You are on page 1of 1

Pangalan: Kyl Marie G.

Barrientos Kurso/Taon: BSND 2


Gawain: Gawan ng sariling sintesis ang kabuuang paksa tungkol
sa kultura ng Pilipino

Ang kultura ay malaking parte sa buhay ng tao. Ito ay


nagsisilbing pagkakakilanlan sa isang lugar o grupo ng mga tao.
Ito ay nahahati sa dalawang uri – materyal at di-materyal na
kultura. Ang materyal na kultura ay nahahawakan gaya ng
pagkain, damit, tirahan, at iba pang kasangkapan. Ang di-
materyal na kultura naman ay hindi nahahawakan ngunit
nakikita sa pamamagitan ng kilos at gawa ng tao tulad ng
paniniwala, relihiyon, pananalita, at mga kaugalian. Ang kultura
ay natututunan, ibinabahagi, naaadap, at dinamiko. Ito ay
pinapalawak, inaalagaan, inaayon sa takbo ng panahon, at
patuloy na nagbabago sa bawat henerasyon. Tulad nating mga
Pilipino, ang kultura natin sa kasalukuyan ay may pagkakaiba sa
sinaunang mga henerasyon ngunit ang mga puro at orihinal na
kultura ng Pilipino ay patuloy na sinasabuhay ng mga tao.
Bawat pangkat at bansa sa mundo ay may natatanging kultura
na nagbibigay halaga at ganda sa kanilang pamumuhay at
pakikisalamuha sa ibang tao.

You might also like