Setyembre 21, 1972 : Nagdeklara si Pangulong Marcos ng batas militar.
Mayo 8, 1980 : Si Ninoy Aquino Jr., na nabilanggo sa loob nang walong taon, ay pinahintulutan ni Pangulong
Ferdinand Marcos na magtungo sa Estados Unidos para magpaopera sa puso.
Agosto 21, 1983 : Pinatay si Aquino habang palabas ng eroplanong China Airlines. Ang pangyayaring ito ay
nagpagising sa damdaming makabayan ng maraming Pilipino. Mga hayag na demonstrasyon ang sumunod
matapos ang kamatayan ni Aquino.
Setyembre 21, 1983 : Si Cory Aquino kasama ang mga Pilipino ay nagsagawa ng “Pambansang Araw ng dalamhati,”
isang buwan matapos ang pagkamatay ng kanyang kabiyak na si Ninoy Aquino. Kasabay ito ng ikalabing-isang
anibersaryo ng pagdedeklara ng batas militar.
Nobyermbre 3, 1985 : Nagdeklara si Pangulong Marcos na magkakaroon ng mabilisang eleksiyon at siya ay muling
tatakbo para maihalal.
Disyembre 3, 1985 : Ipinahayag ni Cory Aquino ang kanyang kandidatura para sa pagkapangulo. Ang kanyang
deklarasyon ay naganap isang araw pagkatapos mapawalang-sala ang AFP Chief of Staff na si Fabian Ver sa
pagpatay kay Benigno Aquino.
Pebrero 7, 1986 : Ginanap ang makasaysayang Mabilisang Eleksiyon.
Pebrero 9, 1986 : Tatlumpung computer technician na tumatao sa mga makina ng pambilang ng Comelec ang
umalis bilang protesta laban sa sinadyang pagbabago sa mga resulta ng eleksiyon.
Pebrero 16, 1986 : Si Cory Aquino, kasama ang kanyang mga tagasuporta ay nagsagawa ng kanilang sariling
bersiyon ng “victory rally”. Nanawagan din siya para sa sibil na pagsuway, kung saan tumugon ang maraming tao.
Pebrero 24, 1986 : Kumalat ang mga usap-usapan na si Marcos at ang
kanyang pamilya ay umalis ng bansa. Pinatunayan ni Marcos na mali ang mga
usap-usapan at nagdeklara na wala siyang intensiyon na lisanin ang bansa.
Nagdeklara din siya ng state of emergency.
Pebrero 23, 1986 : Libu-libong tao ang nagsimulang magtipon sa kahabaan
ng EDSA upang magbigay ng mga pagkain at iba pang suplay sa mga sundalo.
Pebrero 22, 1986 : Sina Vice Chief of Staff Lt. Heneral Fidel V. Ramos at
Ministro ng Depensa na si Juan Ponce Enrile ay nagpahayag ng kanilang pag-
alis ng suporta kay Pangulong Marcos at nanawagan para sa kanyang
pagbibitiw.
Pebrero 25, 1986 : Nanumpa sina Marcos at Aquino sa dalawang
magkaibang lugar sa harap ng magkaibang mga tao. Nanumpa si Marcos sa
Palasyo ng Malacañang habang si Aquino ay nanumpa sa Club Filipino.
Pebrero 25, 1986 : Sina Marcos at ang kanyang pamilya, kasama si Ver at ilan
sa kanyang mga tauhan, ay nagtungo sa Hawaii.