You are on page 1of 39

Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular

ARALIN 1
Ikatlong PANITIKAN: POPULAR NA BABASAHIN
Markahan (Pahayagan o Magasin, Komiks o Kontemporaryong Dagli)
WIKA: ANTAS NG WIKA

Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagaganap:


Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa Naisusulat ang sariling tula sa alinmang
sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao,
Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa bayan o kalikasan
Kasalukuyan.

Pamantayang sa Pagbuo:
Napahahalagahan ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa
Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan.

Most Essential Learning Competency:

 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang


mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)
 Nuunawaan ang kaugnayan ng panitikang
popular sa kulturang Pilipino

Formation Standard: Naipapahayag ang sariling


ideya at damdamin sa pamamagitan ng paggamit
ng mga malilikhaing salita. Napahahalagahan at
napapalapit din ang mga mag-aaral sa pagsusulat
at pagbabahagi ng kanilang nararamdaman at saloobin sa makabuluhang paraan.

Learning Targets:
 Kaya kong masuri ang antas ng wika.
 Kaya kong magamit ang iba’t- ibang antas ng wika sa pagbuo ng usapan.
 Kaya kong makagawa ng isang advertisement na naglalarawan sa kaugaliang
Pilipino na maaaring ilathala sa isang babasahing tabloid na gumagamit ng antas
ng wika

GAWAIN 1: PANITIKANG POPULAR, POPULAR BA SA’ YO?


Ang mga sumusunod na larawan ay maituturing na panitikang popular. Isulat sa kahon
sa ibaba kung alam mo ang tawag sa bawat larawan. Matapos itong matukoy, sagutin
mga sumsuunod na katanungan.
1. 5.

1|Page
2. 6.
3. 7.
4. 8.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang iyong napuna habang tinutukoy mo ang mga halimbawa ng panitikang
popular sa Unang Gawain?
2. Bakit kaya madali mong natukoy ang bawat uri ng popular na panitikan?
3. Ano sa iyong palagay ang bisa ng mga panitikang popular kung ihahambing mo
sa mga tradisyonal na panitikang iyong pinag-aralan sa mga nakaraang aralin?
__________________________________________

Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa


pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng
bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan
na mga babasahin gaya ng komiks, magasin, at dagling katha ay nauulit lamang ang
paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na uri ng panitikan. Kung susuriin,
nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal ang panitikang
popular.

2|Page
PANITIKANG POPULAR

 PAHAYAGAN (tabloid)
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang
ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-
araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa
higaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong
mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang
pahayagan bilang isang uri ng print media ang
kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating
kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni
William Rodriguez mula sa kaniyang blog sa Sanib-Isip
tungkol sa tabloid.

“Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't
ilan dito ay Ingles ang midyum.”

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya


lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga
bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at
naiulat na rin sa radyo. May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman
naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin
sa mambabasa ang mga nilalaman nito.

Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong
hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng
palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao.
Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pang
masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi
katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay
masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong
'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa
ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng
magandang balita ay nasa masamang balita?

Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily


tabloid ang nagsi-circulate sa bansa.

 KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting

3|Page
diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan
o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim.
Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang
sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre),
hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito.

Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na


babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at
nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at
dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.

Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga


bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.

Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabitkabit


ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa
kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa
palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila
ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming
pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.

Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kaunaunahang Pilipino na


gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa

4|Page
ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang
popular na pabula sa Asya.

Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa


mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula dito,
nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino
Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng
komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang
papel. Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng
mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong
industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño at iba
pa.

Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa


panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa
Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang
hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng
paglilibang.

Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya


sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007
tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa
pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng


komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class' ang
kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.

Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing


pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong
Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan,
Alfredo Alcantara, at marami pang iba.

Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon


nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang
komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang
hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga
mata para makakita at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng
komiks.”

 MAGASIN
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito,

5|Page
naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang
panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang
Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng
mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa
lamang lalo na ang mga nobela.

Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang


produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan
ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang
nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.

1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang


mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang
mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa
nang walang pag-aalinlangan.

2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing


gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.

3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong
nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad
at maging mabuting maybahay.

4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago,
puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga
pinakasikat na artista sa bansa.

5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang nilalaman ng Metro.

6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay


gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.

7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng


kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri
sa pisikal at mental nakalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.

8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pagaalaga ng mga gadget.

6|Page
9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.

 KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling
kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.

Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang
pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang
maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli sina Iñigo Ed.
Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro
Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K.
Santos.

Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na


sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling
Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.

Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng


pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at
tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga
manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Español dahil hindi pa malinaw
noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig.
Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela
pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim
ng sagisag-panulat.

Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni
Tolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936” ang tumatalakay sa
karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan.
Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding
ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang
lumalaban sa mananakop na Amerikano.

Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap


na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong 433 kuwento sa mga
tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita
(headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito
tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan—
anekdota, slice-of-life, day-inthe-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri
ng kwento sa media).”

7|Page
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN
Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa
Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang
nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash
fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng
magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa mga probinsya at malalayong lugar
ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan.

Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na


pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang
“Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)” ni
Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang
“samu’t saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang
paggamit ng wika.” Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni
Jack Alvarez na may pamagat na "Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay
Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking
daigdig mula sa maliit at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito
sa panitikan ng bansa.

Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan,


pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.

Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros "Tungkol sa


mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking
ipinagkakaiba.”

"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.”


"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”
"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan."

(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)

Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na hinango sa


flash fiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde Jr., isang manunulat, mula sa
isang pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang
itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang “Mga Kuwentong
Paspasan,” na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat
at karamihan ay lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat
itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
ay maigi ang pangalang malapit sa Flash Fiction. Nang magpanukala si Michael Coroza
ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. ang Kislap, Kuwentong ISang igLAP. Kung
kaya ang naging bunga ng paguusap ay naisulat at nailathala ang aklat na “Kislap” ng
manunulat na si Abdon M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon sa manunulat ay kalipunan ng
mga kuwentong maaaring umabot, maaaring hindi, ngunit hindi hihigit sa 150 salita.

8|Page
Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon Balde Jr. na umabot sa 116 na
salita.

HAHAMAKIN ANG LAHAT


Abdon M. Balde Jr.
Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr. Sinundan naman
ito ng pagkakalathala ng “Wag Lang Di Makaraos” ni Eros Atalia na kinatatampukan ng
kaniyang 100 Dagli. Ayon sa manunulat, halos tatlong taon din niyang isinulat ang aklat.
Mas nahirapan siyang isulat ito kaysa sa mga nauna niyang aklat na nalathala.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks, at magasin sa isa’t isa?


2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na Internet, bakit
marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?
________________________________________________________________________

ANTAS NG WIKA
Nahahati ang antas ng wika sa dalawa:
Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay
may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang
pambansa, pampanitikan at Teknikal. Samantala
ang mga Di-pormal naman ay lalawiganin, kolokyal
at balbal.

1. Salitang Pormal – Wikang ginagamit


sa mga seryosong publikasyon, tulad
ng mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa
mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay
gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-
araw-araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo
ayon sa mga panuntunang gramatikal.

Halimbawa:
Maybahay sa halip na waswit
Ama at ina sa halip na ermat at erpat
Salapi o yaman sa halip na datung

9|Page
2. Salitang Impormal/ Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao
araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito
ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang
paggamit ng mga panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang
paggamit ng dinrin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum
sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay
kadalasang gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang
ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan.

Uri ng salitang Di- Pormal

 Balbal- (Slang)- tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye


kaya’t karaniwang tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. Nabibilang
ang mga salitang ito sa di- pormal na uri ng salita kaya’t karaniwang hindi
ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat.
Ang salitang balbala y nabubuo sa pamamagitan ng iba’t- ibang paraan tulad ng
pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita tulad ng salitang Amerikano na
naging kano, pagbaliktad sa mga titik ng salita tulad ng tigas na naging astig,
pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan tulad ng toxic
na ang ibig sabihin ay sobrang busy o maraming trabaho, pagbibigay ng
kahulugan mula sa katunog na pangalan tulad ng Carmi Martin na ang
kahulugan ay karma.

Iba pang halimbawa:


bagets- kabataan lespu- pulis
charing- biro nenok- nakaw
ermat- nanay sikyo- guwardiya
erpat- tatay utol- kapatid

 Kolokyal (colloquial) – isa pang uring salitang di pormal na ginagamit sa pang-


araw- araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o
pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama
ang dalawang salita.

Halimbawa:
pa’no mula sa paano kelan mula sa kailan
p’re mula sa pare meron mula sa mayroon
te’na mula sa tara na nasan mula sa nasaan

Bahagi pa rin ng barayting ito ang pagsasama ng dalawang wika tulad ng


Tagalog at Ingles o Tag-lish o Tagalog- Espanyol.

Halimbawa:

10 | P a g e
1. A-attend ka ba sa birthday ni Lina? (Tag-lish)
2. Hindi, may gagawin kami sa eskwelahan. (Tag- Espanyol)

 Lalawiganin (Provincialism)- mga salitang karaniwang ginagamit sa mga


lalawigan o probinsiya o kaya’y partikular na pook kung saan nagmula o kilala
ang wika. Kapansin- pansing ang mga lalawiganing salita ay may taglay na
kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito.

Halimbawa:
ambot mula sa salitang Bisaya naibig sbaihin ay “ewan”
kaon mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay “kain”
biag mula sa salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay “buhay”.
________________________________________________________________________

GAWAIN 2: ANTAS NG WIKA


Panuto: Suriin ang antas ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang naganap sa
isang family reunion. Kilalanin at isulat sa patlang kung ang nakasalungguhit ay
BALBAL, KOLOKYAL, LALAWIGANIN O PORMAL.

________________1. Lola: Ang pagdating ng buong nagkan ay tila sinag ng


bulalakaw na nagdulot sa akin ng kaligayahan. (Maluha- luha habang nagsasalita)
___________________2. Jean: Uy, si Lola, emote na emote…
___________________3. Lito: Hayaan mo nga siya, Jean. Moment niya ito eh.
___________________4. Tita Lee: O sige, kaon na mga bata… Tayo’y magdasal na
muna
___________________5. Ding: Wow! Ito ang chibog!!! Ang daming putahe…
___________________6. Kris: Oh, so dami. Sira na naman my diet here.
___________________7. Nanay: Sige, sige, kain ngarud para masulit ang pagod naming
sa paghahanda.
___________________8. Lyn: Ipinakikilala ko ang syota kung kano. Dumating siya para
makilala kayong lahat.
___________________9. Tito Mando: Naku, nag-aamoy bawang na. Kailan ba naman
ang pag-iisang dibdib?
___________________10. Lolo: Basta laging tatandaan, mga apo, ang pag-aasawa’y
hindi parang kaning isusubo na maaaring iluwa kapag napaso.

_________________________________________
_________________
PAGPAPALALIM
Sa bahaging ito ng aralin, higit na palalalimin natin ang iyong pag-unawa sa
paksa.

11 | P a g e
Simulang sagutin ang inihandang gawain.

GAWAIN 3: TIYAKIN NA NATIN


Sumulat ng isang maikling usapang ginagamitan ng iba’t-ibang antas ng wika tulad ng
pagsasanay sa huling bahagi ng gramatika. Ang usapan ay hindi bababa sa walong linya
kung saan ang bawat linya ay gagamit ng isa o higit pang antas ng wika at pumapaksa
sa usapang pampamilya opangmagkaibigan. Salungguhitan ang mga antas ng wikang
ginamit at saka isulat kung ang mga ito ay balbal, kolokyal, lalawiganin o pormal.

mo ito sa pamamagitan ng panghuling gawain.


________________________________________________________________________

GAWAIN 4: PAGSULAT NG ADVERTISEMENT


Sumulat ng isang advertisement na naglalarawan sa kaugaliang Pilipino na maaaring
ilathala sa isang babasahing tabloid na gumagamit ng antas ng wika.

Upang makabuo ng isang maayos na advertisement narito ang konteng kaalaman


tungkol sa element nito na maaaring makatulong. Bisitahin lamang ang link na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=xtRZ8eQseqM

Kriterya Deskripsiyon Puntos Nakuhang


Puntos
Nilalaman Malinaw at angkop sat ema. 4
Gramatika Naipakikita at nagagamit ng wasto ang 6
antas ng wika.
Orihinalidad Orihinalidad ang tagline na ginamit. 5
KABUUAN 15

REFERENCES:
*SINAG SA IKA-21 SIGLO 8 (Joes k-12)
 Jean Lopez-Royo
 Diana Gracia L. Lacano
 Maida Limosnero- Ipong

*PEAC
CHECKLIST SA MGA GAGAWING PAGSASANAY:

____Gawain 1: PANITIKANG POPUAR, POPULAR BA SA’YO


____Gawain 2: ANTAS NG WIKA
12 | P a NA
____Gawain 3: TIYAKIN g e NATIN
____Gawain 4: PAGSULAT NG ADVERTISEMENT
Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular
ARALIN 2
Ikatlong PANITIKAN: DOKUMENTARYONG PROGRAMANG PANRADYO
Markahan : DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON
WIKA: MGA EKSPRESIYONG NAGPAPAKILALA SA KONSEPTO NG
PANANAW AT KAUGNAYANG LOHIKAL

Most Essential Learning Competency:


 Naisusulat nang wasto ang isang
dokumentaryong panradyo/pantelebisyon
 Natutukoy ang mga tamang salita sa
pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan
sa paksa
 Nagagamit ang mga angkop na
ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng
pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa
akala, iba pa)
 Naipahahayag sa lohikal na paraan ang
mga pananaw at katuwiran

Learning Targets:
 Kaya kong matukoy ang pagkakaiba ng katotohanan (facts), hinuha (inference),
opinyon, at personal na interpretasyon ng kausap
 Kaya kong maunawaan ang ekspresyong nagpapahayag ng konsepto o pananaw.
 Kaya kong maunawaan ang gamit ng ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal.
 Kaya kong makagawa ng iskrip na panradyo at pantelebisyon sa napapanahong
isyu ng bansa

Formation Standard: Naipamamalas ang kakayahan sa pagaanalisa o pagsusuri ng


mga kwento o mga dokumentaryong pantelebisyon na naglalaman ng mga
mahahalagang usapin na may kaugnayan sa kasaysayan at kulturang Pilipino.

13 | P a g e
GAWAIN 1: LOOK FOR THE PUZZLE
Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot ng puzzle. Unawain at limiin ang isinaad na
mga datos upang maibigay ang tamang sagot. Bilugan ang mga letrang bumubuo sa
tamang sagot sa bawat bilang.

__________________________________________
KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS
PAGLINANG/ PAGPAPATIBAY
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang
konsepto sa aralin.

Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon? Kung oo ang


iyong sagot, isa ka sa maraming tumatangkilik ng broadcast media.

Sa bahaging ito ng aralin, nais kong basahin at unawain mo ang mga komentaryong
panradyo at panoorin ang dokumentaryong pantelebisyon. Gayundin, alamin at unawain
ang mga ekspresiyong nagpapakilala sa konsepto ng pananaw at mga ekspresiyong
nagpapakilala ng kaugnayang lohikal. Kaya’t Simulan mo na.

14 | P a g e
BALITANG PANRADYO

Ang radyo ay isang midyum ng komunikasyon


na naglalayong maghatid ng impormasyon ng mga
pangyayari sa loob at labas ng bansa, maghatid ng
musika, maghatid ng kaalaman kaugnay ng agham,
kahulugan, kapaligiran at maging mga salita ng Diyos,
at marami pang iba.

Sa pagsusuri ng balitang panradyo,


mahalagang malaman ng bawat mambabasa ang
pagkakaiba ng katotohanan, opinyon, hinuha at personal na interpretasyon upang
masala ang mga impormasyon bago ito paniwalaan at makapagbigay ng komento.

Narito ang kaibahan ng sumusunod:


1. Katotohanan – Ito ang mga pahayag na may pruweba o katibayan at may
kongkretong ebidensya.

Mga Halimbawa:
 Ayon sa imbestigasyon, napatunayan na si Berto ang may sala.
 Batay sa kaniyang pananaliksik, may masamang dulot sa katawan ng tao
ang hindi pagkain ng agahan.
2. Opinyon – Ito ay isang kuro-kuro o palagay lamang batay sa personal na
pananaw.

Mga Halimbawa:
 Para sa akin, mas maganda ang dagat sa Boracay kaysa sa Palawan.
 Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang kulay itim kaysa kulay pula.

3. Hinuha – Iti ay mga pahayag na inaakala o maaaring mangyari batay sa isang


sitwasyon o kondisyon.

Mga Halimbawa:
 Hinuha ko uulan ngayon dahil sa maitim ang kalangitan na may kasama
pang pagkulog.
 Siguro hindi siya makadadalo sa aking kaarawan dahil darating ngayon
ang kaniyang ama mula sa ibang bansa.

4. Personal na Interpretasyon – Ito ay batay sa sariling kaisipan o pananaw


lamang.

Mga Halimbawa:
 Hindi siguro siya ang may kasalanan.
 Iniiwasan na niya kaming makasama.

15 | P a g e
Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong


pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky
Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of
Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of
Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan
kahit pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan!
Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat
naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay
ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas
maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTañada
III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag- Pasko eh mukhang tuluyan
na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!

GAWAIN 2: TANONG KO SAGUTIN MO! (1)

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang pagkakaiba ng katotohanan, opinyon, hinuha at personal na


interpretasyon sa isat- isa.

16 | P a g e
2. Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang mga
pahayag mula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo?
________________________________________________________________________

MGA ANGKOP NA EKSPRESYON SA


PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO

Ang ekspresyon ay ang pagpapabatid,


pagpapahayag ng nararamdaman ng isang tao
sa kaniyang kapuwa—maaaring paghanga,
pagkatuwa at iba pang kaugnay ng damdaminat
emosyon—sa pamamagitan ng pagsasalita
atpagsulat.

Sa pagpapahayag ng saloobin, kaisipan o konsepto maging ito ay pasulat o


pasalita ay gumagamit ng angkop na ekspresyon sa pagpapahayag upang mas lalong
maunawaan ang mensaheng nais iparating. Ito ay ang sumusunod:

A. Pero, Sa kabilang banda, Subalit, Gayon man


Mga Halimbawa:

1. Ang pag-ibig ay isang biyaya ng Maykapal na dapat lamang ibahagi sa kapuwa


subalit kailangan din itong pangalagaan upang hindi maparam.
2. Ang pagkakaroon ng smartphone ay tila naging status symbol na sa lipunan, sa
kabilang banda may mga tao pa ring inuuna ang tunay na gamit ng cellphone
kaysa sa presyo nito.

B. Ayon kay, Ayon sa, Batay sa, Sang-ayon sa, Alinsunod sa


Mga Halimbawa:

1. Ayon sa aking kaibigan, mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa nating mga


Pilipino sa pagkamit ng magandang kinabukasan
2. Batay sa mga kritiko, ang hindi pagkakasundo- sundo ng mga mamamayan ay
hindi maganda sa ekonomiya.

C. Sa madaling salita, Gaya ng sinabi ko, Tandaan


Mga Halimbawa:

1. Isa sa mga dapat tandaan ng kabataan sa kasalukuyan ay ang kahalagahan ng


pagkakaisa upang makamit ang inaasam na kaunlaran ng bansa.

17 | P a g e
2. Gaya ng sinabi ko, hindi ako sang-ayon sa naging pahayag ng mga kritiko
sapagkat ito ay nagpapakita ng personal na opinyon na hindi hinango sa
makatotohanang datos.

D. Tiyak, Labis, Talaga, Sa katunayan


Mga Halimbawa:

1. Dinamdam ni kuya ang pagkawala ng kaniyang alagang aso; sa katunayan, ilang


araw din siyang naghanap at nagdikit ng poster tungkol dito.
2. Labis nag kalungkutang nadarama ng mga mamamayang Pilipino nang
mabalitaan ang pambobombang ginawa sa isang simbahan sa Jolo, Sulu.

E. Una, Pangalawa, Pangatlo


Mga Halimbawa:

1. Mahalaga para sa atin ang magkaisa, una upang matugunan ang suliraning
matagal nang kinahaharap ng bansa.
2. Pangalawa sa layunin ng pangulo ng bansa ay ang matugunan ang
pangangailangan ng mga karaniwang mamamayan lalong- lalo na ang mga
taong naghihirap.

GAWAIN 3: SUBUKAN MO!


Panuto: Bilugan ang mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto o pananaw ng isang
tao.

1. Sa palagay ko, hindi dapat na ikulong ang isang tao kung walang sapat na
ebidensiya na magdidiin sa kaniyang kasalanan.
2. Kung ako ang iyong tatanungin, mahalaga ang edukasyon sa bawat kabataan at
huwag nilang sayangin ang pagkakataon na makapag-aral.
3. Tayong mga Pilipino ay nagkakaisa; sa katunayan, tuwing may kalamidad ay
makikita nating nagtutulungan ang bawat isa upang sama-samang maligtas sa
sakuna o problemang kinakaharap.
4. Naniniwala ako na uunlad ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon.
5. Ayon sa DOLE, bumaba nang halos tatlong bahagdan ang bilang ng mga
Pilipinong umalis ng bansa upang magtrabaho.
________________________________________________________________________

18 | P a g e
PROGRAMANG PANTELEBISYON

Ang dulang pantelebisyon ay isang sining na


labis ding kinalulugdan ng taong-bayan. May layunin
itong magturo at pukawin ang kamalayan ng tao sa ibat-
ibang paksa na magsisilbing inspirasyon sa buhay ng
sinuman. May ibat-ibang programa ang pantelebisyon
na umaayon sa interesng manonood. Tulad ngibang
sining, taglay rin nito ang mga sangkap na
magpapatibay ng pananampalataya ng manonood sa
sayang dulot ng mga programang pantelebisyon. Taon-
taon may mga programang ginagawa sa mga programa
upang patok pa rin ang mga ito sa panlas ang tao. Mahalaga lamang na sa bawat
panonood ng programang ito ay suriing mabuti sapagkat maaaring mabago ng palabas
ang prinsipyo at pinaniniwalaan ng tao depende s layon at tono ng may akda.

Ang layon ay tumutukoy sa sa intensiyon o hangad ng may- akda sa


pagbabahagi ng kaniyang mga kaisipan sa mambabasa o manonood. Ito ay ang
pagpaparating ng kaisipan mula sa may akda tun go sa mambabasa.

Ang tono ay tumutukoy sa naghaharing damdamin sa tekstong binasa o


napanood. Ito ay maaaring masaya, malungkot, nagagalit, natutuwa, at iba pang
nagpapahayag ng damdamin. Tumutukoy rin ang tonos a pag-uugali ng may akda na
mahihinuha sa kaniyang pananalita—kung ang may-akda ba ay may positibo o
negatibong pananaw sa paksa. Ito ay makikilala ayon sa kahulugan ng salitang
naglalarawan na ginamit dito.

Maaaring nag dalawang ito ay magamit sa paghihinuha sa mga paksa ng mga


palabas sa telebisyon. Kahit na nasiyahan tayo sa mga palabas na ito mahalaga pa rin n
amaging mapanuri tayo sa ating mga pinapanood.

Maliban sa panonood ng balita, teleserye, noontime shows, reality shows, variety


shows, game shows, at talk shows ay naging popular din sa kasalukuyang panahon ang
panonood ng dokumentaryo sapagkat ang programang ito ang nagbibigay ng
impormasyon o kabatiran tungkol sa katotohanan o sitwasyon ng isang tao o lugar.
Layunin nitong imulat o matuto ang tao sa tunay na sitwasyon o pangyayari sa isang tao
o lugar.

Kilala si Kara David bilang respetadong mamamahayag at dokumentarista. Ang


mga programang tulad ng I-witness at Reporters’ Notebook ay kinagigiliwang panoorin

Panoorin ang dokumentaryo ng Reporter's Notebook: Tira-tirang pagkain o pagpag,


bumubuhay sa mahihirap na pamilyang Pilipino.I-klik ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=UyInDEOo9Vk

19 | P a g e
ng karamihang Pilipino dahil sa kahalagahan ng mga impormasyong ibinabahagi nito sa
mga manonood.
Basahin at unawain mo ang ilang paraan upang tagumpay na maisakatuparan
ang gagawing pananaliksik para sa isang dokumentaryo.

BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA


DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG
PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM


 Magpaalam sa taong gustong kapanayamin
 Kilalanin ang taong kakapanayamin
 Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
o Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam
o Teknik sa Pakikipanayam
o Bago Magpanayam

2. PAKIKIPANAYAM
 Magtanong nang maayos.
 Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa.
 Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
o Teknik sa Pakikipanayam
o Tagumpay sa Pakikipanayam

3. PAGKATAPOS NG PANAYAM
 Magpasalamat.
 Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam
http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm
o Pagkatapos ng Panayam

GAWAIN 4: TANONG KO SAGUTIN MO! (2)

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Anong gampanin ng telebisyon ang


ipinakita sa dokumentaryong ito?
2. Ano-ano ang pumukaw sa iyong
damdamin habang pinanonood ang
dokumentaryo?

20 | P a g e
MGA EKSPRESYONG HUDYAT NG KAUGNAYANG LOHIKAL

Sa pakikipagtalastasan, malaki ang nagiging kontribusyon ng paggamit ng


pangatnig at pang-abay upang maipakita ang pagkakasunod-sunod ng kaisipan o
kaugnayang lohikal sa isa’t-isa. Mahalaga ito sapagkat nagiging malinaw ang mensahe na
nais nating maiparating sa ating kausap o sa mga mambabasa. Pag-aralan ang ilan sa
mga ekspresyong ito.

A. Sanhi at Bunga – Ang pag-uugnay ng sanhi at bunga ay isang paraan ng


pagpapahayag at nangangailangan ng pagsusuri. Ang sanhi ay ang dahilan ng
pangyayari. Sumasagot ito sa tanong na “bakit nangyari?” Ang bunga naman
ay epekto o kinalabasan ng isang pangayyari. Sumasagot ito sa tanong na “ano
ang epekto?’ Ilan sa mga ginagamit sa ugnayang ito ay: dahil, bunga, kasi,
kaya, sapagkat, palibhasa at iba pa.

Halimbawa:
1. Nag-aral ng mabuti si Jia kaya tinanghal siyang balediktoryan sa kanilang
pagtatapos.
(Sanhi) (Bunga)

B. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili – Ang pag-aalinlangan at pag-aatubili ay


nagpapakita ng walang katiyakan, pagdududa o di paniniwala. Ang mga pang-
ugnay na tila, yata, baka, hindi sigurado, at marahil ay ginagamit upang
ipakita ang pag-aalinlangan o pag-aatubili sa isang gawain.

Halimbawa:
1. Baka napagalitan si Marie dahil ginabi tayo ng uwi.

C. Pagtitiyak at Pagpapasidhi – Ito ay nagpapakita ng kasiguraduhan o


katiyakan sa mga pangyayari samantalang ang pagpapasidhi ay pagpapakita ng
kalabisan ng pangyayari. Ilan sa mga ginagamit dito ay tunay, talagang,
walang duda, siyang tunay, sa katotohanan at siyempre.

Halimbawa:
1. Tunay na mahalaga nag ginawa ng ating pangulo sa pagpapalago ng ekonomiya
ng bansa.

D. Paraan at Layunin – ang ugnayang ito ay nagpapakita sa paraan na ginamit


upang makamit ang layunin. Ginagamit dito ang mga pang-ugnay na nang,
para at upang.

Halimbawa:
1. Nagsikap siya sa kaniyang pag-aaral para makatulong sa pamilya.

21 | P a g e
E. Paraan at Resulta – Isinasaad dito ang paraan na ginamit upang makuha nag
resulta o bung ana inaasahan. Karaniwang ginagamit dito ang katagang sa.

Halimbawa:
1. Nagbago ang kaniyang buhay sa tulong ng mga kaibigan.

F. Kondisyon at Resulta – Ito ay nagpapakita ng ugnayan sa isipang may


pasubali o di ganap at ang resulta ng kondisyon na ito. Ginagamit dito ang mga
pang-ugnay na pag, kapag, disin, sana, kung, sakali at iba pa.

Halimbawa:
1. Kung hindi ka dumating, siguro napahamak na ako sa kaniya.
________________________________________________________________________

GAWAIN 5: SANAYIN MO!


Panuto: Bilugan ang mga ekspresyong ginamit sa pag-uugnay ng mga kaisipan sa mga
pangungusap.

1. Palibhasa laki sa layaw, lahat ng gusto ay nasusunod.


2. Nag-iipon siya ng pera para makabili ng gamit ngayong pasukan.
3. Nagsisikap siya sa kaniyang trabaho kaya ngayon may sarili na siyang bahay.
4. Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay kung magsisikap lamang.
5. Nagsisikap siya sa kaniyang trabaho kaya ngayon may sarili na siyang bahay.

GAWAIN 6: TIYAK NA KAALAMAN


A. Panuto: Tukuyin kung alin sa sumusunod na pahayag ang katotohanan (facts),
hinuha (inference), opinyon, at personal na interpretasyon ng kausap. Isulat ang letrang
A kung katotohanan (facts), B kung hinuha (inference) C kung opinyon at D kung
personal na interpretasyon. Isulat nag titik g sagot sa patlang bago ang bilang.

Mga Pahayag
_____1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isat isa.
_____2. Batay sa tala ng Philippine Statistic Office ay patuloy ang paglobo ngpopulasyon
sa Pilipinas.
_____3. Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng kaniyang ama.
_____4. Maaaring magdulot ng malaking problema sa lipunan kung ipipilit nating gawin
nag proyektong ito.
_____5. Sa ganang akin, hindi maganda na pabayaan ang isang taong nangangailanagn
ng tulong pinansiyal lalo na kung may kakayahan din tayong tumulong.

B. Panuto: Sumulat ng mga pahayag mula sa sumusunod na paksa gamit ang mga
ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.

1. Sanhi at Bunga (kaya): kahirapan

22 | P a g e
________________________________________________________________________
2. Paraan at Layunin (upang): paglobo ng populasyon
________________________________________________________________________
3. Kondisyon at Resulta (kung): Pagtuturo ng guro
________________________________________________________________________
4. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili (marahil): Paggamit ng Gadget
________________________________________________________________________

GAWAIN 7: JOURNALIST- BROADCASTER AKO!


Isa kang mamamahayag o journalist/ broadcaster. Ikaw ay naatasang
magsaliksik kaugnay ng napapanahong isyu sa ating bansa.

Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip para sa isang


komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging bahagi ng isang dokumentaryong
pantelebisyon.

Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan mong sumulat


ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at komentaryo kaugnay ng iyong
napiling paksa o isyu. Inatasan kang manaliksik upang magkaroon ng wasto at
mapanghahawakang impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa
paksa o isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang mamamahayag na
siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo – ang KABOSES.

Kung ikaw naman ay makikiisa sa Pagbuo ng Dokumentaryong Pantelebisyon,


kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na makapagbabahagi ng impormasyon o
kaya naman ay may mahalagang opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang
iskrip na iyong mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa
KABOSES Station Channel

Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong
panradyo o dokumentaryong pantelebisyon:

 Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba?


 Ang mundo ba’y sadyang sa pera umiikot?
 Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad?
 Bagong teknolohiya sagot nga bas a pag-unlad?

Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na malinis at
maayos ang pagkakasulat nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong gawa ang mga rubric
na ginamit sa pagtataya ng komentaryong panradyo at dokumentaryong pantelebisyon.

Kriterya Deskripsiyon Puntos Nakuhang


Puntos

23 | P a g e
Nilalaman Ang presentasyon ay may tiyak na 10
layunin o tema. Ang lahat ng
ipinakita rito ay may tiyak na
kaugnayan sa layunin at lubhang
makabuluhan.
Gramatika (Tamang Lahat ng mga salita o 10
paggamit ng pang- pangungusap ay napakahusay na
ugnay) naiuugnay dahil dahil lahat ng
pang-ugnay ay nagamit nang
wasto at malianw
Pagkamakatotohana Nakapanghihikayat ang mga 10
n ng pangyayari dokumentaryong ginawa dahil
kapani-paniwala at
makatotohanan ang inilahad na
pangyayari.
KABUUAN 30

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGLILIPAT


______________________________________
Magaling! Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa at natapos ang
bahaging ito ng gawain.

Ngayon ay handa kana sa susunod na aralin.

REFERENCES:
*SINAG SA IKA-21 SIGLO 8 (Joes k-12)
 Jean Lopez-Royo
 Diana Gracia L. Lacano
 Maida Limosnero- Ipong

*PEAC

24 | P a g e
Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular
ARALIN 3
Ikatlong PANITIKAN: DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA
Markahan WIKA: KOMUNIKATIBONG GAMIT NG MGA PAHAYAG

Most Essential Learning Competency:


 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang
ginagamit sa mundo ng pelikula
 Naihahayag ang sariling pananaw tungkol
sa mahahalagang isyung mahihinuha sa
napanood na pelikula
 Nagagamit ang kahusayang gramatikal.

Learning Targets:
 Kaya kong matukoy ang Komunikatibong
Gamit ng mga Pahayag
 Kaya kong makapagsusuri ang isang
dokumentaryong pampelikula
 Kaya kong matukoy ang iba’t- bang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera
 Kaya kong makagawa ng ng isang multimedia campaign o kampanya tungo sa
kamalayang panlipunan gamit ang multimedia na maglalahad sa isang suliraning
kinasasangkutan ng kabataan gamit ang iba’t ibang midyum.

_Formation Standard: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan sa


paggamit ng makabagong teknolohiya sapamamagitan ng pagbuo ng isang multimedia
campaign o kampanya tungo sa kamalayang panlipunan gamit ang multimedia na
maglalahad sa isang suliraning kinasasangkutan ng mga kabataan gamit ang iba’t ibang
midyum.

PAGTUKLAS
______________________________________________________________
Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan at napanonood ay may
malaking impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay.
Marahil ay lubos kang kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo
na’t kung ang ating mga pinanonood ay yaong makabuluhan at maiuugnay sa
ating pang-arawaraw na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong
pampelikula na ating napapanood.

Ang bahaging ito ang makapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat mong malaman
kaugnay ng modyul na ito.

Bilang pagsisimula ay gawin mo ang panimulang gawain na magtataya sa iyong


panimulang kaalaman tungkol sa paksa. Simulan mo na!

25 | P a g e
GAWAIN 1: TIC- TAC- TOE!
________________________________________________________________________
Panuto: Kumpletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga sagot sa bawat
bilang.

1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong
mas maging makatotohanan.
D_ _ U_ _ _ T _ _ Y _
2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga
patimpalak.
S_ _ D_ _T I _ _ _ _ _ _ D _ N _ _ I _ M.
3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo ng mga
tauhan at artista.
I___I_
4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent Film ay si
B_ _ll_ nt_ _e _do_a.
5. Si _ o _ _ _ a _ _ in ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at produkto ng
Indie Films

Sadyang ‘di maikakaila ang laki ng impluwensiya ng pelikula sa buhay ng mga


Pilipino, at ‘di maitatangging kabilang ka rito. Bahagi na ito ngayon ng tinatawag
nating kulturang popular o “pop culture”. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na
kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao sa kasalukuyan ito man ay may kinalaman
sa adbertismo, mga produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita,
lebel ng wikang ginagamit, pinanonood at maging binabasa. Sa ganito ring konsepto,
umusbong ang Panitikang Popular, mga anyo ng panitikan na makabago ang mga
dulog at pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong pamamaraan, estilo at anyo.
Partikular na ito’y binabasa at pinanonood ng kabataang tulad mo. Kabilang na rito
ang mga nauna mo nang napag-aralan, ang print media, broadcast media at ang
paksang iyong matututuhan ngayon, ang Dokumentaryong Pampelikula. Pangunahing
layunin ng Dokumentaryong Pampelikula ang magbigay-impormasyon, manghikayat,
at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong
ekspresiyong biswal na nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao at sa
lipunang ginagalawan. Ipagpatuloy mo na ang pag-aaral ng araling ito. Natitiyak kong
lubos kang masisiyahan. Tayo na!

_______________________________

26 | P a g e
PAGLINANG/ PAGPAPATIBAY
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang
mahahalagang konsepto sa aralin.

Batid ko na mayroon ka ng kaalaman tungkol sa mga dokumentaryo at


pelikula. Sa tinatawag nating panitikang popular ngayon, ito ay pinagsama, kaya’t
tinawag itong “dokumentaryong pampelikula”. Lubha kang magiging interesado sa
paksang ito, lalo na sa isang katulad mong kabataan na sa kasalukuyan ay nabubuhay sa
modernong panahon na laganap na ang mga modernong teknolohiya na naging bahagi
na ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit bago ang lahat, mayroon tayong
mahalagang tanong na magiging gabay mo sa pagtalakay ng araling ito. Aalamin mo
kung paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa
pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan?

Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon? Kung oo ang iyong sagot, isa
ka sa maraming tumatangkilik ng broadcast media.

Sa bahaging ito ng aralin, nais kong basahin at unawain mo ang konsepto ng


Dokumentaryong Pampelikula at Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag. Simulan mo
na!

Ang una mong dapat isagawa ay basahin ang


buong teksto, at panoorin ang pelikula mula sa
ibinigay na link. Makatutulong ito upang malaman
mo kung paanong ang isang dokumentaryong
pampelikula ay mabisang instrumento sa
pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong
panlipunan?

Maaari mo
pampelikula. Pinamagatan itong “Manoro” (The
Teacher). Ang salitang manoro ay
nangangahulugang “tagapagturo” o “guro” sa katutubong wika ng mga kapatid
nating Aeta. Ito ay may kinalaman sa isang batang katutubo, isang Aeta na nagtapos ng
kaniyang elementarya sa isang mababang paaralan sa Angeles City, Pampanga at kung
paano niya tinuruan ang kaniyang kababayan sa kabundukan na bumasa, bumilang at
sumulat. Ngunit bago mo ito, kilalanin mo muna ang batikang direktor nito. Basahin ang
kasunod.

27 | P a g e
Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay ayon sa
direksiyon ni Brillante Mendoza, isa sa pinakamahusay na
direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa paglikha ng
mga Independent o Indie Films o yaong mga pelikulang
malaya sa kanilang tema at pamamaraan na ang
pinakalayunin ay buksan ang kaisipan ng mamamayan
tungkol sa mga isyung panlipunan. Ang nasabing
dokumentaryo ay nilapatan ng cinema verite, kung saan
aktuwal na nagtagpo at nakunan ang mga pangyayari ng
filmmaker ang kanyang film subject, upang mas higit itong
maging makatotohanan. Tunay ngang bahagi na ito ngayon
ng ating kultura at panitikang popular.

Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang “pinilakang-


tabing”. Kabilang na rito ang “Manoro” (The Teacher) na pinarangalan sa
CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng Best Picture at Directors Award sa
Cinemanila 2006. Ilan din sa kaniyang sikat na mga obra ay ang Foster Child (John
John); Tirador (Slingshot) Lola at marami pang iba. Dahil kay Mendoza, muling naitayo
sa pedestal ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng film-making at film industry bilang
isang internasyonal na likhang-sining ng mga Pilipino.

Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa kabila ng pagiging


limitado nito sa iba’t ibang pamamaraan. Kapag pinanood ang buong pelikula,
mapapansin na ang pangunahing gamit na wika ng mga tauhan ay ang mismong
kanilang “mother tongue” o katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim nito na
nakasulat sa wikang Ingles. Kaya’t isang hakbang rin na isinagawa ng manunulat ay ang
pagsasalin nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng nakararami. Lahat ng ito ay
isinagawa upang lubos na matutuhan at mapahalagahan ang isa sa pinakamagandang
Obra-Maestra na pambuong daigdig ang “Manoro” (The Teacher) o “Manoro” (Ang
Guro). Si G. Brillante Mendoza na nagkamit ng internasyonal at prestihiyosong mga
parangal sa industriya ng pelikula sa loob at labas ng bansa.

28 | P a g e
Tandaan ang mahahalagang detalye nito para sa isasagawang mga pag-aaral at
analitikong pagsusuri. Patalasin mo ang iyong isip at pairalin ang iyong imahinasyon nang
sa ganoon kapag ito naman ay iyong pinanood bilang isang pelikula ay mas malawak ang
iyong magiging kaalaman sa isang dokumentaryong pelikula na katulad nito.

“MANORO” (Ang Guro)


(Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon)
Hinalaw at Isinalin ni
Jet Oria Gellecanao

“MANORO” (Ang Guro)


Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong Pampelikula

Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng
“kamangmangan” o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila
nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang nagpasimula
ng ating kabihasnan at kung anong klase at pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo
ngayon. Tunay ngang ito ay isang realisasyon at pagkamulat para sa ating lahat. Hunyo
taong 1991, isang malaking trahedya ang naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng
matagal nang nananahimik na Bulkang Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga,
gumimbal ang pangyayaring ito sa buong daigdig dahil maging ang klima ng daigdig at
ilan sa mga bansa nito ay naapektuhan. Ang mga katutubong Aeta ay napilitang bumaba
ng mga kabundukan at nanirahan sa mga patag na lugar malapit sa kabayanan, kaya
naman ito rin ang naging daan upang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa
mga paaralan na malapit rito.

29 | P a g e
Panoorin mo kung paanong ang isang batang babae na nasa ikaanim na baitang
sa elementarya maging sa isang simpleng pamamaraan mula sa kaibuturan ng kaniyang
puso ay gumawa ng isang pagbabago sa kasaysayan ng lahing katutubo. Puntahan ang
link sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=KLXTvH7b1hI

Maraming salamat at binigyan mo ng pansin at pinanood ang link na ibinigay sa iyo.


Mula sa dokumentaryong pampelikula na iyong napanood batid naming namulat ang
iyong isipan sa tunay na kalagayan ng mga katutubo sa mga kabundukan, ang
kanilang lagay sa lipunan at ang tunay na kahalagahan ng edukasyon. Kaya naman,
ang isang dokumentaryong pampelikulang tulad nito ay isang matibay na instrumento
upang maipamulat sa bawat isa sa atin ang katotohanan ng buhay. Higit pa nating
palawakin ang iyong kaalaman tungkol dito. Basahin ang sumusunod na Ugnay-
Panitikan:
Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong pampelikula
sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon, manghikayat,
magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong
pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at
katotohanan.
Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga
Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing
inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga tao
sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang “aktuwal na tanawin o eksena”. At sa
patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na
dokumentaryo tulad ng “travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”.

Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito
ang naging instrumento laban sa politika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito
ang realidad. Naging “wartime propaganda”, ethnographic film, at nagsilbing
inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng
tinatawag na “Cinema Verite” ang salitang French na nangangahulugang “film truth”
o “pelikula totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at
paguugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng “filmmaker” o tagalikha ng pelikula at ng
kanyang “film subject” o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas
nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo.

Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga


nabanggit, karaniwang nauuso ang mga “Independent o Indie Films”, “Short
Films”, “Advertisements” at mga “Video Advocacies” bilang bahagi ng kulturang
popular at panitikang popular nating mga Pilipino.

30 | P a g e
Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong dokumentaryong
pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento:
Mga Elemento ng Pelikula
a. Sequence Iskrip Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento
sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng
kuwento.
b. Sinematograpiya Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood
ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong
timpla ng ilaw at lente ng kamera.
c.Tunog at Musika Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan
ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes
at amdamin ng manonood.
Iba pang mga Elemento
a. Pananaliksik o Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng
Riserts dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap
nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng
palabas.
b.Disenyong Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit
Pamproduksyon at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na
pagkukuwento.
c. Pagdidirihe Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano
patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.
d.Pag-eedit Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga
negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay
muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang
hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan
ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang
isang pelikula.

Nabatid natin na upang maging nakasisiya at mabisa ang isang dokumentaryong


pampelikula, mahalagang isaalang-alang ang bawat kuha at anggulo ng kamera na
tinatawag na camera shots and angles nito sapagkat lalo nitong pinagaganda ang
screenplay ng isang obra maestra. Malaki rin ang bahaging ginagampanan nito sa
emosyon, lalim at kakintalan at ang magiging implikasyon ng isang dokumentaryo sa
mga manonood nito.

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera

1. Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”.


Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya
ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.

31 | P a g e
2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas.
Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng
dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong
detalye.
3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa
ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.
4. Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang
pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up. Halimbawa, ang pokus
ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha.
5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o
pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
7. Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na
nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi.
Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong

GAWAIN 2: TAPON- BALIK SA PANITIKAN


A. Muli nating balikan ang iba’t ibang eksena mula sa dokumentaryong pampelikula
na “Manoro” (Ang Guro), Para sa iyo, ano ang mga nais bigyang tuon
nito? Isulat ang sagot sa papel.

B.

Isulat kung anong uri ito ng camera shot at ipaliwanag ang nais nitong ipahiwatig.

32 | P a g e
URI NG KUHA:

____________________________________________________________
NAIS IPAHIWATIG:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

URI NG KUHA:

______________________________________________________________
NAIS IPAHIWATIG:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

URI NG KUHA:

______________________________________________________________
NAIS IPAHIWATIG:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

33 | P a g e
Isa pang mahalagang aspeto ng
dokumentaryong pampelikula ay ang
Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga
Uri ng Pagpapahayag. Sa pamamagitan nito, higit
nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng
tauhan sa paraan ng kaniyang mga pananalita.

Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat


pahayag na ating sinasabi ay tumutugon sa
anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag
gamit ang wika upang epektibo nating maiparating ang ninanais na mensahe o reaksyon.
Pansinin mo ang sumusunod na pangungusap.

a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin


1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (pagtanggap)
2. “Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?” (pagaalinlangan)
3. “Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang
yaon.” (pagtanggi)
4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” (pagsang-ayon)
5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.”
(pagsalungat)

b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at


ipinadarama
1. Pagbibigay-babala “Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.”
(pagbibigaybabala) “Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”
2. Panghihinayang “Sayang, tama sana ang aking kasagutan.” “Kung
naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon.”
3. Hindi Pagpayag “Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.”
“Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong isagawa.”

GAWAIN 3: PAHAYAG KO, TUGON MO


Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong napanood. Alamin kung
anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap. Pillin ang tamang
sagot mula sa kahon sa ibaba.

Pagtanggi Pagsang-ayon Pagbibigay-babala Panghihinayang


Panghihikayat Pagsalungat

“Ama mag-ingat ka sa iyong “Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat


paglalakbay, mapanganib sa daan!” kasama natin siya sa pagboto.”

34 | P a g e
2. 1.

“Sa ginagawa nilang iyan, inaagawan “Hindi na ako bomoto, dahil naniniwala
nila ng tahanan ang mga ibon.” akong hindi naman ito
makapagpapababa at makababawas ng
aking pagkatao.”
3.
4.

“O sige, mag-aaral tayo pagkatapos ng


5.
pananghalian natin.”

Simulang sagutin ang inihandang gawain.

GAWAIN 4: KATUTUBO- KAPATID, KAPAMILYA’T KAPUSO


Sumulat ng isang talata na binubuo ng 20 pangungusap tungkol sa kung paano
pahahalagahan ang mga kapatid nating katutubo. Gumamit ng mga pangungusap na
may angkop na komunikatibong pagpapahayag. Lapatan ito ng sariling pamagat.
_____________
PAGLILIPAT
Dapat nating maunawaan na lahat ng mga midyum na tinalakay sa bawat
aralin ng Modyul 3, kabilang ang Kompyuter o ICT bilang malaking bahagi ng
Kulturang Popular tungo sa mga Panitikang Popular na umiiral sa
kasalukuyan. Basahin at unawain mong mabuti ang nakaatang na gawain
para sa iyo at ng iyong mga kamag-aral. Basahin ang nakasulat sa loob ng
kahon:
________________________________________________________________________

GAWAIN 5: PERFROMANCE TASK


Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga likhang-
sining na tumatalakay sa mga suliraning panlipunang kinasasangkutan ng kabataan.
Bukas ang patimpalak sa lahat at hinihikayat ang mga barangay na lumahok dahil sa
tampok na paksa. Nakita ng pamunuan ng inyong barangay ang oportunidad ng
naturang patimpalak sa pagpapaigting ng responsibilidad at paninindigan ng kabataan sa
inyong baranggay. Ikaw ang pinili ng barangay na maging kinatawan. Bumuo ka ng
isang multimedia campaign o kampanya tungo sa kamalayang panlipunan gamit ang
multimedia na maglalahad sa isang suliraning kinasasangkutan ng kabataan ng inyong
barangay at mga paraan upang masolusyunan ang mga ito. Ang materyal na iyong
bubuuin ay huhusgahan gamit ang sumusunod na pamantayan: komprehensibong

35 | P a g e
paglalahad, malikhaing paggamit ng wika, kahusayang teknikal at praktikal na
mga rekomendasyon.

Ang iyong mabubuong kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social


awareness campaign ay maaaring ilathala gamit ang iba’t ibang midyum na iyong
natutuhan mula sa modyul na ito. Nariyan ang print media na gamit ng mga
kontemporaryong uri ng panitikan gaya ng komiks. Maaari ka rin namang bumuo ng
isang dokumentaryo o documentary clip sa anyong video na siya namang ginagamit
na midyum sa pagpapalabas ng mga dokumentaryo sa telebisyon at pelikula.
Inaasahang maitatampok sa iyong bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral sa
inyong baranggay at ang magagawa ng mga kabataang tulad mo sa paglutas ang mga
umiiral na suliranin ayon sa inyong taglay na kakayahan at abilidad.

Ngunit bago ninyo ito tuluyang simulan, kinakailangang makalikha kayo ng isang
balangkas sa isasagawang campaign material. Kabilang na rito ang inyong mahahalagang
mga plano para maisakatuparan ang proyekto. Maisasagawa lamang ito kung makalilikha
kayo ng sequence at dialogue script na siya ninyong magiging batayan para sa
pangkalahatang produkto.

Bago mo tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang


mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip para sa mga
eksena sequence script at iskrip na pandiyalogo

1. Bumuo ng grupo na hindi tataas sa sampung miyembro.


2. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging makatotohanan
upang higit itong maging kapani-paniwala.
3. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang
maging malikhain.
4. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo. Gamitin ang iba’t
ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo gamit ang wastong wika nito.
5. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa pagsulat
ng mga diyalogo.
6. Dapat na magkakaugnay ang bawat diyalogo at eksena ng isang mabisang iskrip.

Note: Ang proyektong ito ay maaring ipasa sa Pebrero 20 o bago ito sumapit.

36 | P a g e
Kriterya Deskripsiyon Punto Nakuhang
s Puntos
Masaklaw na Komprehensibo at makabuluhan 4
paglalahad ng ang napapanahong mga
napapanahong impormasyong inilalahad sa
impormasyon materyal alinsunod sa paksang
itinatampok
Masining at maingat na Natatangi ang paggamit ng wika ng 4
paggamit ng wika kabataan nang higit pa sa
inaasahang pamamaraan sa
materyal.
Mahusay na aspetong Tipong propesyonal ang 4
teknikal pagkakagawa sa materyal dahil sa
husay ng pagtatagpitagpi ng mga
elemento nito.
Pagkapraktikal ng inilahad na rekomendasyon ay 4
rekomendasyon nagmumungkahi ng kaisipang
pangmatagalan sa kamalayan ng
madla
KABUUAN 16

REFERENCES:
*SINAG SA IKA-21 SIGLO 8 (Joes k-12)
 Jean Lopez-Royo
 Diana Gracia L. Lacano
 Maida Limosnero- Ipong

*PEAC

CHECKLIST SA MGA GAGAWING PAGSASANAY:

___Gawain 1: TIC- TAC- TOE


___Gawain 2: TAPON BALIK SA PANITIKAN
___Gawain 3: PAHAYAG KO, TUGON MO!
___Gawain 4: KATUTUBO- KAPATID, KAPAMILYA’T KAPUSO
___Gawain 3: PERFORMANCE TASK

37 | P a g e
38 | P a g e
39 | P a g e

You might also like