You are on page 1of 4

FILIPINO 2 (Unang Markahan)

Aralin 2
PANGUNAHING PAKSA: Panghalip Panao
Konsepto: Ang panghalip ay salitang panghalili o pamalit sa ngalan ng tao. Ito ay tinatawag na
panghalip panao.
Sanggunian: K-12 self-learning module sa Filipino Grade 3 Materyales: Laptop, worksheets

I. Kompetensi:
. Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng Tao (Ako, ikaw, siya, tayo,
kayo, sila) F2WG-Ig-3

Mga Layuinin:
Pagkatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. tukuyin ang mga gamit ng panghalip panao;
b. apresyahin ang kahalagahan ng panghalip panao; at
c. sumulat ng mga pangungusap gamit ang pang halip panao.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
- Pagdadasal
- Pagbati
- Sinusuri ang pagdalo

B. Balik-aral
- Ano ang huling paksa na ating tinalakay?
Isulat ang wastong baybay ng mga sumusunod na salita.
1. Batuta
2. Platito
3. Filipino
4. Abaniko
5. Katipunan

C. Pagganyak *Basahin ang kwento

Unang araw sa skwelahan, wala pa akong masyadong kakilala at kaibigan.Pero isang


mag-aaral ang aking nakasabay sa silid at ninais kong makipag kaibigan sa kanya.
‘’Ako nga pala si Roger, ikaw? Ano ang pangalan mo? Sagot niya ‘’Ako nga pala si
Jam’’ may mga kaibigan ka ba dito? Sabi ko ‘’Wala e, ikaw lang yung una kong
kakilala.’’ Sagot niya ‘’Sige tara, ipakilala kita sa mga kaibigan at kaklase ko.’’
‘’Siya nga pala si Roger, kaibigan ko.’’ wika ni Jam. Sabi ko ‘’Kayo pala yung
ikinuwento ni Jam sa akin, pwede ba akong sumama sainyo?’’ Sagot nila ‘’Oo naman’’
Page 1|2
Jacinto_2021
FILIPINO 2 (Unang Markahan)

‘’Simula ngayon, kaibigan mo na rin sila’’ wika ni Jam. ‘’Salamat! Oh paano?


Magkaibigan na tayo, tara laro na tayo.’’ At sila ang una kong kaibigan.

- Ano ang iyong napansin sa kwento?


- Ano ang mga salitang salitang may kulay?
- Ano sa tingin mo ang paksang tatalakayin?

D. Paglalahad
- Ang paksang tatalakayin ngayon ay tungkol sa mga salitang pamalit sa ngalan
ng tao (AKO, IKAW, SIYA, TAYO, KAYO, at SILA) o tinatawag na panghalip
panao.

E. Pagtatalakay
1. Tatalakayin ng guro ang mga panghalip panao, ang kahalagahan nito at
magbibigay ng halimbawa.
Ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao ay; Ako, ikaw, siya, tayo, kayo at sila.
Ang mga salitang ito ay mga halimbawa ng panghalip.
Halimbawa:
1. Ang pangalan ko ay Roger. Ako ay masayahing bata. (Ang panghalip ay
AKO, pamalit sa pangalang Roger)

2. Tinanong ni Myra si Jojo. Ikaw ba ay marunong nang bumasa? (Ang


panghalip ay IKAW, pamalit sa pangalang Jojo.

3. Si Jennie ay mahusay sumayaw. Siya ay mahilig sa modernong sayaw.


(Ang panghalip ay SIYA, ipinalit sa pangalang Jennie.)

4. Ang aking mga kapitbahay ay masayang nagdiwang ng Pasko. Sila ay


nagpapalitan ng mga regalo.
(Ang panghalip ay SILA, pamalit sa salitang mga kapitbahay.)

5. Ikaw at ako ang mag-aalaga n gating bunso habang wala si nanay. Tayo
rin ang magpapaligo sa kanya. ( Ang panghalip ay TAYO, ipinalit sa panghalip na
ikaw at ako)

2. Gawain sa pagkatuto.
Piliin ang wastong panghalip sa loob ng panaklong. Lagyan ng salungguhit ang
tamang sagot,

1. Lylia, linisin mo ang iyong sapatos (Siya, Ikaw) na rin ang mgatago niyan sa
lalagyan.

2. Tutulungan (sila, tayo) ng mga kapitbahay natin sa paglilipat-bahay.


Page 2|2
Jacinto_2021
FILIPINO 2 (Unang Markahan)

3. Ang sipag niyang mag aral. Tularan mo (siya, sila)

4. Sino sainyo ang nagsulat sa pader? (kayo, ako) ang mananagot sa ating punong
barangay.

5. Inaanyayahan niya (siya, ako) sa kaniyang kaarawan)

F. Paglalahat

1. Ano ang paksang tinalakay natin ngayon?


2. Ano ang salitang pamalit sa ngalan ng tao?
3. Ano-ano ang mga halimbawa ng panghalip?
4. Bakit mahalagang matutunan ang panghalip panao?
Gawain sa pagkatuto.

Panuto Isulat ang wastong panghalip.

1. Upang huwag mahawa sasakit na lumalaganap ngayon, dapat_____


sumunod sa tagubilin ng mga doctor.

2. Ang aking ina ay masipag gumawa ng mga gawaing bahay. ____ ay isang
huwarang magulang.

3. ________ na lamang ang maglinis ng bahay at maghuhugas ng mga


plato.

4. Nakita ko ang pamilya ni Mark. _____ ay papunta sa luneta.

5. Bakit ninyo inaway si Jay, malalagot tuloy _____ kay Maam.

IV. Paglalapat
Punan ng wastong panghalip ang talata. Kumuha ng sagot sa loob ng kahon.

Ikaw Kayo
Ako Siya Tayo

Ang ating kapaligiran

Page 3|2
Jacinto_2021
FILIPINO 2 (Unang Markahan)

An gating kapaligiran ay isang biyaya na nagmula sa Diyos. 1._______ din ang


nagbibigay-buhay sa kalikasan. Upang hindi masira an gating kapaligiran, dapat
2. ______ lahat ay magtulongtulong sa pangangalaga nito. 3._______ bilang
isang mabuting mamayan ay makatutulong sa pagtatapon ng basura sa tamang
tapunan at 4.________ naman bilang mag aaral ay may tungkulin ding
makibahagi sa pagpapaganda at pagsasaayos n gating kapaligiran.5.____ ay
makatutulong ng Malaki sa kalikasan.

V. Takdang aralin

Sumulat ng pangungusap gamit ang panghalip panao. Isang pangungusap


para sa panghalip na ako, ikaw, siya, tayo at kayo.
1.
2.
3.
4.
5.

Page 4|2
Jacinto_2021

You might also like