You are on page 1of 21

Kultura

Mary Rose Versaga


Layunin
Topic 1 ·Maipapaliwanag ang
kahulugan ng kultura;
Topic 2 ·Maipapakita ang
kanilang pag-unawa sa mga
kahalagahan ng kultura sa buhay
ng tao.
Topic 3 ·Maipapakita ang
pagkakaiba iba ng kultura sa ibat
ibang lugar sa pilipinas.
kultura
Ang kultura ay tumutukoy sa mga kaugalian,
paniniwala, gawi, tradisyon, wika, musika, sining,
literatura, at iba pang aspeto ng buhay ng isang
grupo ng mga tao na nagmumula sa kasaysayan,
lipunan, at karanasan. Ito ay nagpapakita ng
identidad at pagkakakilanlan ng isang grupo ng mga
tao at nakapagbibigay ng kahulugan at diwa sa
kanilang buhay.
Materyal
Ito ay tumutukoy sa mga
bagay na nakikita at nahihipo
na ginagamit o kailangan sa
pang araw-araw na buhay.
Kabilang dito ang pagkain,
kasangkapan, kasuotan at
estruktura
Pagkain
Ito ay sumasalamin sa
panlasa ng mga tao at sa uri
ng likas na yaman na
matatagpuan sa lalawigan o
rehiyon.
Kasangkapan
Ito ay mga bagay na binuo,
hinasa, hinulma inukit o
pinakinis ayon sa gamit at
pangangailangan. Sinasalamin
nito ang uri ng mga likas na
yaman na mayroon sa iisang
lalawigan.
Kasuotan
Ang kasuotan o pananamit ng
mga tao sa isang lalwigan sa
rehiyon ay maaring may
kaugnayan sa kanilang rehiyon
o sa katutubong pamumuhay.
Estruktura
Ang mga uri ng
estruktura ay
nagpapakita ng klase ng
pamumuhay, relihiyon o
kapaligiran sa isang
lugar.
Di-materyal
Ang hindi materyal na
kultura ay tumutukoy naman
sa mga ideya pangkat ng
mga tao. Kabilang dito ang
wika, kaugalian, paniniwala,
tradisyon at sining.
Wika
Itinuturing na kaluluwa at
salamin ng lipunan, ang wika
ang ginagamit sa
pagpapahayag ng saloobin at
kaisipan.
Pangunahing wika
sa
Tagalog pilipinas
Cebuano
Ilocano
Hiligaynon
Bikolano
Waray
Kapampangan
Pangasinense
Kaugalian
Ang kaugalian ang mga
inaasahan at nakasanayang
kilos at gawi ng mga tao sa
isang lugar. Tulad ng
pagmamano at paggamit ng
po at opo
Paniniwala
Tumutukoy ang
paniniwala sa anumang
pananaw o kahulugan
o tinanggap at
paniwalaan na totoo.
Tradisyon
Ang tradisyon ay ang
mga nakasanayang
gawain na nagpapakita
ng pagpapahalaga
Sining
Ang sining ay
tumutukoy sa ibat
ibang gawain upang
ipahayag o ipakita ang
damdamin at husay ng
isang tao
Bakit mahalaga ang
kultura sa buhay ng tao?
Ang kultura ay nagbibigay ng mga gabay at pamantayan sa
pag-uugali ng mga tao sa iba't ibang sitwasyon sa buhay.
Ito rin ang nagbibigay ng mga kasangkapan upang
makipag-ugnayan at magpakita ng paggalang sa ibang tao
Sa mga pang-araw-araw na gawain, ang kultura ay
nagbibigay ng mga pamamaraan upang magkaroon ng
kaayusan at kahulugan ang mga gawain.
Ang kultura rin ay nagbibigay ng mga pahiwatig sa mga tao
kung ano ang kanilang tungkulin at responsibilidad sa
kanilang komunidad. Halimbawa, sa Pilipinas, ang kultura
ay nagtuturo sa mga tao na magtulungan at magkaisa sa
mga panahon ng kagipitan.
ibat ibang uri ng kultura
sa pilipinas
Kultura ng Tagalog - Kilala sa pagsasalita ng Tagalog o Filipino, ang mga
Tagalog ay may sariling mga tradisyon sa musika, sining at pananamit.
Kilala sila sa pagiging malikhain at sa kanilang mga sayaw tulad ng
Tinikling.
Kultura ng Ilokano - Kilala sa hilig sa pagsasaka at paggawa ng produkto
mula sa bunga ng kanilang mga pananim. Ang mga Ilokano ay mahilig din
sa musika at panitikan.
Kultura ng Bisaya - Kasama dito ang mga rehiyon sa Visayas at
Mindanao. Mahilig sila sa pagsayaw ng mga sayaw tulad ng Tinikling at
mga sayaw sa kalye. May sariling musika at panitikan, at masasabing
masaya at positibo ang kanilang pananaw sa buhay.
Kultura ng mga Katutubo - Kilala sa kanilang mga nakasanayang
pananamit, sining at tradisyon. Kasama sa mga ito ang mga lumad sa
Mindanao, mga Igorot sa Cordillera, at mga Aeta sa Gitnang Luzon.
Kultura ng mga Muslim - Kasama dito ang mga taga-Mindanao na mga
Muslim. Mahilig sila sa musika at sining, at may sariling tradisyon sa
pananamit at sining.
Gawain
Tukuyin kung anong kultura
meron kayo sa inyong pamilya
na pinanggalingang lalawigan
o probinsya at ilagay to sa
kwaderno
salamat sa
pakikinig!

You might also like