You are on page 1of 3

II.

Mga Kaugnay na Literatura


A. Ano ang Kultura?
Ang kultura ay kabuan ng mga tradisyon paniniwala kaugaliang natutuhan ng tao
mula sa kanyang pakikisalamuha sa pamayanan o sa lipunang kanyang
kinabibilangan. Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay at
makikipagtulungan ang tao sa mundo.
Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Dito rin
naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat pangkat. May kani-kanila silang orihinal na
talento sa iba’t ibang larangan.
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao. Kabilang dito ang
sining, wika,musika at panatikan. Kasama rin ang paninirahan, pananamit,
kaugalian, tradisyon at mga mahahalagang moral ng isang pangkat ng tao.

B. Kulturang Pilipino
Ang Kultura sa Pilipinas
Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na
ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa
iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang
nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya
ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

“Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling
buhayin.”

Mga Kultura sa Pilipinas:

Wika
Paniniwala
Tradisyon o Kaugalian
Pagkain
Sining
Kasuotan
Relihiyon

C. Paano Pagyamanin at palaganapin

Maraming paraan upang mapagyaman at mapalaganap ang kulturang Pilipino. Ngunit


ang unang hakbang ay matutunan mong mahalin ito at huwag ikahiya sa iba.
Matutong ibahagi sa iyong kapwa ang iyong kultura.
Halimbawa: WIKA
Nahihiya ka bang magsalita ng iyong sariling wika o dialekto sa harap ng ibang lahi?
Natural lamang na kung ikaw ay nasa ibang lugar kailangan mong makibagay o
matuto ng ibang lingwahe upang magkaintindihan kayo. Subalit hindi ito
nangangahulugan na isasantabi mo na ang iyong sariling wika o dialekto. Magsalita
ng iyong sariling wika kung may pagkakataon. Hindi dahil ikaw ay nasa ibang lugar o
bansa ay kakalimutan mo na ang iyong kinagisnang kultura. Ipakilala mo kung sino
at ano ka at kung ano ang iyong kultura. Angkop din ito sa ibat ibang aspeto ng ating
kulturang Pilipino. Tandaan, maganda ang kulturang mo. At marami ang
naghahangad na makaalam nito.

D. Mga Naunang Pag-aaral tungkol sa pangangalaga sa kultura

Tayong mga Pilipino ay likas na mapagpahalaga pero may mga bagay tayong
nalilimutan pahalagahan dahilan sa moderno o makabagong panahon ngayon. Sa
paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang naganap sa kaugalian ng mga
Pilipino. Dapat tayo mismo ang buhayin muli ng ating kultura at ito ay pahalagahan.
Dahil hindi porket maraming nagbago sa paligid at panahon ngayon ay dapat na rin
natin baguhin ang ating mga kinasanayan. Dapat kahit saan tayo magpunta ay lagi
nating isapuso ang ating kultura. Ang kulturang ito ay isa sa pinagyayaman ng ating
bansa.
Sa panahon natin ngayon, may ibang nakaalala ng ating kulturang
kinaugalian pero hindi na ito susundin dahil ito daw ay "luma na" hindi na daw uso.
Pero sa pamamagitan ng pagpapahalaga ng ating kultura, dito natin maipapakita ang
paggalang at pagalaala sa mga ninuno natin. Marami na rin ang nakakapunta sa iba't
ibang bansa ngunit may "ilang" mga Pilipino na isinasatabi ang kultura dahilan sa
may bago siyang puntahan na kung saan dito siya nagsisimula ng panibagong buhay.
(Sariling Kultura, Dapat Pahalagahan, Ericka Gem Maneje, 2017).

Ang mga asyano ang dapat nating TANGKILIKIN ANG PAMANA AT MAHALIN o
ALAAGAAN ANG KULTURA . Dahil kailangan nating itong tangkilikin dahil tayo
nalang ang mag bibigay halaga sa ating minana natanggap sa ating mga ninuno at
kailangan panatilin nating maging maganda at maasyos na lugar dahil ipapasa pa
natin ito sa susunod na henerasyon . Kahit tayo ay iba`t ibang lahi , kultura ,
relihiyon , paniniwala o Diyos . Maliit man o malaki pangit man o maganda / gwapo ,
maitim o maputi kirat man o singkit pareparehas lang tayo mga tao mag bibigay
halaga sa ating kultura .

Bilang kabataan kailangan nating itong bigyang halaga at intensyon kung ang
sinaunang tao ay binigyan halaga ito dapat ay tayo rin bigyan natin ito ng halaga
kailngan natin ipagmalaki kung ano meron tayo at ibahagi kung ano ang alam natin
tungkol sa mga makasaysayng lugar natin kung saan sa ating bansa lang natin ito
makikita wag natin itong maliitin kasi maraming itong naitutulong sa ating bansa .
Tulad nalang bagbibigay nito ng pagkain , personal na bagay , mga kailanganin sa
iskwelahan hindi lang ito napaka dami halos lahat ng nasa paligid natin galing sa
ating kultura kaya dapat natin panatiliing maganda , maayos , alagang-alaga at dapat
nating mahalin todahil ito ay parte n gating buhay.Para saakin Hindi lang ito
karaniwang continente sa ating lugar kundi isa itong MAKASAYSAYANG PARAISO NG
ATING BANSA. (unveilingasia.wordpress.com, 2014).

Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o


pamayanan ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang
sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong
nananahanan sa isang pamayanan (Santiago, 1979).

Sinasabing ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinasay pinaghalong


impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangalakal at mananakop nito noon (wikipedia).

Ang mga makabuluhang gawaing tulad ng musika, koro pag-awit, pagtugtog ng


orkestrang kawayan, rondalla, pamanang sayaw, mga pista at rito, balagtasan,
zarzuela, pagguhit o surat baybayin, at iba pa, ay nagpapatunay na ang kultura ay
kakambal ng ating pagkatao at pagkakakilanlan bilang isang lipunan. Ito ay bahagi ng
maraming gawi na humuhubog ng mga natatanging kaugalian, mga paniniwala, at
mga tradisyon, ang isang bayan. Ang nga ito ang siyang sumasalamin sa ating buhay,
ang mga ito ay ang paraan mg ating buhay.

Ang sining at kultura ng isang bayan o lalawigan ay siyang nagiging


pagkakakilanlan ng isang komunidad, ng isang lahi. Makikita kung gaano kayaman at
kayabong ang diwang makabayan at makasaysayan sa pamamagitan ng mga
mahahalagang pangkulyurang kasanayan at kaalaman ang napapanatiling buhay sa
pagsalin-salin ng maraming henerasyon.

Gaano man kayaman at kayanong ang kultura ng isang lipunan, maaaring


manganib ito kung hindi ito patuloy na pagyayamanin, bibigyang halaga, at iingatan.
Ang adbokasiyang pang edukasyon ay siyang susi upang patuloy na ating linangin at
payabungin ang ating iniingatang kultura.

Bilang isang Pilipino, nasa atin ang tungkulin na bigyang buhay ang ating
panunumpa, ang ating pangako na huwag pabayaan ang ating kasaysayan, ang ating
wika, ang ating kultura. Tayo ang may responsibilidad na maipasa ito sa susunod na
henerasyon, dahil kung tayo mismo ay titigil na tumangkilik, magbigay halaga, at
maisadiwa ay kasama nating mamamatay ang mga magagandang kaugalian na ating
minana sa ating mga ninuno. Kung kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang
ating mga kultura sapagkat dito nasasalig ang ating pagkakakinlanlan, kaisahan,
kamalayan at kinabukasan. (Michelle Lacson, 2019)

You might also like