BLG. 1
KULTURANG POPULAR:
Mga Batayang Kaalaman/Konsepto

Ano ang KULTURA?


-aktibidad ng sangkatauhan
-ang "kaparaanan ng mga tao sa buhay
-sumasalamin sa iba't ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga,
sa aktibidad ng sangkatauhan.
-ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat
at mga sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa.

Ano ang POPULAR?


-tanyag, kilala, bantog, sikat

Ano ang KULTURANG POPULAR?


- Kulturang nakabatay sa pagkagusto o pagtangkilik ng maraming tao

Ano ang KULTURANG PILIPINO?


-Paglawak ng impluwensya ng teknolohiya
-Komersyalisasyon
-Madaliang reproduksyon

Highbrow - mga bagay na tinatawag na klasik (classic)


-mga klasikong akda mula sa panitikang Griyego,Latin, Ingles at Europeo

Mga Halimbawa
-Magasin
-Komiks
-Radyo
-Telebisyon
-Pelikula
-Moda sa Pananamit
-Kanta
-Patalastas
-iba pang bagay na kasama sa isang maunlad na lipunan

 TANDAAN 

“Ang tanging permanente sa mundo ay ang PAGBABAGO.”

PAKSA BLG. 2

3 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
KULTURANG POPULAR:
Mga Anyo ng Kulturang Popular sa Pilipinas

A. MGA POPULAR NA BABASAHIN

PANIMULA
Masasabing nagpatuloy ang tradisyonal na panitikan sa kabila ng modernisasyon
dulot ng pag-unlad ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha.
Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin
gaya ng komiks, magasin, at dagling katha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa
mga akda sa tradisyonal na uri ng panitikan. Kung susuriin, naiiba lamang sa estilo,
pamamaraan, at kaalamang teknikal ang panitikang popular.
Narito ang maikling paliwanang para sa mga popular na babasahing laganap
ngayon sa bansa:

-PAHAYAGAN
Ito ay isang uri ng print media na nananatiling buhay at bahagi ng ating kultura.
Ito ay naglalaman ng mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa. Ginagamit
na batayan at pantulong bilang suportang impormasyon na kaugnay sa aralin o isyu.

-KOMIKS
Ito ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Ito ay ibinibilang ding isang makulay at popular na babasahin na ang layunin ay
magbigay-aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang kaalaman, at magsulong ng
kulturang Pilipino.

-MAGASIN
Ito ay isa ring uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino
dahil sa aliw na hatid nito at mga impormasyong makukuha rito.
Narito ang mga nangungunang magasin na tinatangkilik ng maraming Pilipino:

Candy
Tinatalakay nito ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng
mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng kabataan sa kasalukuyan.

Cosmopolitan
Ito ay isang magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo rito ay nagsisilbing
gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan, kultura, at aliwan.

Entrepreneur
Ito ay magasing naglalaman ng mga artikulong makatutulong sa mga taong may
negosyo o nais magtayo ng negosyo.

4 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
FHM (For Him Magazine)
Ito naman ay magasing para sa kalalakihan na naglalaman ng mga artikulong
nais pag-usapan ng kalalakihan tulad ng mga isyung may kinalaman sa buhay, pag-
ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.

Good Housekeeping
Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat dito ay
tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging
mabuting maybahay.

Men’s Health
Karaniwang tinatalakay rito ang tungkol sa mga isyu ng kalusugan tulad ng
pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at
mental na kalusugan na naging dahilan upang maging paborito ito ng kalalakihan.

Metro
Ito ay tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang nilalaman nito.

T3
Ito ay isang magasin para sa mga gadget. Ipinapakita rito ang mga pinakahuling
pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita
at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.

YES!
Ito ay tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng
mga nakaw-atensiyon na larawan at malalamang detalye tungkol sa mga pinakasikat na
artista sa bansa.

-KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling-maikling
kuwento.
Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring
nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan.
Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento.
Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli ay sina:
 Iňigo Ed. Regalado na may bansag na Tengkeleng;
 Jose Corazon de Jesus;
 Rosauro Almario (Ric A. Clarin);
 Patricio Mariano;
 Francisco Laksamana; at
 Lope K. Santos

Sa kasalukuyan sinsabing nagpapalipat-lipat ang anyo ng dagli mula sa harap na


pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid

5 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
o tampok na kuwento (featured story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa
pahayagan, at telebisyon.
Sa kasaluyan nagkaroon na ng bagong kahulugan ang dagli. Hindi na ito
tinatawag na dagli kundi nagkaroon na ito ng ibang lehitimong pangalan at katawagan –
anekdota, spice-of-life, day-in-the-life, at iba pa.

Sanggunian: DepEd K to 12 – Filipino Learners Module - Slideshare

B. KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO

MASS MEDIA: Mekanismo ng Pagbabago ng Kulturang Pilipino

Alam Mo Ba?
Sa kasalukuyan, itinuturing na isa sa pinakamalakas makahikayat at
makaimpluwensiya sa isip at damdamin ng mga tao ang mass media. Madali nitong
napupukaw ang interes ng mga tao sapagkat ginagamitan ito ng audio (pandinig) at
visual (paningin).
Ang mass media ay tumutukoy sa iba’t ibang paraan ng komunikasyon kung
saan naaabot nito ang maraming tao sa mundo na tinatawag na audience o receiver
na wala naming personal na relasyon sa mga sender nito.
Nakapaloob sa mass media ang larangan ng broadcast na kinapapalooban ng
radyo at telebisyon; print na binubuo naman ng pahayagan at limbagan; advertising
tulad ng commercial ads at patalastas; posters, billboards, streamers; pelikula; at
maging video technology.
Ang mga nabanggit na midyum ng mass media ay nagsisilbing instrument o
lakas na kumokontrol sa utak ng mga tagatanggap (receiver) ng mensahe mula sa
tagapagsalita (source o sender).
Itinuturing na mekanismo ng pagbabago ng kulturang Pilipino ang mass media
sapagkat may kakayahan itong baguhin ang paniniwala at pagpapahalaga ng isang tao
sa mabilis na paraan.
Kaya napakahalagang suriin muna ng bawat isa ang nilalaman o mensaheng
ipinahahatid ng kanilang pinanonood, binabasa, nakikita, o maging ang kanilang
pinakikinggan.
Isa sa pinakalaganap na libangan ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay ang
pakikinig sa radyo. Ayon nga sa marami, ito ay nagsisilbing kasalo na nila sa kanilang
almusal, tanghalian, at hapunan. Tila hindi kompleto ang kanilang araw kung wala nito.
Ang radyo ay itinuturing na go-anywhere medium ng pamamahayag sapagkat
ito ay naririnig ng mga tao kahit habang sila ay naglalakad, nagbibiyahe,
nagmamaneho, nagtatrabaho, o namimili.

PAGSULAT NG ISKRIP NG PROGRAMANG PANRADYO


ISKRIP
Ito ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na ginagamit sa
broadcasting. Ito ay ang nakatitik na bersiyon ng mga salitang dapat bigkasin o
sabihin. Ginagamit ito sa produksiyon ng programa. Ito ay naglalaman ng mga
mensahe ng programang dapat ipabatid sa mga nakikinig. Napakahalaga nito sapagkat

6 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
ito ang nagsisilbing bagay sa mga tagaganap, director, tagaayos ng musika (musical
scorer), editor, at mga technician.
Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na gagamitin sa midya tulad
ng radio ay ilalagay muna sa iskrip. Bilang iskrip, ito ay gagamit muna ng print
medium. Mula sa pormang ito, ang iskrip ay gagawing pasalita at gagamitan ng mga
tunog. Dahil dito, ang iskrip ay isang transisyon lamang sa pakikipagkomunikasyon sa
pamamagitan ng radio. Maririnig lamang ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng radio
kung ano ang nakasulat sa iskrip.
Ang iskrip na panradyo ay batay sa tunog. Sa iskrip ng drama, halimbawa, dapat
palaging ipakilala ng manunulat ang mga tauhan sa pamamagitan ng kanilang mga
pangalan o katawagan. Ito ay upang bigyang-kabatiran ang mga nakikinig kung sino
ang mga tauhang nagsasalita. Sa programang panradyo, kailangang sabihin ng mga
tauhan ang lahat ng nangyayari sa eksena dahil hindi naman ito nakikita ng nakikinig.

PORMAT NG ISKRIP
May sinusunod na pormat ang iskrip na panradyo. Narito ang mga tuntuning
dapat sundin kapag susulat ng iskrip panradyo:
1. Gumamit ng maliliit na letra sa pagsulat ng diyalogo.
2. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at ang emosyonal na
reaksiyon ng mga tauhan.
3. Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC (music).
4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi
kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang mga ito.
HALIMBAWA:
Kailangan bang naka-FADE UNDER ang musika habang nagsasalita ang isang
tauhan.
5. Kailangan may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya sa
iskrip kapag minamakinilya o kinompyuter.
6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi bago ang
unang salita ng linya upang maging madali ang pagwawasto kapag nagrerekording.
7. Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ay kailangang isulat sa malalaking titik.
Gagamitin lamang ang mga ito upang ipabatid kung paano sasabihin ang mga linya o
diyalogo ng mga tauhan. Ilagay ang mga ito sa loob ng parentesis o panaklong at isulat
sa malaking titik.
8. Gumamit ng mga terminong medaling maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon
kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig. Halimbawa: Boses 1,2;
Lalaki, Babae 1,2; Talent 1,2. Madaling maintindihan ng tagapakinig at ng mga taong
gagamit ng iskrip kung isusulat ang pangalan ng taong magsasalita. Halimbawa:
Leona, Zosimo. Gayundin, kailangang maging tiyak ang pangalan o katawagang
gagamitin, tulad ng Announcer.
9. Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay ito sa
parentesis.
10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang
magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ng paglalagay ng numero sa bawat
bilang.
HALIMBAWA NG PROGRAMANG PANRADYO
#Tanikalang Lagot

7 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
C. KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANTELEBISYON

GMA NEWS TV: Balitanghali


Balitang Ulat ni Kara David
(Kontemporaryong Programang Pantelebisyon)

Alam Mo Ba?
Itinuturing na isa sa pangunahing midyum ng telekomukasyon ang telebisyon sa
Pilipinas. Taong 1953 nang unang naitayo sa bansa kauna-unahang isatasyon ng
telebisyon sa pangunguna ni James Lidenberg na tinaguriang “Ama ng Telebisyon sa
Pilipinas” na siyang may-ari ng Bolinao Electronics Corporation na kalaunan ay nakilala
sa pangalang Alto Broadcasting System o ABS.
Naipakilala ang telebisyon sa bansa noong 1953 nang nagsimulang ipalabas ng
ABS sa Maynila ang DZAQ-TV. Pagkalipas ng ilang taon ay nabili ng Chronicle
Broadcasting Network (CBN) na pag-aari nina Eugenio at Fernando Lopez ang ABS
kung kaya naitatag ang ABS-CBN Network na siyang pinkamatanda at nagungunang
television network sa bansa. Ito ay may islogang “In the service of the Filipino”.
Sa kasalukuyan, bukod sa ABS-CBN, nangunguna ring istasyon ng telibisyon sa
bansa ay DZBB TV Channel 7 na mas kilala ngayon bilang GMA Network na itinayo ng
isang residenteng Amerikano sa Pilipinas na nagngangalang Bob Stewart noong 1960.
Kilala ang isatsyong ito sa pagkakaroon ng islogag “Kapuso, anumang kulay ng buhay.”
Sa parehong taon nabuo rin ang isa pang kilalang isatsyon, ang TV 5 na dating
kilala sa pangalang ABC 5 na pag-aari ng MediaQuest Holdings, Inc. Ito ay may
islogang “Para sa Iyo, Kapatid!)
Sa panahon ng Batas Miltar, pansamantalang naapektuhan ang pag-eere ng
mga palabras ang mga nabanggit na istasyon lalo na ang ABS-CBN ngunit matapos
makalaya ang bansa sa ilalim ng pamahalaang diktaturyal ay patuloy na yumabong ang
pag-unlad ng mga programa nito. Lumawak ang tema ng mga palabras batay sa gusto
o sa tingin nila ay kailangan ng mga manonood. Ilan dito ay ang News and Public
Affairs, Sitcom, Reality, Drama Series, Foreign News/Programs, Variety Shows,
Documentary Programs, at iba pa.
Sa araw na ito ay iyong matutunghayan ang isa sa mga balita ng kilalang
kontemporaryong programang pantelebisyon sa bansa ang Balitanghali ng GMA News
TV na inulat ni Kara David. Halina’t iyong alamin ang nilalaman nito at kung bakit ito
dapat mabatid ng mamamayang Pilipino.

Dokumentaryong pantelebisyon
Bukod sa radyo, ang isa pa sa itinuturing na mahalagang midyum sa larangan ng
broadcasting ay ang telebisyon. Tunay na napakalaki ng epekto nito sa buhay ng mga
Pilipino.
Binago ng telebisyon ang paraan ng pagpapahayag natin sa mga kuwento o aral
ng buhay. Dati, sinusubaybayan o inaabangan natin ang mga kuwento ng buhay na
umaantig sa ating puso gamit ang mga imprenta o babasahin o kaya ay sa aktuwal na
mga tanghalan.
Dulot na rin ng pagsulong ng modernisasyon at teknolohiya ay nabuo ang
telebisyon na higit na nagbigay-kulay at larawan sa mga pangyayari sa ating paligid
gamit ang mga ilaw at kamera.

8 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
Saglit mang natigil ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng
paghahari ng Batas Militar ay sinasabing nang matapos ang yugto ng diktaturyal sa
atng bansa ay sumilang ang isang uri ng pamamahayag o pagbabalita na maituturing
na higit na liberal at mapusok ang anyo sapagkat ito ay tumatalakay sa mga
napapanahong isyu sa kasalukuyan na tinatawag na dokumentaryong pantelebisyon.
Ito ay isang programa o palabras na naglalayong maghatid ng komprehensibo,
mapanuri, at masusing pinag-aaralang proyekto o palabras na sumasalamin sa
katotohanan ng buhay na kalimitang tumatalakay sa isyu, problema, kontrobersiyal na
balita, at maging ng mga paksang may kinalaman sa kultura at pamumuhay sa ating
lipunan.
Ang dokumentaryong pantelebisyon ay maituturing na isang uri ng sining na
ang pangunahing layunin ay magbigay ng mga tiyak at totoong impormasyong gigising
sa isip at damdamin ng isang tao patungkol sa isang isyu.
Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa isipan, ugali, at pananaw ng isang
nilalang sapagkat sa kasalukuyan ay isa ito sa uri ng panitikang popular na
kinahihiligang panoorin ng mga Pilipino lalo na ng kabataan.
Kilala sa larangan ng dokumetaryong pantelebisyon ang mga batikang
mamamahayag na sina:
 Che-Che Lazaro
 Jessica Soho
 Kara David
 Howie Severino
 Sandra Aguinaldo
 Jay Taruc at iba pa

Ang sumusunod naman ay ang mga tanyag na dokumentaryong pantelebisyon sa


bansa:
 Reporter’s Notebook
 I-Witness
 Reel Time
 S.O.C.O.
 Krusada
 Investigative Documentaries at iba pa.

D. PELIKULA
Alam Mo Ba?
Ang pelikulang Pilipino ay itinuturing na isa sa pinakabata ngunit kinaaaliwang
libangan ngayon ng mga Pilipino sa bansa. Ayon sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino,
ang naitalang kauna-unahang pelikulang ginawa sa Pilipinas ay ang Dalagang Bukid
sa direksyon ni Jose Nepomuceno noong 1919 na hango sa Zarzuelang isinulat nina
Hermogenes Ilagan at ni Leon Ignacio.
Ang mga unang pelikula noon ay kalimitang batay lamang sa mga pelikulang
gawa sa Hollywood kung hindi man ay hinahango ang istorya ng mga ito sa mga aklat.

9 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
Noong 1929, ipinalabas sa bansa ang kauna-unahang pelikulang may saliw na
tunog – walang iba kundi ang Syncopation, na ipinalabas sa Radio Theater Sta. Cruz,
Manila.
Taong 1932 naman ng ipalabas ang Ang Aswang, na may temang katatakutan,
ang unang pelikulang Tagalog na nilapatan ng tunog sa bansa.
Noong dekada ‘30 nauso ang mga pelikulang tumatalakay sa mga naging
karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop tulad ng Patria Amore (Love
of Country) at Mutya ng Katipunan (Muse of Katipunan) na pawang may elemento
ng propaganda laban sa Espanya.
Nilikha ang mga ito ni Julian Manansala na kinilalang “Ama ng Pelikulang
Pilipino” at siyang nagtatag ng Malayan Movies na kauna-unahang Filipino studio sa
bansa.
Samantalang si Carmen Concha, ang unang babaeng director sa Pilipinas ay
gumawa rin ng ilang pelikulang tumatalakay sa buhay ng mga Pilipino tulad ng
Nagkaisang Landas at ang Yaman ng mahirap noong 1939 sa ilalim ng Parlatone
Hispano-Filipino at ang Pangarap noong 1940 sa ilalim ng LVN Pictures.
Sa kasalukuyan, halos hindi na mabilang ang mga pelikulang Pilipinong nabuo at
naipalabas sa bansa. Ilan sa mga ito ay nakilala at tumanggap pa ng mga parangal
maging sa ibang mga bansa tulad ng pelikulang Anak na kinilala bilang isa sa
pinakamahusay na pelikulang Pilipino. Ito ay ipinalabas noong 2000 bilang handog sa
mga overseas Filipino worker na pinagbibidahan ni Vilma Santos, Caludine Barreto
atbp.
Isa sa pinakakilalang libangan ngayon ng maraming Pilipino ang panonood ng
pelikula. Kalimitan, upang higit na Makita ang kabuoan at kagandahan ng pelikulang
nais panoorin, marami ang pumupunta sa mga sinehan kahit pa sabihing medyo may
kamahalan ang bayad para mapanood nang mas malinaw ang pelikula sa malaking
telon.
Sa katunayan, upang makalikha ng mahuhusay na pelikulang Tagalog, taon-taon
ay isinasagawa sa ating bansa ang Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan
malalaking pelikula ang ipnapalabas sa mga sinehan mula sa araw ng Pasko o
Disyembre 25 hanggang sa unang lingo ng Enero. Sa loob ng mga araw na ito, walang
pelikulang banyaga ang mapapanood sa mga sinehan maliban sa mga 3D at IMAX
theater.
Ang MMFF ay nagsimula noong 1975 kung saan ang pelikulang Diligin Mo ng
Hamog ang Uhaw na Lupa ang tinanghal na pinakamahusay na pelikula sa taong ito.

Pelikula: Anak
Star Cinema Productions
Direktor: Rory B. Quintos
Script Writers: Ricardo Lee at Raymond Lee
Prodyuser: Charo Santos-Concio

“Anak, igalang mo ang iyong ama at ina.


Ito ang unang utos na may kalakip na pangako---
Ikaw ay giginhawa at lalawig ang iyong buhay rito sa lupa.”
-Efeso 6: 2-3

PAGSULAT NG REBYU NG ISANG PELIKULA

1 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


0 2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga sa
sining ng pelikula kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasiya
sa katangian nito. Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa kahinaan at kakulangan
kundi gayundi sa mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa pagpapaganda ng
pelikula.
Ang sumusunod ng mga elemento ay dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng
pelikula:
Kuwento
Tumutukoy ito sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
Tema
Ito ag paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.
Pamagat
Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay nagsisilbi
ring panghatak ng pelikula.
Tauhan
Ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ng pelikula.
Diyalogo
Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.
Cinematography
Ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.
Iba pang Aspektong Teknikal
Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng eksena,
special effects, at editing.

E. MGA KOMPOSISYONG POPULAR

Islogan
Ito ang isang komposisyong pinakamadaling maunawaan. Ito marahil ang
modernong salawikain o sawikain sa kasalukuyan. Ito ay isang maikling pahayag
tungkol sa isyu o paksang maaaring masulat nang tuluyan o patula.

Patalastas
Ang patalastas ay isang uri ng pagpapahayag na ginagamit upang makahikayat
o makahimok, magbigay impormasyon at direksyon sa madla tungkol sa isang serbisyo,
produkto, o paniniwala. Karaniwang sinasagot nito ang mga tanong na ANO, KAILAN,
SAAN, SINO, BAKIT, at PAANO hinggil sa mga isyu o paksang binibigyang-diin nito.

Awit
Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin, pananaw, kultura, at
pangarap sa buhay.

Alam Mo Ba?
Ang adapsyon ay ang panghihiram ng himig ng isang awit at pagpalit lamang sa
liriko nito samantalang ang revival ay ang muling pagbuhay ng isang lumang awit na
may kaunting pagbabago ayon sa kung sinong mang-await ang kakanta nito.

1 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


1 2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)
Ang rap naman ay isang paraan ng pag-awit na tila binibigkas ngunit may
kasamang ritmo. Kung ito’y mapakikinggan sa unang pagkakataon, iisipin mong isa
itong gawain ng kabataang kalye o ng mga hiphop. Ngunit kung iyong susuriin ang
bawat salitang kanilang binibitawan ay may kahulugan. Ang mga salitang ginagamit dito
ay karaniwang balbal o hindi pormal at kadalasang isinasagawa nang impromptu.
Nangangailangan ng pagsasanay at malawak na pag-iisip ang sinumang magsasagawa
nito.
Ang fliptop naman ay ang sinasabing balagtasan sa kasalukuyang panahon.
Dito ay may dalawang panig na nagtatalo sa pamamagitan ng rap. Ang tumatayong
lakandiwa sa fliptop ay ang mga mismong rapper na nakikinig sa pagitan ng dalawang
pangkat ng rapper na nagtatalo at ang nakapagpasaya o nakapagpatawa nang higit sa
mga manonood ang siyang itinatanghal na nagwagi.

1 Modyul sa FL 406 (Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan/Unang Semestre T.P. 2021-


2 2022/Cuevas) |
SC (Kolehiyo ng Edukasyon)

You might also like