You are on page 1of 6

Tanggapan ng mga Paaralang Sangay

Mababang Paaralang Eulogio Rodriguez


Lungsod ng Caloocan

PAARALAN Global Reciprocal Colleges BAITANG: 2


:
GURO: Alfonso R. Quindoza Jr. ASIGNATURA FILIPINO 2
:
PETSA: Disyembre 9, 2022 MARKAHAN: UNA
PAKSA: Modyul 1: Mga Salitang Panghalip Panao
(Ako, Ikaw, Siya, Tayo, Kayo, Sila)
Wika at Gramatika: Nagagamit ang mga
salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya)

INAASAHANG Nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang


BUNGA/PAGGANAP: kasanayan sa pag-unawa at pag-iisip sa mga
narinig at nabasang teksto at ipahayag nang
mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama.
MGA KASANAYANG  Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari
PAMPAGKATUTO: ng kuwentong napakinggan batay sa larawan.
 Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto
sa tulong ng mga larawan.
 Nagagamit ang mga salitang pamalit sa
ngalan ng tao (ako, ikaw, siya)
 Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga
tunog upang makabuo ng bagong salita.
 Nakapagbibig ay ng angkop na pamagat sa
binasang teksto
 Nasisipi nang wasto at maayos ang mga
pangungusap.
 Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa
upang makahikayat ng pagmamahal sa
pagbasa
KAGAMITANG PANTURO: Kagamitan: Larawan, Biswal pangturo, Laptop
at Speaker.

Sanggunian:
Sotto, G. (2020) Filipino 2 Ikatlong Markahan -
Modyul 1 Mga Salitang Panghalip Panao (Ako,
Ikaw, Siya, Tayo, Kayo, Sila)

https://www.slideshare.net/MailynViodor/panghalip
-panao-239735272

Grade 4-filipino-ako-ikaw-siya (slideshare.net)


GABAY NG PAGKATUTO BILANG 1
(Ikalawang Yugto – Gramatika)
I. Mga Tiyak na kasanayang pampagkatuto
 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan batay sa
larawan.
 Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga larawan.
 Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya)

II. Proseso
A. Panimulang Gawain
Unawain at pakinggang mabuti ang maikling kwento. Pag katapos ay pag
sunod-sunudin ang mga larawan batay sa napakingan at isalaysay muli
ang kwento gamit ang na isaayos na larawan. at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.

Chikiting patrol
(7) Grade 3 Filipino Ako, Ikaw, Siya - Sibol.ph - YouTube
1. 2. 3. 4.

5. 6. 7. 8.

Sagutin:
1. Ilahad ang ang nilalaman at naramdaman sa kwento?
2. Meron ka bang mga kaibigan na katulad ng chikiting patrol?
3. Anong katangiang Pilipino ang ipinapakita ng chikiting patrol?

B. Lunsarang Teksto

Sino ang Pilipino?

Nagliligpit si Lisa ng mga Kagamitan sa Kusina. Nilapitan siya ni


Roy at tinulungan.
Roy: Ate, nalilito ako. Sabi ni Ana, Pilipino siya. Si Nikita, Hindi raw. Ako
ba Pilipino rin?
Lisa: Aba, Oo, Pilipino ka rin.
Roy: Ikaw, Pilipino ka rin ba?
Lisa: Oo.
Roy: Linawin mo nga Ate. Paano tayo nagging Pilipino?
Lisa: Pilipino ang mga magulang natin.
Roy: Pilipino tayo? Bakit si Nikiti, naiiba?
Lisa: Hindi Pilipino ang mga magulang niya. Koreano sila.
Roy: Alam ko na. Malinaw na sa akin. Kung ang mga magulang mo ay
Pilipino, Pilipino ka.
Lisa: Oo, Kahit isa lang sa mga magulang ang Pilipino, ang anak ay
Pilipino pa rin.

C. Pagsusuring Gramatikal
1. Ilahad ang kaisipan na nakuha mula sa nabasa.
2. Tukuyin ang diyalogo na nagsasaad ng sumusunod:
a. Tukuyin ang diyalogo na pinag-uusapan ang isang tao.
b. Tukuyin ang diyalogo na tumutukoy sa sarili.
c. Tukuyin ang diyalogo na tinutukoy ang kausap.

D. Pagbibigay ng Input

Panghalip na Panao
(Ako, Ikaw, Siya)

Ang mga salitang ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng tao ay tinatawag


na Panghalip na Panao.

Ang ako ay panghalip panao na ginagamit pamalit sa ngalan ng taong


nagsasalita.

Halimbawa:
Ako ay nagtungo sa Plaridel.
Ako ay kumain muna bago umalis ng bahay.

Ang Ikaw ay panghalip panao na ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng


taong kinakausap.

Halimbawa:
Ikaw ay inaanyayahan ko sa aking kaarawan.
Kuya Joel, Ikaw po ba ang susundo sa akin?

Ang Siya ay ipinapalit para sa ngalan ng isang taong pinag-uusapan.

Halimbawa:
Siya ang kapatid ni Nathalie.
Maglalaro siya ng tumbang-preso.

E. Pagbibigay ng Gawain
Pagsasanay
Panuto: Bilugan mo ang wastong panghalip panao para sa bawat
pangungusap. Gamitin ang larawan upang matukoy ang tamang
panghalip na gagamitin.

1. (Ako, Ikaw, Siya) ang kakambal kong si Maaria, Ang


pagpapakilala ni Maro sa kapatid.

2. Magandang Umaga Ginoong Garcia. (Ako, Ikaw, Siya) ang


bago ninyong mag-aaral

3. (Ako, Ikaw, Siya) ay madalas na isinasama ng Lolo ko sa


Pamamasyal.

4. (Ako, Ikaw, Siya) ang may kaarawan. Ang aking kapatid.

5. (Ako, Ikaw, Siya) ba ang bagong mag-aaral ditto?


Pangkatang Gawain

Pangkat Una
Bumuo ng bahay na may tatlong dibisyon na may naka sulat na Ako,
Ikaw, at siya at sa bawat dibisyon nito ay gumawa ng tig-tatlong
pangungusap na ginagamit ang mga sumusunod na panghalip.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain:


Orihinalidad – 25%
Pagkamalikhain – 25%
Nagagamit ng tama ang panghalip na Ako, Ikaw at Siya – 50%

Pangkat Dalawa
Mag isip ng (5) limang pangungusap na maaring pinapakita ng larawan.
gamit ang larawan. Gamitan ito ng panghalip na Ako, Ikaw, at Siya.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain:


Kaayusan ng gawa – 25%
Kaangkupan ng pangungusap sa larawan – 25%
Nagagamit ng tama ang panghalip na Ako, Ikaw at Siya – 50%

Pangkat Tatlo
Gumawa ng maikling kwento tungkol sa magkakaibigan gamit ang
panghalip na Ako, Ikaw, at Siya.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain:


Orihinalidad – 25%
Nilalaman – 25%
Nagagamit ng tama ang panghalip na Ako, Ikaw at Siya – 50%

F. Sintesis
Nalaman ko _______________
Naramdaman ko na ___________
Kaya naman ______________

III. Takdang-aralin
Bumuo ng liham na nais mong sabihin para sa iyong guro. Gamitan ito ng
panghalip na Ako, Ikaw, at Siya. Isulat ito sa bond paper. Mag patulong kay
nanay o kay tatay sa pag sulat.

You might also like