You are on page 1of 14

CULTURAL

INTEGRTATION
ARALING PANLIPUNAN – GROUP 1
GLOBALISASYON
ANO ANG GLOBALISASYON?
Ang Globalisasyon ay ang pang-
ekonomiyang proseso na
tumutukoy sa integrasyon at
interaksyon ng mga tao at
organisyason ng iba’t ibang bansa.
Sa madaling salita, ang
globalisasyon ay ang pagbubuklod
ng magkakaibang bansa sa mundo.
ANO ANG CULTURE?
• CULTURE

— Ang kultura ay maaaring tukuyin bilang lahat ng


paraan ng pamumuhay kabilang ang sining,
paniniwala at institusyon ng isang populasyon na
ipinasa mula sa henerasyon hanggang sa
henerasyon.
ANO ANG CULTURE?
• INTEGRASYON

— Ang integration o pagsasama sama ay ang


pagkilos ng pagsasama-sama ng mas maliliit na
bahagi sa isang solong sistema na gumagana
bilang isao
Kahulugan ng CULTURAL INTEGRATION
• Ang pagsasama sa kultura ay isang uri ng pagpapalitan ng
kultura kung saan ipinapalagay ng isang pangkat ang mga
paniniwala, kasanayan at ritwal ng ibang pangkat nang hindi
sinasakripisyo ang mga katangian ng sarili nitong kultura 
• Ang isa pang aspeto ng pagsasama-sama ng kultura ay ang mga
tao mula sa ibang mga kultura na nagpapakilala ng mga
elemento ng kanilang sariling kultura sa kanilang bago. Ito ay
maaaring dumating sa anyo ng musika, pagkain, ugali, relihiyon,
sining at marami pang ibang kultural na katangian.
Globalisasyong Sosyo-kultural
•  Ang globalisasyong sosyo-kultural naman ay tumutukoy
sa mabilisang pagpapalaganap ng impormasyon, kultura,
kaugalian, at iba na may kinalaman sa interaksyon ng
mga tao. Naapektuhan nito ang gawi at nakasanayan ng
mga tao sa isang partikular na lugar sapagkat
naiimpluwensyahan ang ito ng dayuhang kultura.
Karagdagan pa, mas nagiging konektado ang bawat isa
dahil sa modernong teknolohiya.
Halimbawa ng Cultural Integration
• Isang maganda halimbawa nito ay ang mga sumakop sa
Pilipinas. Ang mga Espanyol, Amerikano, at ang mga Hapon ay
mayroong mga positibo at negatibong impluwensiya sa ating
kultura.
• Magandang Epekto: Nagkaroon ng dibersidad pagdating sa
paniniwala.Nagkaroon ng pormal na sistema ng edukasyon ang
mga Pilipino na naging daan upang magkaroon tayo ng mga
bagong kaalamang siyentipiko at ibang pang agham. 
• Masamang Epekto: Nabago ng Kristiyanismo ang mga tradisyon
at paniniwala ng mga Pilipino.Hindi lahat ng Pilipino ay nabigyan
ng pagkakataong makapag-aral kung kaya’t nanatiling mga
alipin ang mga ito.
Bakit o Paano ito naging dahilan ng
globalisayon?
• Isang dahilan ng globalisasyon ay ang Cultural Integration. Ang
Cultural Integration ay ang pakikipag-ugnayan at pakikimuhay
kasama ang iba't ibang mga tao na nagmula sa iba't ibang panig
ng mundo. Natututo tayo na tanggapin ang mga kultura ng iba't
ibang mga taong na nakakasama natin at nagiging parte narin
ito ng ating pamumuhay.
• Dahil ang mga tao ay patuloy ang pakikipag ugnayan at
pakikipamuhay kasama ang ibang mga tao na nagmula sa ibat-
ibang panig na daigdig, sila ay nagkakaroon ng pagtanggap sa
kultura ng ibang tao o lahi, na nagiging bahagi na ng kanilang
pamumuhay.
QUIZ
PANUTO: basahin at unawin ang mga pahayag at isulat ang CI kung
ito ay nagpapakita ng Cultural Integration at HI kung hindi.
____1. Si Sally ay galing sa bansang China at pumunta sa Amerika
upang magtrabaho. Madalas siyang kumakain ng pagkaing
Amerikano ngunit hindi niya pa rin nakakalimutan ang pagkain ng
Chinese foods. Minsan siya ay nagluluto ng mga pagkain ng
kanyang bansa at ibinabahagi sa kanyang mga katrabaho dahilan
upang matangkilik din ito ng kaniyang mga kasama.
____2.  Ang mga magulang ni Jake ay galing sa Korea ngunit siya ay
ipinanganak sa Australia dahil dito, mas nauna nyang natutunan
ang pagkain gamit ang kutsara at tinidor ngunit inaral niya pa rin
ang paggamit ng chopsticks at ito ang ginagamit nila pag
magkakasama silang kumakain.
QUIZ
____3. Masayang cinecelebrate ng mga magulang ni John ang
Chinese New year dahil ang mga ito ay galing sa bansang China.
Ngunit siya ay walang pakialam dito dahil ang katwiran niya ay
hindi naman siya pinanganak doon at tanging New Year
lamang ang kanyang cinecelebrate.
____4. Si Niki ay isang Japanese na pumunta ng Korea upang
mag-aral. Kapag siya ay nasa paaralan ay wikang koreano ang
kanyang ginagamit ngunit pagdating sa kanilang bahay ay
wikang japanese ang kanilang ginagamit sa pag uusap.
QUIZ
____5. Si Angelo ay isang Pilipino na pumunta ng Dubai upang
magtrabaho at doon manirahan. Pagpunta niya doon ay
kinalimutan na niya ang kultura ng Pilipinas sapagkat
ikinahihiya nya ito at wala naman na daw sya rito. Kultura na
lamang ng Dubai ang kanyang isinasabuhay sapagkat dito na
siya mamumuhay.

You might also like