You are on page 1of 5

Filipino 8: Ikatlong Markahan Modyul 1

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN

I.
Ang modyul na ito ay may pangkalahatang layunin na maunawaan at mabibigyang-kahulugan ang
mga lingo/termino na ginagamit sa mundo ng multi- media.

Layuning Pampagkatuto:
1. Natatalakay ang kaligirang pangkasaysayan ng panitikan sa panahon ng kontemporaryo.
2. Naiisa-isa ang mga katangian at halimbawa ng panitikang popular na umusbong noong panahon ng
kontemporaryo hanggang kasalukuyan.
3. Nailalahad ang mga lingo/termino kasama ang kahulugan ng mga ito na ginagamit sa mundo ng
multimedia bilang makabagong platform ng panitikan.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Tukuyin ang hinihinging sagot sa bawat aytem sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng mga
larawang nasa sa ibaba. (4 Pics 1 Word)

1.__________________ 2.________________________

Isang sikat na social media application na Pagsubaybay sa mga kinahihiligang


konektado ang lahat ng tao sa mundo panoorin, larawan at musika

3. __________________ 4. ______________________

Pagrekord ng mga biswal at audio Personal na pag-atake sa isang tao


5. __________________________________
Katunog ng huni ng isang ibon

D. ARALIN
Kaligirang Pangkasaysayan ng Kontemporaryong Panitikan Panahon ng Amerikano
Kung relihiyon ang naging ambag ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging
pangunahing pamana sa atin ng mga Amerikano. Naigupo ng mga Amerikano ang mga
manghihimagsik na Pilipino ngunit ang diwa at damdaming nasyonalismo ay hindi tahasang napasuko.
Lubusan itong nakita sa panitikan. Ang lahat ng uri ng panitikan ay hindi pinalampas ng mga manunulat
na Pilipino gaya ng dula, tula, sanaysay, nobela, kuwento, talumpati at iba pa. Sa panahong ito isinilang
ang mga makatang Pilipino na naging tanyag na manunulat sa Ingles at Tagalog.

Panahon ng Bagong Lipunan- Taong 1972 ang tinaguriang panahon ng Bagong Republika. Dito
nagkaroon ng malaking pagbabago sa kinahiligang babasahin ng mga Pilipino. Sa panahong ito,
sumigla ang panitikang Pilipino. Marami ang nagnasa na makasulat ng iba’t ibang akda ito man ay sa
Ingles o Tagalog. Nagbukas muli ang imprentahan ng mga pahayagan, komiks at mga magasin.
Nahumaling ang mga mamamayan sa pagbabasa ng mga serye ng kuwento sa Liwayway Magasin
gayon din sa komiks. Nagtatag ang Pamahalaang Militar ng bagong kagawaran na tinawag na Ministri
ng Kabatirang Pangmadla na siyang mamamahala at susubaybay sa mga pahayagan, aklat at iba pang
babasahing panlipunan.

Narito ang halimbawa ng mga pahayagan at magasin.

Pahayagan Magasin Komiks


Manila Times Liwayway Pilipino Magazine
Today Balita Hiwaga Pilipino Express
Kislap Klasik
Bulaklak Extra Hot

Namayagpag din sa panahong ito ang dulang pantanghalan. Maging ang panonood ng mga
pelikula ay tinangkilik din ng mga Pilipino ngunit ang paksa ay malayo sa seks upang maiangat ang
moral at mailayo ang mamamayan sa masamang impluwensiya. Sa paglipas ng maraming taon,
kapansin-pansin ang pagbabagong bihis at pagyabong ng panitikan sa bansa. Nagagamit ng mga
manunulat ang makabagong teknolohiya hindi lamang sa pag-ere sa radyo o telebisyon kundi maging
sa mundo ng internet.

Narito naman ang mga basahin na naging popular noong panahon ng kontemporaryo

Mga Popular na mga Babasahin:

1. Broadsheet - ay pormal na uri ng pahayagan. Karaniwang nakaimprenta sa malaking papel at


nakasulat sa Ingles na wika. Malawak ang nasasaklaw ng sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita
sa loob ng bansa, naglalaman din ang broadsheet ng mga internasyonal na mga kaganapan.
Maging ang palitan ng piso sa dolyar ay makikita din dito. Ang kalimitang nagbabasa nito ay
ang mga taong may kaya sa buhay.
2. Tabloid- Isang uri ng impormal na pahayagan na naglalaman ng mga pang-araw-araw na
kaganapan na ang kadalasang paksa ay tungkol sa karahasan, korapsyon o seks. Mapapansin
na ang laman ng balita ay tungkol sa korapsiyon kung saan apektado ang lahat ng Pilipino.
Narito ang isang halimbawa ng tabloid.

Ang Nanay ng Kahirapan at Kriminalidad


Ni Roy Señeres
SANG-AYON ako sa sinasabi ng maraming tao na ang malaking problema
raw ng ating bansa ay ang kahirapan at kriminalidad. On the other hand, gusto ko
ring iparating sa mga kababayan natin ang aking sariling pananaw na ang kahira-
pan at kriminalidad ay mga anak lamang ng mas malaking problema ng massive
graft and corruption (MGC). Ang perang dapat tinutustos dito sa Pilipinas upang
lumikha ng milyun-mi- lyong kabuhayan ay ninanakaw ng mga tiwaling opisyal at
itinatago nila sa ibayong dagat. Dahil diyan sa kasamaang ginagawa ng mga hangal
na mga taong ito, 5 mi- lyon na sa atin ang jobless, 7 million na ang under-employed
at 8 milyon na angnagpapa-alipin sa ibang bansa. Ang Armed Forces of the
Philippines (AFP) naman ay walang ginagawa sa ngayon dahil daw sa "chain of
command". Ito ang dahilan kung bakit sa tingin ko, wala nang ibang tutulong sa atin
kaya dapat tayo na lang ang mag-tulungan. Ang dapat gawin natin ngayon ay
buhatin natin ang MGC at itapon natin ito sa malalim na bangin ng kamatayan!

Mapapansin na laman ng pahayagan ang problema ng lipunan na kinasasangkutan ng bawat


Pilipino. Mabilis lamang maunawaan sapagkat hindi maligoy ang nilalaman ng balita.
3. Magasin - Isang babasahin na naglalaman ng mga artikulo at ads ng mga negosyong may
kinalaman sa industriyang nakapaloob sa paksa. Ang isa sa pinakasikat na magasin sa Pilipnas
ay ang Liwayway na sinimulang ilathala noong Nobyembre 18, 1922.
4. Komiks – ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o
walang salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o
maghambing ng pagkakaiba.

aaa
E. Gawain sa Pagkatuto 1:

Panuto: Iguhit ang kung ang pahayag ay tama at kung ito ay mali. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Ang mga kastila ang nagbawal sa mga Pilipino na gumamit ng sariling wika.
2. Sinasabing umunlad ang panitikan sa panahon ng mga Kastila.
3. Kung relihiyon ang naging ambag ng mga Kastila, edukasyon naman ang naiambag ng mga
Amerikano sa ating bansa.
4. Ang tabloid ay uri ng magasin na karaniwang tinatangkilik ng masa.
5. Sa panahon ng bagong lipunan, sumigla ang panitikang Pilipino, marami ang nagnasa na makasulat
sa Ingles man o Tagalog.

Gawain sa Pagkatuto 2:
Panuto: Salungguhitan ang salitang nasa loob ng panaklong na naglalahad ng tumpak na
impormasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Maituturing na kabilang sa panahon ng (Amerikano, Kontemporaryo ) ang pag-usbong ng


Facebook, Twitter at Instagram
2. Ang ating panitikan ay nasa anyong pasulat at (paawit, pasalita)
3. Itinuturing na isa sa mga pinakasikat na magasin ang (Liwayway, FHM) na namayagpag noon.
4. Naging popular ang pagpapalabas ng (dula, fliptop battle) kasabay nito ang pagpapatayo ng mga
gusali katulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater at Metropilitan Theater.
5. Dahil sa paggamit ng makabagong (teknolohiya, armas) higit na umunlad ang komunikasyon at
panitikang Pilipino.

Gawain sa Pagkatuto 3:
Panuto: Punan ng letra ang mga bakanteng kahon upang mabuo ang hinihinging salita na
tumutugon sa bawat pahayag.

1. Terminong ginagamit sa pagbabahagi ng mga post sa social media .


H E

2. Ang pahayagang naglalaman ng mga balitang nagaganap hindi lamang sa isang partikular na
bansa kundi maging sa iba pang lugar sa mundo.
O S T

3. Sistema sa pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at


nakikipagpalitan ng impormasyon.
S C L M A

4. Isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na


larawan o tunog.
E L B Y O

5. Isa sa pinakatanyag na online social media sa Pilipinas.


F C B K
A. Gawain sa Pagkatuto 4:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan at isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Bilang kabataan, paano mo gagamitin ang social media sa responsableng pamamahayag


o komunikasyon? Itala ang iyong sagot sa sagutang papel.
2. Bunga ng pag-unlad ng mga makabagong teknolohiya, ano-ano ang mga pagbabagong
nakikita mo na lubhang nakaapekto sa ating panitikan?
3. Maglahad ng limang positibo at negatibong epekto ng social media sa iyo bilang kabataan?
Sa paanong paraan mo mapaglalabanan ang mga negatibong epekto na iyong isinulat at
sa paanong paraan mo naman mapaiigting pa ang mga positibong dulot sa iyo ng social
media.

Karagdagang Gawain:
Magsaliksik ng halimbawa ng bawat popular na babasain. Ihambing ang katangian ng bawat
isa. Alamin kung anong mga salita ang karaniwang ginagamit dito. Gawin ito sa sagutang
papel.

Popular na Katangian Mga Salitang Ginagamit


Babasahin
Komiks
Magasin
Tabloid
Broadsheet

You might also like