You are on page 1of 11

Filipno

KONTEMPORARYONG PANITIKAN
Pahayagan: Ito ay isang uri ng paglillimbag. Ito ay naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa
mga kaganapan na nangyayari sa lipunan. Ito ay maaring pangkalahatan o may espesyal na
interes at kadalasan ito ay inilalahathala ng araw-araw at lingguhan.

Dalawang Uri ng Pahayagan:

 Tabloid: Pahayagang maliit ang sukat at nilalaman ng maiksing balita. Kadalasan higit
na binbigyang pansin nito ay ang mga balitang nakakagulat lalo na ang tungkol sa
krimen, sex, at pelikula. Payak lamang ang estilo ng tabloid at kadalasang naglalaman
ng mga larawan.
o Karaniwan sa mga nagbabasa nito ay masa.
o Karaniwang nakalimbag sa tagalog o balbal.
 Broadsheet: Pahayagang may laki at haba ang pormat. Ito ay mayroong seryosong
pagbabalita. Hindi lamang pambansa ang sakop nito ay kundi kasama na rin ang
internasyonal.
o Karaniwang nagbabasa dito ay may kaya sa buhay
o Karaniwang nakalimbag sa ingles.

Kasaysayan:

1. 1811 – Unang inilabas ang pahayagang Del Superior Govierno.


2. 1846 – Inilabas ang La Esperanza.
3. 1848 – 1852 – Nagtagal ang Diario de Manila.
4. 1882 – Inilabas ang Diariong Tagalog.
5. 1889 – Unang nilimbag ang La Solidaridad.
6. 1896 – Ang Kalayaan (KKK).
7. 1898 – La independencia.
8. 1899 – Lumabas ang The Manila Times noong panahon ng mga Amerikano.
9. 1900 – Lumabas ang The Bulletin (Manila Daily Bulletin).
10. 1941 – 1945 – Ang paglabas ng The Daily Tribune, Manila Bulletin, at The Daily Herald.
Bahagi ng Pahayagan:
1. Mukha ng Pahayagan – Ito ang pinakaunang pahina ng pahayagan. Naglalaman ito ng
pangalan ng pahayagan at headline ng mga balita. Makikita mo rin sa pahinang ito ang
petsa kung kailan nailimbag ang dyaryo.

2. Balitang Pandaigdig – Mababasa naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t-
ibang parte ng daigdig. Naglalaman din ito ng mga balita na may kaugnayan sa labas ng
ating planeta.

3. Balitang Panlalawigan – Nakapaloob naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa


iba’t-ibang lalawigan ng bansa.

4. Editoryal o Pangulong Tudling – Ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong kuro-


kuro ng patnugot o mamamahayag tungkol sa isang napapahong isyu o paksa.

5. Balitang Komersyo – Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat na may
kaugnayan sa industriya, kalakalan, at komersyo. Mababasa din dito ang kasalukuyang
estado ng palitan ng piso kontra sa pera ng ibang bansa.

6. Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga taong naghahanap ng
trabaho na pwedeng pag-aplayan. Dito rin mababasa ang mga patalastas tungkol sa mga
bagay na ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng kotse, bahay at iba pang ari-arian.

7. Obitwaryo – Ito ay parte ng pahayagan na naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa mga


taong pumanaw na. Mababasa sa bahaging ito ang impormasyon ng mga namayapang
tao, kung saan ito nakaburol, kailan at kung saan ito ililibing.

8. Libangan – Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na naghahatid ng aliw sa mga
mambabasa. Mababasa dito ang mga balita tungkol sa mga kaganapan sa showbiz, mga
tampok na palabas sa pelikula at telebisyon, at iba pang maiuugnay sa sining.
Naglalaman din ito ng mga laro na nakakakuha ng interes ng mga mambabasa, tulad ng
sudoku at crossword puzzle. Dito rin matatagpuan ang komiks at horoscope.

9. Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa


pamumuhay. Tulad ng tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang aspeto
ng buhay sa lipunan. Isport o Palakasan – Sa bahaging ito mababasa ang iskedyul ng mga
laro. Mababasa din sa bahaging ito ang mga kaganapan at balita tungkol sa iba’t-ibang
isport sa loob at labas ng bansa.

Komiks: Ito ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kwento. Maaring maglaman ang komiks ng diyalogo sapagkat binubuo ito
ng isa o higit pang mga larawan,na maaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng
teksto upang higit na makaapekto nang may lalim . Bagamat palagiang paksang katatawanan
ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan
ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyong.

Kasaysay:
 Si Jose Rizal ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng Komiks.
1884 – Inilathala sa magasing “ Trubner’s Record” sa Europa na “Pagong at Matsing”.

Dalawang Komiks na nagging Popular sa mga Pilipino:


o “Kiko at Angge” sa Telembang
o “Ganito pala sa Maynila” sa bagong Lipang Kalabaw

 Halakhak Komiks (1946)


 Pilipino Komiks (1949)
 Tagalog Komiks (1949)
 Silangan Komiks (1950)

Bahagi ng Magasin:
o Debuhista - Cartoonist
Magasin: Ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kalimitang
pinopondohan ng mga patalastas.

Kasaysayan:

 Ang kauna-unahang magasin ay ang liwayway na nailathala noong 1922.

Mga Uri ng Magasin:

1. FHM (For Him Magazine) – Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at
puno ng mga impormasyon na nagiging instrument upang mapag-usapan ng kalalakihan
ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlanagan.

2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo rito nagsisilbing gabay


upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan,
kagandahan, kultura, at maybahay.

3. Good Housekeeping – Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong
nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at
maging mabuting maybahay.

4. Yes! – Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago,
puno ng mga nakaw-atensiyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga
pinakasikat na artista sa bansa.

5. Metro – Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang nilalaman ng Metro.

6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng bataaan. Ito ay gawa
ng mga batang manunulat na mas nakunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.

7. Men’s Healath - Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng


kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersiyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri
sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay nagging paborito
ng maraming kalalakihan.

8. T3 – Isang magasin para malamang sa mga gadget. Ipinikita rito ang mga pinakahuling
pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balitaat
gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.

9. Entrepreneur - Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
Dagli: Isa sa anyong pampanitikan na maituturing na maiklin kwento na lumaganap sa Pilpinas
noong unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa
isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga
damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.

Manunulat:
 Lope K. Santos
 Vicente Garcia Groyon
 Jose Corazon de Jesus

Nilalaman at Bahagi:
1. Magbigay tuon lamang sa isa:tauhan, banghay,tunggalian,diyalogo,paglalarawan ng
matinding damdamin o tagpo.
2. Magsimula lagi sa aksyon.
3. Sikaping mayroonng twist o punchline sa dulo.
4. Magpakita ng kuwento, huwag ikwento ang kwento.
5. Gawing double blade ang pamagat.

Popular na Panitikan: Pangunahing layuniin nito ay makapagbigay-aliw. Ito ay may malayang


sining ngunit nababagay sa kahit na anong panahon o pagkakataon. Ito ay sumasalamin sa
kasalukuyang pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

Mga Antas ng Wika


1. Pormal - Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa
pang araw-araw na usapan.
 Pambansa - matatalingaha
 Pampanitikan – wikang ginagamit
 Teknikal – agham at matematika
2. Di -Pormal – Ito ay wikang ginagamit ng mga tao pang araw-araw.
 Kolokyal – pang araw-aaw na silta/ short
 Balbal – slang/salitang kalye
 Lalawiganin – dayalekto ng mga katutubo
 Banyaga – hiram na salitang ingles
Broadcast Media: isang paraan ng paghahatid ng impormasyon sa nakararami.
Radyo: Ito ay isang teknolohiyang na sa pamamagitan ng “radio waves” naihahatid ang musika,
impormasyon, at usapan nang hindi nakikita sa lawak ng milyo-milyong kilometro sa buong
bansa at sa mga katabing bansa.

Mga Uri ng Programa sa Radyo:

 Naghahatid ng musika.
 Nagpapalabas ng variety.
 Nagpapakilala ng isang produkto.
 Naghahatid ng mga talakayan/ pulso ng bayan.
 Naghahatid ng napapanahong balita
 Nagbibigay opinyon kaugnay ng isang paksa
 Nakikinig ng mga awit
 Napapalabas ng teledrama
 Nagpapalabas ng pelikula
 Nagpapahatid ng mga panawagan.

Telibisyon: Ang medium ng telekumunikasyon na naghahatid o tumatanggap ng mga


gumagalaw na imahe na maaring monochrome o colored, mayroon, o walang tunog.

Mga Uri ng Programa sa Telebisyon:

1. Children Show - mga programa na ang pangunahing layunin ay makuha ang atensyon ng
mag-aaral sa paraaang sila ay masisiyahan at mgbibigay impormasyon.

2. Educational Program – mga programang tumatalakay sa mga bagay o kaalaman na


noong una ay pinag-aralan lamang sa pamamagitan ng mga nakalimbag na
impormasyon.

3. Morning Show – ang mga programming tinatawag din na breakfast television show
kung saan nag-uulat ng live tuwing umaga ang mga mamamahayag na naghahatid ng
napapanahong impormasyon.

4. News Program – ang mga programang naghahatid ng napapanahong kaganapan o


pangyayari sa loob at labas ng bansa, may ilang panayan din at komentaryo.
5. Public Service Program – naghahatid ng tulong sa mamamayan o maging daan sa
paghahatid ng tulong.
6. Magazine Show – programang nagpepresinta ng iba’t-ibang isyung napapanahon, may
kaunting panayam at komentaryo sa mga kilalang tao mga artista.

7. Travel Show - programang naglalahad ng paglalakbay sa iba’t=ibang banyan o bansa at


pagpapakilala sa mga mahahalagang kaganapan sa lugar at mga produkto dito.

8. Variety Show – mga programang nagbibigay tuon sa patimppalak sa pag-awit, pag-arte,


pagsayaw at pagpapalabas ng isang comedy skit.

9. Investigate Program – programang naglalayong tumulong sa pageresolba ng mga


krimen na hindi nabigyang solusyon.

10. Reality Show - programang naglalayong tumulong sa pagresolba ng mga krimen na


hindi nabigyang solusyon.

11. Teleserye - programang karaniwang hindi makatotohanan a may layuning libangin ang
manonood

Dokyumentaryo: Ito ay isang programa sa telebisyon o isang pelikula na naglalahad ng


mgakatotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang politikal, historikal, o
panlipunan.

o Naglalayon itong irekord ang ilang aspect ng katotohanan para makapagbigay ng aral
o makagawa ng record na pangkasay-sayan.
o Ito ay sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay s kultura atpamumuhay
sa isang lipunan.

Dapata tandaan sa pakikinayam:

1. Paghahanada sa panayam
2. Pakikinayam
3. Pagtapos ng Panayam

Dapat Tandan Bago Magsulat ng Dokumentaryong Panradyo:

1. Magsaliksik ng impormasyon
2. Huwag kalimutan banggitin ang mga personalidad na binaggit sa mga detalye upang
ipakita ang kredibilidad ng iyong isunulat
3. Magkaroong ng malinaw na pagpapasiya sa paksa

Konsepto ng Pananaw: or point of view


1. May mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito ang ayon/
batay/ para/ sang-ayon/ sa/kay, ganoon din sa mga paniniwala/ pananaw/ akala ko/
ni/ ng, at iba pa. Inihudyat ng mga ekspresyong ito ang naiisip, sinasabi, o
pinaniniwalaan ng isang tao.

2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o


pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng
naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmulan ng pananaw,
nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, Samantala

Konseptong May Kauganayang Lohikal:


1. Dahilan at Bunga/Resulta
 Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o
kinalabasan ang resulta nito.
o Dahilan: Sapagkat, Dahil, Dahilan sa, Kasi
o Bunga: Kaya, Kaya Naman, Dahilan Dito, Bunga Nito

2. Paraan at Layunin
 Ipinakikitang relasyong ito kung paano makaakmit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng
isang paraan.
o Para, Upang, at Nang

3. Paraan at Resulta
 Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta.
o Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga/Kinalabasan
 Unang Paraan: Salungat sa katotohanan ang kondisyon.
o Kung at Sana
 Pangalawang Paraan: Haypotetikal ang kondisyon
o Kapag, Sandaling, Basta’t

Dokumentaryon Pampelikula: isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang


realidad at katotohanan.

 Student Independent Film: mga pelikulang gawa ng estudyante na inilalahok sa mga


patimpalak

 Iskrip: elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo ng mga
tauhan at artista

 Brillante Mendoza: isa sa mga kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng indie film

 Coco Martin: isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at produkto ng indie films

Mga Elemento ng Pelikula:


a) Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento sa pelikula,
Ipinamamalas nito ang tunay na layunin na kwento.

b) Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong angggulo upang maipakita sa manonood ang


tunay na pangyayai sa pamamagitan ng wastong timpla ng linaw at lent eng kamera.

c) Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog


at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood.

d) Pananaliksik/Research – Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng


dokumentaryo dahil sa pamamgitan nito ay naihaharap nan mahusay at makatotohanan
ang mga detalye ng palabas.

e) Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit,


at sitwasyon para masining na paglalahad ng biswal na pagkukwento.

f) Pagdidirehe – Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang


kwento sa telibisyon o pelikula.
g) Pag-eedit - Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa
mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mag tagpo upang tayain kung
alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng
pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

Mga Iba’t Ibang Uri ng Pagkuha ng Anggulo ng Larawan:

1. Long Shot/ Establishing Shots - malayo ang pagkuha upang maipakita sa mga
manunuod ang kabuuan ng senaryo at lugar.

2. Medium Shot - kuhang mula tuhod o baywang pataas upang magbigay pokus sa
maaksyong detalye o dayalogo.

3. Close-up Shot - kuhang may pokus sa iisang bagay at hindi sa paligid.

4. Extreme-Close-up Shot – pagpokus isang bagay ng kabuuan.

5. High Angle Shot - mula sa itaas ang anggulo.

6. Low Angle Shot - mababa ang posisyon ng kamera.

7. Bird’s Eye View Shot - madalas ay ginagamitan ng aerial shot.

8. Panning Shot – Isang mabilis ng pagkuha ng anggulo.


Mga Paraan ng Pagpapahayag:

Pagpapahayag at Pag-alam sa kaisipan at saloobin:


 Pagtanggap
 Pag-aalinlanagan
 Pagtanggi
 Pagsang-ayon
 Pagsalungat
Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginawi, ipinakita, at ipinadarama.
 Pagbibigay-babala
 Panghihinayang
 Hindi Pagpayag

You might also like