You are on page 1of 39

Diptong, Klaster

at Pares Minimal
Diptong
Diptong
Ang diptonggo sa Filipino ay iw, iy, ey, ay,
aw, at oy.
Alin mang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/
at /y/ sa loob ng isang pantig ay tinuturing na diptonggo.
Kapag napapagitnaan ang /w/ at /y/ ng dalawang patinig ay
sumasama na ito sa sunod na pantig kaya hindi na ito
maituturing na diptonggo

aliw - /iw/ aliwan – a-li-wan


Diptong
Mga diptonggo sa Filipino

Harap Sentral Likod


Mataas iw, iy uy
Gitna ey oy
Baba aw, ay
Diptong
Kami + ay = Kami’y
Diptonggo ba?

/kamiy/ = Diptonggong /iy/

May daglat man o wala, kapag napalilitaw ang


tunog ng diptonggo ay tatanggapin ito bilang
diptonggo.
Klaster
Klaster
Ang kambal-katinig ay ang pagkakabit ng
dalawang magkaibang katinig sa loob ng
isang pantig.
Parami nang parami ang klaster sa Filipino
dahil sa impluwensya ng wikang Ingles
Wala umanong klaster sa taal na Tagalog
noon kaya ang pagsulat ng mga salitang
hiram na may klaster ay sinisingitan ng
patinig. Hal: Teren (tren), Tarak (Trak)
Klaster /w/ /y/ /r/ /l/ /s/
/p/ ✓ ✓ ✓ ✓
/t/ ✓ ✓ ✓ ✓
/k/ ✓ ✓ ✓ ✓
/b/ ✓ ✓ ✓ ✓ preno, twalya, trabaho,
/d/ ✓ ✓ ✓ klase, tseke, krus,
/g/ ✓ ✓ ✓ ✓ blangko, bwaya, drama,
/m/ ✓ ✓ glosaryo, plato,
/n/ ✓ ✓ syensya, hweteng,
/l/ ✓ ✓ granada
/r/ ✓ ✓
/s/ ✓ ✓
/h/ ✓ ✓
Klaster
May mga mga klaster sa posisyong pinal dahil sa mga
tanggap na salitang hiram.
/p/ /t/ /k/ /b/ /d/ /m/ /n/ /l/ /s/
/w/ ✓ ✓ ✓
/y/ ✓ ✓ ✓ ✓ ✓ ✓ ✓ ✓ ✓ Dawntawn, pawl, istrayp,
drayb, beysbol, apartment,
/r/ ✓ ✓ ✓ ✓ ✓ park, kard, nars, balb,
/l/ ✓ ✓ dimpols, absent, relaks
/s/ ✓
/n/ ✓
/k/ ✓
Pares Minimal
Pares Minimal
Salitang magkaiba ang kahulugan ngunit
magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban
sa isang ponema na magkatulad din ang
posisyon

Kadalasang ginagamit upang ipakita ang


pagkakaiba ng tunog ng magkaibang ponema

/Pala/ at /Bala/
Ponemang
S uprasegmental
Ponemang Suprasegmental
Pantulong sa ponemang segmental
Higit na magiging mabisa ang paggamit
ng ponemang segmental gamit ang mga
pantulong o suprasegmental

Tono, Haba, Diin at Antala


Tono
Tono
Taas baba na iniuukol sa pagbigkas ng
pantig sa isang salita
Sa pagsasalita may tonong mababa,
katamtaman, mataas, o mataas na
mataas.
Tonal ang isang wika kapag nagbabago
ang kahulugan ng salita kapag binago
ang tono.
1-mababang tono
2-katamtamang tono Nasunog ?
3-mataas na tono
4-mataas na mataas
su nog
3 3
na na
2 nog 2 su
1 1
Nagsaysay Nagtatanong
1-mababang tono
2-katamtamang tono Nasunog !
3-mataas na tono
4-mataas na mataas
nog
4
su
3
na
2
Padamdam
Haba
at Dii
Haba
Tumutukoy sa haba ng bigkas na
iniuukol ng nagsasalita sa patinig ng
pantig ng salita.

Diin
Lakas sa bigkas ng pantig ng isang salita
Haba
Sa phonetic transcription sinisimbolo ito
ng kolon [:]. Nilalagay ang kolon [:]
pagkatapos sa ponemang pinapahaba.

Diin
Sa phonetic transcription sinisimbolo ito
ng maliit na tuwid na kuwit ['].
Nilalagay ang kuwit ['] na ito bago ang
ponemang binibigyan ng diin.
Tono, Haba, at Diin
Karaniwang nagkakasama-sama ang
tatlong suprasegmental na ito sa
parehong pantig sa loob ng isang salita

halaman /hal'a:man/

Kung napapansin ay nagkakasama sa


pantig na /la/ ang tatlong
suprasegmental na ito
Antala
Antala
Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang mensaheng
ibig ihatid sa kausap.

Hindi makulay

Hindi, makulay
Antala
Hindi si Ana ang umiiyak.
Hindi, si Ana ang umiiyak.

Hindi si Cardo si Ador.


Hindi, si Cardo si Ador.
Hindi si Cardo, si Ador.
S ilabol (P )
antig
Pantig
Isang saltik ng dila o walang antalang bugso
ng hininga sa pagbigkas

Ang bawat bigkas ng bibig ay laging may


isang patinig

May kayarian ang mga pantig na nahahati sa


dalawa, Tradisyunal at Karagdagang
Kayarian
Kayarian ng Pantig
Tradisyunal na Kayarian
P u-pa
KP ma-li
PK is-da
KPK han-da
Kayarian ng Pantig
Karagdagang Kayarian
KKP pri-to
PKK eks-perto
KKPK plan-tsa
KPKK kard
KKPKK trans-kripsyon
Kapag may magkasunod na dalawa o
higit pang patinig sa pusisyong
inisyal, midyal o pinal ng salita, ito ay
hiwalay na pantig

aalis a-a-lis
maaga ma-a-ga
totoo to-to-o
Kapag may katinig na magkasunod sa
loob ng katutubong salita, ang una ay
kasama sa patinig na sinusundan at
ang ikalawa ay sa patinig na kasunod

buksan buk-san
pinto pin-to
tuktok tuk-tok
pantig pan-tig
Kapag may katinig na magkasunod sa
loob ng hiram na salitang naasimila sa
talasalitaan Filipino na may dalawang
katinig ay karaniwang kasama
sakasunod na pantig
sobre so-bre
kopya ko-pya
kapre ka-pre
tokwa to-kwa
Kapag may katinig na magkasunod sa loob ng
hiram na salitang naasimila sa talasalitaan
Filipino na may tatlong katinig na
magkasunod, ang unang dalawa ay kasama sa
patinig na sinusundan at ang huli ay patinig na
kasunod.
eksperto eks-per-to
transportasyon trans-por-ta-syon
eksperimento eks-pe-ri-men-to
Kapag may katinig na magkasunod sa loob ng
hiram na salitang naasimila sa talasalitaan
Filipino na may apat na katinig na
magkakasunod, ang unang dalawa ay kasama
sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa
ay sa patinig na kasunod
ekstra eks-tra
ekstradisyon eks-tra-di-syon
eksklusibo eks-klu-si-bo
transkripsyon trans-krip-syon
Ang tuntuning sinusunod sa pag-uulit ng
pantig ay kung ang unang tunog ng
salitang-ugat o batayang salita ay patinig,
ang patinig lamang ang inuulit.
a-lis a-a-lis
i-wan i-i-wan
am-bon a-am-bon
ak-yat a-ak-yat
eks-tra e-eks-tra
Sinusunod pa rin ang tuntuning nabanggit
kahit may unlapi ang salita

mag-alis mag-a-a-lis
maiwan ma-i-i-wan
umambon u-ma-am-bon
umekstra u-me-eks-tra
Ang tuntuning sinusunod sa pag-uulit ng
pantig ay kung ang unang pantig ng salitang-
ugat o batayang salita ay nagsisimula sa
patinig-katinig (PK), ang katinig at ang
kasunod na patinig lamang ang inuulit.
ba-sa ba-ba-sa mag-ba-ba-sa
la-kad la-la-kad mag-la-la-kad
lun-dag lu-lun-dag nag-lu-lun-da-gan
takbo ta-tak-bo mag-ta-tak-bu-han
nars mag-na-nars
Ang tuntuning sinusunod sa pag-uulit
ng pantig ay kung ang unang pantig
ng salitang-ugat o batayang salita ay
may klaster na katinig, dalawang
paraan ang maaring gamitin. Ito ay
batay sa kinagawian ng nagsasalita
Inuulit lamang ang unang katinig at patinig

plan-tsa pa-plan-tsa-hin mag-pa-plan-tsa


pri-to pi-pri-tu-hin mag-pi-pri-to
kwen-to ku-kwen-tuhan mag-ku-kwen-tu-han
trans-per ta-trans-per mag-ta-trans-per
Inuulit ang klaster na katinig, kasama ang
patinig

plan-tsa pla-plan-tsa-hin mag-pla-plan-tsa


pri-to pri-pri-tu-hin mag-pri-pri-to
kwen-to kwe-kwen-tuhan mag-kwe-kwen-tu-han
trans-per tra-trans-per mag-tra-trans-per

You might also like