You are on page 1of 2

Central Bicol State University of Agriculture

Kolehiyo ng Depelopment Edukasyon


San Jose, Pili, Camarines Sur
Laboratory High School

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

I.LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang,

1.Nabibigyang kahulugan kung ano ang pag-ibig.

2.Naiuugnay ang damdamin na nais ipabatid ng tula sa tunay na buhay.

3.Nakagagawa ng isang islogan batay sa paksang tinalakay.

II.NILALAMAN

A.Paksa: Pag-ibig ni Teodoro Gener

B.Sanggunian: Panitikang Pilipino (aklat baitang 8)

C.Konsepto: Ang tulang ito ay tumatalakay sa pag-ibig na walang pinipiling antas sa buhay at maging
hitsura man.

D.Kasanayang dapat Linangin: Pakikinig at Pagsasalita

E.Kagamitang Panturo: Kagamitang biswal ,makukulay na papel at pisara

F.Estratehiya: Kasanayang malinaw na pagtuturo

III.Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

a. Panalangin

b. Pagtala ng liban

c. Pagwawasto ng takdang aralin

d.Pagbabalik-Aral

B.Pagganyak

Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat at magpapaunahang buuin ang puzzle. Ang sino
mang mauna ay may karagdagang puntos sa ating pagsusulit mamaya.

C. Paglalahad
Ipakikita ng guro ang
larawang nabuo at
ipapaliwanag kung anu nga
ba ang kaugnayan nito sa
paksang tatalakayin na “Pag-ibig” ni Teodoro Gener . Magkakaroon ng dugtungang pagbasa ng tula.
D.Aktibiti
Papangkatin ang klase sa apat na grupo
Magbibigay ng panuto ang guro sa gagawin at Ididikit ang biswal na kagamitan upang ipakita ang
pamantayan sa paghuhusga:
Kalinawan -30%
Kahusayan -35%
Kooperasyon-15%
Kasiningan -20%
Kabuuan -100%

 Ang unang pangkat ay ipapaliwanag ang unang saknong at ang mga sumunod na pangkat ay
ipapaliwanang ang natitirang saknong ng tula.

E.Paglalahat
Ang tulang pag-ibig ni Teodoro Gener ay isang tulang tradisyonal. Ang tulang tradisyonal ay
tumatalakay sa pag-ibig at buhay nayon. Ito rin ay may makabayang tunguhin. Halimbawa nito ang dalit,
tanaga at ang mga anyong awit na ginamit ni Balagtas at ang mga makikita sa mga berso ng balagtasan.
Ang tulang “Pag-ibig” ni Teodoro Gener ay tumatalakay sa isang taong umiibig. Isang taong tunay at
busilak ang pag-ibig ng walang pinipiling kaaantasan sa buhay at maging hitsura man ay hindi basehan
sa larangan ng pag-ibig. Dahil ang tunay na pag-ibig ay walang pinipiling lugar, panahon,at maging
kasarian man. At kadalasan ito ay dumarating sa panahong dimo inaasahan .

IV.Pagtataya
Panuto: Gumawa ng isang islogan tungkol sa tulang “Pag-ibig” ni Teodoro Gener.

V.Takdang-Aralin
Magsaliksik tungkol sa iba pang uri ng tula. Ibahagi sa klase ang mga nasaliksik . Tungkol saan ang
mga tulang inyong nasaliksik? Isulat sa isang buong papel sa paraang graphic organizer.

Inihanda ni: Rongco, Mary Joyce N.

Ipinasa kay: Bb.Mariane N. Villar

- Guro sa Fil.105-

You might also like