You are on page 1of 19

8

NAME:___________________________________________________________
GRADE AND SECTION:______________________________________________

FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 1:
Mga Anyo ng Kontemporaryong
Panitikan

Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Oriental Mindoro


FILIPINO – Baitang Walo
Contextualized Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Oriental Mindoro


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Susana Marasigan Bautista
Pangalawang Tagapamanihala ng mga Paaralan: Rafael G. Manalo PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Renalyn O. Anyayahan, Dalubguro II


Editor: Flordeliza R. Ortal, Dalubguro
Tagasuri: Edgardo J. Villarba PhD, Punongguro II
Tagaguhit: Renalyn O. Anyayahan, Dalubguro II
Tagalapat: Rhea T. Bejasa, Guro III
Tagapamahala:
Susana Marasigan Bautista, Tagapamanihala ng mga Paaralan
Rafael G. Manalo PhD, Pangalawang Tagapamanihala ng mga Paaralan
Charity R. Agabas- Capunitan, Hepe ng Pandibisyong Tagapagpaganap ng Kurikulum
Elmer P. Concepcion, Tagamasid Pansangay,LRM-Tagapangasiwa
Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay-Filipino
Cleofe Z. Padrones, Tagamasid Pampurok
Nepomuceno T. Gardoce PhD , Punongguro III

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Dibisyon ng Oriental Mindoro
Office Address: Barangay Sta. Isabel, Calapan City
Telefax: (043) 2887810
E-mail Address: oriental.mindoro@deped.gov.ph
BAITANG 8 Mga Anyo ng Kontemporayong
Ikatlong Markahan
Unang Linggo Panitikan

MELC :Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa


paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng
salita, pagbuo ng talata,pagbuo ng pangungusap. :Nabibigyang
kahulugan ang mga lingo/termino na ginamit sa mundo ng
multimedia. Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap
ng mga ideya sa pagsulat ng balita, komentaryo at iba pa

Layunin :Natatalakay ang kaligirang kasaysayan ng panitikan sa panahon


ng kontemporaryo
:Naiisa-isa ang mga katangian at halimbawa ng panitikang
popular na umusbong noong panahon ng kontemporaryo hanggang sa
kasalukuyan
: Nailalahad ang mga lingo/termino kasama ang kahulugan ng
mga ito na ginamit sa mundo ng multimedia bilang makabagong platform ng
panitika
:Nasusuri ang anyo at istruktura, nilalaman, at layon ng mga
poular na basahin batay sa paksa, layon, tono, pananaw at paraan ng
pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap

Subukin Natin

Panuto: Punan ang kahon ng mga letra upang makabuo ng salita na angkop
sa katanungan.

1. Sistema sa pakikipag-ugnayan sa mga mga tao na kung saan sila ay


lumillikha , nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga
ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

O L M D
2. Pinaksikat na na social media online sa ating bansa.

A C O

3. Isang online news at social networking service kung saan ang mga user
ay nagpopost at nag-iinterak gamit ang mensaheng tinatawag na
“tweet”.

T I R

4. Isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling


kwento.

A G I

5. Ito ang terminong ginagamit ng mahilig sa social media ng pagbabahagi


ng mga post.

S R E

Ating Alamin at Tuklasin


Mahilig ba kayong magbasa? Ano-anong babasahing popular ang
kinagigiliwan ninyong basahin? Halina at simulan nating paunlarin ang
inyong kaalaman at kakayahan sa pag-alam ng mga popular na babasahin.
Basahin muna natin kung paano nagsimula at lumaganap ang mga popular na
babasahin na kinagigiliwan natin ngayon.
Kaligirang Kasaysayan ng Kontemporaryong Panitikan
Panahon ng Amerikano
Kung relihiyon ang naging ambag ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon
naman ang naging pangunahing pamana sa atin ng mga Amerikano. Naigupo
ng mga Amerikano ang mga manghihimagsik na Pilipino ngunit ang diwa at
damdaming nasyonalismo ay hindi tahasang napasuko.
Lubusan itong nakita sa panitikan. Ang lahat ng uri ng panitikan ay hindi
pinalagpas ng mga manunulat na Pilipino gaya ng dula, tula, sanaysay, nobela,
kuwento, talumpati at iba pa. Sa panahong ito isinilang ang mga makatang
Pilipino na naging tanyag na manunulat sa Ingles at Tagalog.
Kung sasaliksikin, makikita na mas maraming nailathalang panitikan sa
panahon ng Amerikano kung ihahambing sa panahon ng Kastila gayong
mahigit 300 taon tayo nasakop ng mga ito.
Nagkaroon ng pansamantalang Kalayaan sa pamamahayag ngunit sa
paglipas ng panahon, hinangad ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga
Amerikano ngunit hindi naging madali ang pagkamit ng kalayaan.
Ipinatupad ang batas sedisyon noong Nobyembre 4,1901 na nagsasabing
hindi maaaring magsulat nang lantaran o pahiwatig na makapag-aalab sa
damdaming makabayan laban sa mga Amerikano.
Ang pagtuligsa sa pamamalakad ng mga Amerikano ay labag gayong
pawang pansariling interes lamang ang kanilang hangad.
Kinasangkapan ang dula upang ipahayag ang kanilang niloloob at
makabayang pananaw. Ginamit ng mga manunulat ang pluma. Ang kaluwagan
na makapagsulat ay ginamit ng mga Pilipino upang maisatitik ang kanilang
karanasan, paghihirap sa buhay at mga pangarap.
Narito ang ilan sa mga manunulat na nagpakita ng marubdob na
pagmamahal sa bayan.
Mga Kilalang Manunulat sa Panahon ng Amerikano
1. Severino Reyes - Kinikilalang “ama ng sarswelang Tagalog. ”Naging
tanyag sa akdang Walang Sugat. Si Severino Reyes din ang unang patnugot
ng lingguhang Liwayway kaya tinawag din siya
ng ibang manunulat na ama ng Liwayway.
2. Hermogenes Ilagan - Kilala sa lahat ng dako sa tawag na Ka Mohing.
Masasabing hindi lamang siya kapanahon kundi kapantay ni Severino Reyes
sa pagsulat ng sarswela. Nagtatag ng Compaña Ilagan na nagtatanghal ng
dula sa buong Luzon.
3. Patricio Mariano - Nagsulat at namatnugot ng maraming pahayagan gaya
ng Los Obreros, Renacimiento Filipino, Katwiran, Lunas ng Bayan at Taliba.
Binansagang “anak ng pahayagang Tagalog”.
4. Lope K. Santos - Ang “Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa” ay isang
makata, kuwentista, nobelista, guro, pulitiko at lider ng manggagawa.
Mahalagang ambag niya sa panitikan ang Banaag at Sikat.
5. Jose Corazon De Jesus - Tinaguriang “unang hari ng balagtasan” sa
husay niya sa pakikipagtalong patula. Sampung taon siya nang sumulat sa
pitak na “Buhay Maynila” sa Taliba at dito niya ginamit ang sagisag na
Huseng Batute. May 4 na libong tula ang naipalathala niya. May 800 tulang
liriko at 300 tulang pasalaysay ang naipalathala niya sa iba’t ibang magasin.
6. Amado V. Hernandez - Isang mahusay na nobelista at kuwentista na
nabilanggo dahil sa maling paratang na komunista. Maka-25 ulit siyang
itinanghal na “makatang lauredo” ng Pilipinas. Kilala sa aklat na may
pamagat na Isang Dipang Langit na naglalaman ng 170 tula na karamihan ay
isinulat sa Muntinglupa at sa nobela niyang Luha ng Buwaya at Ibong
Mandaragit na lumikha ng ingay sa mga Pilipino noon.
Panahon ng Bagong Lipunan – Kontemporaryo
Taong 1972 ang pagpasok ng panahon ng Bagong Republika kung saan
nagkaroon ng malaking pagbabago sa kinahiligang babasahin ng mga
Pilipino.Sa panahong ito, sumigla ang panitikang Pilipino. Marami ang
nagnasa na makasulat maging ito man ay sa Ingles o Tagalog.
Nagbukas muli ang imprentahan ng mga pahayagan, komiks at mga
magasin. Nahumaling ang mga mamamayan sa pagbabasa ng mga serye ng
kuwento sa Liwayway magasin gayon din sa komiks.
Nagtatag ang pamahalaang ng bagong kagawaran na tinawag na Ministri
ng Kabatirang Pangmadla na siyang mamamahala at susubaybay sa mga
pahayagan, aklat at iba pang babasahing panlipunan.
Nagpatuloy ang Carlos Palanca Memorial Award at Gawa ng Surian ng
Wikang Pambansa sa pagbibigay ng parangal sa mga mahuhusay na
manunulat. Lumawak ang kaalaman sa sining ng pagsulat ng mga Pilipino.
Nagkaroon ng interes ang mga manunulat na lumikha ng mga aklat
pampaaralan kabilang na dito ang pambalarila at pampanitikan. Ang mga akda
ng mga dakilang manunulat noong unang panahon ay nabuhay na muli
sapagkat ang mga ito ay isinama sa mga babasahin ng mga bagong manunulat.
Namayagpag din sa panahong ito ang dulang pantanghalan. Sa
katunayan, maraming naipatayong gusali kabilang na ang U.P. Mobile
Theater, Arena Theater, Tambuli Playhouse at Cultural Center of the
Philippines Theater, Metropolitan Theater at Folk Arts Theater. Maging ang
panonood ng mga pelikula ay inangkilik din ng mga Pilipino ngunit ang paksa
ay malayo sa seks upang maiangat ang moral at mailayo ang mamamayan sa
masamang impluwensiya.
Sa paglipas ng maraming taon, kapansin-pansin ang pagbabagong bihis
at pagyabong ng panitikan sa bansa. Nagagamit ng mga manunulat ang
makabagong teknolohiya hindi lamang sa pag-ere sa radio o telebisyon kundi
maging sa mundo ng internet.
Nariyan ang paggamit ng makukulay na polyetos, mga bidyo, larawan
maging ang iba’t ibang social media platforms gaya ng “Facebook”, Twitter”,
“Instagram”, “Youtube” at marami pang ba na akma sa panlasa ng mga
netizens na naging tulay din sa pagpapahayag ng kanilang kaisipan, saloobin
at emosyon na hindi nakulong sa porma ng mga tradisyunal na babasahin.

Tayo’y Magsanay

Gawain I
Panuto: Isulat ang uri ng popular na babasahin na kinabibilangan ng
sumusunod na mga larawan.

____________1.

____________2.
_____________3.

______________4.

______________5.
Gawain 2

Panuto: Iguhit ang LIKE BUTTON ( ) kung ang pahayag ay kaugnay ng


kontemporaryong panitikan ay wasto at UNLIKE BUTTON ( )
kung hindi wasto.

__________1. Sinasabi na umunlad ang panitikan sa Panahon ng


Kontemporaryo.
__________2. Maraming manunulat ang nagnais na sumulat ng mga akdang
panitikan sa panahon ng Amerikano.
___________3. Nakilala ang mga babasahing katulad ng mga tabloid at
Broadsheet sa Panahon ng Amerikano.
___________4. Nabigyang pansin ang paggamit ng teknolohiya at paglikha
ng mga FACEBOOK, Twitter at Instagram sa Panahon ng Kontemporaryong
Panitiakn.
___________5. Ang kontemporaryong panitikan ay nasa anyong pasulat at
pasalin-dila.
___________6. Itinuturing na pinakasikat na magasin noon ang YES
MAGAZINE.
___________7. Ang panitikang Pilipino ay dumaan sa iba’t ibang panahon
ng pananakop.
___________8. Nagsulputan ang print media sa panahon ng pananakop ng
mga Kastila.
___________9. Ang mga Komiks ay sumikat at nakilala sa Panahon ng
Kontemporaryong Panitikan.
___________10. Nagbukas muli ang mga pahayagan at imprentahan sa
maraming mga kompanya sa Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano.

Ating Pagyamanin

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan


Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng
modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil,
nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na
ang kawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks at magasin ay
nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyonal na uri ng
panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan, at
kaalamang teknikal ang kontemporaryong panitikan.
Tabloid
Isang uri ng impormal na pahayagan na naglalaman ng pang-araw-araw
na kaganapan na ang kadalasang paksa ay tungkol sa karahasan, korapsyon o
seks. Mapapansin na ang laman ng balita ay tungkol sa korapsyon kung saan
apektado ang lahat ng Pilipino. Narito ang halimbawa ng tabloid.
Ang Nanay ng Kahirapan at kalamidad
ni Roy Señeres
Sang-ayon ako sa sinsabi ng maraming tao na malaking problema raw
ng ating bansa ay ang kahirapan at kriminalidad. On the other hand, gusto ko
ring iparating sa mga kababayan natin ang aking sariling pananaw na ang
kahirapan at kriminalidad ay mga anak lamang ng mas malaking problema ng
massive graft and corruption (MGC).
Ang perang dapat tinustos dito sa Pilipinas upang lumikha ng milyung-
milyong kabuhayan ay ninakaw ng mga tiwaling opisyal at itinatago nila sa
ibayong dagat. Dahil diyan sa kasamaang gingawa ng mga hangal na mga
taong ito, 5 milyon na sa atin ang jobless, 7 milyon na ang under employed at
8 milyon na ang nagpapa-alipin sa ibang bansa.
Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) naman ay walang
ginagawa sa ngayon dahil daw sa “chain of command”. Ito ang dahilan kung
bakit sa tingin ko, wala ng ibang tutulong sa atin kaya dapat tayo na lang ang
magtulungan.
Ang dapat gawin natin ngayon ay buhatin natin ang MGC at itapon
natin ito sa malalim na bangin ng kamatayan!

Magasin
Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming
artikulo, kuwento, larawan, anunsyo at iba pa. Kalimitang pinopondohan ng
mga patalastas. Masasabing ang Liwayway ang pinakasikat na magasin sa
Pilipinas na nagsimulang ilathala noong Nobyembre 18, 1922.
Nangungunang magasin na tinangkilik ng mga Pilipino
A. FHM (For HIM Magazine)- Ang magasing na ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na na nagiging
instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay
tulad ng buhay, pag-ibig at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
B. Cosmopolitan- magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo rito ay
nagsisilbing gabay upang upang maliwanagan ang kababaihan tungkol
sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at
aliwan.
C. Good Housekeeping- isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang
kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
D. Yes- Ang magasin tungkol dito sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito
ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at
malalaman na detalye tungkol sa mga pinasikat na artista sa bansa.
E. Metro- Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga
isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
F. Candy- Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at sulirani ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakakaunawa
sa sitwasyon ng mga mambabasa.
G. Men’s Health- Magasin na nakakatulong sa kalalakihan tungkol sa mga
isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-eehersisyo, pagbabawas ng
timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman
nito, kung kaya ito ay nagging paborito ng maraming kalalakihan.
H. T3- Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakkita rito ang mga
pinakhuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may
mga napapanahong balita at gabay sa pag-aalaga ng mga gadget.
I. Entrepreneur- Magasin para sa mga taong may Negosyo o nais
magtayo ng Negosyo.
Komiks
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang
komiks ng diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na
maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na
makaapekto nang may lalim.
Narito ang halimbawa ng komiks:

ni: Tarantadong Kalbo


Broadsheet
Pormal na uri ng pahayagan , karaniwang nakaimprenta sa malaking
papel at nakasulat sa Ingles na wika. Malawak ang nasasaklaw na wika.
Malawak ang nasasaklaw ng artikulasyon nito. Bukod sa mga balita sa loob ng
bansa, naglalaman din ang broadsheet ng mga internasyonal na mga kagaapan.
Maging ang palitan ng piso sa dolyar ay makikita din dito. Ang target reader
nito ay ang mga taong may mga kaya sa buhay.
Dagli
Mga sitwasyong may nasasangkot na tauhan ngunit walang aksyong
umunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang. Ito ay isang salaysay
na lantaran at walang-timping nangangaral, namumuna at nanunudyo, o kaya’y
nagpapasaring.

Rush Hour
ni Renalyn O. Anyayahan

Napabalikwas ng bangon si Cholo, tanghali na pala…ayaw na ayaw pa


naman ng kanilang Professor sa Filipino ang sila’y mahuhuli. Dali-dali syang
nagsalang ng tubig para sa kape, naligo at nag-toothbrush at mabilis na
nagbihis. Patakbong naglakad patungo sa sakayan ng jeep. Parang nanibago
siya sapagkat madali siyang nakasakay at maluwag ang jeep. Habang sakay ng
jeep kinuha niya sa kanyang bag ang kuwaderno sa Filipino at sinimulang
magbasa sapagkat naalala niyang may pagsususulit sila.
Nalibang si Cholo sa kanyang pagbabasa, nagulat na lamang siya ng
biglang humiyaw ang driver ng jeep” BSU, BSU, ‘yung bababa po” Napasigaw
siya ng “para po” huminto ang jeep at nagmamadali na namang bumababa si
Cholo. Habang naglalakad dali-dali niyang inilabas ang kayang ID at pagtapat
niya sa gate ng paaralan lalo siyang nagtaka sapagkat mabibilang lamang ang
tao sa loob ng compound. Tila nababaghan na napilitan siyang magtanong sa
guwardiya, “ Manong bakit kakaunti po yata ang pumasok ngayon?” napangisi
ang gwardiya at sinabing “Sir, sabado po ngayon, walang pasok”.
Mga Sangkap na Kailangang Isaalang-alang sa Pagsusuri
1. Tono (tone) - Tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang
isinulat. Ito ay maaaring mapagbiro, masaya o malungkot.
2. Layon (objective) -tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang
manunulat o awtor sa kanyang mambabasa. Ito ay maaaring manghikayat,
mang-impluwensiya, mangaral, magtanggol, mang-aliw, manlibang,
magbigay ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo,
magturo ng kabutihang asal at iba pa. Ang isang teksto ay maaaring
may dalawa o higit pang layunin depende sa hangarin ng manunulat.
3. Paksa (topic)- tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan o nilalaman nito.
4. Pananaw (point of view)- Ito ay nangangahulugan ng paraan ng
pagsasaalang- alang o pagsusuri sa isang bagay suliranin o pangyayari. Sa
pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ang nilikha ng
naglalahad at ng pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng
naglalahad.
5. Pagkakabuo ng salita- tumutukoy sa mga salitang pinili ng may-akda.
Maaaring pang-araw-araw na salita matalinghaga, o malalim na
mauunawaan ng mga mambabasa.
6. Pagkakabuo ng pangungusap/talata- tumutukoy sa paraan na ginamit ng
may-akda sa pagbuo ng pangungusap o talata. Maaaring sa paraan ng
pagbibigay ng tanong, pakronolohikal, pagbibigay ng pahayag o tuwirang
sabi.
Impormal na Komunikasyon
A. Di-Pormal – ito’y mga pang-araw araw na salitang ginamit sa
mga pagkakataong impormal. Gumagamit ng mga simpleng bokabularyo
na mabilis maunawaan ng mga tao.
1. Lalawiganin – ito ang mga salitang kilala sa isang munting pook lamang
at hindi gaanong kilala ng nakararami sa bumabasa o nakikinig.
Hal. nakain ka na? (kumain ka na?); dako (malaki); kabsat (kapatid)
2. Kolokyal- tawag sa pagpapaikli ng isang salita na ginagamit sa pang-
araw-araw na komunikasyon
Hal. lika (halika), meron (mayroon), nasan (nasaan), kelan (kailan)
3. Balbal –ito ang mga salitang oo nga’t ginagamit sa kasalukuyan ngunit
panlasangan naman. Ang mga salitang ito ay nahango lamang sa
pagbabago ng panahon. Ito ay ginagamit sa mga biruan, umpukan at sa
usapan ng mga taga-lansangan.
Hal. lespu, ermat, parak, toma, senglot, juding, gurang, yosi
4. Banyaga- Mga salitang mula sa ibang wika na walang salin sa Filipino.
Hal. tisoy, isay (Espanyol na meztiso, meztisa), Kosa (Russian Mafia:
Cosa Nostra)
Gamit ng mga Impormal na Komunikasyon sa Iba’t ibang
Sitwasyon
Ang wika ay daynamiko at nagtataglay ng maraming varayti dahil
nakadepende ito sa kultura, asal, antas ng pamumuhay, lugar, edad, kasarian,
at marami pang iba. Hindi natin ito kikilalanin bilang sagabal sa
komunikasyon bagkus ito ay yaman ng ating wika sapagkat nagagamit ang
mga ito upang magkaintindihan at matukoy ang pagkakakilanlan ng isang
tao. Gaya nga ng binanggit ng manunulat na si Virgilio Almario, “Kung ano
ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.”
Narito ang mga halimbawa ng impormal na komunikasyon
na madalas gamitin sa iba’t ibang sitwasyon:

IMPORMAL NA SITWASYON KOMUNIKASYON


SALITA
bogus (banyaga) Online selling sa “PM na lang po sa mga
PM (kolokyal) facebook interesado. ‘yung sure
-hindi totoo, peke buyer po at hindi yung
bogus.”
teluk (balbal) Sa paaralan “Teluk mo ‘tol sabi na
-makulit nga ni mam na
sasagutan lahat!”
SKL (kolokyal/balbal) Sa messenger “Uy! SKL, mataas
-share ko lang nakuha ko doon sa test
natin kay Sir!”
meron (Kolokyal) Sa trabaho “Meron pa po tayong
-mayroon dapat ipasa na report
kay boss sa Lunes.”
buang (lalawiganin) Sa bahay “Nabuang na sa
-baliw katatawa ang kapatid
mo dahil sa mga memes
na ‘yan.”
kosa (banyaga) Sa estasyon ng pulis “Nakakatuwa dahil
-kasama sa bilangguan ‘yung ka-kosa nung
mga nandito pa sa loob
e nagbagong-buhay na
talaga.”

Gawain 1. PICK ME!


Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot na tumutugon sa pahayag sa
ibaba.

Tabloid broadsheet dagli kolokyal


Balbal magasin lalawiganin komiks
Kontemporaryo Banyaga
1. Ito ay tumutukoy sa uri ng popular na babasahin na maliit kaysa sa
broadsheet at mayroong mga isyu na nangyayari sa loob ng bansa.
2. Ito ay tumutukoy sa di pormal na antas ng wika na kadalasang kilala sa
isang munting pook lamang.
3. Ito ay mga salitang panlasangan at nakikisabay sa panahon. Maituturing
na mababang antas ng wika.
4. Ito ay mga salitang mula sa ibang wika na walang katumbas sa Filipino.
5. Ito naman ang tawag sa pagpapaikli ng salita na madalas in na in at
ginagamit ng mga kabataan.
6. Ito ay mayroong iba’t ibang kategorya at ang target na mambabasa,
kadalasang naglalaman ng mga artikulo at ads.
7. Ito ay uri ng pahayagan na karaniwang nakaimprenta sa malaking papel
at nakasulat sa wikang Ingles.
8. Ito ay isang grapikkong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay
ginagamity sa pagsasalaysay.
9. Ito ay tumutukoy sa panahon na namulaklak ang panitikan at umusbong
ang mga popular na babasahin.
10. Ito ay tumutukoy sa popular na babasahin na maituturing na maikling
maikling kuwento.

Gawain 2: YOUR FACEBOOK UPDATE

Paksa: KONTEMPORARYONG PANITIKAN


YOUR FACEBOOK UPDATE:

Lumikha ng isang facebook post o kaya ay facebook hashtag na


nagpapakita ng inyong opinyon o damdamin kaugnay ng
kontemporaryong panitikan. Gumamit ng mga termino na ginagamit sa
multimedia. (hal. #SKL; Share ko Lang) Gamitin ang mga larawan ng
icon sa ibaba upang makalikha ng isang makabuluhang awtput. Gawin
ito sa isang bond paper.
NARITO ANG HALIMBAWANG AWTPUT KAUGNAY NG GAWAIN

“Para kang isang kontemporaryong


panitikan, ikaw na ang uso at palaging
pinagkakaguluhan”.#SKL

Gabay Para sa Gawain.

1. Mag-isip ng isang makabuluhang facebook post kaugnay ng inyong


natutunan sa araling tinalakay tungkol sa kontemporaryong panitikan.
2. Maghanda ng isang bondpaper. Isaayos sa anyong landscape o di kaya ay
portrait.
3. Sa tulong ng mga emoji at icon na nasa itaas bumuo ng isang facebook
wall at ilahad ang iyong facebook post.
4. Maaaring gupitin ang mga icon na ibinigay ng guro.
5. Maaari rin namang magsaliksik ng iba pang larawan sa internet.

Ang Aking Natutuhan


Hugis ng Pagkatuto
1. Ibigay ang hinihinging mga sagot sa mga hugis sa ibaba.
2. Sa taas na kaliwang bahagi, “Ang Puso”, isulat ang isang bagay na
iyong nagustuhan sa aralin.
3. Sa taas na kanang bahagi, “Ang Parisukat”, isulat ang apat (4) na
mahahalagang konsepto mula sa aralin.
4. Sa babang kaliwang bahagi “Ang Tatsulok”, isulat ang impormasyon o
ideya na natutuhan sa aralin.
5. Sa babang kanang bahagi, “Ang Bilog”, isulat ang isang popular na
babasahin at bigyang katangian ang napiling babasahin.

Ating Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang
ginagamit upang ihatid ang salaysay o kwento.
A. Komiks B. Magasin C. Tabloid D. Facebook
2. Isang uri ng dyaryo na mayroong mas maliit na sukat ng pahina kaysa
sa broadsheet, bagaman walang pamantayan ng sukat sa tabloid.
A. Komiks B. Tabloid C. Magasin D. Pahayagan
1. Peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo,
kuwento, larawan, anunsyo at iba pa.
A. Komiks B. Tabloid C. Magasin D. Pahayagan
2. Pormal na uri ng pahayagan, karaniwang nakaimprenta sa malaking
papel at nakasulat sa Ingles na wika.
Pagyamanin
Gawain 1.
1. Tabloid
2. Lalawiganin
3. Balbal
4. Banyaga
Tayahin 5. Kolokyal
1. a 6. Magasin
2. b 7. Broadsheet
3. c 8. Komiks
4. d 9. Kotemporaryo
5. a 10.dagli
Magsanay
Gawain 2
1.
2.
3. Magsanay Subukin
4. Gawain 1 1. Social Media
5. 1. Komiks 2. Facebook
6. 2. Tabloids 3. Twitter
7. 3. Magasin 4. Dagli
8. 4. Komiks 5. Share
9. 5. broadsheet
10.
Gabay sa Pagwawasto
A. Dagli B. Broadsheet C. Tabloid D. Magasin
kwento.
3. Isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling-maikling
A. Komiks B. Tabloid C. Magasin D. Broadsheet

You might also like