You are on page 1of 3

Kulturang Popular

Pasok sa masa ang kulturang popular

Pasok sa masa, ano nga ba? Ito ang laging tanong ng mga negosyante sa kanilang mga
sarili upang may pagkakitaan at lumago ang mga naisip na mga negosyo. Sa telebisyon man,
radio, dyaryo, at maging sa social media ay makikita ang sari-saring patalastas na naghihikayat
sa masa upang tangkilikin ang kung anu-anong bagay na sa tingin ng mga mga negosyante ay
patok sa panlasa ng pinoy. Nakakalat ang mga pakulo ng mga nagbebenta para lamang ito ay
kagatin ng nakararami.

Ngunit ano nga ba ang pasok sa masa? Pasok na ba sa masa kapag ito’y basta
tinangkilik lamang o kapag ito ay naging parte na ng buhay ng pinoy sa paglipas ng mahabang
panahon? Masasabing pangmasa si Vic Sotto, Vice Ganda at Coco Martin hindi lamang dahil
tinatangkilik ang kanilang pelikula, ito ay dahil naging parte na sila ng bawat telebisyon ng
masa. Nakahiligan sila ng marami sa mga Pilipino at nagkaugat na ang kanilang impluwensya
sa pang araw-araw na buhay natin.

Oras-oras ay makikita ang kulturang popular

Oras-oras ay laging mayroong bagong pakulo o pagkakakitaan ang mga negosyante at


maging pangkaraniwang Pilipino upang makasunod sa uso. Gamit ang teknolohiya, naglalaan
ng oras ang nakararami upang mas mapaganda at mapalawak ang masakop ng kanilang mga
prudukto o serbisyo. Sa Facebook at Instagram halimbawa, makikita ang kada minutong
pagpopost ng Pinoy sa kanilang mga paninda o maging sariling buhay upang sila ay makakuha
ng maraming bumibili o likes sa kanilang posts.

Kung ating mapapansin, karaniwan sa Facebook at Instagram ang “My day” kung saan
makikita ang bawat kaganapan sa buhay ng isang tao, mapa celebrity man o pangkaraniwang
tao. Oras-oras ay mayroong ganap ang pinoy na minsan ay nagiging “viral” o “trending” at
siyang ginagaya naman ng iba. Maituturing na maging sa pagiging copycat ay hindi tayo
pahuhuli. Oras-oras tayong nakasubscribe sa kulturang ito.

Pangkaraniwan ang kulturang popular

Madalas na inaakala ng iba na ang pagiging sikat o patok sa masa ay ang


pagkakaroon ng “ekstra”. Ekstra sa talento, ganda o eksperyensya kaya’t ekstra din sa
atensiyon at pagkapopular. Ngunit hindi natin napapansin na kadalasang nauuso o tinatangkilik
ng marami ay pangkaraniwan lamang ang itsura, ganda o talento. Wala naming “ekstra” dito
bagkus may taglay lamang itong panghatak sa masa na siyang dahilan upang ito ay
magustuhan ng pinoy. Isa sa halimbawa ang pagkahilig ng pinoy sa musika o pelikulang
kanluranin. Ang musika at pelikulang pinoy ay katulad rin lamang sa produkto ng kanluraning
bansang ating madalas na tinatangkilik.

Ngunit masakit isipin na mas madalas na pinipiling tangkilikin ng marami ang galing sa
States sapagkat ito ay imported at makakaangat sila kapag gamit nila ito. Kung susuriin ay
pangkaraniwan lamang talaga ang mga bagay na ito; walang ekstra, walang mahika. Ang
natatanging mayroon ito ay gayuma upang tayong mga pinoy mas mahumaling pa sa kung
anong hindi atin. Pangkaraniwan man o kakaiba, natatangi ang pagtangkilik ng mga pinoy sa
kulturang popular.

Umiiral sa buhay ng bawat tao ang kulturang popular

Tanggapin natin, na kahit di tayo “mainstream” o iyong laging nakasunod sa uso, ang
kulturang popular ay nakaimprenta na sa atin. Ito ay lagi-lagi na nating nakakasalamuha,
nakikita, at nagagamit. Umiiral ang kulturang ito di-lamang sa pilipinas kundi sa buong mundo,
kaya ito ay malawakan kung ituring. Kahit nakatira ka sa isang liblib na lugar mapabundok man
o isla, kung may telebisyon o dyaryo sa bahay ay abot ka na ng kulturang ito. Ang kulturang ito
ay di naman nakakasama na maaaring ikabahala ng mga tao bagkus ay sinasakyan pa nga ito
ng masa at pinapa-uso.

Dahil ito ay umiiral sa buhay ng iba’t ibang klase ng tao, hindi maikakaila na hindi ito
basta na lamang maiaalis o mapapalitan. Isang halimbawa ng pag-iral ng kaisapan at gawaing
may kaugnayan sa kulturang popular na umiiral sa buhay ng bawat tao ay ang telenobela na
mula sa Timog Korea. Mapapansin natin ang pagkahumaling di lang ng ordinaryong
mamamayan sa Crash Landing on You pati na rin ng mga mayayaman at artistang kasapi ng
alta sosyedad. Tunay ngang umiiral sa bawat isa sa atin ang kulturang popular.

Layunin ng kulturang popular ang pagkakaugnay ng ating kultura sa kultura ng iba

Layunin ng kulturang ito ang pagkalusaw ng mga hangganan sa matinding


globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at sibilisasyon sa buong mundo. Hindi na
magiging hadlang ang distansya sa pagitan ng mga bansa na ibahagi ang kani-kanilang kultura.
Ito ang isa sa maraming dahilan kung bakit naiiba at malakas ang dating ng kulturang popular
sa henerasyon ngayon kumpara sa nakaraang henerasyon. Makikita ang ating pagkukumahog
na matuto ng Korean, o ating pagkahilig sa mga anime na mula sa bansang Hapon. Dahil dito
ay firsthand nating naexperience ang kultura ng ibang bansang malapit sa atin.

Bagamat natawid ng kulturang ito ang pader at tulay na nakapalibot sa bawat kultura ng
mundo, hindi dapat nito matawid at mapalitan ang dati na ay kaugalian at tradisyong
nakaimprenta na sa atin. Bagkus ay layunin ng kulturang popular na mas lalo pang palakasin
ang ating sariling kultura. Ang kulturang popular ay hindi dapat maging daan sa ating paglimot
sa sariling atin. Sabi nga ng iba, “huwag ka sanang lamunin ng sistema”.
Araw-araw ay nariyan ang kulturang popular

Hindi mapasusubalian na ang kulturang popular ay bahagi na ng pang araw-araw


na buhay ni Juan. Pagmulat pa lamang ng mga mata, cellphone na agad ang hawak. Nag-
uupdate agad kay Instagram, Facebook at Twitter ng simula ng kaniyang araw. Pagkatapos
naman makapaligo ay punta na kaagad sa mga tambayan gaya ni Starbucks at Mcdonalds. Sa
bahay ay naka-ere sa telebisyon ang mga telenobelang paborito ni Nanay o ang Wowowin na
inaabangan ni Tita. Ang paggamit ng mga nauusong salita ngayon tulad ng sana all, boom
panes, werpa, petmalu, lodi at iba pa.

Tunay ngang sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nariyan si Kulturang Popular na


nagpapaalala sa atin na malayo na nga ang pagbabagong narating ng ating kultura. Malayo na
tayo sa dati ay makalumang salita, pamumuhay at paraan ng pakikisalamuha.
Magkaganoonman, araw-araw rin natin salaminin ang maaaring kahinatnan ng ating
pagkahumaling sa kulturang popular. Ating aalahanin na kahit tayo ay napapaligiran ng
makabagong kultura at tradisyon, hindi dapat mawala at malimot ang kung ano ang orihinal
natin kultura dahil mahirap nang mabawi ang minsa’y nawala na.

Regular na makakasalamuha ang kulturang popular

Hindi na basta mawawala pa ang kulturang popular. Regular na itong makikita


sa pamilihan, paaralan at maging sa bawat tahanan. Nakasiksik na ito sa bawat kamalayan ng
pinoy. Nagmimistula itong bayrus na nakakalat kahit saan na maaabot ng tingin ng iyong mga
mata. Lahat ng mga mamamayan ay sanay na sa makabagong kultura at para bang wala lang
ito sa kanila. May ilang nakalimot na sa tunay nating kultura dahil regular na sa kanilang buhay
ng kulturang popular.

Ang pag-agos ng kulturang popular ay maihahalintulad sa umaagos na batis na


tuloy-tuloy lang sa pag-agos. Hindi alintana ng kulturang ito ang pagbabago sa mamamayang
Pilipino. Katulad ng tubig na hindi mapigil ang agos, hindi mapigil ang pag-usbong ng ating
pagkakahumaling sa gadgets gaya ng cellphone, tablet, iPod at iba pa. Dati-rati’y nagdarasal pa
bago kumain ngunit ngayon ay picture muna sa pagkain at magarang hapag bago simulan ang
kainan. Kapag mayroong magarbong handaan o kasiyahan ay kailangang may mga kuhang
larawan dahil kung hindi ay hindi ito totoong nangyari. “Pics, or it didn’t happen,” ika nga ng mga
millennials. Kapag walang kuhang larawan ay di ito nangyari. Pambahira nga naman.

You might also like