You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN

Unang Markahan
Filipino 3 Oktubre 16, 2023
I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayang Pagganap: Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin,
bilis, antala at intonasyon
C. Kasanayan sa Pagkatuto: Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya)
F3WG-Ie-h-3

D. Hinimay na Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Natutukoy ang tamang gamit ng panghalip panao na ako, ikaw, at siya.
Maisa-isa ang mga kahalagahan ng bawat isa (ako, ikaw, at siya)
Nagagamit sa usapan ang panghalip panao na ako, ikaw, at siya

II. Paksang Aralin


A. Paksa:
Paggamit sa Usapan ng Salitang Pamalit Panao sa Ngalan ng Ako. Ikaw, at Siya
B. Sanggunian:
FILIPINO MELCS (F3WG-Ie-h-3) SLM Module Filipino Ikawalong Linggo
C. Kagamitan:
PowerPoint, laptop, tarpapel
D. Pagpapahalaga:Ang bawat isa (Ako, Ikaw, at Siya) ay mahalaga.
E. Integrasyon: AP: Mga Bayani ng Pilipinas
ESP: Pagkakaisa at Pagbubuklod-buklod

III. Pamamaraan
A. Balik Aral
Tukuyin ang kasingkahulugan ng bawat salita. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Maligaya a. Matalino
2. Marunong b. Maganda
3. Mabilis c. Masaya
4. Marikit d. Matibay
5. Matatag e. Matulin

B. Pagganyak
Pakinggan ang tulang Ako, Ikaw, at Siya Mahalaga.
Tanong: Patungkol saan ang tula?
Mahalaga ba ang pagkakaisa at pagsasama-sama?
Lahat ba ay mahalaga?

C. Paglalahad
Tanong: Ayon sa tula, sino ang bumibigkis sa pagkakaisa? Ako.
Sino ang katuwang kahit kailan? Siya.
Sino ang tinutukoy na mahalaga? Ikaw.

D. Pagtatalakay
Panghalip Panao na Ako, Ikaw, at Siya – pamalit sa ngalan ng tao

Ako – pamalit sa ngalan ng taong nagsasalita


Halimbawa: Ako si Teacher Jen.
Ako ay nakatira sa San Jose del Monte.

Ikaw – pamalit sa ngalan ng taong kinakausap


Halimbawa: Ikaw ba ay mag-aaral ng Marangal Elementary School?
Ikaw ba ay nasa ikatlong baitang na?

Siya – pamalit sa taong pinag-uusapan


Halimbawa: Siya ang ating pambansang bayani.
Siya ang unang pangulo ng Pilipinas.
Siya si Juan Luna.

E. Pinatnubayang Gawain
Gamit ang larawan,punan ang panghalip na ako, ikaw, at siya sa patlang.

1. _________ pala ang kaibigan ni Lito.

2. _________ ay nanalo sa paligsahan.

3. _________, saan ka nakatira?

4. _________ ba ang iyong ama?

5. _________ na ang maghuhugas ng pinggan.

F. Pangkating Gawain

Unang Pangkat: Ikahon ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap.


1. Ako ay pitong taong gulang na.
2. Si Pedro ay matapang. Siya ay hindi takot sa multo.
3. “Ikaw ang magsasaing mamaya” utos ni Lani sa kapatid.
4-5. Ako si James. Siya naman ang aking kapatid na si Jamie.

Ikalawang Pangkat: Bilugan ang tamang panghalip (ikaw, ako, at siya)

Ikatlong Pangkat:

Ikaapat na Pangkat:
Kompletuhin ang diyalogo upang mabuo ang kwento.
Nagkita ang magkalarong Nika at Miko sa bakuran. Dala ni Miko ang isang bagong saranggola.

Nika: Ang ganda ng saranggola mo Miko. _____ ba ang gumawa niyan?


Miko: Hindi _____ ang may gawa nito. Ibinigay lang ito sa akin ng kuya ko. _____ ang gumawa nito.
Nika: Talaga? Magaling palang gumawa ng saranggola ang kuya mo. Maaari nya kaya akong igawa?
Miko: Oo, naman. Halika, puntahan natin _____. Pero _____ ang magsabi sa kanya na gusto mo rin ng
saranggola.

G. Paglalapat
Kompletuhin ang pangungusap gamit ang panghalip panao na ako, ikaw, at siya.
1. _____ ay mag-aaral ng mabuti. (sarili)
2. _____ ay mag-aral ng mabuti. (kausap)
3. _____ ay nag-aaral ng mabuti. (pinag-uusapan)

H. Paglalahat
Ano-ano ang panghalip panao na ginagamit sa isahang pangngalan na tao?
Kailan ginagamit ang ako, ikaw, at siya sa isang usapan?

IV. Pagtataya

Hanapin ang letra na may tamang pagkakasulat ng pangungusap batay sa larawang makikita sa gilid nito.

1. a. Yehey! Nanalo siya.


b. Yehey! Nanalo ikaw.
c.Yehey! Nanalo ako.

2. a. Ikaw ba si Ana?
b. Ako ba si Ana?
c. Siya ba si Ana?

3.
a. Ako ang bago nating kaklase.
b. Ikaw ang bago nating kaklase.
c. Siya ang bago nating kaklase.

4. a. Ako ang inyong guro.


b. Ikaw ang inyong guro.
c. Siya ang inyong guro.

5. a. Ikaw na lang ang sumama sa akin.


b. Ako na lang ang sumama sa akin.
c. Siya na lang ang sumama sa akin.

V. Takdang aralin:
Sumulat ng pangungusap na nagsasaad ng panghalip na ako, ikaw, at siya. Isulat sa inyong kwaderno.

Inihanda ni:

You might also like