You are on page 1of 26

MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

ANG KULTURANG POPULAR

PANIMULA

Sa panahon natin ngayon, tunay ngang napakaraming pinagkakaabalahan


ng mga tao, bata man o matanda, sa loob o labas man ng bahay. Wika nga ng
iba, “minsan, kulang pa ang dalawampu’t apat na oras sa mga dapat at nais
gawin ng tao.” Totoo nga naman, hindi ba?
Sa panahon ng digital age, maraming nakapalibot na impluwensya sa tao
dulot ng teknolohiya. Mabilis kumalat ang anomang bago at ito ay kaagad na
nagiging uso o popular dahil na rin sa tulong ng social media tulad ng facebook,
instagram, twitter, you tube at marami pang iba bukod pa sa mga napapanood sa
telebisyon, naririnig sa radyo at nababasa sa mga pahayagan at iba pang
babasahin. At siyempre, nariyan pa ang mga nagkalat na malls sa ating paligid
na nakasanayan na nating gawing pasyalan kaya imposibleng hindi ka
makasunod sa uso. Dahil sa mga impluwensiyang ito, masasabing ibang-iba na
nga ang kulturang Pilipino ngayon, at ito ay masasalamin maging sa paraan ng
pagpapahayag natin ng ating damdamin at paggamit natin ng wika.
Halina’t kilalanin ang iyong kaalaman patungkol sa mga kulturang
popular.

LAYUNIN

a. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga


napakinggang pahayag mula sa mga panayam at balita
sa radyo at telebisyon
b. Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa
pagsuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng
iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika
PAGTALAKAY

ANG KULTURANG POPULAR

https://web.facebook.com/pg/Kulturang-Popular-K-Pop-767469430111026/posts/

Bawat araw ay may nagaganap na pagbabago sa ating buhay. May nauuso, may sumisikat o
nagiging popular. Tulad ng nabanggit na, hindi ka “naka-in” kung hindi ka nakasunod sa uso. Ito
ay dulot ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, lubhang pagtangkilik ng mga tao sa mass media,
pagkalat ng mga malls, at iba pa. At sa mga pagbabagong ito, ay madali tayong nakikibagay na
nagdudulot ng matinding impak sa ating buhay ─ positibo o negatibo man.
Ayon sa Pormalisasyon ng Wika sa Mass Media ni Francisco (2010), ang mass media ay may
apat na kategorya (Rodman, 2007). Una, ang print media kung saan nakapaloob ang mga aklat,
magasin, diyaryo at iba pang uri ng lathalain. Ikalawa, ang broadcast media kung saan kabilang
ang radyo at telebisyon. Ang ikatlo ay ang digital media na sumasaklaw sa paggamit ng mga
kompyuter o Internet. At ang huli ay ang entertainment media na nakatuon naman sa mga pelikula,
recording at mga larong pang-video.
Sa kabilang dako, ipinaliwanag ni Biagi (Baagi, 2005) na ang media ay itinuturing na
pangunahing institusyong panlipunan dahil sa impak na hatid nito sa isang kultura. Ito rin ay
nagsisilbing repleksyon ng buhay political at kultural kung saan kabahagi ang isang pangkat ng
lipunan.
Ang anomang uso sa kasalukuyan ay bahagi ng kulturang popular. Ayon kay Reyes (1997),
“Karaniwang iniuugnay ang kulturang popular sa paglawak ng impluwensiya ng teknolohiya, sa
matinding komersiyalisasyon at madaling reproduksyon ng mga manipestasyon ng kultura tulad ng
mga magasin, komiks, radyo, telebisyon, pelikula, at kahit na ang mga moda sa damit, mga grapiti,
mga kanta, mga patalastas (advertisements), mga bagay sa isang maunlad na lipunan.” Ayon
naman kay Tolentino (2001), “Ang kultural sa kulturang popular ay tumutukoy sa antas ng
kamalayan─paano tayo nag-iisip at kumikilos batay sa ating iniisip? Ito ay tumutukoy sa afinidad
ng indibiwal na kaisipan sa iba pang kolektibong kaisipan, kung paano ang indibidwal ay maaaring
magbigay-sipat sa paraan ng pag-iisip. Pagkilos at pagbubuo ng kolektibong popular na
kamalayan.”
Batay sa impak na dulot ng mass media sa buhay ng tao, hindi maikakaila ang taglay nitong
kapangyarihan sa paghubog ng kamalayang panlipunan. Ayon pa rin kay Tolentino (2001), “May
kakaibang kapangyarihan ang kulturang popular. May kakayahan itong ipatanggap ang realidad ng
namamayaning kaayusan bilang realidad ng mga indibidwal. Ang inaakalang popular ay may
pinagmumulan munang bukal ─ hindi ito nanggaling sa lahat. Ito ay inaako ng namamayaning
kaayusan, particular ang negosyo at estado, dahil ito ay may kakayahang kumita dahil sila rin
naman ang may hawak ng daluyan ng komunikasyon, media at sining, may kakayahan silang
ipalaganap ito bilang para sa nakararami, para sa ikabubuti ng sambayanan. Ang produkto ng
kulturang popular ay may halagang gamit (use) at palitan (exchange) ─ gamit dahil ito ay may
silbing emosyonal sa tumatangkilik: at palitan dahil ito ay may bayad, kapalit ng kasiyahang dulot
nito.
Sa larangan ng print media , lubos na kinagiliwan noon ng mga Pilipino ang pagbabasa ng
mga komiks. Nauso ito noong dekada ’20 at unti-unting nawala sa sirkulasyon noong dekada ’90.
Nauso ang komiks sa panahong wala pang gaanong umaagaw sa atensyon ng mga Pilipino.
Ito ay noong kakaunti pa lamang ang maaaring mapaglibangan. Ito ay noong hindi pa uso ang cell
phone at iilan pa lamang ang may telebisyon sa bahay. Ang mga komiks ay lubhang tinangkilik ng
mga Pilipino upang kahit sandali ay matakasan ang realidad ng buhay. Nagsilbi itong
entertainment sa kanila noong mga panahong iyon. Sa kasalukuyan, ang komiks ay ginagamit pa
ring kasangkapan sa pagpapakalat ng impormasyon ng pamahalaan, simbahan at iba pang mga
sector ng lipunan sapagkat hindi maikakaila ang lakas ng impluwensiya nito na makapagpabago ng
damdamin at kaisipan ng mga mambabasa.
Samantala, ang mga tauhang lubos na kinagiliwan at ang maraming buhay na sinubaybayan
sa komiks ay sa telebisyon at pelikula na tinatangkilik ngayon ng mga Pilipino. Sa impluwensya ng
teknolohiya at mass media, popular ngayon sa mga Pilipino ang teleserye.
Ayon sa http://www.geocities.ws/punchkid008/, ang mga teleserye o telenobela ay
nagsimula bilang mga soap opera sa radyo ilang dekada na ang nakaraan kaya tinawag din itong
radio drama. Karamihan sa mga sumusubaybay rito ay ang mga house wives na habang naglalaba
o gumagawa ng ibang gawaing bahay ay nakikinig ng drama sa radyo kaya di kalaunan ay tinawag
itong soap opera sapagkat inihambing sa sabong panlaba o pambahay. Ayon naman sa thesaurus,
ang mga soap opera ay karaniwang tumatalakay sa mga suliraning kinakaharap ng pamilya na
natutunghayan sa radyo at telebisyon na ang karaniwang isponsor ay ang mga kompanya ng sabon
kaya tinawag na soap opera.
Ang larangan naman ng pelikula ay patuloy sa kanyang ebolusyon. Noong dekada ’50,
nagsimulang namayagpag ang pelikulang Pilipino. Maraming artista ang sumikat. Maraming
Pilipinong pelikula at director ang kinilala maging sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, may mga
kritiko na nagsasabing nagsawa na ang mga Pilipinong manonood sa tila pare-parehong kuwento
ng kanilang mga napapanood na pelikula na gawa ng mga kilalang production companies. Dahil dito
ay umusbong ang mga tinatawag na independent films o higit na popular sa tawag na Indie Film
na gawa ng mga independent producers, direktor, artista at iba pa ang kinilala maging sa ibang
bansa dahil sa kanilang pagkamalikhain.
Sa larangan ng musika, sa kasalukuyan ay popular din ang tinatawag na flip top battle. Mula
sa katawagan nito, mahihinuha na ito ay isang tunggalian o tagisan ng talino. May ilang nagsasabi
na ito ang panibagong mukha ng rap at balagtasan.
Sa aklat ni Reyes (1997) , ang anomang bago sa ating kultura ay niyayakap at tinatangkilik
ng mga tao dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. Ekspresyon o pagpapahayag ang mga ito ng saloobin, ideyal, pangarap, ligaya o maging
takot, at marami pang damdamin ng mga mamamayan.
2. Ang iba’t ibang anyo ng kultura ay mga simplikasyon, mga pagtatangkang maunawaan ang
mga masasalimuot na karanasan at pangyayari sa loob at labas ng buhay ng indibidwal sa
isang lipunan.
3. Sa simplikasyon ito rin matatagpuan ang papel ng kultura bilang isang mekanismo upang
kayanin ng tao na batahin ang komplikadong buhay.
4. May aral na makukuha
5. May aliw na mahahango
Ang kultural sa kulturang popular ay tumutukoy sa antas ng kamalayan─paano tayo nag-iisip at
kumikilos batay sa ating iniisip? Ito ay tumutukoy sa afinidad ng indibiwal na kaisipan sa iba
pang kolektibong kaisipan, kung paano ang indibidwal ay maaaring magbigay-sipat sa paraan
ng pag-iisip. Pagkilos at pagbubuo ng kolektibong popular na kamalayan.
Ang pagbabago ay hindi maiiwasan. Patuloy na magkakaroon ng mga Kulturang Popular.
Nagpapahayag lamang na napakalaki ng ambag ng wika at napakaraming malilikhain na tao sa
maraming bagay, partikular na pagdating sa usapang wika,

MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS


ANG WIKANG FILIPINO SA IBA’T IBANG SITWASYONG PANGWIKA

PANIMULA

Ang pagbabago ng kultura ay nangangahulugang pagbabago rin ng wika.


Patunay na ito na kakambal ng wika ang kultura at hindi mapipigilang
makisabay sa anomang pagbabago kaya sinasabing ito ay dinamiko. Ito ay
binigyang-diin ni Francisco (2010) sa pagsasabing “Hindi maiwawaksi sa usapin
ng kultura ang wika. Nagsisilbi kasi itong pangunahing instrumento ng lipunan
tungo sa mobilisasyon ng mga impormasyon. Bilang instrumento, maaaring
matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na
pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi
ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito.
Samakatuwid, nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na
ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika,
nagagawa ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan maging ito
man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang
makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid.” Samakatuwid,
dahil dito ay nagkakaroon ng iba’t ibang dahilan, anyo, at pamamaraan ng
paggamit ng wika ang tao sa iba’t ibang sitwasyon na kanyang kinakaharap.

LAYUNIN

a. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga


napakinggang pahayag mula sa mga panayam at balita sa
radyo at telebisyon
PAGTALAKAY

ANG WIKANG FILIPINO SA IBA’T IBANG SITWASYONG PANGWIKA


Ang mga pangangailangang sosyal at personal ng tao ay natutugunan ng mass media. Ito
ang dahilan kaya madali nating niyayakap ang dulot na pagbabago nito sa ating buhay. At ang
impluwensiya nito sa ating pang-araw-araw na gawain ay kapansin-pansin maging sa paggamit
natin ng wika. Hindi maikakaila na nagkakaroon ng paglago sa bokabularyong Filipino dahil dito.
Ang mga programang pantelebisyon ay may malaking hatak sa masang Pilipino. Ang
madalas nating naririnig sa mga programang pantelebisyon ay nagiging bahagi ng ating pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan. Narito ang ilang halimbawa na nakuha mula sa
http://komakadproj.weebly.com/informazioni.html.

ansaveh pinaikling ‘anong masasabi mo doon?’


apir Mula sa salitang ingles na ‘up here’
bokya wala
chika Kwento o sabi-sabi
dabarkads kabarkada
Kakasa ka ba? Lalaban ka ba? Uubra ka ba?
Keribels Kaya yan
Madlang people awdyens
nahook nahumaling
okray asar
pasaway Mga taong hindi sumusunod sa
pamantayan
patok sikat
Waley korni

Bukod sa mga nabanggit na, sino ba sa atin ang hindi pamilyar sa “may tama ka!” at “korek
ka d’yan!”? Maaaring hindi rin nakalampas sa ating kamalayan ang salitang “Aja!” na pinasikat ng
isang Koreanovela. Syempre pa, naririnig din natin sa mga kabataan ngayon sa kanilang usapan
ang “avisala eshma” na ang ibig sabihin ay “salamat” na mula naman sa isang sikat na fantaserye.
Nariyan din ang mga salitang “bes” na ang ibig sabihin ay “kaibigan”, “char” na nangangahulugang
“joke lang”, at “gora” o “tara na.” Huwag din nating kalimutan na parang kalian lamang nauso ang
wikang jejemon at bekimon.
Ayon sa https://www.scribd.com/doc/104775135/Wika-ng-Telebisyon-Epekto-at-
Kahalagahan-sa-Wikang-Filipino, ang mga naging impluwensiya ng telebisyon sa wikang Filipino
bilang pangkalahatan ay ang sumusunod:
1. Napaghahalo ang mga salitang Ingles at Filipino na nagiging dahilan upang magkaroon ng
mga panibagong salita.
2. Ang mga salita ng telebisyon ay nagiging bahagi ng bokabularyong Filipino.
3. Pinapaikli nito ang mga mahahabang salitang Filipino.
4. Nagiging pamalit ang mga salita ng telebisyon sa mga salitang nakalimutan na o may
restrikto na bawal sabihin sa media.

Bukod sa pag-usbong ng mga bagong salita, hatid din ng radyo, telebisyon at pelikula ang
mga naging hit sa panlasang Pinoy na mga pick-up lines. Bukod sa mga ito, sa kasalukuyan,
mayroon din tayong mga hugot lines na tinatawag ding love quotes. Narito ang ilang halimbawa:

Dahil sa naging hit ang mga pick-up lines at hugot lines sa panlasang Pinoy, ginamit
na rin ito ng ilang mambabatas upang makuha ang atensyon ng mga Pilipino. Tingnan ang
ilang halimbawa:
Sa paglipas ng araw, nang dahil sa social media ay lalong lumaganap ang
impluwensiya ng paggamit ng mga ito sa mga Pilipino. Tulad ng sumusunod na mga
halimbawa, ang mga ito ay naging instrumento ng mga Pilipino upang makapagpahayag ng
damdamin at isipan sa iba’t ibang aspekto ng buhay.

Sisiksik ka pa rin
kahit wala namang
lugar para sa iyo

Ayon sa https://06group9.wordpress.com/2016/11/13/boses-ng-mass-media-
telebisyon/, “Malaki ang naiambag ng mass media sa ating bansa. Naging pangunahing
daluyan ito ng ating wikang Pambansa. Dahil sa mga istasyon na patuloy na tumutugon sa
hiling ng mga viewers, nagkakaroon ng malaking epekto ito sa madla at
naiimpluwensiyahan nito ang pamumuhay lalo na ng wika. Sa panahon ngayon, halos lahat
ng tao ay nagbabago para lang makisabay sa mga sumisikat na bagay na kung tawagin sa
Ingles ay “trend”. Ang mga kataga at salitang naiimbento at naririnig ng mga tao sa
telebisyon ay nagiging daan ng pakikipag-ugnayan sa pang-araw-araw.”

Sa kabila ng mga positibong epekto ng mga pagbabagong ito sa ating wikang


pambansa, dapat din nating bigyang puna ang mga naidudulot na negatibo nito. Hindi lingid
sa kaalaman na may mga pagkakataong nakakalimutan na natin ang paggamit ng pormal at
tamang salita sa ating pakikipagtalastasan. Halimbawa nito ay ang paggamit ng mga mag-
aaral ng mga salita sa pagte-text, sa pagsulat ng mga pormal na sulatin at paggamit ng mga
balbal na salita maging sa mga pormal na usapan.

Mahalagang isipin, na ang paggamit ng mga salita ay dapat na naaayon sa sitwasyon.


Mahalagang gamitin ang wika sa paraang tiyak at planado sa lahat ng larangan at sa lahat
ng sitwasyong kinasasangkutan. Tandaan lagi na ang paggamit ng wika, pasalita man o
pasulat, ay nagpapakilala ng ating pagkatao. Hindi masamang makiuso, basta alam natin
kung alin ang nakabubuti at nakasasama sa atin.

Wikang Filipino ang gamit ng mga Pilipino sa halos lahat ng larangan at sa iba’t ibang sitwasyon
anoman ang maging impluwensiya ng kulturang kanluranin sapagkat ito ang nauunawaan ng
masang Pilipino. Wikang Filipino ang mabisang sandata sa pagpapakalat ng impormasyon at
paghubog ng ating kamalayang panlipunan. Ito ang nagbibigay kahulugan at kabuluhan sa
bawat karanasan na dulot ng mga pagbabago sa ating kultura.

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO


KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO/ESTRUKTURAL/GRAMATIKAL/SOSYOLINGGUWISTIKO

PANIMULA

Ano-ano ang dapat isaalang-alang kapag tayo ay nakikipag-usap?


Ang komunikasyon ay malayunin at sistematikong paraan ng pagbabahagi
ng impormasyon sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig. Ito ay
naisasakatuparan sa tulong ng mga sagisag, simbolo at kumpas. Sa
pamamagitan ng paggamit ng mga midyum, ang isang tao ay maaaring
makipagpalitan sa iba ng kanyang ideya nang mabisa. May kanya-kanyang
paraan ng pakikipagtalastasan ang lahat ng nilikha sa daigdig. Halimbawa na
lamang ang mga tao, ibon, hayop, insekto at iba pa ay may iba’t ibang paraan ng
pakikipagkomunikasyon na naaayon sa kanila. Sa kabila nito, ang mga tao ay
mabisang nakikipagkomunikasyon maraming panahon na ang nakalilipas kaysa
iba pang nilikha sa daigdig. Batid ng lahat na ang komunikasyon ang ugat ng
pakikisalamuha sa kapwa. Walang taong maaaring mabuhay nang mag-isa; ang
sibilisasyon ang bunga ng sistematikong komunikasyon; kung wala nito, ang
mga tao ay maninirahan na lamang nang mag-isa at malayo sa lahat gaya ng
pagtira sa mga kweba tulad ng mga naganap noong Panahon ng Bato.
Nagmula ang komunikasyon sa salitang Latin na “communicare” na
nangangahulugang “upang ibahagi”.
Sa araling ito, malalaman mong hindi sapat na mabatid lamang ng tao ang
wika at magamit ito sa pagsasalita, kundi dapat ding magamit ito nang wasto.
LAYUNIN

d. Natutukoy ang iba’t ibang kakayahang pangkomunikatibo


e. Nakapagsusuri ng mga pahayag na kinakailangan ang
angkop na salita o parilala
f. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit
ng mga salita at paraan ng pagsasalita

PAGTALAKAY

ANG KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO


Layunin ng pagtuturo ng wika ang pagpapaunlad sa kaalaman ng mag-aaral sa gamit ng
wika sa pamamagitan ng paggamit nito sa makabuluhang konteksto ng pakikipagtalastasan. Ang
pangunahing konsepto ng pangkomunikatibong dulog sa pagtuturo ng wika ay ang kakayahang
pangkomunikatibo o communicative competence. Ito ay kakayahan ng mag-aaral na maunawaan at
magamit ang wika nang naaayon sa pakikipagtalastasan sa loob at labas ng paaralan.
Samakatuwid, ang kakayahang pangkomunikatibo ay tumutukoy sa kakayahang magamit
ang wika nang wasto at naaayon sa layunin ng pakikipagtalastasan. Ang inaasahang bunga ng
pagkatuto ng wika ay ang kakayahang makipagtalastasan, hindi lamang ang kakayahang magamit
ang wika nang eksakto sa pagkakagamit ng katutubong tagapagsalita nito.

ANG KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO/ESTRUKTURAL/GRAMATIKAL


Kung tatanungin ang mag-aaral kung ano ang layunin ng pag-aaral ng wika, maaaring ang
isagot nila ay upang matutuhan ang balarila at talasalitaan ng wikang gagamitin. Sa kabilang
banda, kung sila naman ay tatanungin kung ano ang kanilang layunin sap ag-aaral ng wika,
marahil ang isasagot nila ay upang makipagtalastasan gamit ang wikang pag-aaralan.
Hindi lamang pagkatuto sa balarila at talasalitaan ang layunin ng pagtuturo ng wika. Ang
binibigyang pansin dito ay paglalaan ng kasanayan tungo sa mabisang pakikipagtalastasan. Sa
terminolohiyang panlingguwistika, ang pagtuturo ng wika ay hindi lamang kakayahang
lingguwistiko kundi kakayahang pangkomunikatibo sa pangkalahatan.
Ano nga ba ang kahulugan nito? Ang kakayahang pangkomunikatibo ay terminong nilikha ni
Dell Hymes noong 1966 sa reaksyon sa paniniwala ng lingguwistang si Noam Chomsky noong
1965. Ito ay ang kaalaman sa mga gampanin at kumokontrol sa mga prinsipyo ng paggamit ng
wika. Ayon kay Hymes (1972, 277) na inilahad sa kanyang aklat na Foundations of Sociolinguistics:
An Ethnographic Approach, ang isang karaniwang bata ay nagkakamit ng kaalaman sa
pangungusap hindi lamang panggramatika kundi sa pagiging naaayon nito. Siya ay nagkakamit ng
kasanayan sa kung kailan dapat magsalita o hindi, maging kung ano o kanino ito sasabihin,
kailan, saan, at ang paraan ng pagsasabi nito. Sa madaling salita, ang isang bata ay nagkakamit
ng repertoire ng gawain ng pagsasalita, nagiging bahagi ng pag-uusap, at natataya ang kanilang
nakamit sa pamamagitan ng ibang tao.
Sa ibang pahayag, ang gumagamit ng wika ay kinakailangang gumamit ng wika hindi
lamang nang wasto (ayon sa kakayahang lingguwistiko), bagkus nang naaayon (ayon sa
kakayahang pangkomunikatibo). Sa kabilang dako, ang dulog na ito ay nagpapahina sa
kahalagahan ng pagkatuto sa tuntunin ng balarila. Ito ay kabilang sa apat na element ng
kakayahang komunikatibo: kakayahang lingguwistiko, sosyolingguwistiko, diskorsal at estratedyik.
Ang kakayahang lingguwistiko ay kaalaman sa mga tuntunin ng wika, gaya ng balarila,
talasalitaan, at ang mga kombensyon ng pasulat na representasyon (pasulat at ortograpiya).
Binubuo ang balarila ng kaalaman sa mga tunog at ang pagbigkas sa mga ito (ponetika), ang mga
tuntunin sa interaksyon ng mga tunog at pagkakabuo nito (ponolohiya), ang pagbuo ng mga salita
ayon sa pagbabago sa tono at ang ugat ng mga ito (morpolohiya), ang mga tuntunin sa pagsasama-
sama ng mga salita at pahayag tungo sa pagbuo ng mga pangungusap (sintaks), at ang paraan sa
pagtukoy sa kahulugan sa pamamagitan ng wika (semantika).
Binibigyang pansin ng kakayahang lingguwistiko ang pagtukoy sa paggamit ng balarila,
sintaks, at talasalitaan ng isang wika. Ito ay sumasagot sa mga tanong na: Ano-anong salita ang
gagamitin? Paano pagsasama-samahin ang mga ito upang makabuo ng mga pahayag at
pangungusap?

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
Tumutukoy ang kakayahang sosyolingguwistiko sa kaalaman sa mga tuntuning
pansosyokultural, gaya ng mga paraan sa paggamit at pagtugon nang naaangkop sa wikang gamit
ng kausap. Ang pagkaangkop nito ay naaayon sa tagpuan ng komunikasyon, sa paksa at sa
kaugnayan ng mga taong nag-uusap. Higit pa rito, nakaayon din ito sa pagiging mulat sa mga
bagay na hindi katanggap-tanggap sa kultura ng kausap, sa ginagamit na mga salitang
kababakasan ng paggalang, pagtukoy sa angkop na salita para sa isang sitwasyon at paraan ng
pagpapahayag ng pagiging palakaibigan, taong nasa kinauukulan, pagpapakita ng paggalang at iba
pa.
Ito ay tumutukoy sa pagiging mulat sa paraan ng paggamit at pagtugon gamit ang wika nang
naaayon sa lugar ng pangungusap, paksa at relasyong namamagitan sa mga taong nag-uusap.
Kalimitang tinatanong ang mga ito: Ano-anong salita o pahayag ang naaayon sa lugar ng pag-
uusap at sa paksang pinag-uusapan? Paano maipapahayag ang mga angkop na pag-uugaling
ipakikita (paggalang, pagiging palakaibigan, pagiging taong nasa kinauukulan) kung
kinakailangan? Paano malalaman ang pag-uugali ng kausap ayon sa kanyang pagpapahayag?

Bilang isang mag-aaral ay kinakailangan natin malaman ang mga wastong gamit ng salita.
Napakahalagang matutunan ang mga kakayahang pangkomunikatibo, upang maunawaan at
magamit ang wika nang naaayon sa pakikipagtalastasan sa loob at labas ng paaralan. Ito ay ang
mga sumusunod: kakayahang lingguwistiko/estruktural/ gramatikal at kakayahang
sosyolingguwistiko.
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
ANG MODELONG SPEAKING

PANIMULA

Binuo ng sosyolingguwista na si Dell Hymes ang modelong magtataguyod


sa pagsusuri ng diskurso bilang isang serye ng pagsasalita ayon sa mga
sitwasyon at akto ng pagsasalita na nakapaloob sa kontekstong kultural.
Ginamit niya ang mga titik ng salitang SPEAKING upang mailahad ang mga
bahagi ng pagsasalita; ang mga kategorya ay lubhang produktibo at
makapangyarihan sa pagsusuri kaya maaaring gamitin ang modelong ito upang
analisahin ang iba’t ibang uri ng diskurso.
Upang mailarawan ang iba’t ibang bagay na itinatampok ng isang
sitwasyong pangkomunikasyon at upang makatulong sa kontekstuwalisasyon ng
isang pag-aanalisang lingguwistiko, binuo ni Dell Hymes ang modelong
SPEAKING. Ginamit niya ang mga titik ng salitang SPEAKING bilang akronim
upang matanim sa isip ng bawat isa ang salik na nakakaapekto sa
komunikasyon.

LAYUNIN

g. Natatalakay ang modelong SPEAKING ni Dell Hymes na


nagpapakita ng gabay sa mas makabuluhang
pakikipagtalastasan
h. Nasusuri ang paggamit ng wika sa mga nabasang artikulo o
napakinggan na panayam at talumpati sa telebisyon, radyo,
at social media
PAGTALAKAY

SETTING o SCENE (Saan nag-uusap?)


Tumutukoy ito sa oras at lugar kung saan naganap ang komunikasyon,
pangkalahatan, sa isang pisikal na kaganapan. Ang sala ng bahay ay maaaring maging setting para
sa pag-uusap ng may-ari ng bahay at ng kanyang mga panauhin.

PARTICIPANTS (Sino ang kausap?)


Sila ang ispiker at awdiyens sa pakikipagtalastasan. Nagbigay ng pagkakaiba ang mga
lingguwista sa dalawang ito; halimbawa, ang awdiyens ay maaaring ituring bilang binibigyang-tuon
ng pakikipagtalastasan at ang iba naman ay tagapakinig lamang. Sa isang batch reunion, ang isang
guro ay maaaring nagkukwento ng mga karanasan sa pagtuturo sa kanyang mga dating mag-aaral
na lalaki, samantalang ang mga kababaihan naman ay nakikinig lamang sa pagkukwento ng
kanilang guro.

ENDS (Ano ang layunin?)


Ito ay tumutukoy sa parehong layunin at kalalabasan ng komunikasyon o inaasahang
bunga ng isang gawain at ng mga indibidwal na kalahok dito. Halimbawa nito ay ang pagbabahagi
ng panganay na apo ng mga kwento tungkol sa kanilang lolo upang aliwin ang mga panauhin at
ituro sa kanila ang pagpapahalaga sa mga nakatatanda.

ACT SEQUENCE (Takbo ng usapan)


Tumutukoy ito sa takbo o daloy ng usapan at ang iba’t ibang bahagi ng isang
sitwasyong pangkomunikasyon. Halimbawa nito ang isang argumento na nagreresulta sa hindi
pagkakaunawaan. Maaaring ang isang usapan ay magsimula sa mainit na tagpo na kalaunan ay
nagiging kalmado at nagtatapos nang mapayapa. Ang pagbibiruan naman kung minsan ay
nagreresulta sa alitan at pikunan. Dahil dito, nararapat na maging sensitibo sa daloy ng usapan
ang isang mahusay na komunikeytor.

KEYS (Pormal o Impormal)


Ito ay nagtataguyod ng tono at paraan ng pakikipag-usap. Ang anak na lalaki ay
maaaring mamana o magaya ang paraan ng pagsasalita ng kanyang ama, gayondin ang anak na
babae sa kanyang ina. Isang seryosong tono naman ang maaaring gamitin upang ipahayag ang
sensiridad at paggalang sa pagpapahayag ng seryosong paksa.

INSTRUMENTALITIES (Ano ang midyum ng usapan?)


Tinutukoy nito ang mga anyo at estilo ng pagsasalita. Ang isang mananalumpati ay
maaaring nagtataglay ng mga register na ginagamit ng kanyang mga tagapakinig, ayon sa dayalekto
ng mga ito, o kaya ay pormal na nagpapahayag na kalakip ang maingat na paggamit ng mga anyo
ng gramatika.
Isa sa mga aspekto nito ang daluyan ng komunikasyon. Sa katotohanan, marami sa
iba pang mga aspekto ng konteksto ng sitwasyon ang naiimpluwensyahan ng kung paano ito
nagaganap tulad ng harapang komunikasyon, sa pamamagitan ng video call gamit ang social
media, kombensyonal na pasulat na mga mensahe at iba pang pamamaraan.

NORMS (Ano ang paksa ng usapan?)


Mahalagang mabatid ang paksa ng usapan. Dapat isaalang-alang dito ang mga
tuntuning pansosyal ng isang kaganapan at ang aksyon at reaksyon ng mga kalahok dito. May mga
usapang sensitibo at limitado lamang sa kaalaman ng ilang tao. Sa ganitong pangyayari, nararapat
na suriin muna kung wasto o hindi ang ilalahad.

GENRE (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo ba? Nagmamatuwid? Naglalarawan?)


Hindi lamang ito ginagamit sa mga akdang pampanitikan tulad ng mga tula, nobela,
at iba pa. Tumutukoy ito sa mga paraan ng pakikipag-usap na masasalamin din sa paksa ng
usapan. Ang genre ay maaaring nagsasalaysay, nakikipagtalo o nagmamatuwid, nagpapaliwanag,
naglalahad at naglalarawan. Kabilang sa mga halimbawa nito ang pagsasalaysay ng isang
testimonya sa korte, pakikipanayam, pagtatalumpati, maging pagbibiro at iba pa.

Si Dell Hymes ay isang sosyolingguwistang bumuo ng modelong SPEAKING. Ginamit niya ang mga
titik ng salitang SPEAKING bilang akronim upang matanim sa isip ng bawat isa ang salik na
nakakaapekto sa komunikasyon. Ang letrang S ay tumatayo sa Setting o Scene, ang P ay
nangangahulugang Participants, ang E ay nangangahulugang Ends, ang A ay Act Sequence, ang K
ay para sa Keys, ang I ay Instrumentalities, ang N ay nangangahulugang Norms at G naman para sa
Genre.

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO


LINYAR, INTERAKTIBO AT TRANSAKSYONAL NA MODELO

PANIMULA

Sa dami ng taong nakapaligid sa bawat isa sa atin, dapat tayong maging


mahusay sa pakikitungo, pakikibagay at pakikisalamuha sa kanila. Ang lahat ng
ito ay maisasakatuparan natin kung tayo ay nagtataglay ng malawak na
kaalaman at mabisang estratehiya o pamamaraan sa pakikipagkomunikasyon.
Sa araling ito, matutunghayan mo ang mga kakayahang
pangkomunikatibo na kinakailangang makamit upang maging epektibo ang
komunikasyon. Ang kakayahang pangkomunikatibo ay lumilinang sa abilidad ng
tao kung ito ay malimit gamitin at nagkakaroon ng kaganapan sa pamamagitan
ng mga karanasang kaakibat nito.
LAYUNIN

a. Natutukoy ang mga modelo ng komunikasyon


b. Nakapagbibigay ng mga halimbawang sitwasyong
pangkomunikasyon na kakikitaan nang paggamit ng bawat
modelo
c. Nakapagpapahayag ng mga opinyon patungkol sa
pagtataglay ng kakayahang pangkomunikatibo

PAGTALAKAY

ANG MGA MODELO NG KOMUNIKASYON


Layunin ng isang “modelo” na maglaan ng representasyong biswal at may intensyong
magbigay ng kabatiran tungkol sa isang konsepto. Sa tradisyonal na pananaw, may tatlong
pamantayan sa modelo ng proseso ng komunikasyon: Linyar, Interaktibo at Transaksyonal, at ang
bawat isa ay naglalaan ng kanya-kanyang perspektibo sa proseso ng komunikasyon.

LINYAR NA MODELO NG KOMUNIKASYON


Sa linyar na modelo ng komunikasyon, ang tagapagpadala ng mensahe ang nag-eenkowd ng
mensahe sa pamamagitan ng isang tsanel at ang mensahe ay dinedekowd ng tumatanggap nito. Ito
ay tuwirang komunikasyon na kalimitang masasaksihan sa mga uri ng mass media gaya ng
telebisyon, radyo at mga pahayagan. Ayon sa modelong ito, walang pangangailangan para sa
tuwirang tugon.

sagabal

mensahe

Tagapagpadala Tagatanggap

Sina Shannon at Weaver (1949) ang mga unang nagpakilala ng Linyar na Modelo ng Komunikasyon
na nakaangkla sa Teoryang Matematikal ng Komunikasyon.

INTERAKTIBONG MODELO NG KOMUNIKASYON


Katulad din ng Linyar na Modelo ang Interaktibong Modelo. Ngunit sa modelong ito, matapos
na maenkowd ang mensahe at maipadala sa tagatanggap nito, magkakapalit ng gawain ang
dalawang sangkot sa komunikasyon dahil ang tumanggap na ng mensahe ang mag-eenkowd at
magpapadala ng tugon sa orihinal na tagapagpadala ng mensahe na ngayon at tagatanggap na.
Maaaring ang iba ay magkaroon ng pagkalito sa modelong ito. Ito ay katulad lamang ng
pagpapalitan ng chat sa Facebook Messenger kung saan ang isang friend ay magpapadala ng
mensahe at ang tumanggap naman nito ay tutugon. Ganoon din ang nagaganap kapag may
tumawag sa telepono, nag-text o maging nagpadala ng email. Ang mensahe ay ipinadala at
natanggap, matapos iyon ay magkakapalit ng tungkulin ang dalawang sangkot sa komunikasyon.

sagabal

mensahe

Tagapagpadala Tagatanggap
sagabal

tugon
Tagatanggap Tagapagpadala
TRANSAKSYONAL NA MODELO NG
KOMUNIKASYON
Sopistikado kaysa sa dalawang naunang modelo ang Transaksyonal na Modelo. Ang
modelong ito ay nagaganap sa pamamagitan ng harapan o face-to-face na interaksyon, o
transaksyon bilang isang dinamiko at nagbabagong proseso na hindi limitado sa payak na
kahulugan. Sa Transaksyonal na Modelo, ang tagatanggap at tagapagpadala ng mensahe ay
maaaring gumanap sa magkatulad na tungkulin nang sabay, gaya nang nagaganap minsan, ang
mensahe ay maaaring ipadala at tanggapin nang magkasabay. Maaaring sabihing hindi epektibo o
marahil magdulot ng hindi pagkakaunawaan ang modelong ito, ngunit may mga pagkakataon na
ganito ang nagaganap sa komunikasyon. Sa isang maingay na lugar, maaaring magkaroon ng
pagtataka kung ang mensahe ay matagumpay na naunawaan sa ganitong pagkakataon.
Tagapagpadala sagabal Tagatanggap

Mensahe
(Tugon)

Tagapagpadala

Sa tradisyonal na pananaw, may tatlong pamantayan sa modelo ng proseso ng komunikasyon:


Linyar, Interaktibo at Transaksyonal, at ang bawat isa ay naglalaan ng kanya-kanyang
perspektibo sa proseso ng komunikasyon.
Lahat ng ito ay bahagi ng mga kakayahang pangkomunikatibo na kinakailangang makamit
upang maging epektibo ang komunikasyon.

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO


MGA MODELO NG KOMUNIKASYON
MODELO NI ARISTOTLE, MODELO NI SCHRAMM, HELIKAL NA MODELO NG
KOMUNIKASYON, ANG MODELONG SMCR NG KOMUNIKASYON NI BERLO

PANIMULA

Isang paraan upang maipakita ang mga teorya at simulain sa


komunikasyon ang biswal na representasyon nito sa pamamagitan ng modelo o
dayagram. Ginagamit ang modelo o dayagram upang higit na maipaliwanag at
mabigyan ng linaw ang proseso ng komunikasyon.
(https://www.elcomblus.com/mga-modelo-ng-komunikasyon/)
Sa aralin na ito ay tatalakayin din ang iba pang mga modelo ng
komunikasyon na may layuning maipakita at maipaliwanag ang nagiging daloy
ng pakikipagkomunikasyon.
LAYUNIN

d. Natutukoy ang mga modelo ng komunikasyon


e. Nakapagsasaliksik ng mga sitwasyong kasasalaminan ng
pagiging mabisang komunikeytor
f. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw patungkol sa
itinalakay na mga modelo ng komunikasyon

PAGTALAKAY

MODELO NG KOMUNIKASYON NI ARISTOTLE


Si Aristotle ay isang Griyegong pilosopo at manunulat na ipinanganak sa Stagira, Hilagang
Gresya. Siya rin ay naging guro ni Alexander the Great. Nag-aral siya ng pisika, lohika,
matematika, at iba pa. Habang tinutuklas niya nang maagham ang kalikasan ng tao, binuo ni
Aristotle ang linyar na modelo para sa pasalitang komunikasyon na mas kilala bilang Modelo ng
Komunikasyon ni Aristotle. Itinuturing ito bilang pinakaunang modelo ng komunikasyon na
nakilala noong 300 B.C. Ito rin ang pinakatinatanggap ng karamihan sa lahat ng modelo ng
komunikasyon.

Ispiker Talumpati Okasyon Tagapakinig Epekto

Nakapokus ang modelo ni Aristotle sa ispiker at talumpati. Ito ay malawak na nahahati sa


limang pangunahing elemento: ispiker, talumpati, okasyon, tagapakinig at epekto.
Ang modelo ng komunikasyon ni Aristotle ay isang modelo na nakasentro sa ispiker dahil
siya ang may pinakamahalagang papel na ginagampanan dito at ang natatanging pinakaaktibo.
Tungkulin ng ispiker na ihatid ang talumpati sa mga tagapakinig. Gampanin naman ng tagapakinig
ang tumahimik at makinig upang maimpluwensyahan ng talumpati. Sa pamamagitan nito, ang
proseso ng komunikasyon ay mula sa ispiker patungo sa tagatanggap.
Kinakailangang organisahin ng ispiker ang kanyang talumpati bago niya ito bigkasin, iayon
din ang inaasahang tagapakinig at ang sitwasyon at okasyon. Ang talumpati ay nararapat na
ihanda nang sa gayon ay mauunawaan ito ng mga tagapakinig o kaya ay maimpluwensyahan sila
nito. Naniniwala si Aristotle sa retorika bilang pag-aaral ng komunikasyon at opinyon, at ang iba’t
ibang mensahe o talumpati ay kailangang mabuo para sa iba’t ibang tagapakinig at sitwasyon
upang makuha ang inaasahang epekto o makapagtatag ng isang propaganda.

MODELO NG KOMUNIKASYON NI SCHRAMM


Matapos maipakilala ang modelo ni Shannon, narito naman ang modelo ng komunikasyon ni
Schramm na nag-ugat mula sa modelo ni Shannon.
Ipinakilala ni Wilbert Schramm ang kanyang modelo ng komunikasyon noong 1954.
Walang halaga ang impormasyon maliban sa kung ito ay maingat na pagsasama-samahin sa
pamamagitan ng mga salita at ibabahagi sa iba. Ang enkowding ay may napakahalagang papel na
ginagampanan dahil ito ang nagpapasimula ng proseso ng komunikasyon mula sa pagsasalin sa
saloobin patungo sa pagiging nilalaman. Kapag narating na ang impormasyon ang tagatanggap
nito, tungkulin nya na unawain ang nais bigyang-pansin ng ispiker. Sa kabila nito, ang enkowding
at dekowding ay itinuturing na dalawa sa pinakamahalagang salik ng isang epektibong
komunikasyon, kung saan, ang kawalan ng dalawang ito ay nagreresulta sa hindi pagdaloy ng
impormasyon. Ayon sa modelong ito ni Schramm, ang enkowding at dekowding ang dalawang
pinakamahalagang proseso ng epektibong komunikasyon.

Binigyang diin din nya na hindi mabubuo ang komunikasyon maliban na lamang kung ang
tagapagpadala ng mensahe ay makatanggap ng tugon mula sa tagatanggap nito. Isipin na lamang
ang isang taong nagbabahagi ng kanyang saloobin sa kanyang kaibigan at ang kanyang kaibigan ay
hindi tumugon sa kanyang mga sinabi. Maituturing bang kumpleto ang naisagawang
komunikasyon? Naniniwala si Schramm na ang komunikasyon ay may dalawang proseso sa
pagitan ng ispiker at tagatanggap ng mensahe.
Sinasabi sa modelo ni Schramm na sa tuwing nakararating ang impormasyon sa
tagatanggap, nagiging tungkulim niya na magbigay ng tugon at kailangang batid niya kung
kanyang nakuha nang eksakto ang mensahe sa paraang nais ng ispiker. Kung hindi man malinaw
ang mensahe o may pagdududa, tungkulin naman ng ispiker na bigyang-linaw ito. Kung ang
ispiker ay naghatid ng mensahe sa tagapakinig, ieenkowd naman ng tagapakinig ang mensahe at
muling ipapasa sa ispiker, matapos maunawaan ito at mabuo ang buong proseso.

Tagapagpadala
M M
Tagatanggap
M=Mensahe
Bilang paglalagom, ayon sa modelong ito ng komunikasyon, kapag ang tagapagpadala ng
mensahe ay naghatid sa tagatanggap, kinakailangang makabuo ng interpretasyon ang tagatanggap
ayon sa ninanais ng tagapagpadala at maibigay nang naaayon ang kanyang tugon. Sa mga
komunikasyon kung saan ang tagapagpadala ay hindi nakatanggap ng tugon, ang komunikasyong
iyon ay hindi kumpleto at hindi epektibo.

HELIKAL NA MODELO NG KOMUNIKASYON


Isa pa sa pinakamahalagang modelo ng komunikasyon ay ang Helikal na Modelo. Ito ay
dinisenyo at inihain ni Frank Dance noong 1967 upang magbigay-linaw sa proseso ng
komunikasyon. Binanggit ni Dance na ang proseso ng komunikasyon ay katulad ng Helix.
Ang helix ay hugis pakurba na katulad ng isang spring na ang direksyon ay mula sa ibaba
pataas.
Ayon sa Helikal na modelo, ang proseso ng komunikasyon ay nagsisimula sa pagsilang ng
isang indibidwal at nagpapatuloy hanggang sa sandal ng kanyang pag-iral sa mundo. Ang lahat ng
nabubuhay sa daigdig ay nagsisimulang makipagtalastasan mula sa pinakaunang araw ng
kanilang pagsilang. Kapag ang buto ay itinanim, nagpapahiwatig ito sa hardinerong nagtanim dito
na kailangan nito ng tubig sa araw-araw at kinakailangang lagyan ng pataba. Sa sandaling sumibol
na ang halaman mula sa buto, muli itong nagpapahiwatig ng pangangailangan ng tubig, sikat ng
araw at pataba─gaya ng suporta ng Helikal na modelo ng komunikasyon. Ganito rin ang nagaganap
sa hayop, ibon, isda at lahat ng mga nilikha sa mundo.
Sa pagtungtong ng isang mag-aaral sa elementarya, natutuhan niya ang pagbigkas ng mga
salita maging ang pagbibigay-reaksyon sa isang partikular na sitwasyon. Noon pa man,
mapapansin na sa paglaki ng isang bata, patuloy siyang nakabibigkas ng salita katulad ng kanyang
ginagawa mula pa sa kanyang kamusmusan o sa bahaging ito, kung katulad sa sitwasyon ang
nangyari, siya ay nakapagbibigay ng reaksyon sa iba’t ibang pagkakataon gaya ng mga ginawa niya
sa nakaraan.
Ang nabanggit na halimbawa ay nagbibigay linaw sa Helikal na modelo ng komunikasyon.
Ayon dito, habang ang proseso ng komunikasyon ay sumusulong, ito rin ay nagbabalik at naaayon
sa nakaraang pag-uugali ng indibidwal. Naniniwala ang modelong ito na ang proseso ng
komunikasyon ay tulad ng isang heliks na sumusulong gayondin ay nagbabalik at nakadepende sa
mga kaugalian ng nakaraan na may kalakip na mga modipikasyon at pagbabago.

ANG MODELONG SMCR NG KOMUNIKASYON NI BERLO

Enkowding Dekowding

Pinagmumulan Mensahe Daluyan Tagatanggap


(Source) (Message) (Channel) (Receiver)

Kasanayan sa Kasanayan sa
Nilalaman Pandinig
Komunikasyon Komunikasyon

Pag-uugali Elemento Paningin Pag-uugali


Kaalaman Pamamaraan Pandama Kaalaman

Sistemang Sistemang
Estruktura Pang-amoy
Panlipunan Panlipunan

Kultura Kowd Panlasa Kultura

Ang modelo ni Berlo ay sumusunod sa modelong SMCR (Source, Message, Channel,


Receiver). Hindi espesipiko ang modelong ito sa anomang partikular na komunikasyon. Maraming
salik na nakapailalim sa bawat element ng modelo ni Berlo.
A. Pinagmumulan ng mensahe
 Indibidwal na kasanayan sa pakikipagkomunikasyon (halimbawa: kakayahang
bumasa, sumulat, magsalita, making at iba pa)
 Pag-uugali sa pakikitungo sa tagatanggap ng mensahe, sa paksa at sa sarili
(halimbawa: ang mag-aaral ay may pag-uugaling matuto at ang guro naman ay may
pagnanais na tumulong sa pamamagitan ng pagtuturo)
 Kaalaman tungkol sa paksa ng pag-uusap (halimbawa: anoman ang sinasabi ng guro
sa klase tungkol sa asignaturang kanyang itinuturo ay nararapat lamang na may
alam din ang mag-aaral upang makaugnay sa talakayan) – ito ay hindi tumutukoy sa
pangkalahatang kaalaman, tumutukoy ito sa kaalaman sa paksa, nararapat na
maging pamilyar sa kung ano ang pinag-uusapan
 Kabilang sa sistemang panlipunan ang iba’t ibang aspekto ng lipunan gaya ng
pagpapahalaga, paniniwala, kultura, relihiyon at pangkalahatang pag-unawa sa
lipunan- ito ay kung saan nagaganap ang komunikasyon – maaari lamang
makipagtalastasan kung hahayaan ng sistemang panlipunan, kung
makikipagtalastasan, isaalang-alang ang sistemang panlipunan
 Nakapaloob din ang kultura sa sistemang panlipunan
Ang tagapagpadala ng mensahe o pinagmumulan ng mensahe ay tinatawag na
enkowder. Sa madaling salita, ang pinagmumulan ay nag-eenkowd ng mensahe.

B. Mensahe
 Sumasakop sa nilalaman ang simula at wakas ng isang mensahe (halimbawa: simula
umpisa hanggang wakas ng anomang sinasabi ng guro sa klase ay ang nilalaman ng
kanyang mensahe)
 Kabilang sa mga elemento ang wika, kumpas, galawa ng katawan at iba pa ─ ito ang
mga elemento ng partikular na mensahe; ang nilalaman ay sinasamahan ng ilang
elemento
 Nakapaloob din dito ang pamamaraan sa pagpapadala o pagpapasa ng mensahe –
kapag maraming paraan ang ginagamit, hindi nagaganap nang maayos ang
komunikasyon
 Estruktura ng mensahe at ang pagkakaayos nito; ang paraan ng pagbuo ng mensahe
ayon sa iba’t ibang bahagi nito─kung hindi maayos ang estruktura ng mensahe, hindi
ito mauunawaan ng tumatanggap
 Tumutukoy ang kowd ng mensahe sa paraan ng pagpapadala nito (halimbawa: galaw
ng katawan, kumpas, musika at maging kultura); sa pamamagitan nito, maaaring
magbigay o tumanggap ng mensahe o nagkakaroon ng kaganapan ang komunikasyon
─ kung maayos ang kowd, ang mensahe ay nagiging malinaw, ang hindi maayos na
paggamit nito ay nagbubunga sa maling pag-unawa

C. Daluyan o Tsanel
Ang tinutukoy nito ay walang iba kundi ang limang pangunahing pandama na
ginagamit ng tao. Tinatawag ang mga itong daluyang sensori. Nagiging mabisa ang
komunikasyon sa pamamagitan ng matalinong pagpili ng daluyan.
 Pandinig (halimbawa: pasalitang mensahe, interpersonal na komunikasyon at iba pa)
 Paningin o biswal (halimbawa: sa panonood ng telebisyon, ang mensahe ay naipadala
na)
 Pandama (halimbawa: kapag namimili sa palengke ─ hahawakan muna ang paninda
saka ito bibilhin, pagyakap at iba)
 Pang-amoy (halimbawa: mga pabango, pagkain, pagkaamoy sa nasusunog na bagay,
nalalaman din kung luto na ang pagkain at iba pa)
 Panlasa (halimbawa: pagtikim sa pagkaing niluto ng kausap – ito ang nagiging paksa
ng usapan)
Tumutukoy ang dekowder sa taong tumatanggap ng mensahe.
D. Tagatanggap
Kinakailangan ding taglayin ng tagatanggap ng mensahe ang tinataglay ng
pinagmumulan nito.

Naniniwala ang modelong ito na upang maging mabisa ang komunikasyon, nararapat
na nasa magkatulad na lebel ang pinagmumulan ng mensahe at ang tagatanggap nito. Dahil
dito, maayos na naisasakatuparan ang komunikasyon. Kaya ang pinagmumulan at
tagatanggap ay dapat magkaroon ng magkatulad na katangian.

Halimbawa nito ang pagkakaroon ng mahusay na kasanayan sa komunikasyon ng


pinagmumulan ng mensahe at ang pagtataglay ng kahusayan sa pakikinig ng tagatanggap.

Hindi masasabing ang kabuuan ng mensaheng ipinasa ay hindi nakarating sa


tagatanggap nito dahil siya ay hindi mahusay sa pakikinig.
Pakikipagkomunikasyon ang isa sa mga araw-araw na ginagawa ng tao, berbal man o hindi
berbal. Mayroon itong mga modelo na nagpapakita ng mga nagaganap sa isang komunikasyon.
Ang mga modelo ng komunikasyon ay ang mga sumusunod: Modelo ni Aristotle, Modelo ni
Schramm, Helikal na Modelo ng Komunikasyon at Ang Modelong SMCR ng Komunikasyon
ni Berlo.
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
MGA ELEMENTO, ANYO, KATANGIAN AT URI NG KOMUNIKASYON
AT KAKAYAHANG DISKORSAL

PANIMULA

Ang proseso ng komunikasyon ay binubuo ng mga elemento. Maraming


dalubhasa sa komunikasyon ang nagmungkahi ng ilang elemento na mahalaga
upang maging matagumpay ang proseso ng komunikasyon.
Sa komunikasyon ay mayroong ding mga katangian. Sinasabing ang
komunikasyon ay kombinasyon ng mga proseso na isinasagawa upang
magbahagi at magpahayag ng impormasyon. Ngunit, nagaganap lamang ang
epektibong komunikasyon kung ang tagapagpadala ng mensahe ay mulat sa mga
tiyak na elemento na inilalaan para sa isang mabisang pagpapasa ng mensahe sa
tagatanggap nito. Epektibo ang komunikasyon kung naihahatid ang lahat ng
nilalaman ng mensahe nang malinaw at maayos, upang ito ay maebalweyt ng
tagatanggap at siya ay makapagbibigay ng reaksyon nang maayos.
Tatalakayin din ang iba pang mga uri at kakayahang pangkomunikatibo
na maghahatid sa pagkatuto ng epektibong komunikasyon at pagpapalawak ng
mga kaalaman patungkol dito.

LAYUNIN

a. Natutukoy ang mga elemento, anyo, katangian at uri ng


komunikasyon
b. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng berbal at di berbal na
komunikasyon
c. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw patungkol sa
kakayahang diskorsal
d. Nasusuri ang mga uri ng komunikasyon na ginamit sa
napanood sa telebisyon, pelikula o social media
PAGTALAKAY

MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON


a. Nagpapadala ng Mensahe- tinatawag din siyang tagapagsalita, tagapagpadala,
komunikeytor o pinagmumulan ng mensahe o impormasyon. Ang nagpapadala ng mensahe
ang nagpapasimula ng proseso ng komunikasyon sa pamamagitan ng ideyang nais niyang
ibahagi sa tagatanggap nito.
b. Enkowding- ito ay akto ng pagsasalin ng ideya sa saloobin sa pamamagitan ng
tagapagpadala nito gamit ang wikang mauunawaan ng tatanggap ng mensahe. Ito ay isang
sining ng pagpapahayag.
c. Mensahe- Maaaring pasalita o pasulat ang mensahe na ipinadadala ng komunikeytor sa
tagatanggap nito. Ang mensahe ay ang impormasyon na inenkowd sa pamamagitan ng
pasalita, pasulat o palimbag na pamamaraan, pakumpas, maaaring ginamitan ng musika o
mga simbolo at iba pang di-berbal na komunikasyon.
d. Daluyan o Tsanel- ito ay isang metodo o sistema na ginagamit upang
makipagkomunikasyon, magpadala ng mensahe o kumuha ng impormasyon. Ito ang paraan
ng pagpapadala ng mensahe patungo sa tagatanggap nito.
e. Dekowding- ito ang tawag sap ag-unawa sa kahulugan ng isang bagay gamit ang wika. Kung
ang isang tao ay nakikipagtalastasan gamit ang wikang Filipino ngunit ang kanyang kausap
ay hindi pamilyar sa wikang ito, maaaring isalin ang mensahe sa wikang mas mauunawaan
ng kausap. Ito ang proseso ng dekowding.
f. Tagatanggap ng Mensahe- kung ang tagapagpadala ang pinagmumulan ng mensahe, ang
tagatanggap naman ang konsyumer nito. Maaaring isa, pangkat o malaking pangkat ng tao
ang maging tagatanggap ng mensahe sa iisang pagkakataon. Sa tulong ng daluyan o
midyum, ang tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe ay nagkakaroon ng ugnayan.
g. Tugon- ito ay tumutukoy sa sagot ng tagatanggap matapos makuha ang mensahe.

MGA ANYO NG KOMUNIKASYON


 Intrapersonal- ang intrapersonal na komunikasyon ay nilalahukan lamang ng isang tao.
Kadalasang sinasabi na ito ay “pakikipag-usap sa sarili.” Ayon kay Wood (1997), habang tayo
ay gumagamit ng wika upang pagnilayan ang ating pansariling mga karanasan, kinakausap
natin ang ating sarili sa pamamagitan ng mga sitwasyon. Halimbawa, kapag may gagawing
isang bagay, sinasabi mo sa iyong sarili na, “Ituloy mo lang! Kaya mo ‘yan!”.
 Interpersonal- ito ang pangalawang pangunahing konteksto sa larangan ng komunikasyon
ang interpersonal na komunikasyon. Kalahok dito ang dalawang tao, at ang daloy ng usapan
ay maaaring personal, pormal at di pormal.
 Pangkatang Komunikasyon- ayon kay McLean (2005), ito ay isang dinamikong proseso
kung saan ang maliit na pangkat ng tao ay nagkakaroon ng usapan.
 Pampublikong Komunikasyon- dito, isang tao ang nagsasalita na pinakinggan ng isang
pangkat ng tao; katulad ito ng pampublikong pasulat na komunikasyon, kung saan isang
tao ang nagsusulat ng mensahe at ito naman ay babasahin ng isang maliit o malaking
pangkat.
 Mass Communication- matuturing na ito ang pagpapadala ng mensahe para sa isang
pangkat. Hinahayaan nitong makipagkomunikasyon tayo sa mas malaking bilang ng tao,
ngunit limitado lang tayo sa ating kakayahan para maipadala ito sa tanging tagapakinig,
pangkat o indibidwal.

KATANGIAN NG KOMUNIKASYON
A. Pagpapalitan ng Ideya- hindi magaganap ang komunikasyon kung walang pagpapalitan ng
ideya. Upang mabuo ang proseso ng komunikasyon, nararapat na magkaroon ng palitan ng
mga ideya, impormasyon, damdamin at iba pa, sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.
B. Tuwiran at Di-tuwiran- ang tuwirang komunikasyon ay nangangahulugan nang harapang
usapan, samantalang ang di-tuwirang komunikasyon naman ay gumagamit ng ibang
daluyan.
C. Tuloy-tuloy na Proseso- sinasabing ang komunikasyon ay walang katapusang proseso.
Maihahalintulad dito ang larangan ng edukasyon kung saan ang guro ay patuloy na
nagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral, inaalam din niya ang pag-unlad ng bawat isa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pagsusulit.
D. Gumagamit ng mga Salita at mga Simbolo- maraming paraan upang maisagawa ang
komunikasyon, tulad ng pagsulat, pagsasalita at paggamit ng mga simbolo. Ang halimbawa
ng mga simbolong ginagamit sa komunikasyon ay pagsasabi ng pagsang-ayon o pagsalungat
sa pamamagitan ng paggalaw ng ulo, pagpapakita ng galit na mababakas sa mga mata,
pagtataas ng kanang kamay sa pagnanais na sumagot sa klase, at iba pa.
E. Kumpleto- upang maging epektibo ang komunikasyon, kinakailangan na ito ay kumpleto.
F. May Paggalang- ang paggalang ay mababakas sa komunikasyon sa pamamagitan ng
pagpapakita ng respeto sa kultura, pagpapahalaga at paniniwala ng tagatanggap ng
mensahe.
G. May Kalinawan- upang maging epektibo, ang komunikasyon ay kinakailangang maging
malinaw at espesipiko. Sa pagkakamit ng kalinawan, ang mensahe ay kinakailangang
nakapokus sa isang layunin, ngunit nagbibigay-diin sa kahalagahan nito at isinasaalang-
alang ang pagkaunawa sa nilalaman nito.
H. May Kawastuhan- ang wastong paggamit ng gramatika o balarila at sintaks ay nagpapataas
ng pagiging epektibo at katanggap-tanggap na mensahe. Sa katunayan, ang pagkakaroon ng
pagkakamali sa gramatika at sintaks ay nagpapahirap sa tagatanggap upang madekowd ang
mensahe at maunawaan ang nilalaman nito.
URI NG KOMUNIKASYON
BERBAL NA KOMUNIKASYON
Ginagamitan ang berbal na komunikasyon ng mga tunog at salita upang maipahayag ang
sarili at maipadala ang mensahe. Ito ay nagsisilbing behikulo sa pagpapahayag ng mga ninanais,
ideya at konsepto, at ito ay napakahalaga sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto, pagpapanatili ng
magandang ugnayan at pagbuo ng relasyon sa pagitan ng mga tao. Nilalakipan din ito ng mga
kumpas o galaw ng katawan na halimbawa ng di-berbal na komunikasyon.
DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON
Napakahalagang kilalanin ang ating mga di-berbal na komunikasyon─ ang mga ekspresyon
ng ating mukha, kumpas, paggalaw ng mata, tindig at tono ng boses─ ito ay higit na
naghuhumiyaw kaysa sa mga namumutawi sa bibig.
Kasama sa di-berbal na komunikasyon ang ekspresyon ng mukha, ang tono ng boses, mga
kumpas na naipapakita sa pamamagitan ng galaw ng katawan (kinesika) at ang distansyang pisikal
sa pagitan ng mga nag-uusap (proksemika).
 GALAW NG KATAWAN (kinesika)- naghahatid din ng impormasyon ang tindig at paggalaw
ng katawan. Ang mga di-berbal na paraang ito ay nagpapahiwatig ng damdamin at pag-
uugali. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggalaw ng kamay, pagtango ng ulo at iba pa.
Tumutukoy rin ito sa paraan ng pagtayo at pag-upo.
 PARALANGUAGE- tinatawag ding aspekto ng boses na hiwalay sa pagsasalita, kabilang dito
ang tono at bilis sa pagsasalita. Tumutukoy ang paralanguage sa pasalitang komunikasyon
na hiwalay sa aktwal na wika. Kabilang dito ang mga salik gaya ng pagiging malakas o
mahina at pagbabago ng tono ng boses.
 ESPASYO (Proksemika)- isa ito sa mga mahahalagang uri ng di-berbal na komunikasyon.
Ang laki ng distansya at espasyong kinakailangan natin ay naiimpluwensyahan ng bilang ng
mga salik kabilang ang pamantayang sosyal, ekspektasyong kultural, sitwasyonal na mga
salik, katangian ng tao at antas ng pagiging pamilyar sa isa’t isa o pagpapalagayang-loob.
Halimbawa, ang halaga ng espasyong kinakailangan sa isang kaswal na pakikipag-usap sa
ibang tao na may pagitan na apat hanggang walong pulgada. Sa kabilang dako, ang
distansyang kinakailangan kapag nagsasalita sa harap ng madla ay mula 10 hanggang 12
talampakan.
 EKSPRESYON NG MUKHA- ito ay may malaking ginagampanan sa di-berbal na
komunikasyon. Isipin na lamang kung gaano karaming impormasyon ang maihahatid sa
pamamagitan ng pagngiti, pagsimangot o maging pagkurap ng mata.
 PISYOLOHIKAL NA PAGBABAGO- halimbawa nito ang pagpapawis o madalas na pagkurap
dahil sa nerbyos.
 KUMPAS- ang karaniwang kumpas ay pagkaway ng kamay, pagturo at paggamit ng daliri sa
pagbibilang.
 PANDAMA (Haptiks)- ginagamit ang pandama upang ipahatid ang pagmamahal,
pagpapalagayang-loob, simpatya, at iba pang emosyon.
 PAGGALAW NG MATA- halimbawa nito ay ang pagsulyap, pagsilip at pagkurap. Kumukurap
nang mabilis ang isang tao kapag may naiibigan siyang bagay. Ang pagsulyap naman ay
nagpapahiwatig ng isang bagay na saklaw ng emosyon tulad ng poot, pagkakaroon ng interes
at pagkaakit.
 ITSURA- ang pagpili sa kulay, pananamit, estilo ng buhok, at iba pang salik na nakaaapekto
sa itsura ay itinuturing ding uri ng di-berbal na komunikasyon. Ayon sa ilang mga
pananaliksik sa sikolohiya, masasalamin sa iba’t ibang kulay ang iba’t ibang nilalaman ng
kalooban ng isang tao.
 MGA BAGAY AT IMAHE- kadalasang naglalaan ng oras ang mga tao upang bumuo ng isang
partikular na imahe at pagpapalibot sa kanila ng mga bagay na dinisenyo upang maglaan ng
impormasyon tungkol sa mga bagay na mahalaga sa kanila. Halimbawa nito ay isang doctor
na nagsusuot ng kulay putting kasuotan. Sa isang sulyap lamang, ang mga kasuotang ito ay
magsasabi kung ano ba ang hanapbuhay o propesyon ng isang tao.

KAKAYAHANG DISKORSAL
Ang kakayahang diskorsal ay ang kaalaman kung paano magpahayag o tumugon nang
pasalita o pasulat sa mga estilo ng pagsasalita o pagsulat at pakikinig o pagbasa. Ito rin ay
kaalaman sa mga paraan ng pagsasanib ng mga estruktura ng wika tungo sa isang organisado at
lohikal na pasalita o pasulat na teksto sa iba’t ibang uri nito. Sa kabilang banda, ang kakayahang
diskorsal ay tumutukoy sa pag-oorganisa ng mga salita, pahayag at pangungusap upang
makalikha ng usapan, talumpati, tula, elektronikong mensahe, pahayagan, artikulo at iba pa.
Mahalagang magkaroon ng kakayahang pangkomunikatibo ang mga Pilipino. Makatutulong ito
upang mas magamit nang may kahusayan ang komunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon na
kasasangkutan.
Ayon sa isang kasabihan, “Hindi sapat na ang tao’y matuto ng lengguwahe at makapagsalita.
Marapat ding maunawaan at magamit nito nang tama ang wika.

You might also like