You are on page 1of 2

Lesson Plan in Filipino 2

Petsa: Perbrero 13, 2024 Tagal: 50 minuto


Oras:

I. MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng 50 minutong talakayan, ang mga mag-aaral sa Baitang 2 ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga panghalip panao na ginagamit sa pangungusap;
b. natutukoy ang tamang panghalip panao na dapat gamitin sa pangungusap; at
c. nagpapakita ng aktibong pakikilahok sa talakayan sa klase.
II. NILALAMAN: Nagagamit ang salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya, tayo, kayo, sila)
III. KAGAMITANG PANTURO
 Filipino 2 MELCs, K-12 CG, Filipino 2 Q3 W1, pictures, YT
IV. PAMARAAN
1. Activity (10 minutes)
a. Introductory Activity
- Pagbabalik-aral
 Kantahin ang Panghalip Panao
 Ano ang tawag sa mga salitang pamalit sa ngalan ng tao?
 Ano-ano ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao?
b. Activity/Strategy:
 Pangkatang Gawain: Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima.
Panuto: Ibigay ang mga nawawalang titik upang makumpleto ang
salita batay sa larawan

A_o S_y_

_k_w Ta__

S_la K_y_

2. Analysis (15 minutes)


- Panuto: Piliin ang wastong panghalip panao para sa bawat pangungusap.
Gamitin ang larawan bilang batayan. Isulat ang inyong sagot sa inyong
sagutang papel.

1. (Ako, Ikaw, Siya) ay mabait na bata.

2. (Siya, Kayo, Ikaw) ang aking masipag na ama.


3. (Ikaw, Sila, Kayo) ay nagtatrabaho sa ospital.

3. Abstraction: (10 minutes)


- Mahalagang malaman natin ang mga salitang maaaring ipalit sa ngalan ng tao.
- Ang mga salitang ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng tao ay tinatawag na
Panghalip na Panao.
- Ang Ako ay panghalip panao na ginagamit na pamalit sa ngalan ng taong na
nagsasalita. Habang ang Tayo ay ipinapalit kapag kasama ang taong
nagsasalita at ngalan ng kausap.
- Ang Ikaw ay panghalip panao na ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng taong
kinakausap. At ang panghalip na Kayo ay ginagamit bilang pamalit sa ngalan
ng taong kinakausap na higit sa dalawa.
- Ang Siya ay ipinapalit para sa ngalan ng isang taong pinag-uusapan. Habang
ang Sila naman ay ipinapalit sa ngalan ng mga taong pinag-uusapan.
4. Application: (10 minutes)
- Pangkatang Gawain: Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima
- Panuto: Tukuyin at salungguhitan ang panghalip panao na ginamit sa bawat
pangungusap
1. Kami ay sama-samang mamasyal sa mall bukas ng umaga.
2. Ako ay laging nagmamano sa mga nakakatanda sa akin.
3. Tayo ay naatasang maglinis ng ating silid-aralan.
4. Sila ang mga kaibigan ko.
5. Umiinom ako ng gatas gabi-gabi

V. Assessment/Evaluation: (5 minutes)
- Panuto: Piliin ang wastong panghalip panao para sa bawat pangungusap.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. ________ (nagsasalita) ay mapagmahal sa aking mga magulang.
a. Ako b. Sila c. Tayo d. Siya
2. Umalis (si ate) ________ kaninang umaga para bumili ng ulam.
a. siya b. kayo c. tayo d. sila
3. (Ikaw at ako) ________ ay dapat sumunod sa mga ipinagbabawal gawin
ng ating pamahalaan.
a. Ikaw b. Sila c. Tayo d. Kayo
4. Gabi-gabi ________ (ako at ang aking pamilya) ay sama-samang
nanonood ng balita.
a. ako b. sila c. kami d. tayo
5. (ang aking nanay) ________ ay masarap magluto.
a. Ikaw b. Kayo c. Sila d. Siya.
VI. Assignment:
- Panuto: Bumuo ng 5 pangungusap gamit ang mga panghalip panao.

You might also like